You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL
DINALUPIHAN, BATAAN

Summative Test sa Filipino 10


Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.

1. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?


A. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
B. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
C. May taglay na talinghaga.
D. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.

2. Ang mga sumusunod ay katangian ng mitolohiya ng mga Roman MALIBAN SA ISA.


A. Kadalasang pumapaksa sa politika, ritwal at moralidad.
B. Hinalaw nila ang kanilang mitolohiya sa mga Greek.
C. Naging pambansang epiko ng mga Roman ang Iliad at Odyssey.
D. Kabayanihan ang kadalasang tema ng kuwento.

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.

4. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?


A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kaninaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig
kung walang tiwala.”
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay

6. Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay ukol sa dalawang taong nag-uusap. Ang marunong na si
__________ at si ____________.
A. Socrates at Plato C. Socrates at Glaucon
B. Plato at Glaucon D. Glaucon at Pluto

7. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang liwanag?


A. elemento ng kalikasan C. kabutihan ng puso

Address: Luacan, Dinalupihan, Bataan 2110


Telephone Number: (047) 633 -2135
Email Address: luakannationalhighschool@gmail.com School ID: 300708
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL
DINALUPIHAN, BATAAN

B. edukasyon at katotohanan D. kamangmangan at kahangalan

8. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.” Paano binigyan-kahulugan ang salitang
kadena sa loob ng pangungusap?
A. nagtataglay ng talinghaga
B. maraming taglay na kahulugan
C. taglay ang literal na kahulugan
D. wala sa nabanggit

9. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
A. amo C. Diyos
B. bathala D. siga

10. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?


A. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan
B. may mga talinghaga o nakatagong mensahe
C. nagpapahayag ng damdamin
D. nagpapahayag ng kabayanihan

B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap at punan ang talahanayan. Tukuyin
ang PAKSA, PANDIWA at POKUS ( Tagaganap, Tagatanggap, Gol o Kagamitan) ng pandiwang
ginamit.

Pangungusap Paksa Pandiwa Pokus


Ang abaka ay ipinantali niya sa 11. 12. 13.
duyan.
Iniayos ni Psyche ang mga buto ayon 14. 15. 16.
sa pagkakauri nito.
Kinuha ni Psyche ang gintong 17. 18. 19.
balahibo ng tupa.
Ang pana ni Cupid ay 20. 21. 22.
maipanggagamot kay Psyche.
Ipinag-utos ni Apollo na bihisan si 23. 24. 25.
Psyche ng pinakamaganda niyang
damit.

C. Panuto: Base sa nasalungguhitang pandiwa sa bawat pangungusap, tukuyin mo ang gamit ng mga ito.
Isulat sa iyong sagutang papel kung ito ba’y aksiyon, karanasan, o pangyayari.

26. Hindi nasiyahan si Jupiter dahil sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
27. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid na mag-ingat sa kaniyang asawa.

Address: Luacan, Dinalupihan, Bataan 2110


Telephone Number: (047) 633 -2135
Email Address: luakannationalhighschool@gmail.com School ID: 300708
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL
DINALUPIHAN, BATAAN

28. Nalungkot si Psyche sa pagsubok ni Venus.


29. Naglakbay si Wigan sa lugar ng mga diyos.
30. Tumalima ang mag-asawang Wigan at Bugan sa mga payo ng mga diyos.

D. Panuto: Basahin at piliin mo sa Kolum B ang tamang kahulugan ng mga elemento at bahagi ng sanaysay
na nasa Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.

KOLUM A KOLUM B

31. Himig
A. saloobin ng isang may-akda
32. Larawan ng Buhay
B. nagpapagiwatig ng kulay o kalikasan
33. Wika at Estilo
C. matatalinghagang pahayag
34. Tema
D. inilalahad ang pangunahing kaisipan
35. Panimula
E. sinusuportahan nito ang unang kaisipan
36. Gitna
F. nakapaloob ang kabuoan ng sanaysay
37. Anyo at Estruktura
G. nagsasabi ng tungkol sa isang paksa
38. Kaisipan
H. maayos na pagkakasunod-sunod
39. Damdamin
I. kaugnay o nagpapaliwanag sa tema
40. Wakas
J. paggamit ng simple at payak na salita
K. nailalarawan ang buhay

E. Panuto: Sipiin sa isang hiwalay na papel ang mga pangungusap at punan ng angkop na ekspresiyon ang
bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Batay sa Sa paniniwala ko Alinsunod sa

Ayon sa Inaakala ng Sa tingin ko

41. _________________ tauhang si Psyche sa Mitolohiya, “Kapag mahal mo ang isang nilalang, ipaglalaban
mo ito.”
42. _________________ Ordinansa, upang maiwasan ang pakalat-kalat na mga alagang hayop, nagpanukala
ang bayan na “aso mo, itali mo.”
43. _________________, kahit maraming problema sa pamilya, hindi ito ang hadlang upang makamit niya
ang tagumpay sa buhay.

Address: Luacan, Dinalupihan, Bataan 2110


Telephone Number: (047) 633 -2135
Email Address: luakannationalhighschool@gmail.com School ID: 300708
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL
DINALUPIHAN, BATAAN

44. _________________ maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa kanilang pamumuhay ay


ang makapagtapos ng pag-aaral.
45. _________________, Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang Pambansa ng Pilipinas
ay Filipino.

46-50: Panuto. Ibigay ang iyong opiniyon sa tanong na, “Gaano kahalaga ang Edukasyon at Katotohanan
sa buhay ng isang tao?”

Address: Luacan, Dinalupihan, Bataan 2110


Telephone Number: (047) 633 -2135
Email Address: luakannationalhighschool@gmail.com School ID: 300708

You might also like