You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division Office of Isabela
300510-BACNOR NATIONAL HIGH SCHOOL
Bacnor West, Burgos, Isabela

Pangalan_______________________Seksyon______________Petsa________________Puntos

LAGUMANG PAGSUSULIT (1st Quarter-1st Distribution) 40


FILIPINO 10
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o katanungan. Itiman ang bilog sa katapat na letra ng napiling
kasagutan sa iyong talasagutan.

1. Sa mitolohiyang griyego, sino ang Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at buwan. Anak nina Jupiter at
Latona. Kakambal na babae ni Apollo.?
a. Artemis b. Aphrodite c. Hera d. Venus
2. Ang Modyul 1 ay tungkol sa klasikong Mito mula sa Rome, Italy. Ang bansang ito ay tinagurian ding
Lupain ng mga__________.
a. Kambing b. Baboy c. Baka d. Kalabaw
3. Batay sa nabasa, alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mito o mitolohiya?
a. Nagsasalaysay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
b. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
c. Nagpapaliwanag ng pinagmulan ng buhay sa daigdig.
d. Kadalasang sa sinaunang panahon naganap ang isang mito.
4. Ang sumusunod ay kabilang sa gamit ng isang mitolohiya noong unang panahon MALIBAN SA ISA.
a. nagpapaliwanag ng puwersa ng kalikasan c. nagpapahayag ng matinding damdamin
b. isinasalaysay ang gawaing panrelihiyon d. maipaliwanag ang kasaysayan
5. “Isinakay ng ibon ang dalawa sa kaniyang likod at dinala sa isang pulo kung saan nila sisimulan ang
kanilang lahing kayumanggi.” Ang mga tauhan sa bahaging ito ay tumutukoy sa anong lahi?
a. Romano b. Tsino c. Pilipino / Malay d. Aprikano
6-10 Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay:
a. Tagaganap b. layon c. tagatanggap d. kagamitan
6. Ang langis ay ipinanghugas niya sa mwebles.
7. Kinain ni Psyche ang Ambrosia.
8. Gumawa ng paraan si Cupid upang mailigtas si Psyche.
9. Pinakain ni Psyche ng cake ang mabangis na Cerberus.
10. Natukso si Psyche na buksan ang kahon ng kagandahan.
11. Anong uri ng sulatin ang pinagbatayan sa pagsulat ng ma parabula?
a. Banal na Kasulatan c. Diyaryo
b. Magasin d. Diksyunaryo
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nilalaman ng isang parabula?
a. maikli c.praktikal
b. kapupulutan ng mga ginintuang aral d. naglalahad ng mga bagong balita
13. Ito ay ang element ng parabula na kadalasang humarahap sa isang suliraning moral o gumagawa ng
kaduda-dudang mga desisyon at pagkatapos ay tinatamasa ang kahihinatnan nito.
a. banghay b. tagpuan c. tauhan d. kasukdulan
14. Ito’y nagpapakita ng pinangyarihan, naglalarawan ng aksiyon at nagpapakita ng resulta.
a. banghay b. tagpuan c. tauhan d. kasukdulan
15. Ano ang sangkap ng parabula na namumukod-tangi sa lahat ng mga akdang pampanitikan?
a. pantasya b. misteryo c. pakikipagsapalaran d. katatawanan
16-20.Tukuyin kung anong uri ng pang-ugnay ang salita/mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap.
a. pangatnig b. pang-ukol c. pang-angkop d. pang-abay
16. Maraming mga tao ang nagkalat na sa kalsada nang maideklarang MGCQ na ang lungsod.
17. Ayon sa IATF, kinakailangan pa ring sumunod sa quarantine protocols at social distancing measures.
18. Marami buhay na ang nawala dahil sa mapaminsalang COVID-19 na iyan.
19. Nakikipagtulungan sa maykapangyarihan ang mamamayan upang masugpo ang banta ng COVID-19.
20. Nagbigay ng ayuda ang ating pamahalaan sa mga mahihirap na mamamayan.
21. Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay ukol sa dalawang taong naguusap. Ang marunong na si
__________ at si ____________.
a. Socrates at Plato c. Socrates at Glaucon
b. Plato at Glaucon d. Glaucon at Pluto
22. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang liwanag?
a. elemento ng kalikasan c. kabutihan ng puso
b. edukasyon at katotohanan d. kamangmangan at kahangalan
23. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.” Paano binigyan-kahulugan ang salitang
kadena sa loob ng pangungusap?
a. nagtataglay ng talinghaga c. taglay ang literal na kahulugan
b. maraming taglay na kahulugan d. wala sa nabanggit
24. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
a. amo b. bathala c. Diyos d. siga
25. Alin sa sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?
a. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan c. nagpapahayag ng damdamin
b. may mga talinghaga o nakatagong mensahe d. nagpapahayag ng kabayanihan
26-30. Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa
bawat bilang.
26.______________tauhang si Psyche sa Mitolohiya, “Kapag mahal mo ang isang nilalang, ipaglalaban mo
ito.”
a. Ayon sa b. Maliban sa c. Inaakala ng d. Sa tingin ko
27. _________________ Ordinansa, upang maiwasan ang pakalat-kalat na mga alagang hayop, nagpanukala
ang bayan na “aso mo, itali mo.”
a. Ayon sa b. Maliban sa c. Inaakala ng d. Alinsunod sa

28. _________________, kahit maraming problema sa pamilya, hindi ito ang hadlang upang makamit niya
ang tagumpay sa buhay.
a. Inaakala ko b. Sa paniniwala ko c. Sa tingin ko d. Ayon sa
29. _________________ maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa kanilang pamumuhay ay
ang makapagtapos ng pag-aaral.
a. Inaakala ko b. Inaakala ng c. Sa tingin ko d. Ayon sa
30. _________________, kailangan ang pagkakaisa ng mamamayan upang mapalago at mapaunlad ang
pamumuhay ng indibidwal sa isang lipunang kinagagalawan o kinabibilangan.
a. Inaakala ko b. Inaakala ng c. Sa tingin ko d. Ayon sa
31. Nagsimula ang kasaysayan ng Gilgamesh sa ________ tulang Sumerian.
a. 2 b. 5 c. 7 d. 9
32. Ang pinakamatandang epiko sa buong mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan.
a. Beuwulf b. Ibalon c. Gilgamesh d. Iliad at Odyssey
33. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang epiko?
a. Nababasa sa isang upuan lamang
b. Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan
c. Nagpapakita ng kabayanihan ng mga pangunahing tauhan.
d. Nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa tao.
34. Galing sa salitang Greek na ________ ang epiko na nanganaghulugang salawikain o awit.
a. Epis b. Episo c. Epix d. Epos
35. _______________________ ang estilo ng pagsulat ng epiko.
a. Dactylic Hexameter c. Dactylic Pentameter
b. Dactylic Centimeter d. Dactylic Gigameter
36. Sa maagang pag-aasawa ni Gani, mabilis din silang nagkahiwalay ng kaniyang asawa, Bunga nito siya’y
nanirahan na sa abroad. Anong panandang pandiskurso ang ginamit sa pangungusap?
a. Bunga nito b. Mabilis din c. Sa abroad d. Sa maagang
37. Si Julian ay naging manhid sa asawa at parang walang pakialam. Ang nasalungguhitan ay nagsasaad ng
______________.
a. Kinalabasan b. Pagbubukod c. Pagdaragdag d. Pasubali
38. Maliban sa pagiging ina sa limang anak na pulos lalaki si Amanda ay isa ring tipikal na maybahay. Ang
nasalungguhitan ay nagsasaad ng ____________.
a. Kinalabasan b. Pagbubukod c. Pagdaragdag d. Pasubali
39. Ang mga panandang tuloy, bunga nito, kaya ay nagsasaad ng ________.
a. Kinalabasan b. Pagbubukod c. Pagdaragdag d. Pasubali
40 . Nagsasaad ng kondisyon o pasubali ang sumusunod MALIBAN sa _______________.
a. Kapag b. Kung c. Saka d. Sakali

Inihanda ni:

MARVIN E. ASUNCION Iwinasto ni:

NIǸO C. GUILLERMO
Head Teacher I/ Officer- in – Charge
Susi sa Pagwawasto

1. A 21. C
2. C 22. B
3. B 23. A
4. C 24. A
5. C 25. B
6. D 26. A
7. B 27. D
8. A 28. B
9. B 29. B
10. A 30. C
11. A 31. B
12. D 32. C
13. C 33. A
14. B 34. D
15. B 35. A
16. A 36. A
17. B 37. C
18. C 38. B
19. A 39. A
20. C 40. C
TABLE OF SPECIFICATION
&
SUMMATIVE EXAMINATION
(1ST Quarter-Week 1-4)

FILIPINO 7&10

MARVIN E. ASUNCION
Subject Teacher
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division Office of Isabela
300510-BACNOR NATIONAL HIGH SCHOOL
Bacnor West, Burgos, Isabela

Pangalan_______________________Seksyon______________Petsa________________Puntos

LAGUMANG PAGSUSULIT (1st Quarter-2ND Distribution) 20


FILIPINO 10
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o katanungan. Itiman ang bilog sa katapat na letra ng napiling
kasagutan sa iyong talasagutan.

1.Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang
pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan?
a. kuwento ng kababalaghan c. kuwentong makabanghay
b. kuwento ng katutubong-kulay d. kuwento ng tauhan
2. “Lubhang nalibang si Mathilde sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikapat na ng madaling araw nang silang
mag-asawa’y umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan.” Ang dokar ay isang
___________.
a. bangka b. kalesa c. lumang kotse d. pampasaherong dyip
3. Ipinaghihinagpis ni Mathilde ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan ang nakaaawang anyo ng mg
dingding, ang mga kortinang sa paningin niya ay napakapangit. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat
mong gawin para matupad ang mga pangarap mo sa buhay?
a. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makuntento na sa kung ano ang kaya niyang maibigay.
b. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa nang gumaan ang aming buhay.
c. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay.
d. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking mayaman.
4. Paano naiuugnay ang katangian ni Mathilde sa pangkalahatang kaisipan ng mga taga-France?
a. sa kaisipang mapagpalaya at mapagtanggol
b. sa pag-iisip na sila ay malamaharlika
c. sa mataas na estado ng pamumuhay
d. sa kaisipan ng pagkakapatiran
5. Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang pagdugtungin o pag-ugnayin ang mga pangungusap?
a. Gramatikal na pahayag c. Kohesyong Reperens
b. Kohesyong Gramatikal d. Mga Kohesyong Pahayag
6. Ito ay reperensiya na kadalasan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o
pangungusap.
a. Anapora b. Anapora at Katapora c. Katapora d. Kohesyon
7. Sa pangungusap na “Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig
dumalo sa mga kasiyahan.” Aling salita ang tumutukoy sa panghalip na sila?
a. France b. kasayahan c. sopistikado d. Taga-France
8. Sa pangungusap na, Ang France ay galing sa salitang Francia. Noong panahon ng Iron Age at Roman era,
ito ay tinawag na Gaul. Anong salita ang pinalitan ng nakasalungguhit sa pangungusap?
a. France b. Gaul c. Iron Age d. Rhineland
9. Ang kuba ng Notre Dame ay tinanghal bilang ____________________.
a. Hari ng Notre Dame c. Papa ng Kahangalan
b. Hari ng Roma d. Papa ng Notre Dame
10. “Nagmakaawa siya na bigyang siya ng tubig subalit bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya.” Sinong
tauhan ang tinutukoy ng panghalip na siya?
a. Esmeralda b. Frollo c. Gringoire d. Quasimodo
11. Isinisigaw ni La Esmeralda ang pangalan ni Phoebus nang makita niya ito nang araw na bibitayin siya
subalit tinalikuran ito ng binata at nagtungo sa pakakasalang babae. Anong damdamin ang naramdaman
ni La Esmeralda sa pangyayaring iyon?
a. pag-aalala b. pagkadismaya c. pagkainggit d. pagkalito
12. “Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tore at doon hinanap ang
dalaga.” Anong damdamin ang nanaig kay Quasimodo sa pahayag?
a. kagalakan b. katusuhan c. pag-aalala d. pag-iisip
13. Sa pananaw na ito, sinasabing ang tao ang pinakasentro ng daigdig.
a. Eksistensyalismo b. Feminismo c. Humanismo d. Romantisismo
14. Sa nobelang Ang Kuba ng Notre Dame, ang katauhan ng kuba ang pokus ng akda. Anong pananaw ang
lutang sa akda?
a. Eksistensyalismo b. Feminismo c. Humanismo d. Romantisismo
15. Nagtampo ang kuba nang malaman na ang iniibig niya ay gusto din ng kanyang ama-amahan. Kung
pasisidhiin ang kahulugan ng salitang nakaitalisado. Alin ang pinakamasidhing kahulugan nito?
a. nagalit b. nainis c. napoot d. nasuklam
16. Masaya ang kuba nang pansinin siya ng magandang si La Esmeralda. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamasidhing kahulugan ng may salungguhit?
a. lumulutang sa alapaap c. nag-uumapaw ang puso sa galak
b. naiiyak sa tuwa d. walang pagsidlan ang puso sa tuwa
17. Tumutukoy ito sa kung ano ang nadama at paano naantig ang emosyon ng mambabasa.
a. bisa sa damdamin c. bisa sa kaasalan
b. bisa sa isip d. bisa sa kalikasan
18. Ito ay isang okasyon, pagpupulong o panayam kung saan nagtitipontipon ang mga kalahok upang
talakayin ang isang partikular na paksa.
a. kumperensya b. seminar c. simposyum d. lahat ng nabanggit
19. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko?
a. tinitingnan ang negatibong aspekto ng isang akda
b. handang kilalanin ang sarili bilang manunuri
c. laging bukas sa pananaw ng pagbabago
d. matapat na kumikilala sa akda
20. Ang sumusunod ay tumutukoy sa panunuring pampanitikan MALIBAN SA ISA.
a. Ito ay malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglapat ng iba’t
ibang dulog.
b. Ito ay pumapaksa sa pagsasabuhay ng isang akdang pampanitikan sa entablado o iba pang media
c. Ito ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag sa isang akdang pampanitikan.
d. Ito ay pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhangsining.

Inihanda ni:

MARVIN E. ASUNCION Iwinasto ni:


Teacher III
NIǸO C. GUILLERMO
Head Teacher I/ Officer- in – Charge
Susi sa Pagwawasto

1. D
2. B
3. B
4. B
5. B
6. A
7. D
8. A
9. C
10. D
11. B
12. C
13. C
14. C
15. D
16. B
17. A
18. D
19. A
20. B

You might also like