You are on page 1of 5

FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC)

LINGGO BLG: 14 - NARATIBONG ULAT

Learning Objective:

 Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-
aaral sa iba’t ibang larangan (Tech-Voc)
 Nakabubuo ng isang pahayagang pang-isports na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng sulating isports
 Iba’t ibang anyo ng sulatin sa mga piling larangan
 Paggamit ng mga kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolinggwistik, diskorsal at istratedyik)

Introduction:

Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at
masinop na pagsusulat sa piniling larangan

Content:

Ang Naratibong Ulat

Ang naratibong ulat ay kailangan sa iba't ibang larangan. Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na
isinusulat sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng kuwento ay
pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at wakas.

Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng sen ng mga pangyayari. Kailangang
tandaan na sa isang naratibong ulat, may isinasalavee o ikinukuwento kaya ang sumusulat nito ay kailangang may
ideya ng banghay pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mahalagang alam ng nagsusulat kung paan sisimulan ang
naratibo at kung saan ito magtatapos upang maging matagumpay pagsulat. Ayon sa artikulong How To Write A Solid
Narrative Report mula sa internation ang vaquero.com, ang pangunahing katangian na kailangang tandaan sa pagsulat
ng mahus na naratibo ay ang paglilista ng mga detalye sa kronolohikal na ayos habang ipinapaso ang personal na punto
de bista sa kabuuan ng papel, Nagkakaroon ng saysay ang m pangyayari kapag ginagamitan ng pagkukuwento.
Pinupukaw ng mga salaysay o naratib ang atensiyon at emosyon ng mambabasa (Legitt 2011). Mahalaga ring tiyakın
ng nagsusula na samahan ng paglalarawan ang naratibong ulat upang maging interesante ito para sa mambabasa at
hindi sila mabagot o malito sa daloy ng mga pangyayari.

Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring magaan upang gawing mas komportable sa
mambabasa ngunit hindi rin naman nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat. Natural na pagkukuwento ang
tono ngunit isinasaalang-alang pa rin ang paggamit ng tamang mga salita, Sa naratibong ulat, nagsasalaysay ng
kuwento ang nagsusulat. Ang antas ng pagiging propesyonal ng pananalita sa isang naratibong sulat ay nakadepende sa
mambabasa at sa nais ng manunulat na maisip ng mambabasa tungkol sa ulat.

Gaya ng nabanggit na, mahalaga ang kronolohikal na ayos o ang tamang pagkakasunod-sunod ng naratibong ulat ayon
sa pangyayari. Bagaman bawat larangan. kompanya, o institusyon ay nagbibigay ng iba't ibang partikular na pormat sa
pagsulat ng naratibong ulat batay sa kani-kanilang kahingian o pangangailangan, ang pangkalahatang pormat ng
naratibong salaysay ay dapat may taglay na panimula na maaaring may kaligiran (ng sitwasyon o ng kompanya) at mga
layunin, banghay o mga pangyayari, mga tauhang kasangkot sa pangyayari, mga lugar o tagpuan, kasukdulan, mga
naging problema at mga aral na maaaring matutuhan, at isang kongklusyon.

Karaniwang nagsisimula ang mga manunulat ng naratibong ulat sa unang pangyayari na naglalatag sa kabuuang
pangyayari o nagpapakilala kung paano nagsimula ang kuwento. Ang susi sa matagumpay na introduksiyon ng
naratibong ulat ay magkaroon ng "pamukaw" o elementong interesante para makuha ang atensiyon ng mambabasa.
Kapag naisulat na ang introduksiyon at ang pokus, ituloy ang salaysay tungkol sa mga pangyayari habang nagdadagdag
ng malinaw na detalye, deskripsiyon, at halimbawa upang mabigyang-buhay ang naratibo. Magdadagdag ng kabuluhan
sa naratibo kung babanggitin ang mga suliranin o mga sitwasyong naganap na nangailangan ng solusyon. Nararapat
ding may kasukdulan o climactic moment na magbibigay ng pagkakataon upang makapaglahad ng resolusyon o mga
paraan para sa pagpapaunlad. Kapag nakapagtatag na ng resolusyon, dapat ihayag ang kongklusyon na magsisilbing
pinakabuod ng pangunahing aral o solusyon. Maaari ding taglayin ng kongklusyon ang detalye ng mga natutuhan mula
sa karanasan o ang buod ng mga solusyon o rekomendasyong nais ibahagi.

Date Developed: January 2022


Filipino sa Piling
Page 1|5
Larangan (Tech-Voc)
Developed by: Arvy Joy E. Dayao
FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC)
Kahalagahan personal at Bentahe ng Pagsulat ng Naratibong Ulat sa Komunikasyong Teknikal

Mahalaga ang naratibo sa nagkukuwento, na kaugnayan ng mar ng mga teknikal na ulat. Dahil sa taglay nitong sa ulat
at sa pamilyar na paraang nagsasalaysayo nakapupukaw ito ng atensiyon at emosyon ng nagbabasa.

Ayon kay Legitt (2011), batay ang agham sa mga obserbasyon, katotohanan, estadistika, at pagsusuri, gayundin
ang mga ulat na teknikal ay nararapat na obhetibo. masinsin, at nagtataglay ng ilang tuyot na nilalaman. Ngunit
ayon sa kaniya, kallangan din ng estilo sa teknikal na pagsulat. Sa pamamagitan ng dulog na naratibo, magagawang
isang mapanghikayat at malakas na salaysay ang isang pag-aaral o papel na nakakamanhid ng utak.

Kaya naman, ginagamit ang naratibo ng mga propesyonal na nangangailangang mag-ulat ng isang kronolohikal na
salaysay. Ayon kay Vrouvas (2010), ginagamit ito ng mga opisyal ng pulisya sa paglalarawan sa isang aksidente, ng
mga doktor na naglalarawan ng mga operasyon at kalagayan ng pasyente, at mga propesyonal sa human resource na
nagpapaliwanag ng maling asal ng empleyado. Maaari din itong gamitin ng mga gurong naglalahad ng kanilang
karanasan sa pagtuturo sa partikular na mga mag-aaral, ng mga propesyonal sa larangan ng hotel at restawran sa
paglalahad ng mga pangyayari sa trabaho at ng mga propesyonal sa larangan ng teknolohiya sa pagpapaliwanag ng
mga pagbabagong teknikal. Halos sa lahat ng larangan ay nangangailangan ng kasanayan sa pagsulat ng naratibong
ulat.

Ang mga bentahe ng naratibong ulat ayon kay Barton (1988) ay:

1. mas madaling maunawaan ng mambabasa at mas mabilis basahin ang teksto;

2. mas epektibong napoproseso sa utak ng mambabasa;

3. mas natatandaan ang daloy ng mga isinalaysay na pangyayari; at

4. higit na kapani-paniwala at mapanghikayat kaysa sa paglalahad. Nararapat, kung gayon, na ang pagsulat ng
naratibong ulat ay matutuhan ng mga mag-aaral ng komunikasyong teknikal upang mapakinabangan ang kasanayang
ito sa hinaharap.

Paraan ng Pagsulat ng Naratibong Ulat

Batay sa prinsipyo, may iba't ibang dulog sa pagsulat ng naratibong ulat depende sa mga pangunahing layunin ng
nagsusulat. Kadalasan, ang mga layunin sa pagsulat ng naratibong ulat ayang magrekomendang aksiyono pangyayari,
magbigay ng tiyak na resulta ng mga aksiyon at pangyayaring iyon, at reaksiyon ng ibang tao sa pangyayari o aksiyon.
Mahalagang masanay na ang manunulat sa pananaliksik at sa tamang pagdodokumento ng mga tala upang masunod
ang tamang pormat ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod ng oras o timeline ng mga ito. Narito ang ilang paraan o
payo sa pagsulat ng naratibong ulat:

1. Sundin ang SAKS-BP (Sino-Ano-Kailan-Saan/Bakit-Paano). Simulan ang borador o draft ng ulat sa


pamamagitan ng pagtatala ng isang talata na nagtataglay ng mga detalye kung sino ang kasangkot, ano ang
nangyari, kailan ito nangyari, at saan nangyari. Ilahad din ang mga dahilan o posibleng dahilan ng pangyayari
at kung paano ito naganap Dapat itong sundin sa kabuuan ng ulat sapagkat ang mga tanong na ito ang batayan
ng naratibo na inaasahang mabasa ng mga mambabasa nang magkakasunod,
2. Pahalagahan ang elemento ng oras at detalye. Mahalagang magtuon sa mga tao, ang mga desisyong ginawa
nila o sitwasyon o kalagayan nila, at ang mga bunga ng kanilang mga desisyon o gawa.
3. Iwasan ang paggamit ng aktuwal na pangalan kung ang iniimbestigahan ay isang kaso o di-tiyak na salarin o
pangyayari. Sa ilang pagkakataon, kailangang maglarawan ng mga tao na maaaring matapakan ang karapatan,
kailangang proteksiyunan ang mga tao lalo kung di-tiyak ang iniimbestigahang pangyayari o kung hindi
pinapayagan na gamitin ang kanilang tunay na mga pangalan. Ilagay ang mga pangalan kung tiyak ang
aksiyong kanilang ginawa o mahalagang kasangkot ang taong babanggitin, kung hindi naman, itago sila sa
pangkalahatang mga pangalan o katawagan, halimbawa, Inspektor 1 o Drayber 2.

4. Piliin ang pinakaakmang anyo ng naratibo batay sa iyong layunin. May dalawang anyo ng naratibo ayon sa
website ng Northern Illinois University. Una, ang pagsulat na walang diyalogo o ang simpleng pagsulat sa
bawat aksiyon ayon sa mga pangyayari na may kasamang direktang pagsipi sa mga sinabi ng mga kasangkot.
Pangalawa, ang anyong may kasamang diyalogo na ikinukuwento ang pangyayari ayon sa bawat eksena at may
kasamang usapan ng lahat ng kasangkot.

Date Developed: January 2022


Filipino sa Piling
Page 2|5
Larangan (Tech-Voc)
Developed by: Arvy Joy E. Dayao
FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC)

5. Gumamit ng unang panauhan, Kung nasaksihan ng manunulat ang pangyayari o naranasan niya ang isang
sitwasyon, maaari niyang gamitin ang unang panauhan, ngunit gamitin lamang ito sa mga ulat na hindi
kahingian ang pagiging obhetibo.

6. Gawing detalyado ang ulat. Ilarawan ang mahahalagang katangian ng mga taong
kasangkot sa pangyayari. Halimbawa, ilarawan ang mga estudyante bago magsimula ang pagtuturo o ilarawan
ang isang programa sa kompyuter kompara sa dating programa. Ilarawan ang mga pisikal na katangian, mental
na kakayahan, emosyonal na kalagayan, mabubuting katangian ng isang bagay o tao kung kailangan sa ulat.
Huwag isama ang mga gawi ng tao na hindi mahalaga sa mensaheng nais ipahatid sa magbabasa ng ulat.

7. Gumamit ng anekdota kung kailangan. Ipaliwanag ang mga eksena, araw, oras, o sitwasyon kung kailan sinabi
o ginawa ang isang bagay. Sa paglalarawan sa sitwasyon sa mismong pangyayari, mas nagiging malinaw ang
ugali o mga desisyong ginawa ng mga tao o ang isang pangyayari.

8. Gumamit ng teknik tulad ng maayos na pagkakasunod-sunod at karakterisasyon, at paglalarawan sa mga


karanasan, kasukdulan, at resolusyon.

Pagsusulit Blg.14

A. Maglista ng Limang katangiang dapat taglayin ng naratibong ulat.

1.

2.

3.

4.

5.

B. Pumili ng isa lamang sa sumusunod na mga sitwasyon

A. Ikaw ay isang doctor. Sumulat ng naratibong ulat sa larangan mg medisina na ipapasa sa isang awtoridad na
nangangailangan ng detalye ng medical na kondisyon ng pasyente matapos ang isang aksidente sa trabaho.
Kumakausap ng isang mapagpanggap na pasyente at itala sa paraang naratibo ang kaniyang salaysay. Sundin ang mga
gabay sa pormat sa ibaba.

Pangalan ng Pasyente:

Pangalan ng Doktor:

Diskripsyon ng tinamong sugat/injury:

Inisyal na mga daing o reklamo:

Kasaysayang medical ng kasalukuyang sakit:

Nakalipas na kasaysayang medical, pampamilyang kasaysayang medical, sosyal na kasaysayang medical:

Date Developed: January 2022


Filipino sa Piling
Page 3|5
Larangan (Tech-Voc)
Developed by: Arvy Joy E. Dayao
FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC)

Impormasyon tungkol sa mga nakaraang panggagamot:

Pangunahing reklamo o daing ng pasyente:

Pagtataya sa mga gawaing pang-araw-araw ng pasyente:

Obhetibong pagsusuri:

Pangkahalatang Eksaminasyong Pisikal:

Ebalwasyon:

Dayagnosis:

Prognosis:

Paggamot:

Kasalukuyang Pamamaraan:

Plano sa Hinaharap:

Mga layuning matamo sa paggagamot:

Mga pangwakas na komento:

B. Ikaw ay isang inhenyerong mekanikal: matapos ang isang seminar-training kaugnay sa pagbuo at pagsasaayos
ng sasakyan, binigyan ka ng tungkulin ng iyong boss na ilipat ang iyong mga natutuhan sa seminar-training sa
paggawa ng sasakyang gagamit ng mga material na eco-friendly at pinatatakbo gamit ang kuryente. Sumulat ng
naratibong ulat tungkol sa iyong bubuuing sasakyan. Sundin ang gabay sa ibaba.

INTRODUKSIYON

Layunin ng Seminar-training:

Date Developed: January 2022


Filipino sa Piling
Page 4|5
Larangan (Tech-Voc)
Developed by: Arvy Joy E. Dayao
FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC)

Mga inaasahan Mula sa mga Delegado:

Mga natamong Kaalaman mula sa Seminar-training:

ANG SASAKYAN

Kaligiran at Katangian ng Sasakyang Bubuiin:

Mga Materyales na Gagamitin:

Proseso ng Paggawa:

Benipisyong Pangkalikasan:

KONGKLUSIYON

Pangunahing Natutuhan o Natuklasan:

REKOMENDASYON

Date Developed: January 2022


Filipino sa Piling
Page 5|5
Larangan (Tech-Voc)
Developed by: Arvy Joy E. Dayao

You might also like