You are on page 1of 1

Kristine Joy Dungganon 23/02/2022

(BSE 2B)

Panuto: Sumulat ng pagpapaliwanag kung ano ba ang mga puno’t dulo ng kulturang popular at paano
maiiwasan ang pagkalusaw ng sariling atin.

Ang puno’t dulo ng kulturang popular ay ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil
ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at
modernong mga bansa. Maaari ding puno’t dulo ng kulturang popular ay ang malawak na impluwensiya ng
teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda
ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag
ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili. Dapat nating
pahalagahan ang kultura dahil ito ang nagsisilbing identidad ng mga Filipino. Ang kultura ay isang paraan
upang malaman ng mga dayuhan kung paano tayo mamuhay noon, kung anu-ano ang pinaniniwalaan ng
ating mga ninuno at ang mga pamahiin, panitikan at tradisyon.

You might also like