You are on page 1of 2

Pagpapatupad ng katarungang panlipunan, hiling ni Cardinal Quevedo sa mga

opisyal ng gobyerno

Nagpahayag ng pakikibahagi si
Cotabato Archbishop Emeritus Orlando
Cardinal Quevedo, OMI sa prayer
intention ng Kanyang Kabanalan
Francisco para sa buwan Hulyo ngayong
taon.

Ayon kay Cardinal Quevedo, isa ang


Pilipinas sa lubos na nangangailangan
ng mga lider na may buong katapatan at
pagmamahal sa mamamayan na
naghahangad ng pantay at
pangkalahatang katarungan sa lipunan.

Paliwanag ni Cardinal Quevedo na siya ring Chairperson ng CBCP – Episcopal Commission on


Doctrine of the Faith, mahalaga ang pagiging matapat at personal na pagnanais ng mga opisyal
na maipatupad ang katarungang panlipunan.

Tinukoy ng Kardinal ang kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas kung saan patuloy na nagaganap
na ang karahasan at pagsasantabi sa mga batas na dapat pangunahing umiiral sa bayan.

Pinuna din Cardinal Quevedo ang kalagayan ng mga bilanggo na nagsisiksikan na sa mga
bilangguan sa buong bansa dahil na rin sa mabagal na pag-usad ng paglilitis sa hukuman.

“Our country needs people with integrity to govern us, people of justice who not only kill
because of suspicions, our country needs justice for those who are in prison or condemned to die
without due process of law lingering in prisons for a long long time. So we need to think of them
for the intention of the Holy Father as well as for integrity in our land and justice in our
land”. pahayag ni Cardinal Quevedo.

Kaugnay nito, inilaan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagkakaroon ng pangkalahatang


katarungan ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Hulyo.

Bahagi ng prayer intention ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagiging matapat ng mga opisyal
tulad ng mga hukom, mahistrado at iba pang mga nasa katungkulan kung saan nakasalalay ang
pagkakaroon ng katarungang panlipunan.

Umaasa rin ang Santo Papa na hindi magtagumpay ang anumang uri ng kawalang katarungan sa
lipunan kung saan dapat na mamayani ang patas na karapatan at hustisya para sa lahat.
Bukod dito, bahagi rin ng panalangin ni Pope Francis ay ang magsilbing daluyan ng Mabuting
Balita ng Diyos ang bawat isa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at
pagkikipagkuminikasyon ng puno ng pag-ibig para sa kapwa.

Samantala patuloy rin ang panawagan ng Simbahang Katolika sa mahigit 104 milyong mga
Filipino na na mayorya ay mga Katoliko na pagsumikapang mamuhay sa katotohanan at
gamiting gabay ang salita ng Diyos sa pagsusulong ng makabubuti para sa bayan.

www.veritas846.ph
ByReyn Letran – Ibañez

Ang katarungang panlipunan ay tumutukoy sa pagbibigay sa pangkalahatan ng nararapat


para sa lahat ng walang kinikilingan o kinakampihan. Ito ay mahalagang pundasyon ng isang
lipunan kung saan pantay-pantay ang pagbibihay ng mga bagay o serbisyo , desisyon o batas
para sa pangkalahatan.

Nakatuon ang katarungang panlipunan sa nasabing balita sa bahaging sinabi ni Cotabato


Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, na isa ang Pilipinas sa lubos na
nangangailangan ng mga lider na may buong katapatan at pagmamahal sa mamamayan na
naghahangad ng pantay at pangkalahatang katarungan sa lipunan.

Mahalaga ito dahil sa patuloy na nagaganap na karahasan at pagsasantabi sa mga batas


na dapat pangunahing umiiral sa bayan, dapat na mamayani ang patas na karapatan at hustisya
para sa lahat. Dapat na paigtingin ang pagiging matapat ng mga nasa katungkulan kung saan
nakasalalay ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan. Sa panahon ngayun ay napakaraming
krimen na hindi nabibigyang hustisya at inaabot pa ng mahabang panahon ang proseso bago
mabigyan lunas ang isang krimen. Isang katarungang pangkalahatan na hindi lubos naibibigay ng
kinauukulan. Idagdag pa ang mga krimen na mas nabibigyan pansin kung ito ay kilala o may
sinasabi sa buhay. Hindi pantay na pag tingin sa mamayan isang napakalaking labag sa
katarungang panlipunan na patuloy na nangyayari sa ating lipunan.

You might also like