You are on page 1of 9

Facebook with Free Data View Photos

Search Facebook Search

Home Profile Messages Notifications(14) Chat(53) Friends(1) Menu


Pogi Problems published a note.
Ligaw Tips Compilation by BlueberryJams
Ligaw Tips #1.
Malaking turn-on sa girls pag napapatawa mo sila. Gawing ice breaker ang pagbibigay ng joke (wag yung double
meaning) para humaba ang usapan nyo. Kikiligin sila don pero konti lang. Siguro mga 5-8 seconds.

Ligaw Tips #2. 


Importante sa panliligaw ang pagiging mabango dahil ang mga babae, hindi nila sinasabi sayo kung mabango ka o
hindi. Kusa nalang yan lalayo bigla. Nagiging judgemental din sila pag dating sa bagay na yan. Parating tandaan na
ang personal hygiene lang ang katapat nyan pero wag mo sosobrahan. Yung tamang sakto na tama pero yung
sumasaktong tamang sasakto sa tama lang. Mas dagdag kilig factor sa babae pag ang lalake ay fresh sa paningin
nila.

Ligaw tips #3. (credits to Jm Bonete)


Yung kahit alam mong masyadong malaki yung bill sa date nyo, always mag initiative na ikaw ang magbabayad.
Wag kang mahihiya, ikaw kasi nanliligaw at hindi naman siya. Pero kapag ang babae na nagsabing siya ang
makikipagsplit ng bill, magpakipot ka muna sa una pero pag naginsist parin siya, edi hala sige pumayag ka na
sabay magthank you hug ka agad sa kanya, dun na magsisimula ang magandang love story nyo.

Ligaw Tips #4. 


Mas naaappreciate ng mga girls ang mga lalaking marunong magsabi ng totoo. Wag na wag kang
magsisinungaling kung ang intention mo ay magpaimpress lang sa babae. Magkaiba ang pagbibigay ng joke sa
pagsisinungaling. Masaya kaya sa pakiramdam pag alam mong wala kang tinatago habang nanliligaw ka.
Mapapaboom yon sa kilig!

Ligaw Tips #5. 


Eto ang isa sa pinakamahirap na aksyon, ang yayain lumabas si crush. Ang pinakapractikal na solusyon jan ay
dapat kilala ka nya at kilala mo din siya sa personal. Kailangan nakakausap mo din siya dahil pag wala kayong
connection, feeling nya stalker ka lang kahit kilala ka pa nya. Wag mong irerekta agad na yayain mo siya para
lumabas, try mo muna magopen ng mga topics para may clue ka kung saan ang perfect place nyong dalawa. Tapos
saka mo na dun isingit ang napakaganda mong balak pero yung alam mong pang kaibigan na tono lang wag yung
pang manliligaw.

Ligaw Tips #6.


Maging mapanuri sa pananamit. Kahit di ka kagwapuhan, importante ang impression mo sa crush mo. Pumili ng
damit kung saan ka komportable at disente tignan. Minsan kasi may mga taong nagjajacket kahit maaraw. Wag ka
gagaya don, Mag T-shirt ka lang o kaya button down short sleeve shirt kung pormal gusto mo. Tignan mo mamaya
yung kasama mong nakajacket pawis na pawis na tapos ikaw fresh parin. Dagdag pogi at confidence points yon!

Ligaw Tips #7. 


Piliin mo yung taong alam mong magtatagal kayo. Wag yung dahil lang yung panandalian. Yung parang trip trip
lang. Wag yon, kasi dito sa taong ito ay ibubuhos mo lahat ng effort mo para sa kanya. Wag palaging seryoso sa
usapan. Magbitaw ka ng joke or kilitiin mo siya paminsan minsan. Iparamdam mo sa kanya na special siya sayo.
Tignan mo bigla ka nalang magugulat bawat lapit mo kikiligin yon. Di na 5-8 seconds, mas matagal na!

Ligaw Tips #8. 


Be a man of your word, kahit palabiro ka sa crush mo magbigay ka ng mga salita na alam mong tutuparin mo in the
future. Ang mga babae kasi nature na sakanila yung magrecall ng mga memories. Kapag sinabi mo sa kanya na
aayain mo siya lumabas, ineexpect na nya agad na gagawin mo yon sa napagusapang date. Kahit sino naman
siguro magagalit kapag 1 day nalang tapos sasabihin mong "ay sorry biglang may reunion yung family namin"
Syempre kahit sabihing oo lang ni crush, madidisapppoint yun. Dapat pagaralan ng mabuti ang mga plans bago mo
sabihin sa crush mo ang lahat lahat. Malay mo, yun nalang pala kelangan para umamin siya sayo. Yieee kakakilig!

Ligaw Tips #9. 


Kung ikaw yung tipo na torpe talaga, para sayo to. Kaibiganin mo muna yung mga close friends ni crush. Tapos dun
ka magpalakad, yung tipong tutulungan ka nila kay crush. Pero para magawa mo yon kelangan alam nilang
mapagkakatiwalaan ka. Isang basehan kasi ng mga babae kung okay din sa kaibigan niya yung nagkakacrush sa
kanya. Pero kung yung kaibigan nya ang nafall sayo, aba eh ibang usapan na yon. Dun tayo sa crush mo hindi dun
sa kaibigan nya kaya wag malandi ha?
Ligaw Tips #10. 
Ligaw takes time kasi. Hindi pwede yung minamadali mo agad ang lahat. ang mga girls kasi, gusto nila yung guy na
nageeffort para sa kanya. Yung feeling nya na special siya para sayo. Dun sila madali nafafall. Kaya yung mga balak
manligaw jan, siguraduhin nyo na kilalang kilala nyo na yung crush nyo baka kasi bugso lang ng damdamin yan eh
tapos wala pang isang linggo iba nanaman crush mo. Landi rin eh no? Maging open minded ka sa mga sinasabi nya
para alam mo yung mga do's and dont's nya pagdating sa iba't ibang bagay. Alam kong kayang kaya nyo gawin yan.
Pogi tayo eh! Boom!

Ligaw Tips #11. 


Alamin mo ang mga bagay kung saan common kayong dalawa. Yung tipong pareho nyong hilig o alam na gawin.
Kunwari mahilig magexercise si crush, tapos sakto ikaw din mahilig magexercise, dun kayo ngayon maguusap kung
anong mga ideas ang pwede nyo ishare sa isa't isa. Tapos pwede kayo magsama magexercise pag may time kayo.
Hindi mo lang siya nakausap, alam mo pa mga hilig nya.

Ligaw Tips #12. 


Magbigay ka ng interest sa kanya kahit sa anong paraan. Pwede sa personal, sa text or call, sa skype o kahit anong
video call app pa. Isang magandang paraan jan eh kung alam mo kung papano siya mapapatawa. Gaya nga ng
sinabi ko sa Ligaw Tips #1, importante yung napapatawa mo siya para mabreak ang ice. Ipakita mo talaga sa kanya
na interesado ka hindi yung kunya kunyarian lang. Laki laki mo na eh dapat maging atapang a tao ka na ngayon.
Tandaan nyo ang mga girls, karamihan nafafall sila sa taong may sense of humor. Ito rin ang magandang paraan
para malaman nyo ang background ng isa't isa.

Ligaw Tips 13. 


Kung special day nya, Mag bigay ka ng mga sweet na bagay na makakapagpakilig or makakapagpasaya sa kanya.
Mga memorableng bagay na kapag makikita nya yun, maiisip at maiisip ka nya. As nanliligaw, wag kang bumili ng
mga mahahaling gamit like bags, cellphones and shoes. May mga instances kasi na mamahalin kalang nya dahil
jan. Bili mo siya yung alam mong sasaya siya. Hindi naman kasi yung presyo yung pagbabasihan ng girls eh, dun
sila sa thought nagbabase. Kung di mo ma afford, wag mo nang pilitin. Maraming paraan para mapasaya mo siya
at isa na jan ang mga flowers and chocolates. Ipakita mo lang na sincere ka sa ginagawa mo... At wag mong
kalimutan mag lagay ng effort para di siya magdadalawang isip sayo.  

Ligaw tips 14. 


Eto medjo mahirap tong gawin pero kung observer ka, makakaya mo to. If nakita mong may bago sa kanya, kahit
ano basta nakita mo for the first time, magbigay ka ng compliment. Halimbawa nakita mo siyang may bagong
earrings, Sabihin mo "ang cute ng earrings mo" in that way makukuha mo attention nya tapos magrereply yon ng
thank you. Edi ayon senyales na ng pakikipagusap sa kanya. Hindi yon kabaklaan o pangiistalk sa girls, wag mo
lang ipapakita sa mukha mo na may balak kang masama. Baka matakot eh.

Ligaw Tips #15. 


CONFIDENCE! Ayan capital na lahat para mabaon sa utak natin. maging confident ka sa mga bagay na alam mong
kaya mo. Wag ka mahihiya. Tandaan mo na unique ang pagkatao mo at walang makakagaya neto kahit sino. Kahit
si Michael V. pa yan. Ang confidence ay isang way para labanan ang hiya at takot mo sa kahit anong bagay.
Magbigay ka ng tiwala sa sarili mo. Pogi ka! Kung hindi sa mukha, sa ugali. Hindi lang sa mukha nadadala yan, pati
sa pananamit, ugali, at pakikisama mo sa tao. Yun ang tunay na pogi! Eto ang isang magandang way para maging
confident. Di ba feeling proud ka pag anjan mga tropa or kaibigan mo? Isipin mo lahat ng nakakausap mo eh
kaibigan mo. Hindi ka na matatakot nyan.

Ligaw Tips #16. 


Ang mga girls, palagi nagbabago isip nyan, hindi mo mababasa ang mga galaw nyan. Minsan nagiging moody sila,
o kaya naman nagiging palabiro. Nature na yon sa kanila. Wag mo itatake yon personally, at WAG NA WAG ka rin
basta basta magjojoke sa kanila. Masama yon, baka itake yon personally at dun pa magsisimula yung pagaaway
nyo. Intayin mo lang na guminhawa ang pakiramdam nila. Malay mo eh buwan pala nya kaya siya ganon, wag mo
sasabayan ang galit nila. Magadjust ka lang para sa kanya. Remember na ikaw ang nanliligaw kaya learn to adjust.
Maaappreciate yan nila kahit papano.

Ligaw Tips #17. 


Ang problema di maiiwasan yan, kapag malungkot ang crush mo itanong mo kung bakit siya malungkot, kung
nagaalala siya, itanong mo kung bakit siya nagaalala. Ipakita mo na handa mo siya icomfort sa kahit anong paraan
na kaya mo. Sa una hihindi yan at magdedeny na hindi sila malungkot. Itanong mo lagi kung sure sila pag sinabi
nilang hindi, ayun kausapin mo na tapos ipakita mo na sincere ka. Pag sinabi nilang oo, wag mo ipush, mapipikon
yon.

Ligaw Tips #18. 


Acceptance, ang pagtanggap ng personality sa liligawan mo ay importante. Di ba nakita nyo sa post dito na ang
tunay na pogi, ay nirerespeto ang babae? Kailangan na tanggap mo ang ugali at pakikisama nya sayo. Wag mo
hahanapin sa kanya ang traits na wala sa kanya. Hindi tayo perpekto, Lahat ng mga pagkukulang nya ay ikaw
magdadagdag at lahat ng pagkukulang mo ay siya magdadagdag. Doon mo maaappreciate ang mga maliliit na
bagay kapag natutunan mo siyang tanggapin.

Ligaw Tips #19.


Wag na wag kang mandadaya sa panliligaw. Wag kang manliligaw ng marami at kung sino ang unang sumagot
sayo eh dun ka na. Dun ka lang manligaw sa isa. Kasi pag nalaman yon nilang lahat. Di mo kakayanin at
masasaktan ka lang. Isipin mo na pag sayo ginawa yon ano feeling? Di ba masakit? Kaya nga isa lang puso natin
dahil para lang to sa isang partner at hindi marami. If sa tingin mo hindi siya para sayo, wag mo na ituloy ang
panliligaw at dun ka lang pwede magswitch sa iba. Pagisipan mo ito kung talaga kung siya ang "only one" o baka
bugso lang ng damdamin yon.

Ligaw Tips #20. 


Be yourself. Wag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba dahil mapapanghinaan ka talaga ng loob pag nalaman mo
na may mas better pa sayo. Wag ka pangunahan ng hiya. Try mo makipagusap muna sa ibang tao para mapractice
mo kung pano dapat gawin pag kay crush ka na mismo makikipagusap. Gaya nga ng sinabi ko sa Ligaw Tips #15.
Dapat maging confident, yung tipong cool lang at wag yung cocky yung datingan. Samahan mo pa yon ng pagiging
palabiro pero yung general lang na usapan at wag yung may mga double meaning. Ang mga girls kasi karamihan eh
gusto nila yung mga guys na funny at outgoing. Kapag kaya mo nang makipagusap sa crush mo nang hindi ka
nahihiya, eto na ang chance mo para iask her out na!

Ligaw Tips #21.


Alamin mo kung bakit mo siya gusto ligawan. Dapat matatanggap mo na nililigawan mo siya dahil seryoso ka at
nakikita mo ang future mo sa kanya at hindi dahil "wala lang trip trip lang" or "mga barkada ko lahat taken ako lang
hindi." Makipagusap ka sa kanya para magkakilala kayo ng lubusan. Hindi mo naman kasi malalaman yan kung
hindi mo siya kakausapin palagi. Jan mo makikita kung talagang katanggap tanggap siya para sayo. Tignan mo
pag nagtagal yung crush mo na mismo magoopen ng topic sayo about sa pagibig. Pag nangyari yon, eto na ang
chance mo para icomfort or i-advice siya. 

Ligaw Tips #22. 


Eto medjo mahirap to pero kapag nabasa nyo ang ligaw tips #20 at #21 at inapply nyo yon, magagawa nyo to. ASK
HER OUT! Kailangan sure ka na dito sa desisyon na to. Dito mo malalaman kung bibigyan ka ng chance ni crush o
hindi. May posibilidad na mareject ka pa rin dahil baka hindi pa handa yung nililigawan mo o hindi nagshoshow ng
signs of interest. Dapat alamin mo! Malalaman mo naman yan kung may gusto din sayo o wala. Hindi ka naman
manhid para hindi maramdaman yon. Tandaan nyo na ito ang way para malaman nyo ang background ng isa't isa
formally. Hindi mo naman kailangan sa mamahaling restaurant or bigating scenario kailangan yayain si crush,
basta yung alam nyong pasok sa budget mo at alam nyong magiging masaya kayo sa isa't isa. Tignan natin kung
hindi pa kiligin yang si crush.

Ligaw Tips #23. 


Magkaroon ka ng oras para sa kanya. Busy ka man o hindi dapat magbigay ka parin ng oras. Kahit sabihin mo na
Monday-Friday ka may pasok at may trabaho, may weekend ka parin para magspend ng time sa kanya. Hindi ka
naman 24 hours busy. Kahit isang oras lang or 30 minutes ang ilaan mo sa usapan nyo, malaking bagay yon para
makapagspend ng time sa kanya. Kung talagang interesado ka, gagawa at gagawa ka ng paraan at hindi puro
dahilan. Mas malaki ang chance na magustuhan ka nya kung magiging part ka ng oras nya. Yan kasi ang nature ng
girls, mas nafafall sila sa haba ng pinagsamahan kasi may tiwala na sila sa iyo. Yung feeling nila na hindi sila
kompleto pag di ka nakausap.

Ligaw Tips #24. 


Sadyain mo yung pagkadulas ng dila mo na gusto mo siya. Wag yung totally na sabihin mo, yung konting details
lang. Yung tipong out of nowhere bigla ka nalang magsasabi ng "nafafall na ata ako" tapos bigla ka magreason
pero yung itsura mo nagbublush na. Pag yung girl may gusto din sayo, alam na nya yon pero ayaw lang sabihin.
May mga girls kasi na gusto ka na rin niya bago mo pa siya ligawan. Yun ang isa sa pinaka safe na gawin kung
ayaw mo maging awkward pagkatapos. Mas maganda gawin yon kung alam mong may gusto din siya sayo. 

Ligaw Tips #25. 


Pag nanligaw ka, dalawa lang ang posibleng sagot jan, maging kayo o mareject ka. Ang tip ko ngayon ay tungkol sa
rejection. Wala naman masama pag nareject ka. Yun nga lang masakit. As in MASAKIT! May mga bagay kasi na
pag naramdaman mo na akala mo yun na talaga. Hindi natin maiiwasan ang malungkot. Napakahirap gawin neto
sa simula pero eto lang ang paraan para magsimula ka ulit at ito ay ang mag "Move on." Minsan kasi ang rejection
lang ang way para gumising ka sa katotohanan na hindi talaga siya para sayo. Kung ikaw yung tipo na palaging
narereject, wag ka muna manligaw sa ngayon. I save mo lang yung tips ko sa notepad mo tapos gawin mo sa
future. Deal?
Ligaw Tips #26. 
Wag ka mageexpect ng sobra pagdating sa panliligaw. Madidisappoint ka lang kasi sa huli pag nalaman mong
hindi pala siya ang nakatadhana para sayo. Kaya ka nga nanliligaw para malaman mo kung para sayo talaga siya.
Di naman kasi maiiwasan na magexpect. Natural yan. Pero wag mo lang sosobrahan yung sa point na feeling mo
sayong sayo siya kahit nanliligaw ka palang. Maging neutral ka lang in terms sa ugali at pakikisama. Make him or
her feel confident na dapat wala siyang itatago sayo para kung ano man ang mangyari sa huli, at least di ka
apektado ng sobra. 

Ligaw Tips #27.


Ipakita mo na palagi kang nanjan para icomfort siya. Kung malungkot siya, icomfort mo siya. Wag mo hahayaan na
mawala yung opportunity na yon dahil yun ang time na kailangan nila ng magkakalinga para sa kanila. Magkwento
ka ng mga bagay na tingin mo makakatulong para i cheer siya. Yung tipong knight and shining armor nya! OMG
nakakakilig di ba? Kahit anong mangyari ipakita mo na secure siya sa tabi mo. Wag yung tipong nasasakal ha?
Sakalin ko kayo jan sige.

Ligaw Tips #28. 


Alamin mo ang likes and dislikes nya. Yan ang magiging advantage mo pag nalaman mo ang mga bagay bagay
tungkol sa kanya. Jan ka magseset ng guidelines at rules mo para malaman mo kung may pag asa ka o wala.
Tandaan mo na hindi pera o papogian ng mukha ang pinagbabasehan natin dito. Respeto mga kapogi! Jan mo
makikita ang tiwala ng mga girls. Hindi agad yan magtitiwala pagdating sa pag-ibig. Nature nila ang maging
mapanuri lalo na pag may mga nanliligaw sa kanila. Wag ka magtataka pag bigla ka nila nagustuhan ha? It's super
effective kasi eh!

Ligaw Tips #29.


Kilalanin mo ang mga magulang nya kung seryoso ka na ligawan siya. Mas matutulungan nila sa pagdedesisyon
ang crush mo kung may good impression na ang magulang nya sayo. Tandaan na ang panliligaw ay hindi dinadaan
sa papogian, payamanan, at payabangan. Kahit sino pwedeng dumiskarte sa iba't ibang paraan na alam nilang
tama at dapat sa malinis din na paraan. Ang pinakapraktikal na alam ko sa ngayon ay yung nagtutuskuhan kayong
dalawa or half meant jokes, mga ganyan ba. Nasa sayo din ang desisyon kung papakilala mo siya sa magulang mo.
Nakakadagdag confidence yon para sayo. At syempre wag mo lang kilalanin ang magulang nya, humingi ka rin ng
advice sa magulang mo kung ano masasabi nila pagdating sa ligaw. Mas may experience kasi sila at alam nila
yung mga ibibigay na advice sayo. 

Ligaw Tips #30. 


Hindi lang parati ikaw ang nagbibigay ng interest sa kanya. Dapat may bumabalik sayo mapa good or bad man para
alam mo ang susunod na gagawin kung sinusubukan ka lang ba nya o talagang walang pagasa. Alam nyo ba na
pag ang nililigawan mo eh hindi ka tinatrato na dapat talaga na deserving ka, pwede ka umayaw kahit anong oras.
Titigil lang ang relasyon kung hindi mo pahihintulutan ito sa puso at isip mo. Tandaan nyo na ang self-preservation
ay normal lang at hindi ka magmumukhang masama sa ibang tao. Kahit sino na ang nakaranas o nakakita na ng
ganyang sitwasyon ay ganyan din ang sasabihin.

Ligaw Tips #31. Iwasan mo ang manligaw sa maraming babae ng sabay sabay. Hindi lang dahil sa hindi maganda
tignan sa lalaki ang maraming nililigawan, dito rin malalaman na hindi ka mapagkakatiwalaan pagdating sa mga
bagay na dapat ka pagkatiwalaan katulad na lang ng pagiging tapat sa iisang babae. Isipin mo na lang din na kapag
sayo ginawa ito ng babae ano ang magiging pakiramdam mo, masakit di ba? Dapat isa lang ang ligawan mo at pag
alam mong wala ka nang pagasa, saka ka lang pwede manligaw sa iba. Kaya nga isa lang puso natin eh.

Ligaw Tips #32. Wag na wag kang magbibigay ng paiba ibang reaction sa nililigawan mo. Yung tipong sa una eh
gusto mo siya tapos sunod eh medjo magagalit ka tapos the next day eh nagfiflirt ka. Unang una turn off sa kanila
yon. Kahit na marami nanliligaw sa kanya, hindi ibig sabihin non eh hindi ka nya gusto at wag ka agad magseselos
dahil hindi naman siya sayo. Hindi rin naman nya gusto na lumapit sa kanya ang mga manliligaw nya dahil di nya
kontrolado ang isipan neto. Wag mo lang hahayaan na maging paiba iba ang ugali mo.

Ligaw Tips #33. Pag nanligaw ka na, wala nang bawian. Ano ba ang dahilan mo kung bakit mo siya nililigawan? Di
ba para mahalin siya at mahalin ka nya? Magpakalalaki ka at harapin mo ang kaba mo at takot na baka mareject
ka. Common na kasi sating mga lalaki ang magisip ng negative lalo na pag may nangyaring masama satin. Tsaka
pag nalaman nating may nanliligaw sa kanya, susuko na agad tayo at hanap ng iba, wag ganon. Ipakita mong may
ibubuga ka. May ipagmamalaki ka! Kung sa tingin mo eh gusto mo na sumuko, isipin mo ang pinakadahilan mo
kung bakit ka nagsimula ka manligaw sa kanya. Kung ayaw nya talaga sayo, nanligaw ka lang sa maling oras at
hindi pa ganun kabuo ang tiwala sayo ng babae.

Ligaw Tips #34


Manligaw ka sa tamang edad. Hindi yung dahil lang sa bugso ng damdamin mo. Tandaan mo na hindi basta basta
ang pakikipagrelasyon sa iba. Hindi iyon isang laro lang na kapag naging kayo, eh tapos na. Malalaman mo yan
kapag nasa maturity age ka na (21 above). Mas makikita kasi ang sincerity mo pag mature ka magisip. Kung sa
tingin mo eh hindi ka pa ready sa responsibilidad, okay lang na hanggang MU lang ang estado nyo o kaya naman
inspirasyon lang. Wala namang masama don. 

Ligaw Tips #35.


Magset ka ng limitasyon para sa physical situations pagdating sa panliligaw. Wag ka pupunta sa tipong below the
belt na. Hindi makapogi yon. Dapat respeto lang dahil nanliligaw ka pa lang at hindi porket gusto ka na din ng crush
mo eh gagawin mo na yon para makaadvantage ka sa kanya. Ligawan mo siya ng tama at sa malinis na paraan
para hindi ka magmukhang masama para sa kanya at sa mata ng mga friends nya.

Ligaw Tips #36.


Malaking turn on sa mga girls pag kaya mong tandaan yung mga simpleng bagay about sa kanya, like birthday,
yung name ng parents nya, gusto nya maabot sa buhay pagtapos nya sa pagaaral, at iba pa. Dun ka kasi
magbabase ng ligaw plan mo. Maraming pwede maging hadlang kung wala kang alam sa background nya. Mas
maappreciate ng mga girls yon kung bigla mo siya bibigyan ng something na magreremind sa kanya na naalala mo
siya dahil sa ganto (kung ano man ang reason mo). Nakakadagdag points yon at syempre kilig yon ng sobra sobra.

Ligaw Tips #37.


Eto ang pinakacommon sa lahat ng manliligaw. Ang ORAS! Minsan may mga girls na tinetest ka pag dating sa
ligawan. Merong mga magsasabi ng ganto, "hindi pa ko handa, maaantay mo ba yon?" Ang hirap ng tanong di ba?
Ano magiging sagot mo kung sakali? Ang maipapayo ko lang kung sakaling oo ang sagot mo, dapat sa paraan na
ganto, "kung oras lang ang hinihingi mo, mabibigay ko yan sayo pero sana wag mo ko paghintayin sa wala." Dapat
bigyan ka nya ng sagot mapa oo man o mapa hindi.

Ligaw Tips #38.


Sa panliligaw, palagi ka makinig sa mga sinasabi nya pag magkausap kayo. Nature kasi ng mga girls ang maging
expressive pagdating sa paguusap. Normal lang yan. Kaya ang the best way para mapalapit sila sayo ay maging
listener ka para sa kanila. Nakakadagdag points yon dahil feeling nila meron silang tao na nasasandalan pagdating
man sa problema o kaya sa kasiyahan nila. Ayan na rin yung pinakabest way para matandaan mo ang mga bagay
na kelangan mo sa kanya at masunod ang Ligaw Tips #36. Dito mo rin kasi malalaman kung saang bagay siya
interesado. Mas epektib pa rin yan kesa sa mga stalkers jan sa tabi tabi.

Ligaw Tips #39.


Maging original ka pagdating sa panliligaw sa girl. Ito yung tip na kung saan magiging creative ka sa pag gawa ng
effort para sa taong nililigawan mo. Dun ka magiging misteryoso sa paningin nya. Mas maeengganyo ang mga girls
sa mga boys na ganon, yun tipong gusto pa nila malaman yung tungkol sa background mo. Ano ano bang mga
original tips ang naiisip nyo? If sakaling wala, magisip lang kayo ng mga bagay na common na. Kunwari ganito,
"nagbibigay ng rose, teddy bear, at chocolates sa valentines." If gusto mo maging original at creative, magbigay ka
ng isang bagay na pag nakikita nya ito ay maaalala nya ikaw o kaya naman eh dalhin mo siya sa isang place na
kung saan siya ay makakapagrelax (bigyan mo ng gift card sa spa). Tapos nandun na dapat yung message mo.
Medjo may kakornihan pero nasa closeness nyo pa din ang kasagutan.

Ligaw Tips #40.


Kapag balak mong yayain siya lumabas, WAG NA WAG mo siya kausapin through text. Mas maganda at pormal
kung sa personal o kaya tatawagan mo siya. Hindi lang na makukuha mo ang instant sagot nya kung sasama siya o
hindi, mas maaappreciate nila yon dahil ang iisipin ng girl pagdating sa ganyan ay hahanga agad dahil kaya mo
sabihin sa kanya harap harapan o kaya sa pagtawag man lang. Pero dapat ang pagkakadeliver mo ng pagyaya sa
kanya ay maganda din. Walang paputol putol. Steady lang at cool lang.

Ligaw Tips #41.


WAG NA WAG mong bubuhatin ang bag ni girl pag uuwi kayo galing school o kaya galing sa work ng sabay. Hindi
yon paraan ng pagiging gentleman, magiging awkward lang ang sitwasyon dahil ginagawa mo ang sarili mong
kargador kahit hindi naman kailangan. Kung gusto mo tulungan siya, buhatin mo ang iilang libro o kaya iilang mga
office materials nya pero wag lahat ng gamit nya. Kung nakaya nya nga magisa papunta buhatin lahat ng gamit nya
eh pauwi pa kaya? Tamang balanse lang sa pagtulong sa crush mo para di ka nya iwasan kaagad.

Ligaw Tips #42.


Etong classic na ligaw tip na ibibigay ko ay effective pa rin hanggang ngayon. Magbigay ka ng compliment letter sa
nililigawan mo sa araw na tingin mo eh libre siya. Dapat sa bahay mo ipadala para walang sasagabal sa kanya sa
pagbabasa. Sabihin mo don lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Kahit kasi may instant messaging na o kaya
naman mga e-mail, mas maaappreciate pa rin ng girl kung nakalagay sa sobre ang sasabihin mo. Mas may chance
na pansinin ka nya dahil pinapakita mo ang effort mo sa gawa at hindi sa salita.

Ligaw Tips #43.


Alamin mo kung anong qualites ang maappeal sayo. Iba iba kasi yan eh. Merong mga tao na maappeal sa mukha,
meron din naman sa ugali, at meron din sa pagpapatawa. Kung di ka kagwapuhan, magfocus ka kung saan yung
alam mong magaling ka. Alam nyo kasi ang mga girls hindi lang sa mukha nagbabase yan. Iba iba ang preference
ng bawat babae. Dun mo ngayon makikita kung turn on sila sayo o hindi. Tandaan mo na ang pagiging pogi ay hindi
sa mukha, kundi sa gawa. 

Ligaw Tips #44.


Sa panliligaw, hindi lang ikaw ang gagawa ng move o galaw para sa nililigawan mo. Kailangan mo ng wingman jan
yung magiging bridge mo para sa kanya. Dapat yung kaibigan mo na yon eh faithful sayo para lahat ng pogi points
mo dumagdag. Siya kasi susuporta sayo sa oras ng katorpehan mo. Nature ng mga girls minsan na magtanong pa
tungkol sayo lalo na sa taong kaclose mo. Mas magiging confident ka din kasi pag nasimulan mo ang magandang
impression sa sarili mo at nasamahan pa ng tulong ng wingman mo.

Ligaw Tips #45.


Isa din ito sa classic way na hindi nalalaos. Matuto ka magpatugtog ng instrumento. Kung kaya mo kumanta
habang tumutugtog eh gawin mo. Bonus yan. Alam mo ba na nature ng girls na kiligin pag hinaharana sila? Lalo na
pag magkaclose kayong dalawa. Dagdag pogi points yon. Wag mo iisipin ang hiya dahil hindi ka mananalo kung
nauunahan ka na agad ng hiya.

Ligaw Tips #46.


Sa panliligaw, normal lang ang maging torpe paminsan minsan. Walang masama jan lalo na pag first time. Ang
pinakaeffective na way jan is magpractice ka magisa yung walang makakarinig. Magiging awkward kasi pag may
nakarinig unless may tiwala ka sa kanya. Nature ng maraming guys ang maging mahiyain sa simula. Kailangan din
magisip ng paraan para mainspire ka na parang gagawin mo itong goal dahil kung gusto mo siya talagang ligawan,
gagawa at gagawa ka ng paraan para mapansin ka nya.

Ligaw Tips #47.


Bilang manliligaw, WAG NA WAG mo itatanong sa sarili mo kung gusto ka rin ba ng babae dahil hindi naman talaga
yan ang tanong pag manliligaw ka. Ang hinahanap mo ay yung kung papano mo siya malalaman na mahalin. Ang
panliligaw ay ginagawa para malaman kung kompatible kayong dalawa sa isa't isa. Kung pareho kayo ng
nararamdaman, dun nyo mapupuno ang pagkukulang ng bawat isa. Kaya wag nyo isipin na porket nabasted ka eh
wala na katapusan na ng mundo. Tandaan nyo na hindi tayo magiging mature kapag hindi tayo natuto sa
pagkakamali.

Ligaw Tips #48.


Eto mga kapogi wag na wag nyo to gagawin. Kapag manliligaw ka, wag mo ipepressure si girl sa sagot nya. Turn
off yon. Nature ng mga girls ang manigurado if gusto ka nya o hindi. Kapag lagi nyo kasi sila tinatanong ng mga
words na "kailan mo ko sasagutin?" or "may pagasa ba ko sayo?" maiinis yon, merong mga babae na hindi
pinapakita na naiinis sila pero sa loob nila is parang ayaw nila. Just take it slowly kapogi, hindi ka mamamatay pag
wala kang girlfriend agad. Tandaan nyo na worth it and masarap sa pakiramdam kung makakapagpasagot ka ng
babae dahil gusto nya at hindi dahil nipressure cooker mo siya. Todo kilig yon.

Ligaw Tips #49.


Ang panliligaw ay hindi nasusukat ng pera. Wag nyo bibilhin ang pagibig nya ng mga bagay bagay para lang
magkagusto siya sayo dahil hindi nabibili ng pera ang tunay na pagibig. Maging honest na tayo boys, syempre
natutukso tayo na bumili ng gift sa birthday nya. Wala naman problema don pero pag walang okasyon tapos bili
agad ng ng bagay para sa kanya, hindi nya maaappreciate yon. Mas okay pa na gumawa ka na lang ng isang bagay
at ibigay ito sa kanya at least yon may effort pa at matutuwa pa siya. Isang example jan ay love letter. Minsan kasi
may mga lalake na binibili ang pagibig at sa huli, mahal lang pala siya ng babae dahil sa pera nya.

Ligaw Tips #50.


Kapag alam mo na alam mo na hindi lang ikaw ang nanliligaw sa kanya, wag ka mawalan agad ng pagasa. Tandaan
mo na hindi pa nila nakakamit ang matamis na oo ng babae na gusto nyo. Umiwas ka din sa paninira ng ibang
manliligaw nya dahil sa huli ay ikaw lang ang lalabas na masama. Maging competitive ka din kung talagang gusto
mo siya ligawan. Malay mo sa pagiging original mo sa panliligaw ikaw pa ang sagutin nya. Ang saya kaya sa
pakiramdam yon.

Ligaw Tips #51.


Kung balak mo manligaw dahil long distance kayong dalawa eto ang tip na para sayo. Magusap muna kayong
dalawa sa kahit anong topic hanggang sa mapunta kayo sa pinakacommon ground na usapan nyong dalawa dahil
jan kayo magkakasundo. Maging komportable muna kayo sa isa't isa para malaman nyo kung compatible kayo.
Kung ang feeling nyong dalawa ay parang may spark na at lagi nyo natatopic ang lovelife, congrats dahil isa yan sa
mga signs na may gusto kayo sa isa't isa.
Ligaw Tips #52.
Maging mapanuri muna sa emosyon mo bago ka manligaw. Minsan kasi mahirap sabihin kung umiibig ka na o
hindi pa. Para malaman yon dapat may sets of standards ka para sa sarili mo. Ang sinasabi ko dito ay kung
papaano mo malalaman kung talagang liligawan mo siya o hindi pa. Kailangan may isang gesture o galawan para
malaman ang go signal ng babae. Magbibigay ako ng halimbawa. Kung nagsabi ang girl ng isang half meant joke
sayo tungkol sa lovelife, o kaya pag napapansin ka nya palagi yun tipong ikaw lang. Isang sign yon. Pero wag ka
papahulog sa ganon, yun lang ang stage kung magiging komportable kayo sa isa't isa. Kapag ginagawa nyo yon sa
isa't isa in a regular basis, that means nagbibigayan kayo ng chance kung may pagasa ba maging kayo in the
future. Once na ginagawa nyo na ang flirting stage at tingin nyo eh okay lang sa isa't isa, magiging mutual ang
feelings nyo which means na pwede ka na manligaw hindi dahil para lang magkagirlfriend, dahil dumadating ka na
sa point na minamahal mo na siya.

Ligaw Tips #53.


Wag ka manliligaw na may kasama ka personally.  Oo nagkakaconfidence ka dahil nanjan ang kaibigan mo pang
suporta sa mga sasabihin mo. Pero alalahanin mo na dapat nasa lugar ang pagsasama mo at paghingi mo ng
tulong sa kaibigan mo sa oras ng panliligaw. Ang mga babae kasi gusto nila ang mga guys na confident lalo na pag
kaya kang kausapin ng magisa lang. Sige ka baka yung kaibigan mo sagutin bahala ka wala nang kilig yon.

Ligaw Tips# 54.


Ang next ligaw tip na ito ay about sa kalinisan at pagaalaga sa sarili. Being malinis at maalaga sa katawan ay isang
positive sign kapag gumagawa ka ng magandang impression sa nililigawan mo. Always check your breath, yung
amoy ng mga damit mo. Sinasuggest ko na magwear ka ng iisang perfume lang na gusto mo talaga at wag paiba
iba. Dun ka kasi makikilala eh yung tipong pagdating ng scent mo alam na agad na ikaw yon. Check your hair din
dahil isa yan sa pinapansin ng babae. Dapat conscious ka sa sarili mo dahil ayan ang magiging advantage mo in
terms of physical matters at bago ang iba pang diskarte mo sa panliligaw.

Ligaw Tips #55.


Ang isang old way na panliligaw na hindi pa din nalalaos ay ang tungkol sa pagiging gentleman. Dito mo
maipapamalas ang kaalaman mo pagdating sa pagpapahanga ng babae. Kahit kasi sabihin natin na nasa bagong
henerasyon na tayo, kinukwento pa rin sa atin ng mga nakakatanda kung paano sila manligaw dati. Effective pa rin
in some way naman kung tutuusin like pagbuksan mo siya ng pinto, o kaya naman buhatin mo yung bag nya pero
pag may dala kang bag din, wag mo buhatin kasi hindi maganda tignan yon. O kaya naman ikaw ang magbabayad
sa date nyo, syempre tumanggi ka sa umpisa pero pag pinilit ni girlie, oo ka na tapos thank you. May mga babae pa
rin na naaappreciate ang effort mo pag nanliligaw ka ng hindi nagyayabang. 

Ligaw Tips #56.


Pag manliligaw ka, iwasan mo ang malink sa ibang girls. Ang ibig kong sabihin jan ay iwasan mo ang makipagflirt
sa iba. Hindi lang kasi maganda tignan sa manliligaw kung marami nakalapit na babae sayo, turn off pa yon sa
babae. Di mo rin siguro magugustuhan pag sayo ginawa yon. Tandaan mo na dagdag pogi points yung pagbibigay
mo ng oras sa babae lalo na pag alam nilang walang nalilink sayong babae or hindi ka nagpapakita ng pagkagusto
sa iba. 

Ligaw Tips #57.


If ikaw yung tipo na medjo mahiyain sa personal pero gusto mo manligaw para sayo to. Pwede mo gamitin ang
text/call/skype/yahoo/facebook/walkie talkie para macontact si girl. Eto kasi ang magiging way of communication
nyo kapag di nyo na nakikita ang isa't isa. Pero syempre hindi ka lang jan kukuha ng diskarte mo dapat pagaralan
mo din yung sa personal. Ganto lang yon, kung ano ang ugali na pinapakita mo sa text o tawag, dapat ganun din sa
personal. Laging pakatandaan na sa ugali nagbabase ang karamihan ng mga babae at hindi sa mukha. Malaki ang
magiging advantage mo sa kanya lalo na sa mga ibang nanliligaw na pogi lang sa mukha.

Ligaw Tips #58.


Wag ka manliligaw ng hindi handa. Dapat alam mo ang background ng babae. Favorite food, favorite place, favorite
color, at iba pang mga favorites nya. Get to know her better pa para alam mo kung ano ang foul para sa kanya at
hindi. Dito mo kasi masusukat kung gaano mo siya kakilala. Ang mga babae kasi matalas ang memorya nyan. Alam
nyan yung mga simpleng bagay about sayo kasi para sa kanila eh mahalaga yon. Dagdag pogi points yon pag
marami kang alam tungkol sa kanya.

Ligaw Tips #59.


Wag ka manliligaw dahil napagpustahan nyo lang magkakaibigan ang isang babae. Kahit sabihin natin na ubod ka
ng pagkagwapo, hindi ka parin gwapo kung papatulan mo ang pustahan na yan. Para mo na rin kasi sinabi na
paglalaruan mo ang damdamin ng babae dahil sa ipinusta nyo. Actually self explanation na to. Eh kung ikaw kaya
pagpustahan matutuwa ka kaya? Di ba hindi? Kaya sundin mo nalang kasi.

Ligaw Tips #60.


Ito po ang last ligaw tip na maibibigay ko sa inyo. Kapag manliligaw ka, ipakita mong interesado ka. Wag ka
magpatumpik tumpik pa. Ipaalam mo na clear ang intensyon mo sa kanya, kapag hindi mo kasi ginawa yon sa
simula, pwede ka mapunta sa friendzone lang. Hindi ito magaapply sa bago lang magkakilala, dapat kilala mo na
yung babae at palagi kayo naguusap. Lagi ka makipagconnect sa kanya, pero wag yung sobra sobra. Di ba anything
sobra is masama? So wag! Okay lang naman kahit may karibal ka, di mawawala yan syempre. Ipakita man ng
babae na interesado siya o hindi, at least nasabi mo sa kanya ang nararamdaman mo at nagkaexperience ka kung
paano manligaw. Tandaan nyo na hindi ligaw ang ginagawa nyo kapag iniimply nyo lang sa kanya at hindi nyo
sinasabi. SABIHIN NYO!

-END-

20 November 2013 at 21:19 · Public


Like Page · More

Like Comment Share


1,059 people like this.

Write a comment...
Comment

Mention Friends

Pogi Problems
Wag nyo kasi babasahin ng isang basahan yan, pag may time kayo saka nyo lang basahin
para di agad maumay. Hindi lang pala 30 yan, madami yan

-BlueberryJams
Like · 80 · Reply · Report · 20 November 2013
7 replies

Ram Donato
thanks for this PANLILIGAW TIPS. ngayon alm ko na gagawin ko kpag nanligaw ako ule.
nareject na kc ako ng girl na nligiwan ko for almost 3 yrs. at ang masaket pa ay "I EXPECT
TOO MUCH", kaya aun I LEARNED FROM MY MISTAKE/S. I will apply this. promise (kahit
nkakakaba at mhirap)
Like · 16 · Reply · Report · 20 November 2013
4 replies

JC Peñaflorida
Wow! Thanks for these tips. This will be my stepping stone para manligaw at guidelines na rin
po. Mas tumaas na po ngayon ang self-confidence ko. Mahiyain po kasi ako eh. Basta tiwala
lang, everything's gonna be okay. Thanks po uli!
Like · Reply · Report · 7 December 2015

Jr Tapia
thnks tol sa teps kong pano mangligaw.pero sa panahon ngayon iba na talaga,sa txt lng
naging sila na.di pa alam kong anong background nila sa isat isat...kung sa bagay ganyan
naman talaga,pero ayos to ang teps nga binigay mo....
Like · Reply · Report · 28 September 2015

Gian Paul Zomil Idala


Ang galing .. Hahahaha. Salamat sa Ligaw Tips. Uulit ulitin ko to hangang sa matutunan ko.
Torpe kase ako at mahiyain at masasabi kong malaki ang tulong nito. Makakadagdag to sa
self confidence ko.
Like · Reply · Report · 29 November 2015

Gabrielle Airanz
1st time ko po magbara ng mahaba pero worth it nman po andami ko pong natutuhan keep
up the good work po mga kapogi
Like · 2 · Reply · Report · 20 November 2013
Jonas Natnat Malanum
galing..... dami ko natutunan,,, hahha thank you very much poh..
Like · 2 · Reply · Report · 8 May 2015

Josh Qui
Eto ang kailangan ko.
Like · 1 · Reply · Report · 14 August 2014
1 reply

Reymark Garrote Gammad III


Thanks sa mga Ligaw Tips na ito. Na-realize ko na hindi pala masama ang maging Torpe
paminsan-minsan. I`ve learned a lot of things dito sa mga Tips na ito. When I finish reading
this Tips I think I need to improve my Self Confidence. Thank you again for this Tips. See
You Later.
Like · 1 · Reply · Report · 29 March 2015

Chan Chan Ferrer


Dami kong natutunan salamat
Like · 1 · Reply · Report · 11 December 2013

 View next comments…


Install Facebook on your Galaxy Note 4 and browse faster

Search

Help Report a Problem


Settings & Privacy Terms & Policies
Free data from SMART Mobile Log Out (Jer Lax)
Create Page

Back to Top

You might also like