You are on page 1of 3

KASUNDUAN

ALAMIN NG LAHAT NA:

Ang kasunduang ito ay isinagawa at nilagdaan nina:

MARICAR ODIAMAR, nasa hustong gulang, Pilipino, at naninirahan sa


Roberto Sobrepena St., Monte Cielo Del Rosario, Naga City, Camarines Sur;

EDWARD JAYFORD GONZALES, nasa hustong gulang, Pilipino, at


naninirahan sa Purok 2, Brgy. 8, Daet, Camarines Norte;

at

_________ PASCUHIN, _________ PASCUHIN, _________ PASCUHIN,


_________ PASCUHIN, _________ PASCUHIN, _________ PASCUHIN, lahat nasa
hustong gulang, Pilipino, at naninirahan sa Brgy. ______________, Basud,
Camarines Norte;

NAGSASAYSAY AT NAGPAPATUNAY:

Na si Edward Jayford Gonzales ay driver ng isang Toyota Fortuner na


may plakang EAB-1285 na pagmamay-ari at nakarehistro sa pangalan ni
Maricar Odiamar;

Na noong Disyembre 11, 2020, bandang alas dos diyes ng hapon,


habang binabaybay ng nabanggit na sasakyan ang kahabaan ng Maharlika
Highway sa Brgy. San Felipe, Basud, Camarines Norte ay aksidenteng
nasagasaan nito ang tumatawid na si Haine R. Pascuhin, nasa hustong
gulang, walang asawa, Pilipino, at naninirahan sa Brgy. ______________, Basud,
Camarines Norte;

Na dahil sa nasabing pangyayari ay nagtamo ng sugat si Haine R.


Pascuhin at kinalaunan ay pumanaw habang ginagamot sa pagamutan;

Na si Haine R. Pascuhin ay may mga naiwang anak na sina _________


PASCUHIN, _________ PASCUHIN, _________ PASCUHIN, _________ PASCUHIN,
_________ PASCUHIN, _________ PASCUHIN;

Na dahil sa wala namang may kagustuhan ng nabanggit na pangyayari


ay napagkasunduan ng lahat ng panig na huwag ng paabutin sa korte ang
nasabing usapin;

Na napagkasunduan ng lahat ng panig na magbibigay si Maricar


Odiamar ng paunang bayad na P40,000.00 sa mga naiwang anak ni Haine R.
Pascuhin at matapos ang limang araw mula ngayon ay magbibigay ng
karagdagang P60,000.00 para sa kabuuang P100,000.00;

Na tinatanggap ng mga naiwang anak ni Haine R. Pascuhin ang


nasabing halaga at nangangako na hindi na sila magsasampa ng anumang
reklamo o kaso laban kina Maricar Odiamar at Edward Jayford Gonzales;

1
Na kapag nabayaran na ang kabuuang halaga na P100,000.00 ay ito na
ang magiging katapusan ng anumang usapin patungkol sa nabanggit na
pangyayari;

Na dahil sa kasunduang ito ay pumapayag na rin ang lahat ng panig na


mai-release na ang nabanggit na sasakyan mula sa pagkaka-impound nito sa
kustodiya ng pulis;

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, ang lahat ng panig ay lumagda sa


ibaba nito ngayong ika-12 ng Disyembre, 2020, dito sa Daet, Camarines Norte.

MARICAR ODIAMAR EDWARD JAYFORD GONZALES

______________ PASCUHIN _______________ PASCUHIN

______________ PASCUHIN _______________ PASCUHIN

______________ PASCUHIN _______________ PASCUHIN

PAGPAPATUNAY

REPUBLIKA NG PILIPINAS )
LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE) S.S.
BAYAN NG DAET )

SA HARAP KO, na isang Notaryo Publiko sa Lalawigan ng Camarines


Norte ay dumulog ang mga nabanggit na panig na aking nakilala sa
pamamagitan ng kanilang mga pagkakakilanlan na nasusulat sa itaas, at
kilala ko na silang mga nagsagawa ng kasulatang ito na kanilang
pinatutunayan sa aking harap na ito ay kanilang malaya at sariling
pagpapasiya.

Ang kasulatang ito ay nauukol sa isang Kasunduan sa pagkakautang na


napapaloob sa dalawang (2) pahina kasama na ang kinalalagyan ng
pagpapatunay na ito, nilagdaan ng lahat ng bawat panig sa bawat pahina ng
kasulatang ito.

SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK, ngayong ika-12 ng


Disyembre, 2020, dito sa Daet, Camarines Norte.

Kas. Blg. _______


Dahon Blg. _______
Aklat Blg. _______
Serye ng 2020.

2
3

You might also like