You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas)

Siyudad ng Calapan )S.S.

PAGBABAHAGING LABAS SA HUKUMAN

ALAMIN NG LAHAT NA:

KAMI, sina DIOSA A. MAGANDA, may sapat na taong gulang, walang


asawa at naninirahan sa Neo Calapan Subdivision, Bulusan, Calapan City,
Oriental Mindoro, at MARIKIT A. MAGANDA, may sapat ding taong gulang,
walang asawa at naninirahan sa Suqui, Calapan City, Oriental Mindoro, ay
nagkakasundo at nagsasalaysay;

NA kami ang mga anak at natatanging tagapagmana ng namatay na si


JUAN D. MAGANDA, na namatay noong ika-28 ng Abril, 2023, sa Calapan City,
Oriental Mindoro;

NA sa kanyang kamatayan, ay wala siyang naiwang anumang


pagkakautang at wala rin naman siyang Huling Habilin o Testamento;

NA siya ay nakaiwan ng isang parcela ng lupa sa Barcenaga, Naujan,


Oriental Mindoro na ganito ang mapagkakakilanlan:

A Parcel of land (Lot 0001-A-3 of the subdivision plan (LRC) Pad-181603,


being a portion of Lot 0001-A (LRC) Pad 12345, situated in Purok Ganda
Barcenaga, Municipality of Naujan, Province of Oriental Mindoro, Bounded on the
NE points 4 to 1 by Lot 0001-A-4 of the subdivision plan, on the SE points 1 to 2
by Malibay-Purok Road, on the SW points 2 to 3 by Lot 298 Purok 19. Beginning
at a point marked “1” on plan being N 4 degrees 15 E. 320.00m from LM No. 18,
Purok 19, thence S 61 degrees 43 W. 25.00m to point 2; thence N 37 degrees 46
W. 74.1m to point 3; thence 32 degrees. –over–

NA sa bisa at kapangyarihan ng Alituntunin 74 ng Binagong Alituntunin ng


Hukuman ng Pilipinas, ay aming binabahagi sa aming mga sarili ang kabahagi at
interes ng namayapa naming ama na si JUAN D. MAGANDA sa lupang saysay sa
itaas nito, sa lawak na sinlalaki, at tuloy naming hinihiling sa Kgg. na Tagatala ng
Kasulatan Na Pagtibayin at itala ang aming pagbabahaging ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito


ngayong ika-15 ng Marso, 2024, sa Siyudad ng Calapan, Oriental Mindoro.

DIOSA A. MAGANDA MARIKIT A. MAGANDA

PINIRMAHAN SA HARAP NINA:

Pedro C. Cruz Luz V. Minda


Testigo Testigo
PAGPAPATUNAY
Republika ng Pilipinas)
Siyudad ng Calapan )S.S.

SA HARAP KO, na isang Notaryo Publiko para sa Siyudad ng Calapan,


Oriental Mindoro, nitong ika-16 ng Marso, 2024 ay dumulog sina:

Lugar na Pinagawaran at
Pangalan Pagkakakilanlan
Hanggang Kailan

DIOSA A. MAGANDA Driver’s License Calapan City, 10/10/24


MARIKIT A. MAGANDA Driver’s License Municipality of Naujan, 11/03/21
Pedro C. Cruz Driver’s License Calapan City, 03/05/22
Luz V. Minda Voter’s ID Calapan City, 05/15/22

Na kakilala ko at nalalamang silang nagsasagawa ng naunang Kasulatan


na pinatunayan nila sa harap kong Malaya at sarili nilang pagpapasya.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumagda at nagtatak ng aking


selyong pangnotaryo, ngayong ika-15 ng Marso, 2024, dito sa Siyudad ng
Calapan, Oriental Mindoro.

Notaryo Publiko

Kasulatan Blg. _____;


Dahon ___________;
Aklat ____________;
Taong ___________.

You might also like