You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Aurora
Bayan ng San Luis
BARANGAY DITUMABO
-ooOoo-

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

Ika-31 ng Mayo, 2021

GNG. MARIVIC E. SANTOS


CENRO
BARANGAY FLORIDA, MARIA AURORA, AURORA

Mahal na Gng. Santos;

Isang mapagpalang araw po!

Sa pamamagitan po nito, magalang po naming ipinababatid sa inyo at sa inyong tanggapan na


batay po sa inyong liham noong ika-11 ng Mayo, 2021 na inyong nireleased noong ika-14 ng Mayo,
2021 na aming natanggap noong ika-28 ng Mayo, 2021 patungkol sa sinasabi ninyong “ karamihan
sa mga tablang illegal at nahuhuli sa inyong tuloy tuloy na pagpapatupad ng mga batas
pangkalikasan kasama ang mga ibang Law Enforcement Agencies ay galing sa aming barangay.

Kalakip din sa liham na inyong ipinadala ang SUMMARY OF APPREHENSIONS C.Y 2021 OF
SAN LUIS, AURORA kung saan sa nakalagay sa number 1:

Date of Apprehension: January 7, 2021

Place of Apprehension: Brgy. Ditumabo, San Luis, Aurora

Apprehending Officers & Other Agencies Involved: PENRO and CENRO Dingalan

Conveyance used: 3 units

A) Rusi 125 Blue (no Plate number) bearing


engine number GMR 125TC88806065,

B) Rusi 125 Blue (No Plate number) bearing


engine number RW157FMIHA046668,

C) Maton 150 Black (No Plate number


RSP15Q04263 bearing chasis number
RSPTC1500000004263

Possible Source of Forest Product: Barangay Ditumabo, San Luis, Aurora


Nais po naming ipabatid sa inyo na ang mga impormasyong nakalagay sa inyong SUMMARY OF
APPREHENSIONS C.Y 2021 OF SAN LUIS, AURORA Number 1, patungkol sa Place of
Apprehension at sa Possible Source of Forest Product ay hindi po sa Barangay Ditumabo, San Luis,
Aurora. Kasama po ako Punong Barangay Kgg. Sherwin V. Macatiag at ang aking Barangay
Kagawad Kgg. Sesinando C. Chan upang mapangalaan ang kaligtasan at seguridad ng inyong mga
tauhan sa maaaring maging banta ng maganap at mahuli ito. Ito po ay nahuli sa Sitio Hacienda,
Barangay Nonong Sr., San Luis, Aurora at ito po ay galing sa Barangay Diteki, San Luis, Aurora.Na
ang inyong naging paratang sa aming barangay at sa inyong lingkod ay walang katotohanan.

Nais po naming ipabatid sa inyo na ang Sangguniang Barangay ng Ditumabo, San Luis, Aurora sa
pangunguna ng inyong lingkod Punong Barangay Kgg. Sherwin V. Macatiag na kami ay palaging
kaisa at tumutulong sa mga programa sa pagsugpo sa mga nakasisirang gawain sa mga
kabundukan lalong lalo na sa aming nasasakupan.

Umasa po kayo na patuloy ang aming kooperasyon sa pagpapatupad ng batas patungkol sa


pangangalaga sa ating kakilasan.

Maraming Salamat po!

Sumasainyo,

SHERWIN V. MACATIAG
Punong Barangay
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Aurora
Bayan ng San Luis
Barangay ng Ditumabo
-ooOoo-

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

REQUEST LETTER
ENGR. RODERICK A. ANDAL

DISTRICT ENGINEER

PROVINCE OF AURORA

Ika-18 ng Enero, 2021

Mahal na Engr. Andal;

Isang mapagpalang araw po!

Sa pamamagitan po nito, ang Sangguniang Barangay ng Ditumabo, San Luis, Aurora ay magalang

pong ipinagbibigay alam na ang aming kahilingan sa DENR patungkol sa pagpapaputol at

pagpopruning ng mga apat (4) na puno ng Acacia sa nasasakupan ng Barangay Ditumabo, San

Luis, Aurora ay naaprubahan noong ika-11 ng Enero, 2021 kung kaya kami po ay magalang

humihiling at lumalapit sa inyong Tanggapan na makatulong sa pagpuputol at pagpapruning ng

nasabing mga Puno.

Kalakip pa rin ng liham na ito ang “CUTTING AND PRUNING PERMIT” na ipinagkaloob ng

DENR sa aming barangay.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagtulong at pagtugon hinggil sa

bagay na ito.
Sumasainyo,

SHERWIN V. MACATIAG
Punong Barangay

You might also like