You are on page 1of 6

PAGTALIKOD, PAGPAPAWALANG PANANAGUTAN

AT PAGPAPAUBAYA
(WAIVER, RELEASE AND QUITCLAIM)

ALAMIN ANG LAHAT:

Ako si, Benilda Uy-Abogado, may sapat na gulang, Pilipino at


kasalukuyang naninirahan sa HG Bldg. Riverside Drive, Brgy. Sta.
Lucia, Pasig City, alang-alang sa kahilingan ng aking kapatid ay
nagpapaubaya at tumatalikod sa pagsagot sa mga bayarin o gastusin
sa lupa nang aming namayapang ninuno at ipinauubaya ko na lamang
sa aking mga kapatid ang lahat ng karapatan sa mga sumusunod na
ari-arian:

"Isang lagay na lupang LOOBANIN at


TIRIKANG BAHAY, kasama ang bahay na
dito'y nakatirik, may buong sukat na 329
metrong parisukat (Lot 1980 Blk S03 A-118),
Assessment of Real Property No.20-
017(0068)00223 Property Index No. 024-20-
017-08-118 Don Luis, San Jose, Batangas,
humigit kumulang na ang karatig sa ilaya ay Lot
1980 pt. Aln 117-B, sa Silangan ay Lot 1984
Aln 120, sa Ibaba ay Lot No. 1979 Aln 119, at
sa Kanluran ay Pov'l Road 135. Natatala ito sa
Buwisang Blg. 07-00340. Pag-aari ni
FORTUNATA HARINA LANDICHO (Ina ng
aming Ina) namatay noong May 23, 1966.

"Isang lagay na lupang palayanin, (Lot


3502-C, Cadastral Lot No. 3508pt Assessor's
Lot No. 047 Block No. S-03 Calansayan San
Jose, Batangas) na may lawak na 4,717 metrong
parisukat, humigit kumulang na ang karatig sa
ilaya ay Lot 3508-B, sa Silangan ay Malaking
Tubig, sa Ibaba ay Lot No. 3513, at sa Kanluran
ay Agbang at Lot 3512. Natatala ito sa
Buwisang Blg. 0994 at Property Index No. 024-
20-015-03-047.” Pag-aari ni MELQUIADEZ
LANDICHO (Ama na aming Ina) namatay
noong Nobyembre 5, 1978.

“Isang lagay na lupang palayanin, (Lot No.


2345-BLK No. S-02-A-044 Dagatan, San Jose,
Batangas) na may lawak na 14,088 metrong
parisukat, humigit kumulang na ang karatig sa
Ilaya ay Lot 2345-A, ALN 045, sa Silangan ay
Agbang; sa Ibaba ay Lot 2344, ALN 086,
Agbang, at sa Kanluran ay Daang Nayon, ALN
046. Natatala ito sa Buwisan Blg. 20-016-
(0164)-00092 at Property Index No. 024-20-
016-20-044.” Pag-aari ni RAMONA
LANDICHO (Tiya ng aming Ina sa partido ng
aming lolo) namatay noong Marso 3, 1986.

At isinasaad ko din na walang paghahabol, karapatan, reklamo,


kaso o aksiyon (sibil, criminal o administratibo) na gagawin ang aking
buong pamilya tungkol sa mga manang nasasaad dito.

Huli kong idinideklara na nabasa ko ang buong dokumento, ang


mga sinasabi dito ay aking kusang loob na isinagawa at naintindihan
walang pananakot, at ang buong pagtalikod ko sa aking karapatan ay
buong puso kong ginawa sa ilalim ng batas.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, ako ay lumagda sa


ibaba nito ngayong ika-3 ng Marso, 2022 sa Lungsod ng Pasig.
BENILDA UY-ABOGADO

MGA SAKSI:

____________________ ____________________

PAGPAPATOTOO

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika 3 ng


Marso, 2022 sa Lungsod ng Pasig , ang nagsasalaysay ay nagpakita
ng kanyang Pasaporte Bilang P7090844A na may bisa hanggang ika-
07 ng May, 2028 nag nagpakita ng kanyang litrato at lagda na siya ay
personal na lumagda sa harap ko sa Pagtalikod, Pagpapawalang
Pananagutan at Pagpapaubaya na ito at pinapatunayan ko na
nilagdaan niya ang nasabing dokumento.

Ka. Blg. 371


Dahon Blg. 77
Aklat Blg. CDVI
Taong 2022.

You might also like