You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Province of Bataan
Municipality of Mariveles
BARANGAY MALAYA
TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

SINIPI BUHAT SA KATITIKAN NG IKA-LABING LIMA NA KARANIWANG


PULONG NG SANGGUNIANG BARANGAY NA GINANAP NOONG IKA-1 NG
AUGUST 2022 SA BULWAGANG PULUNGAN NG PAMAHALAANG
BARANGAY.
Mga dumalo:

1. Kgg. Henry E. Garcia - Punong Barangay


Presiding Officer
2. Kgg. David Conan M. Daquer - Kagawad
3. Kgg. Nenita G. Aranzado - Kagawad
4. Kgg. Joselito S. Artates lll - Kagawad
5. Kgg. Rosemarie A. Salvacion - Kagawad
6. Kgd. Vincent Carlo Guillermo - Kagawad
7. Kgd. Arturo R. Collado - Kagawad
8. Kgd. Christopher N. Malimata - Kagawad
9. Kgd. Michael M. Padua - SK Chairman
10. Christian A. Ocampo - Brgy. Secretary
11. Viah M. Estipular - Brgy. Treasurer

Di dumalo:

RESOLUSYON BLG. 014-s-2022

“KAHILINGAN SA BUTIHING TANGGAPAN NI GOVERNOR JOSE


ENRIQUE GARCIA III NA PONDO PARA SA RENOVATION NG
CADENA DE AMOR KABILANG ANG SANGGUMAY HALL UPANG
MAPANATILI ANG INTEGRIDAD NITO AT PATULOY NA MATIRHAN
NG LISTAS AT KUMBENYENTE NA UNANG PINAGAWA SA
PANAHON NI DATING PANGULONG FERDINAND E. MARCOS SR.”

SAPAGKAT, inilahad sa Section 16 ng Local Government Code ang


PANGKALAHATANG KAPAKANAN na bawat lokal na yunit ng
pamahalaan ay gagamitin ang mga kapangyarihan ipinagkaloob, yaong
mga kinakailangang ipinahiwatig doon, gayundin ang kapangyarihan
kailangan, angkop, o hindi sinasadya para sa mahusay at epektibong
pamamahala nito, at yaong mahalaga sa pagtataguyod ng
pangkalahatang kapakanan.;

SAPAGKAT, ang Barangay Malaya ay mayroong mga tirahan na


kinikilalang Cadena de Amor na pinagawa para sa manggagawa nuong
panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos bilang insentibo
habang nagtatrabaho sa Sona na sa kasalukuyan ay idiniklarang
“DILAPIDATED”.

SAPAGKAT, ang Cadena de Amor Buildings nasasakupan ng Barangay


Malaya na kung saan ay patuloy na inookupahan ng nasa humigit
kumulang 600 na kabarangay dahil na din sa mababang renta buwanan at
malapit sa kanilang mga pinapasukan na kumpanya at paaralan.

SAPAGAKAT, ang Barangay Malaya ay hindi nakakatangap ng buwis sa


Real Property kung kayat walang sapat na pondo na mailalaan sa
renovation ng mga “Dilapidated” na building ng Cadena de Amor.

DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kagawad Nenita G. Aranzado at Kagawad


Arturo R. Collado at sinang-ayunan ng lahat ng kasapi ng konseho ang
rekomendasyon ng BDRRMC na renovation sa nabanggit na tirahan ng
mga kabarangay sa Cadena de Amor ay hilingin sa Kinatawan ng Ikatlong
Distrito ng Bataan Kagalang-galang Congresswoman Maria Angela “Gila”
Garcia na mapondohan ang muling pagsasa-ayos ng mga tirahan sa
Cadena de Amor para sa ligtas at kumbinyenteng pangungupahan.

PINAGPASIYAHAN AT DITO AY PINAGPASIYAHAN NA PAGTIBAYIN,


ang kahilingan sa Butihing Tanggapan ni Congresswoman Maria Angela
“Gila” Garcia na pondo sa renovation ng mga building ng Cadena de Amor
kabilang ang Sanggumay hall upang mapanatili na mababa ang renta at
masiguro ang integridad nito at patuloy na matirhan ng ligtas at
kumbenyente na una pang pinagawa nuong panahon ni dating pangulong
Ferdinand E. Marcos Sr.

PINAGPASIYAHAN DIN, na padalhan ng sipi ng kapasyahang ito ang


lahat ng mga kinauukulan.

PINAGTIBAY, ngayong ika-6 ng Agosto sa taong 2022 dito sa Bulwagang


Pulungan ng Pamahalaang Barangay ng Malaya, Mariveles, Bataan.

Pinatotohanan kong wasto at totoo.

CHRISTIAN A. OCAMPO
Kalihim Sangguniang Barangay
Sinang-ayunan:

____________________ _________________________

___________________ _________________________

___________________ _________________________

___________________ _________________________

Pinagtibay ni:

_____________________________
KGG. HENRY E. GARCIA
Punong Barangay

You might also like