You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Kabite
Lungsod ng Dasmarias
Barangay San Agustin 1

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY


HALAW SA KATITIKAN NG
DI PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG
BARANGAY NG SAN AGUSTIN 1 LUNGSOD NG DASMARIAS NA GINANAP NG IKA-24 NG
HULYO, 2016 SA SILID PULUNGAN NG SAN AGUSTIN 1 BARANGAY HALL.
MGA DUMALO:
Hon. Edwin C. Robles
Hon Glenn N. Anadilla
Hon. Marina R. Nati
Hon. Darwin P. Torres
Hon. Federico S. Santiago
Hon. Nancy B. Padayao
Hon. Gilbert S. Villanueva
Hon. Fernando Quintana

-Punong Barangay
-Kagawad
-Kagawad
-Kagawad
-Kagawad
-Kagawad
-Kagawad
-Kagawad

PANAUHIN:

DI- DUMALO: Wala

KAPASIYAHAN BLG.12 S-2016


KAPASYAHANG PINAGTIBAY NG SANGGUNIANG BARANGAY NG SAN AGUSTIN
1 NA HUMIHINGI NG TULONG KAY ENGR. ALFREDO S. SILVE GENERAL MANAGER NG
DASMARIAS WATER DISTRICT.
SAPAGKAT, napagkasunduan ng pamunuan ng Sangguniang Barangay ng San Agustin 1 at ng
WESTODA Board of Directors na humingi ng tulong kay Engineer Alfredo S. Silva ng Dasmarias
Water District, upang malagyan ng linya ng tubig ang palikuran sa terminal ng Tricycle sa Solar
Homes.
SAPAGKAT, ang tubig ay kailangan para mapanatili ang kalinisan ng palikuran
SAPAGKAT, napagkasunduan ng Sangguniang Barangay ng San Agustin 1 at WESTODA Board of
Directors na ang pagbabayad ng pagpapakabit ng metro at buwanang konsumo ng tubig ay
magmumula sa asosasyon o samahan ng WESTODA.
NGAYON DAHIL DITO, sa mungkahi ni Sangguniang barangay member Marina R. Nati na
pinangalawahan at buong pagkakaisang pinagpasiyahan ng lahat ng nagsidalong miyembro ng
Sanggunian Barangay, ay
PINAGTIBAY AT DITO PINAGTIBAY, ang kapasyahan nagpapatibay sa paghingi ng tulong kay
Engineer Alfredo S. Silva, General Manager, Dasmarias Water District upang malagyan ng linya
ng tubig ang palikuran sa terminal ng tricycle sa Solar Homes.

Pahina blg 2 Kapasyahang blg. 12 -S-2016


Petsa: ika-24 Ng Hulyo 2016

PINAGTIBAY DIN, na mabigyang sipi ng kapasiyahang ito ang lahat ng kinauukulan para sa
kanilang kaalaman at kaukulang hakbang.
PINAGTIBAY NG LAHAT.
Pinatutunayan ko ang kawastuhan ng Kapasiyahang ito ngayong ika- 24 ng Hulyo, 2016 .
Inihanda ni :
Giselle Kristine C. Frivaldo
Kalihim

PINATUNAYAN:

HON. GLENN N. ANADILLA


Kagawad

HON. MARINA R. NATI


Kagawad

HON.DARWIN P. TORRES
Kagawad

HON. FEDERICO S. SANTIAGO


Kagawad

HON. NANCY B. PADAYAO


Kagawad

HON. GILBERT S. VILLANUEVA


Kagawad

HON. FERNANDO B. QUINTANA


Kagawad

PINAGTIBAY:

HON. EDWIN C. ROBLES


Punong Barangay

You might also like