You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas )

Probinsya ng Palawan ) S.S


Munusipyo ng Taytay )
MALAYANG SINUMPAANG SALAYSAY
AKO, ARMANDO I. PINEDA, Filipino, may asawa at nakatira sa Purok 4, Barangay
Poblacion, Taytay, Palawan, matapos makapanumpa ng naayon sa batas ay nagsasaad na:
1. Na ako ay isang retiradong myembro ng Philippine National Police (PNP) na
nakatalaga sa Municipal Police Station ng Taytay, Palawan;
2. Na noong ika- 26 ng Mayo 2014 ako ay nakatalaga bilang Duty Desk Recorder
simula ika-8 ng umaga hanggang ika-8 ng umaga ng Mayo 27, 2014;
3. Na noong ako ay nakatalaga bilang Duty Desk Recorder ako ay hindi umalis sa
aking pwesto;
4. Na noong bandang ika-6:00 ng umaga ng Mayo 27, 2014 ay magreresponde si
PO3 Roderick Evina at PO2 Eduardo Andong Jr nang matuklasan ni PO3
Evina na wala na sa pinaglalagyang cabinet ang isang M-16 Riffle;
5. Na napag-alaman namin na ang nasabing Riffle ay may serial number na
9020073;
6. Na agad naming hinanap ang nasabing Riffle ngunit hindi namin ito natagpuan
sa kabila ng puspusang paghahanap at hanggang ako ay nagretiro na lamang
ay hindi pa rin ito natapuan;
7. Na ginawa ko ang Malayang Salaysay na ito upang patunayan ang mga
nakasaad sa itaas at para sa kung anumang legal na proseso na pagagamitan
nito.
SA KATUNAYAN AY NILAGDAAN KO ITO ngayong ika- 30 ng Setyembre, 2016 dito
sa Bayan ng Taytay, Palawan.

ARMANDO I. PINEDA
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 30th day of September, 2016 at Taytay,
Palawan, affiant is personally known to me.

Doc. No;
Page No.
Book No.
Series of 2016

You might also like