PANANALIKSIK SA WIKANG FILIPINO - IKALABING-ISANG BAITANG -
Inihanda ni: Bb. Laurie
Aralin 3.1 Lingguwistikong Pahayag at Uri ng Wika Lingguwistikong Komunidad
• Batid natin na ang wika ay sa komunikasyon at ito ang dahilan
upang makapag-ugnayan ang bawat isa. • Napagbubuklod ng wika nag grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang mga tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat. • Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng panlipunang dimensiyon ang wika dahil napagsasama-sama nito ang mga tao upang makabuo ng isang komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos, at kolektibong ugnayan sa ikauunlad ng bawat isa. Lingguwistikong Komunidad
• Kung sa ganitong tunguhin napupunta ang talastasan o
pakikipag-usap ng mamamayan, masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan at pinanggagalingan. MGA SALIK NG LINGGUISTIKONG Komunidad
1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba
Homogenous ang wika, ibig sabihin may iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit (Chomsky, 1965; Lyons, 1970
2. Nakapagbabahagi at malaya ang kasapi sa tuntunin ng wika
at interpretasyon nito ( Hymes, 1972 – katulad ito ng kinagawiang interpersonal na komunikasyon gamit ang pahiwatig ng mga Pilipino (Maggay, 2005) MGA SALIK NG LINGGUISTIKONG Komunidad
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit
ng wika (Labov, 1972) Samakatwid, ipinapalagay nito na ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sector, grupo, o yunit na nagkakaunawaaan sa iisang gamit nila ng wika (homogenous) na may kaisahan sa uri o anyo; nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito at naibabahagi ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at damdamin sa paggamit nila ng wika at pakikitungo nila sa isa’t isa. Halimbawa: • Sektor – mga manggagawa na malaya sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa • Grupong pormal – Bible study group na nangangaral ng Salita ng Diyos. • Grupong impormal – barkada • Yunit – team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan. MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD
Subalit paano kung malalaking pamayanan, Samahan, o bansa
na ang pinag-uusapan? Magagamit pa rin ba ang mga salik na nabanggit? Hindi na. Ang tunguhin ng lingguwistikong komunidad ay kaisahan na tila may iisang mukha, wika, kilos, o tunguhin ang bawat kasapi. Subalit ang tunguhin ng multikultural na komunidad ay “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.” Hindi kaisahan kundi pagkakaisa dahil iba’t ibang salik , anyo, kinapopookan, pananaw, at marami pang iba na pinanggagalingan ng indibidwal. Samakatwid, iba-iba ang ating lahi, kulay ng balat, kasarian, paniniwala, pananampalataya, estado sa buhay, naging kasaysayan, at aspirasyon sa hinaharap. MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD Sa usapin naman ng wika nagiging iba-iba, samo’t-sari, o marami ang mga wika dahil sa mautlikultural nating katangian, identidad, at pinagmulan (heterogenous). Sa multikultural na komunidad, multilingguwal ang mga kasapi nito. ang ughnayang nabubuo ay naghahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. Halimbawa: • Internasyonal – United Nations; UNICEF, at iba pa • Rehiyonal – European Union; ASEAN; at iba pa • Pambansa – mga bansa at estado na may iba’t ibang etnolingguwistikong pangkat tulad ng Pilipinas, Indonesia, Japan, at iba pa. • Organisasyonal – Microsoft; Google; Nestle at iba pa SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO • Ang sosyolek ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. Isang halimbawa nito ang jejemon na pinauso at ginamit ng isang sangay ng lipunan natin na nagkaugat sa kulturang popular ng kabataang gumagamit ng text messaging sa kanilang komunikasyon. • Ang idyolek naman ay ang natatangi’t espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Minsan nakikilala natin o nagiging marka ito ng pagkakakilanlan ng isang tao. Isang halimbawa nito ang paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino. I-Google sa Internet o sa Youtube kung paano siya magsalita. SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO • Samantala ang diyalekto ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon. Isang halimbawa nito ang Tagalog-Maynila, at iba pa. Pansinin na may iba’t ibang katawagan o termino na pareho naman ang kahulugan. Halimbawa ang setaw at sitaw na bigkas ang pagkakaiba at sintones at dalandan o dalanghita na sa termino naman nagkakaiba. SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO • Hindi lamang nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng wika dahil sa heograpiyang salik kundi maging sa propesyonal o panlarangang basehan. Sa komunikasyon s iba’t ibang disiplina, may angkop na pananalita at espesyalisadong terminong dapat gamitin na partikular sa larangan. Halimbawa, wika ng mga inhinyero, iba rin ang wika ng mga abogado at nasa hukuman, iba rin ang wika ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan. Tinatawag ang uri ng wikang ito na rehistro. Nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon. MARAMING SALAMAT!