You are on page 1of 10

PRESENTASYON

SA FIL 111
SOSYOLEK
 tawag sa isang uri ng wika  na ginagamit ng isang
partikular na propesyon o ng anumang pangkat na
kinabibilangan ng mga iba’t-ibang indibidwal.
 Ito ay barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan ng mga taong gumagamit nito.
MGA SOSYOLEK NA WIKA
 WIKA NG BEKI O GAY LINGO

- Ito ay isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago
nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Halimbawa:
Churchchill – Sosyal
Indiana Jones – Nang – indyan
Bigalou – Malaki
Mudra – Ina
Chaka - Pangit
 COÑOC ( Coñotic o Conyospeak )
Ito ay isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihalo sa Filipino kaya’t
masasabing code switching na nangyayari.
Naririnig sa mga kabataang may kaya at nakapag – aral sa eksklusibong paaralan.

Halimbawa:
Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Ana.
 JOLOGS O JEJEMON
Ito ay nagmula sa salitang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang
hapon na “pokemon”.
Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Fillipino subalit isinusulat ng may pinaghahalo - halong
numero o simbolo at malaki o maliit na titik kaya’t mahirap intindihin lalo na kung di
pamilyar sa jejetyping.
Halimbawa:
D2 na me – Nandito na ako
MuZtaH – Kamusta
Aq e2 – ako ito
 JARGON

- Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay may pagkilala sa kanilang
trabaho o gawain.
Halimbawa:
Exhibit, Appeal, Compliant ( Abogado)
Performance Task, Recitation ( Guro)
ETNOLEK
 Ang salitang Ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan Ng isang pangkat etniko.

Halimbawa:
Vakkul – Pantakip sa ulo
Bulanon – Full moon
Palangga – Mahal o Minamahal
Kalipay – Tuwa o Ligaya

You might also like