You are on page 1of 6

Isang mapagpalang araw sa inyo mga minamahal kong ika labing isang baiting.

nagagalak ako na makasama kayo sa ating pag aaral, ako ang inyong magiging guro , ginoong Jc.

Bago tayo mag umpisa tayo ay manalangin muna…..

Ama naming sa langit kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng inyong pagpapala sa amin.

Patuloy nyo po kaming gabayan sa aming pag aaral sa araw na ito.

Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Bago tayo tumungu sa ating talakayan,matanong ko lng..

Kamusta kayo?

Handa na ba kayong matuto kasama ako?

At kung handa na kayo. Magpapatuloy tayo sa araling ating pagtutuunan sa araw na ito.

Upang mapuno ng kaalam ang inyong kaisipan

Ngayon ating bigyang pansin ang paksang Barayti ng wika filino

Matapos ang araling ito, kayo ay inaasahang maisasagawa ng mga sumusunod:

-Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

-Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa


radyo, talumpati, at mga panayam

-Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan

At bilang panimula ng ating pagtalakay.

Skit?

Barayti ng wika filino?

Ano nga ba ang ito?

Pag sinabi nating barayti,ibig sabihin iba’t iba klase,pagkakaiba,o pagbabago ng isang bagay. Ang
pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng
ideya ng pagiging heterogeneous ng wika.
Ano ang heterogeneous?

Ito ay ang iba’t ibang salik na nagreresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.

Maaring ito ay

 Edad
 Hanapbuhay
 Trabaho
 Antas ng pinag-aralan
 Kasarian
 Kalagayang panlipunan
 Rehiyon o lugar
Ano nga ba ang mga barayti ng wika?

Isaisahin natin.

Una sa listahan ang Dayalek ito ay Ginagamit ng mga particular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar,relhiyon, o baya. Tinatawag din toing wikain.

Ano ang ibig sabihin nito..?

Makikita natin sa ating screen ang isang halimbawa ng wikain, ito ang TAGALOG, mula sa
wikang tagalog ay nagsanga sanga ito ng iba’t ibang dayalekto.

Narito ang Halimbawa:

May apat na klase ng dayalekto ang ginamit dito, taga-batangas, taga-bataan, taga-maynila,
at taga- rizal. Pansinin ang paraan nila ng pagsasalita

Sa batangas “ aba, ang ganda eh”

Sa bataan “ ka ganda ah”

Sa maynila “ aba ang ganda!

Sa rizal “ ka ganda hane”

Sila ay kapwa gumagamit ng wikang tagalog na maituturing na dayalekto ay ang paraan nila
ng pagbigkas ng tagalog o ang paggamit nila ng wikang tagalog .magkakapareho ang wikang
ginamit pero magkakaiba ang pormat at paraan ng pagsasalita at iyon ang tinatawag na
dayalekto.

Tumungo nmn tayo sa pangawala ito ay ang soyolek, anong sosyolek?


Ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika. Ito ay naaayon sa paniniwala, edad at kasarian ng isang tao, ibig sabihin
lang nagkakaroon pagkakaiba iba sa pagsasalita ng isang tao depende sa kanyang
paniniwala, depende sa kanyang edad at depende sa kanyang sa kanyang kasarian.

Narito ang mga uri ng sosyolek.

Taglish

May ilang saliitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code
switching na nangyayari.

Ano ang code switching? Ang code switching ay ang paghahalo ng ibang wika sa isang
tuwirang pagsasalita o pahayag.

Hal.
“Bilisan mo at late na tayo” imbis na “bilisan mo at mahuhuli na tayo”

Nagkaroon ng code switching ang salitang mahuhuli sa engles na salitang late.

Conotic o Conyospeak

Mas malala ang paghahalo ng Tagalog at Inglessa sosyolek na ito,

Hal.
Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Anna pa.
Kaibigan 1: Come on na. Well gonna make pila pa. It’s so haba na naman
for sure.
Kaibigan 2: I know right. Sige, go a head na.

Tandaan na magkaiba ang conyo sa taglish maaaring sila ay gumagamit ng dalawang wika na
pinagsasabay sa isang pagpapahayag, pero ang conyo ay may timla ng pagiging sosyal o
masasabing, ang gumagamit daw nito ay nabibilang sa tinatawag nating RK o yung tinatawag
nating rich kid kasi talagang may timpla ng pagiging sosyal ang kanilang pagsasalita
samalntalang sa taglish ay ang pagsasalita ay banayag lamang kompara sa conyo kung saan
may timpla ng pagkasoyal.

Ang sumunod ay jejemon, ano nmn ang jejemon? alam kong na iba sa inyo ay natatawa na
pagkakataong ito dahil nasabi ko ang salitang jejemon ano na nga ba ang jejemon.
Alam nyo nagging palasak yan lalo na at higit sa pararaan ng pagtttext noon at paraan
pagchachat.

Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay din sa mga wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat
nang may pinaghalong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na
titik kaya’t mahirap basahin at intindihin lalo na hindi pamilyar sa tinatawag na “jejetyping.”

Hal.
 Muztah - kamusta
 iMiszqckyuh - I miss you
 aQckuHh iT2h - ako ito
 3ow phow musZtah na phow kaow? - hello po, kamusta

Wika ng mga “Beki” o “gaylingo”

Isang grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman


binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Halimbawa

 Indiana jones - nang-indyan


 Bigalou - malaki (big)
 Givenchy - pahingi (give)
 Julie Andrews - mahuli

Jargon

Mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay


makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.
Hal.
ABOGADO GURO
- Exhibit - Lesson Plan - Curriculum Guide
- Appeal - SF 1
- Complainant - SF 2

Ang sumunod na barati ay ang Idyolek


Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakayahang natatangi ng taong nagsasalita.
Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging
paraan ng pagsasalita o idyolek.

Halimbawa

 Marc Logan
 Pabebe girls
 Jessica Soho
 Noli De Castro
 Mike Enriquez
 Kris Aquino

You might also like