You are on page 1of 1

University of Saint Anthony

DR. SANTIAGO G. ORTEGA MEMORIAL


City of Iriga

Filipino 107/PRELIMS
First Semester/September 6, 2020

Name Tito M. Canposano Jr. Course BSED Year Level 3 Score_______

Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa.

1. Ano-ano ang mga kabilang sa kaaya-ayang katauhan ng isang guro?


a. Malusog- kinakailangan na maging malusog ang isang guro sapagkat hindi ito makakapagturo
ng maayos kung ito ay sakitin.
b. Matiyaga- dapat na maging matiyaga ang isang guro upang mas mapagtagumpayan niya ang
kanyang pagiging isang propesyunal na guro.
c. Malinis- dapat lamang na laging malinis ang isang guro hindi lamang sa kanyang katawan
kundi pati na rin sa kanyang kapaligiran sa ganitong paraan mas magugustuhan ng mga
estudyante na siya ay tularan.
d. Maayos at Angkop ang Kaniyang Pananamit
- kinakailangan na maayos ang pananamit ng isang guro upang maging kagalang-galang at hindi
mabastos ng mga tao sa kanyang paligid lalong lalo ng kanyang mga estudyante.
e. May katamtamang lakas ng Tinig
-bilang isang guro dapat may katatamang lakas ng tonight upang mas maintindihan ng kanyang
estudyante ang kanyang mga sinasabi sa ganitong paraan mas maiitawid niya ng maayos ang
kanyang aralin.
f. May masayang disposisyon o may diwa ng paluwag-tawa(sense of humor)
-kinakailangan na hindi lang puro talakayan dapat may katuwaan din paminsan-minsan para
hindi maging nakaka-antok at maging masaya rin ang mga estudyante.
e. May bukas na isipan sa Pagbabago
-kinakailangan na may bukas na isipan sa pagbabago lalong-lalo ng madaming pagbabagong
nagaganap sa ating mundo kinakailangan na mabilis na makasabay ang isang guro upang hindi
siya mapag iwanan.
2. Bakit kailangan nang guro ay may malawak na kaalaman sa paksang itinuturo?
-dapat may malawak na kaalaman ang isang guro sa paksang kanyang itinuturo upang
maintindihan ng kanyang mga estudyante at maitalakay ng maayos.
3. Bakit kailangan ng isang guro na maging Maka-Diyos, Makabayan at Makabansa?
-sapagkat kapag ang isang guro ay may ganitong katangian mas magiging maganda ang
kalalabasan ng kaniyang pagtuturo mas mapapadali rin na maging isang mabuting ihemplo
lalong-lalo na sa kaniyang mga estudyante.
4. Bakit kailangan ng guro na mag-handa ng mga kagamitang tanaw dinig sa;
a.Ginagawa b. Minamasid at c. Sinasagisag
5. Ano-ano ang mga panlahat na katangian ng mga mag-aaral?

You might also like