You are on page 1of 1

LAKBAY SANAYSAY: CAORASAN

Bilang isang simpleng estudyante ako ay mahilig ding mamasyal upang ako ay malibang
at mawala rin paminsan-minsan ang aking mga problema. Isa sa aking mga
napuntahan ay lugar ng Caorasan ito ay matatagpuan sa simpleng lugar ng Bula
Camarines Sur, kami ay bumiyahe ng 45 minutos kasama ang aking minamahal pati na
rin an gaming mga kaibigan.

Pagkarating namin sa lugar na iyon ay ako ay namangha dahil sa napakagandang lugar


na nagmistulang malaparaiso napaka-asul ng dagat at mga naglalakihang mga bato ang
aking nakita. Pagbaba namin ay kumuha kami ng Bangka upang masakyan paputa sa
iba pang magandang tanawin ng Caorasan at doon kami muna ay nagpalipas ng oras at
naligo doon, kumuha naman ng mga larawan ang mga kasama at dokumentaryo sa
lugar na iyon makalipas ang ilang oras kami lumipat na naman sa isang kuweba
napakaganda ng loob nito at lahat kami ay namangha dahil sa mga batong puti at mga
parte ng kuweba.

Napakasaya at nakapatag ng aking kalooban ng araw na iyon at hindi ko yun


makakalimutan dahil napakasaya ng buong araw sa paglalakbay na aking napuntahan
kasama ang isa sa mahalagang tao sa aking buhay.

You might also like