You are on page 1of 1

Phase 1 NHA, Kauswagan

Cagayan de Oro City

Ika-24 ng Marso, 2023

Mahal kong Ate Paula,

Ang aming pamilya ay magkakaroon ng kaunting panghapunang salo-salo upang


ipagdiriwang ang pag-uwi ni Tita Rio galing sa New Zealand. Magaganap ito sa Marso
30, 2023, ika-6 ng gabi sa bahay namin sa Manolo, Bukidnon. Inaanyahan kitang
pumunta dahil isa ka sa mga taong gustong-gusto na namin makita ni Tita Rio.

Magdala ka na rin daw ng maraming damit dahil ipapasyal tayo ni Tita kinaumagahan.
Ako ay umaasa na makakadalo ka.

Ang iyong kaibigan,

Sam

You might also like