You are on page 1of 2

Minamaliit ng mga Espanyol na ang mga Pilipino noon ay wala pang kaalaman, hilaw pa at hindi

sibilisado. Sinasabi nila na kung hindi dahil sa kanila ay hindi pa mababago ang antas ng pamumuhay ng
ating mga ninuno. Sa kabila ng pangdudusta, wala silang alam na mayroon nang sariling sistema at
pamumuhay na nangyayari sa atin noon. Hindi nila alam na kung ano ang meron na sistema na meron
sila noon ay kasalukuyang nagaganap rin sa mga Pilipino noon. Sa pamamagitan ng mga sulatin ni Juan
Plasencia at Fr. Pedro Chirino ay nakasulat ang mga paniniwala at pamumuhay ng mga Pilipino noon na
ebidensya na mayroon nang umusbong at nabuhay na mga paniniwala't gawi natin noon. Ipamumuka ng
mga sulatin na mga iyon sa mga kastila na may sariling sistema na tayo noon sa iba't ibang aspeto. Sa
pamamagitan ng mga iyon ay mababago ang mga pananaw nila na hindi lahat ng naiambag nila sa atin sa
pagsakop nila na nagkaroon pa tayo ng bagong kaalaman dahil sa kanila. Kaya't bago pa lamang sila
dumating, may sibilasyon at kalikhaan na ang nabuo sa atin noon.

Bago pa lamang dumating ang mga Kastila sa pagsakop sa atin ay may umusbong na tayong literetura at
may antas na rin ang bawat tao noon ayon sa ranggo. Ayon sa sinulat ni Plasencia na "Doctrina
Christiana" na libro ay doon nakasulat ang mga natuklasan niya. Umusbong ang pagsulat at nagsimula sa
mga linuno natin noon ang "Baybayin" na may katangian ng Indic scripts at "Jawi system of writing" na
ang katangian naman ay sa Arabic scripts. Ito ang dalawang sistema ng pagsulat ang linaka kilala noon sa
Pilipinas, ngunit sa karamihan lamang ang sanay noon dahil mayayaman ang kadalasan na nakakapag-
aral ng mga ito noon. Mas kilala ang baybayin noon, meron itong 3 patinig at 14 na katinig. Nagagamit na
noon ang baybayin sa mga diyalektong tagalog, kapampangan, bikol, bisaya, ilokano at iba pa. Dahil nga
sa pagsulat na ito, natutong gumawa ang mga Pilipino noon ng pagsulat ng literatura tulad na lamang ng
paglikha ng nga tula, kanta at mga istorya maging mga batas noon ay baybayin rin ang ginamit na sistema
ng pagsulat ng mga batas. Kaya't hindi pwedeng sabihin ng mga kastila na wala pa tayong alam dahil
doon pa lamang ay pinakikita na may sistema na tayo ng pagsulat tungo sa komunikasyon at literatura na
pinatutunayang tayo ay malikhain.

Ang isa pang mahalagang natuklasan noon ni Plasencia sa mga Pilipino ay kung paano nabubuo noon ang
isang "balangay" o sa kasalukuyan ay tinatawag na baranggay. Binubuo ito ng tatlong klase ng tao: "Datu"
o kasalukuyang kapitan, "nobles" o "maharlika" na may kaya sa buhay at mga alipin na nahahati sa
dalawang uri: ang aliping saguiguilid at aliping namamahay. Sa panahon na iyon ay
pinakamakapangyarihan ay ang Datu sapagkat na sa kanya ang kapamgyarihan sa pag uutos at siya ang
masusunod. Kaya't kung ikaw ay sumalungat sa sa batas at sa kanya ay mapaparusahan, na kung saan ay
kapag sa maharlika ay bababa sa pwesto tungong alipin at kung sa alipin naman ay kamatayan ang
kaparusahan. Ngunit kahit na ganoon, ang alipin noon sa atin ay tintarato pa rin bilang isang kasapi sa
pamilya ngunit dapat la rin niyang pagsilbihan ang kanyang amo ayon sa kanyang halaga. Malaki ang
gampanin ng isang Datu noon dahil kailangan niyang gampanan ang iba't ibang tungkulin upang
mapanatili ang kaligtsana at kaayusan ng lahat. Binubuo ang isang baranggay noon ng mula 30 pamilya
hanggang 100. Sa panahon na rin na ito nabuo ang pagpapatupad ng batas kung kaya't matatawag na
sibilisado na ang ating pamayanan noon.

Sa libro namang nilathala ni Padre Pedro Chirino na "Relacion de las islas Filipinas" ay katulad lamang sa
kung ano rin ang natuklasan ni Plasencia, tungkol din ito sa pagiging alipin, sistema ng pagsulat at mga
linggwahe. Ngunit sa libro na ito, nandito ang ibang aspeto tulad ng kalinisan sa katawan,
pagpapanganak, pagpapakasal at paniniwala't relihiyon ng mga Pilipino noon. Noon ay marunong nang
panatilihing malinis ang katawan ng mga Pilipino sapagkat napapaligiran ang ating bansa ng iba't ibang
anyo ng tubig kung kaya't doon natin natutuhan na maligo at mag linis ng katawan ng di tataas sa 3 beses
sa isang araw. May sistemana rin noon ng pagpapautang na kung saan ang inutang mong produkto ay
dapat na may dagdag pabalik at may kondisyon kung kaya't kung sa kasalukuyan ay hi di makatarungan
ang sistema. Bago pa man dumating ang mga kastila ay may mga sinasamba na tayo noon na mga anito
at si Bathala na may likha ng lahat. Naniniwala na rin tayo noon sa mayroong paraiso at lugar ng
kalungkutan na mas alam ng lahat na langit at impyernona kung saan ang gagawa ng mabuti ay tutungo
sa paraiso at kung makasalanan ay makakasama si Sitan at lahat ng mga kampon. Naniniwala na rin tayo
noon sa mga kakaibang tao o nilalang na kampon ni Sitan tulad ng mananaggal, manyislat, sonat,
aswang, manggagayuma at iba pang nilalang na may mga masamang intensyon. Sa kasalukuyan ay
pinaniniwalaan parin ang mga ito ng mga Pilipino kung kaya't ito ang mga paniniwala natin noon.

Sa panahon din noon sa libro ni Chirino, malaki rin ang halaga ng mga babae. Ang kababihan noon ang
may kapangyarihan na magbigay ngalan sa kanyang mga magiging anak. Nauso na rin noon ang
pagpapakasal at diborsyo na ang sistema noon ay katulad lamang ng sa kasalukuyan ngunit mas may
suhol dati ang mga lalaki ulang mahikayat ang pamilya ng babae na pumayag. Noon ay ipinanalangin kay
Bathala angvpagiging malusog at maayos na pamilya na bubuuin ng mag asawang ikakasal. Noon ay
kilalang magalang at marespeto na ang mga Pilipino noon at may pagkakaisa ang pamayanan sa
kapakanan ng lahat. Noon pwede ring mag asawa ang mga naka aangat sa buhay ng higit sa isa ngunit
kailnagan lamang na pantay ang trato sa bawat isa. May sistema noon na ang anak na lalaki ng Datu ang
magmamana ng pwesto na sa kasalukuyan ay hindi na angkop sa Pilipinas dahil may sistema na ng
botohan at marami pang pwesto ng tungkulin.

Pinakikita lamang sa mga kasulatan nina Padre Pedro Chirino at Juan Plasencia na mayaman na sa kultura
at paniniwala ang mga Pilipino noon. Ipinakikita lamang na may mga nagawa na tayong mga sistema
noon at pinatutunayang hindi tayo mga indio o mga mangmang. Kung kaya, masasabi na natin na
sibilisado at matatalino na ang mga Pilipino noon. Ang dalawang kapwa kastila nila na nagsulat ng ating
mga paniniwala noon na sila ang ebidensya na nagpapakitang alam nila ang mga nangyayari sa atin
noon. Marami ding naiambag ang mga kastila at iba pang bansang sumakop sa atin ngunit ang mga gawi
at paniniwala natin noon ang mas tumatak at nanatili pa rin at mga sistema natin ngayon. Gayunpaman,
masasabi ko na makulay na ang ating buhay noon bago pa man sila dumating at nagpapatunay na ang
mga Pilipino noon ay may angking katalinuhan na sa iba't ibang bagay. Kaya't mas maganda lamang na
hindi na lamang tayo nasakop ng mga banyaga upang mapanatili natin ang mga kultura natin noon sa
kasalukuyan. Mapapanatili natin ang mga tradisyon natin at hindi mahahaluan ng mga banyagang mga
gawi na magpapakilala ng sariling atin at pagkakakilanlan ng ating iang bayan.

You might also like