You are on page 1of 2

KABANATA 14 SI TACIO: BALIW O PILOSOPO

Ang bida sa kabanatang ito ay si Don anastacio, ang pilosopo o ang baliw sa mga nais mang-inis sa kanya.
Isa syang estudyante noon ng Pilosopiya at isang marunong na bata. Subalit dahil sa kanyang
katalinuhan ay nangamba ang kanyang ina na malimutan nya ang Diyos kaya pinapili sya kung ano ang
mas gusto nya: ang pagpapari o paglayo s kolehiyo. Sapagkat may kasintahan sya noon mga panahong
iyon ay pinili nya ang iniibig at di na nag-aral. Ngunit sa kasamaang-palad magkasunod na namatay ang
kanyang ina at kasuyo sa buhay kaya’t ibinuhos na lamang nya ang oras sa pagbabasa ng mga libro
dahilan upang mapabayaan nya ang kanilang ari-arian.

SIMBOLISMO:
1. Ang magulang ni Pilosopo Tasyo ay maihahambing sa ina ni Rizal na natakot ding mapalayo ang
anak sa Diyos dahil sa kanyang katalinuhan. Ngunit sa katalinuhang iyon mamumulat ang mga
mata ng Pilipino sa mga pang-aaping ginagawa ng mga Kastila. Nais iparating ni Rizal na ang pag-
aaral ay di paglimot sa Diyos bagkus isang mahalagang sandata na gagamiting mo sa pagharap sa
kinabukasan at sa paglilingkod sa bayan.
2. Ang gabi rito ay tumutukoy sa paghihirap ng bayan sa pananakop ng mga Kastila. Ang bagyo o
unos na tinutukoy di literal na sama ng panahon, bagkus ay ang pagdanak ng dugo dahil sa
nagbabadyang himagsikan ng Pilipino laban sa Kastila. Samantalang ang kidlat ay simisimbolo sa
masidhing damdamin ng mga Pilipino na makalaya sa pananakop ng mga Kastila. Nagsisilbi rin
itong liwanag dahil nabuksan ang isip ng mga Pilipino sa mga karapatan at malayang kaisipan ng
mga kabataan na nakapag-aral at natuto
3. Ang hawak na kandila at isang adorning tungkod sa magkabilang kamay – ang kandila ay
sumisimbolo sa kanyang pagkapanatiko sa relihiyon samantalang ang tungkod ay sumisimbolo
ng mababaw na kapangyarihan bilang alkalde ng bayan
4. Ang pinapangarap na bagyo ni Pilosopo Tasyo ditto ay simbolismo ng paglilinis sa lipunan.
Umaasa sya na darating ang isang delubyo na maglilinis sa bulok na dulot ng katiwalian. Sinabi
rin ni Pilosopo Tasyo ang pagtama ng kidlat sa simbahan na parang pinahihiwatig nya na ang
ugat ng bulok na sistema ay nagmumula sa mga prayle o simbahan. Makikita rin dito ang
mababang pagtingin sa mga tulad ni Tasyo na may marungis na pananamit. Sinabi rito ni Tasyo
na sya ay nadapa sa basurahan – ibig sabihin nya rito ay nasadlak naang Pilipinans sa kahirapan
at kawalang pag-asa ng bayan
5. Ipinakita rin dito ang magkapatid na batang sacristan na may edad na 7 at 10 taon. Ayaw pa
silang payagang umuwi ng sacristan mayor at kailangang manatili hanggang ika-8 ng gabi upang
patugtugin ang kampana. Maliwang na ito ay pagsasamantala sa mga bata na pinaghahanap-
buhay sa halip na nag-aaral at nasa piling na ng kanilang magulang sa ganoong oras ng gabi.
6. Sa pag-uusap ni Pilosopo Tasyo at Donya Teodora Vina ay napag-usapan ang librong binabasa ng
babae na pinamagatang “Ang Mga Hirap na Tinitiis ng mga Banal na Kaluluwa s Purgatoryo”.
Mahahalatang malaki ang paniniwala ng babae sa nilalaman ng librong ito. Katunayan, sinabihan
nya pa si Pilosopo Tasyo na magpamisa para sa kaluluwa ng namayapang asawa. Ininwento rin
nya na sa panahon ng Todos Los Santos ang isang pamisa ay katumbas ng lima o hanggang anim
na pamisa na mahalaga upang mapalaya ang kaluluwa sa purgatoryo. Muli ito ay isang paraan na
naman ng mga prayle upang kumita nang mas malaki sapagkat mahihiyakat ang mas maraming
tao na magpamisa na nangangahulugan ng mas maraming bayad para sa pamisa.

You might also like