You are on page 1of 4

Rebyu ng Aklat:

Tullao Jr., Tereso S. 2012. 25 Taon Tungo sa Intelektuwalisasyon ng Filipino: 25 Piling


Sanaysay sa Ekonomiks. Manila: De La Salle University Publishing House.

Gerlie R. Parejo
St. James Academy - Malabon

Ang aklat na ito ay isang kalipunan ng mga praktikal na aral ang mga
sanaysay tungkol sa Ekonomiks gamit ang sanaysay na ito. Marami pang
wikang Filipino tungo sa minimithing ipalilimbag na mag saliksik si
intelektuwalisasyon ng wika. Dalawa ang Prof. Tullao at sa pagdaan ng
target na paksang nais bigyang-halaga ng panahon, maituturing na natin
aklat na ito: ang Ekonomiks at ang wikang na isa siya sa mga haligi ng
Filipino. Sa pamamagitan nito, mas wikang Filipino tungo sa
magkakaroon ng pang-unawa ang mga intelektuwalisasyon.”
mambabasa sa usapin ng ekonomiya habang
nililinang ang kahusayan sa paggamit ng ating Ipinaliwanag din ng mga sanaysay ang
pambansang wika sa usaping iba’t ibang isyung pang-ekonomiko na
intelektuwalisasyon. Ang aklat na ito ay kinahanarap ng Pilipinas sa loob ng
nagsisilbing pag-aalay ng pasasalamat kay dalawampu’t limang taon. Narito ang mga
Dr. Tereso Tullao Jr. na siyang haligi ng mga sumusunod na paksa at pamagat ng mga
pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sanaysay:
ekonomiya, partikular sa ating bansa. Ang 1. Mga Alternatibo sa Labas ng mga
bawat sanaysay sa aklat ay makatutulong Pandaigdigang Tugon sa Pagpigil sa
bilang padron sa mga papasibol na manunulat Pagbabago ng Klima, Marso 2011
at mananaliksik, lalo sa larangan ng 2. Ang Panloob na Balik sa Pag-aaral at
Ekonomiks. Pinalalakas nito ang puwersa ng Pandarayuhan ng mga Filipinong
paggamit ng wikang Filipino para sa higit na Nars, Marso 2010
kapakipakinabang na gawain na siyang 3. Pandaigdigang Krisis Pannalapi at ang
makapagpapataas ng antas ng ating Di-Timbang na Bayaring
pambansang wika. Pinatutunayan din nito na Internasyonal sa Pagitan ng mga
kayang-kaya ng wikang Filipino na Bansa, Pebrero 2009
makipagsabayan sa wikang Ingles. 4. Ugnayang Ekonomiko sa Pagitan ng
Ang mga sanaysay sa aklat na ito ay Pilipinas at Estados Unidos: Isang
umiikot sa iba’t ibang paksang may kinalaman Pangkasaysayang Pagtingin, Marso
sa Ekonomiks. Sa prologo ni Michael Angelo 2009
A. Cortes, DBA, isinalaysay niya ang 5. Epekto ng Pansamantalang
kahusayan ni Tullao sa larangan ng Pandarayuhan sa Demand sa
Ekonomiks at sa paggamit ng Filipino sa Edukasyon: Implikasyon sa
kanyang mga isinulat. Ayon kay Cortes, Pagpapaunlad ng Yamang-tao sa
Pilipinas, Marso 2008
“Sa libu-libong nagbasa ng 6. Pagsasalin sa Ekonomiks, Hulyo 2008
mga libro sa ekonomiks sa 7. Mga Hamon ng Panahon: Ilang Ulat sa
elementarya at hayskul, mga Kasalukuyang Isyu sa Ekonomiks
nawa’y kapulutan ninyo ng at Pulitika, Mayo 2008
DALUMAT E-JOURNAL
Isyu 2021, Tomo 7, Blg. 1

8. Paglilipat ng mga Likas na Tao (MNP) 25. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-
sa ASEAN: Mga Daan at Balakid sa halo, Tingi-tingi at Sari-sari, Pebrero
Pagpapalawak ng Kalakalan sa mga 1998
Serbisyo, Pebrero 2007
9. Epekto ng Padalang Salapi ng mga Kung susumahin ang paksa ng mga
OFW sa Tunay na Palitan ng Salapi sanaysay ni Tullao, ang mga ito ay tungkol sa
10. Padalang Salapi ng mga OFW: mga naging suliranin ng Pilipinas at ng
Nagdadala ng Kabuhayan, Katatagan ibang mga bansa na may kaugnayan sa
at Kaunlaran sa Ekonomiya, Marso usaping ekonomiko sa loob ng 25 taon na
2006 nilalayong solusyunan sa pamamagitan ng
11. Pagsusulat ng Aklat sa Ekonomiks: mga mungkahi. Naging lunsaran din ito ng
Isang Karanasan, Nobyembre 2005 pagpapahayag ng mga layunin, intensyon at
12. Tugon ng Negosyo sa mga Hamon ng mga maaaring tugon sa mga suliranin na
Panahon, Setyembre 2005 hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa
13. Ang Istruktura at mga Pagbabago sa rin.
Yamang-tao ng Hukbong Paggawa ng Nais kong bigyang-pokus ang huling
mga Industriya sa Pilipinas: sanaysay na pinamagatang, Ekonomiks sa
Implikasyon sa Produktibidad at Diwang Pilipino: Halo-halo, Tingi-tingi at Sari-
Pagkokompetitibo sari. Dito isinasalaysay ni Tullao ang mga
14. Tungo sa Mapagmalasakit na batayang konsepto sa Ekonomiks sa
Negosyanteng Pinoy, Agosto 2004 konteksto ng mga Pilipino. Inisa-isa niya ang
15. Ekonomiya ng Pilipinas Noong 1898 at limang pangunahing konsepto ng Ekonomiks:
1998, Isang Paghahambing, Hunyo ekonomiks at pamamaraang siyentipiko, ang
1998 kayamanan at pinagkukunang-yaman; hilig ng
16. Rebolusyong 1896 Sa Pananaw mga Pilipino; problema ng iskarsidad, at
Ekonomiko, Marso 1996 pamamahagi at alokasyon ng mga yamang-
17. Pamumuhunang Amerikano at bayan. Layunin ng sanaysay na ito na
Hapones sa Pilipinas; Susi o Balakid maipabatid sa mga mambabasa ang uri ng
sa Kaunlaran, Pebrero 1995 ekonomiya na mayroon ang Pilipinas nang sa
18. Integrasyon ng Silangang Asya: Mga gayon ay mayroon tayong maging pananaw
Implikasyon sa Pilipinas, Marso 1995 sa kung ano ang dapat gawin upang maisalba
19. Positibismo at Normatibismo: Kung at mapaunlad ang ekonomiya ng ating bansa.
Papaano Mangatwiran ang mga
Ekonomista, Marso 1994 Sa kabuuan, pinatunayan ng aklat na
20. Integrasyon ng Ekonomiya: Susi sa ito na ang wikang Filipino ay maaaring gamitin
Kaunlaran, Pebrero 1993 sa mga usaping pang-akademiko na siya
21. Kultura at Kaunlaran: Tungo sa namang isinusulong ni Tullao. Isa ito sa
Ekonomiks ng Lakas ng Loob at lunduyan upang makamit nang paunti-unti
Magandang Loob (Kapag Nabigo na ang minimithing intelektuwalisasyon ng
ang Bilihan at Pamahalaan), Pebrero Filipino. Ayon kay Tullao,
1992
“Kapag nauunawaan mo ang isang
22. Industriyalisasyon ng Pilipinas: Sana
konsepto o ideya sa iyong sariling
Ngayon Na, Pebrero 1991
wika, napakadali lamang para sa iyo
23. Pulitika at Ekonomiks ng
na ipaunawa ang konsepto o ideyang
Pagbabagong Istruktural ng Hapon;
ito sa ibang tao sa kahit anupamang
Implikasyon sa Industriyalisasyon ng
wika. Sa madaling salita, mas epektibo
Pilipinas, Marso 1990
ang pamamahagi ng kaalaman sa
24. Edukasyon at Pagpapaunlad ng
pamamagitan ng paggamit ng sariling
Yamang-tao
wika.”

88
DALUMAT E-JOURNAL
Isyu 2021, Tomo 7, Blg. 1

Pinatutunayan ng pahayag na ito ni edukasyon at pagpapaunlad ng yamang-tao


Tullao kung paano dapat gamitin sa at ang diwa ng Ekonomiks sa mga Pilipino.
intelektuwalisadong paraan ang ating wika,
hindi lamang bilang kasangkapan sa Bahagi na ng bawat ang aklat ang
pakikipagtalastasan kundi bilang instrumento pagkakaroon nito ng kalakasan at kahinaan.
upang maitaas ang antas ng paggamit ng Kung susuriin ang aklat, ang nakita kong
wika partikular na sa mga iskorlarling papel - pagkukulang o limitasyon nito ay ang
pananaliksik na magiging hakbang upang paggamit ng mga estadistikang mabilis
mapalakas ang Filipino sa usaping pang- magbago at hindi na maaaring magamit pa sa
akademiko. Mas madaling mauunawaan at mga susunod na taon kaya bilang tugon,
maibabahagi ng mga Pilipino sa kanilang nararapat lamang na magkaroon ng patuloy
kapwa ang isang pananaliksik kung ito ay na pag-aaral sa mga ito upang makapagbasa
nakasulat sa wikang Filipino. Kung gayon, ang mga Pilipino ng mga napapanahong tala
mas magiging mabisa ang pag-impluwensiya tungkol sa ekonomiya ng bansa. Gayundin,
ng kaalaman dahil sa wikang ginamit. Maging ang ilan sa mga sanaysay ay higit sampung
daan din ito sana ito sa pantay na pagtingin taon na nang maisulat dahil ayon sa pamagat
ng mga tao sa lipunan, mula sa mismo ng aklat, ito ay kalipunan ng mga
pinakamahirap hanggang sa sanaysay tungkol sa Ekonomiks sa loob ng 25
pinakamayamang mamamayan sa Pilipinas taon mula hanggang sa taon ng paglilimbag
ay makauunawa ng mga papel-pananaliksik. nito noong 2012.

Bukod sa nabanggit, makatutulong din Bilang kongklusyon, masasabi kong


ang aklat na ito upang magpabatid ng iba’t ang aklat na ito ay magsisilbing inspirasyon
ibang mga impormasyon, balita, at mga sa mga mananaliksik upang magkaroon ng
estadistika tungkol sa Ekonomiks. Ang mga higit na maraming mga pag-aaral tungkol sa
ito ay maaaring maging giya ng mga Pilipinas, gaya ng mga mag-aaral ng Araling
mananaliksik upang mas lalong mapalakas Filipino. Maaari itong maging giya sa pagsulat
ang puwersa ng paggamit ng wika at pag- ng komprehensibong papel-pananaliksik na
aaral na may kinalaman sa ekonomiya. Sa may kapaki-pakinabang na nilalaman. Bukod
pamamagitan nito, posibleng magmungkahi dito, magbubukas din ito ng pagkakataon para
ang mga ito ng solusyon sa problema ng sa mga mananaliksik na gumamit ng wikang
Pilipinas sa usaping ekonomiko. Isa pa sa Filipino sa pagsulat tungo sa pagpapaunlad
nakikita kong kalakasan ng aklat na ito ay ang nito bilang isang wika pang-akademiko. Sa
pagiging komprehensibo ng nilalaman ng mga susunod na panahon ay hindi lamang
bawat sanaysay. Hindi kahabaan ang bawat usaping Ekonomiks ang patuloy na
isa ngunit taglay nito ang mga kapaki- maisusulat ng mga iskolar mula sa akademiya
pakinabang na impormasyon at tala tungkol bagkus malaki ang posibilidad na maitampok
sa iba’t ibang paksa gaya ng usaping rin ang mga paksa gaya ng politika, kultura,
pandarayuhan ng mga Pilipino, agham panlipunan, sining, literatura, agham,
pandaigdigang krisis pananalapi, ugnayan ng matematika maging ang teknolohiya at iba pa
Pilipinas sa iba’t ibang mga maunlad na gamit ang wikang mauunawaan ng lahat, ang
bansa, mga isyu sa Ekonomiks at politika, ang wikang Filipino.
mga OFW at negosyanteng Pilipino,
paghahambing ng ekonomiya sa mga taong
1898 at 1998, estado ng ekonomiya noong Tungkol sa may-akda ng Aklat:
panahon ng rebolusyon (1986), mga
Si Dr. Tereso Tullao Jr. ay propesor
namumuhunang negosyante sa Pilipinas,
ng Ekonomiks at dating dekano ng Kolehiyo
usaping misgrasyon, ang mga ekonomista at
ng Bisnes at Ekonomiks sa Pamantasang De
integrasyon ng ekonomiya, impluwensiya ng
La Salle- Maynila. Siya ay nagtapos ng MA
kultura at kaunlaran, industriyalisasyon,

89
DALUMAT E-JOURNAL
Isyu 2021, Tomo 7, Blg. 1

(Law and Diplomacy) at Ph.D. (International mula sa Pamantasang De La Salle at sa iba’t


Economics) sa Tufts University at Stanford ibang organisasyon para sa kahusayan niya
University. Isa siya sa mga tinitingalang sa pagtuturo, pananaliksik at mga
personalidad pagdating sa pagsulat ng mga publikasyon. Dagdag pa rito, pinamalas rin
pananaliksik sa larangan ng Ekonomiks gamit niya ang kanyang kahusayan sa labas ng
ang wikang Filipino tungo sa kanyang bansa bilang isang “visiting scholar” sa mga
isinusulong na intelektuwalisasyon nito. pamantasan sa Japan, Estados Unidos,
Nagkamit rin siya ng iba’t ibang mga parangal China, Thailand, France at Laos.

Si Bb. Gerlie R. Parejo, LPT ay nagtapos ng Batsilyer sa Pansekundaryang Edukasyon- Medyor sa


Filipino, Cum Laude sa Pamantasang Normal ng Pilipinas- Maynila noong Abril 2017. Isa siyang guro sa
Filipino ng junior at senior high school sa St. James Academy- Malabon. Sa kasalukuyan, kumukuha siya
ng kanyang masterado sa Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle- Maynila.

90

You might also like