You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

STA.MESA MAYNILA

MALAYUNING KOMUNIKASYON SA
KONTEKSTONG FILIPINO
GEED 10183

Ipinasa ni:
Julius Renz V. Arangoso – BSED FILIPINO 1-1
Ipinasa kay:
Mrs: Marna Patricia A. Pacis

PAGTATAYA 6

1
“Ekonomiko: Instrumento sa Pag-unlad ng Wika’t Bansa”

*Pumili ng isa sa mga artikulo na nasa Aralin 9 at gawan ito ng isang


rebyu/analisis. (May mga artikulo sa aralin 9 na maikli lamang).

Rebyu/ Analisis mula sa isang artikulo ni Tereso S. Tullao, Jr. na

Pinamagatang “Ekonomiks Sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari”

“Ekonomiko: Instrumento sa Pag-unlad ng Wika’t Bansa”

Sa artikulo na inilathala ni “G. Tereso S. Tullao, Jr.” ating mapagbibigyang pansin ang kanyang
ibinahagi. Nilalaman ito ng mga pangunahing konsepto sa Ekonomiks, ito ay ang Agham
Panlipunan, kagahupan, Hilig ng Tao, Kayamanan, ang Pamamahagi, at maging sa
pagpapaunlad ng ating wika. Layunin ng artikulo na ito ay u p a n g m a g a m i t a n g
ilang mga k a a l a m a n g n a i l a t h a l a s a p a g l u t a s n g m g a p a n g u n a h i n g
p r o b l e m a s a pangkabuhayan at pangkaunlaran. Sa unang bahagi ng artikulong ito,
kanyang tinalakay ang “Ekonomiks”. Marahil ay kadalasan na ating naririnig
patungkol dito ay ang diwa ng pera, kalakalan, p a g t a a s n g p r e s y o , k a w a l a n n g
t r a b a h o , p a m u m u h u n a n a t i b a p a . At hindi lamang pumapaksa sa ekonomiya; ito ay
July 10, 2021
pumapaksa din sa ating wika. Tinalakay dito kung ano nga ba ang magiging
kahalagahan ng pangunahing konsepto na nabanggit sa sanaysay at kung ano ang
maaring maging epekto ng mga ito? maging sa pagpapaunlad ng ating wika.

Sa ikalawa naman ay ibinahagi sa artikulong ito ay ang ilang mga katangi-tanging sulatin ng
mga Pilipinong propesor na pinangunahan nina… “Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez,
Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz”. Ang paggamit ng sarili nating wika; ang
wikang Filipino ay makatutulong ito bilang isang instrumento sa paglilinaw, pagsasaayos at
pagsusuri ng mga konseptong magbibigay larawan sa ating buhay, lipunan at maging sa ating
katauhan. Sa kontekstong ito nais ihiwatig ng akda na bigyang kahalagahan ang Wikang
Filipino, pagyamamni at payabungin; dahil karamihan naman sa atin ay hindi hinangad lituhin
ang mga kapwa nating Pilipino sa diwa ng pagtalakay mula sa Ekonomiks. Nararapat lamang na
pag-ibayuhin ang ating mga lakas, kaisipan, katalinuhan at kahalagahan ng paggamit sa Wikang
Filipino. Ang “Agham Panlipunan”, pag aaral kung paano ang isang lipunan ay tumutugon sa
mga problemang pumapaksa sa kabuhayan at kariwasaan. Ang “kagahupan”. Kakulangan o di
kaya’y Iskarsidad, Sumunod ay ang “Hilig ng Tao”, Kung ating aalamin ito ay maaring

2
“Ekonomiko: Instrumento sa Pag-unlad ng Wika’t Bansa”

magsisilbi at tinatawag na nating mga luho (Luxury) na tumutugon lamang sa ating mga
kagustuhan. Ang “Kayamanan”, Sa Lipunan kadalasang kadalasang itinuturing ang kayaman
bilang mga lakas paggawa, at mga bunga ng kalikasan. “Ang Pamamahagi”. pagpapahalaga
sa mga wastong pagkain, pag-aaral, paggamit sa wastong oras, malinis na pangangat awan,
pangangalaga sa kalusugang mental, pag-aaral, at pisikal at iba pang pamamaraan.

Sa huling bahagi ng kanyang sanaysay ni G. Tereso S. Tullao, Jr. ay inilahad n’ya ang ilang mga
dapat kakailaganing konsepto sa pag-unlad ng ekonomiya, at pagbibigay karangalan sa ating
Wikang Filipino. Ang unang bahagi na dapat nating maisagawa ay alamin kung paano makapag-
iisip ang isang Pilipino at ano-ano ba ang kanyang konseptong pumapatungkol sa magandang
buhay. Ang mga katanungang ito ay pilosopiko ngunit, ang pilosopiya ang unang hakbang sa
pagtukoy ng mithiin ng mga Pilipino. Ang mga sagot sa mga katanungang ito ay magbibigay ng
karagdagang interpretasyon sa unibersal na mga prinsipyong pang-ekonomiya ng Kanluran sa
mga pag-aaral ng ekonomiks at maging sa diwa ng mga Pilipinong Guro tulad ko, na mayroong
inaasahang katangian, kaugalian, kultura at pananaw ng mga Pilipino ay maaaring mabisang
ihalo sa mga prinsipyo at teorya ng ekonomiks upang mabigyang lutas ang problemang
July 10, 2021 kinakaharap ng lipunan sa pangkaunlaran at kabuhayan ng ating bansa.

You might also like