You are on page 1of 6

“WIKANG FILIPINO: PAGPAPAUNLAD SA EKONOMIYA NG BANSA: ISANG

PANANALIKSIK”

ANG SULIRANIN

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang masuri at matukoy ang mga

pamamaraan sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng

pangangalap ng impormasyon sa isang lokal na maghuhurno ng tinapay na kong

tawagin ay Jojies Bakeshop ng Tagbilaran City Branch na aming magiging

respondante. Layunin sap pag-aaral na ito na mabatid kong paano nila pinapalago ang

kanilang negosyo na makakatulong sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng ating bansa.

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “(WIKANG FILIPINO) PAGPAPAUNLAD SA

EKONOMIYA NG BANSA ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Propayl ng mga respondante

1.1. Pangalan (opsyunal)

1.2. Tirahan

1.3. Kasarian

1.4. Edad

2. Ano ang papel ng wikang Filipino sa pagpapalaganap ng kaalaman at impormasyon

sa larangan ng ekonomiya?
3. Paano makakatulong ang pagpapalakas ng wikang Filipino sa sector ng edukasyon

upang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga mamayan sa larangan ng

ekonomiya.

4. Nakatutulong ba ng paggamit ng wikang Filipino sa mga transaksiyon at negosyo sa

inyong pinapasukan?

Oo

Hindi

5. Ano ang mga hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan upang palakasin ang

paggamit at pagpapaunlad ng wikang Filipno sa aspeto ng ekonomiya?


Batayang Teoritikal

Ang Teoryang komunikasyon at kultura ito ay pinagsasama ang mga konsepto ng

komunikasyon at kultura,ito ay kinokonsidera bilang isa sa mga pundamental na teorya

sa larangan ng komunikasyon. Ang wikang Filipino ay isang mahalagang bahagi ng

kultura sa Pilipinas at ang mahusay na komunikasyon sa wikang ito ay maaring

magbunga ng mas maraming oportunidad para sa negosyo at pang-ekonomiyang

aktibidad.

Teoryang Edukasysonal ito ay tumutukoy sa epekto ng edukasyon at pagtuturo ng

wikang Filipino sa pagunlad ng ekonomiya. Maaaring suriin kung paano ang pagtuturo

at pag papahalaga sa wikang Filipino sa Sistema ng edukasyon ay nakakatulong sa

pagpapaunlad ng kasanayan at kaalaman ng mga mamayan na may kaugnayan sa

ekonomiya.

Teoryang Politikal ang teoryang ito ay naglalarawan kung paano ang

kapangyarihan at pamamahala ay nakaka-epekto sa ekonomiya.Maaring suriin kung

paano ang patakaran at regulasyon ng pamahalaan sa pagpapalakas ng wikang

Pilipino ay nakaka impluwensya sa aspetong pang-ekonomiya ng bansa.


Legal na Batayan

Ang legal ng batayan para sa pagpapaunlad ng wikang Filipino sa konteksto ng

pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa ay matatagpuan sa 1987 Konstitusyon ng

Pilipinas. Ito ay ipinapahayag sa Artikulo XVI, Seksyon 6 na nagsasaad ng mandato ng

pamahalaan na paunlarin at pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas,kabilang ang

Filipino. Sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapaunlad ng wikang

Filipino,nangangahulugan ito ng mas malawak na impormasyon sa edukasyon,trabaho,

at negosyo para sa mga mamamayan,na nagbubunga ng pagpapaunlad sa ekonomiya

ng bansa.

Ang mga batas tulad ng batas pang bansa Blg. 710 o ang komisyon sa wikang Pilipino

(Artikulo 7104) ay naglalayong itaguyod at pangalagaan ang wikang Fipilino. Maaring

suriin ang probirsyon ng batas na may kaugnayan sa pag gamit at pagpapaunlad ng

wikang Filipino sa ekonomiya.


‘’WIKANG FILIPINO: PAGPAPAUNLAD SA EKONOMIYA NG

BANSA’’

Riza Jane Nigparanon

Althaliah Les RJ Ursos

Joan Mae Murcia

Mariel Butol

Rachel Mae Ayso

Fritzie Daleon

Desiree Alcala Budiongan

March 2024

You might also like