You are on page 1of 2

Wikang Filipino ng mga Kabataan, Sa

Makabagong Panahon

LAGOM
Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Wikang Filipino, sa makabagong panahon
para sa mga kabataan ay naganap. Limampung respondente ang sumagot sa mga
katanungan na aking pinamigay. At ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Karamihan sa mga kabataan ay naniniwala na teknolohiya ang pinakaunang factor sa


pagbabago ng wika. Ito ay sinangayunan ng 70 posyento.

2. At para sa kanila sa Ekonomiya mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng


wikang Filipino na nakakuha ng 46 porsyento.

3. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan


umunlad ang wikang Filipino ayon ito sa 44 porsyento ng kabuuang respondente.

KONKLUSYON
Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita.

1. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan pang
mas mapa-unlad ang wikang Filipino.

2. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pag-unlad ng ating wika.

3. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang pinakaunang


dahilan sa pagbabago ng wika, sa pag-unlad ng panahon kasabay din ng pag-unlad ng
wika
REKOMENDASYON
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ang mga
rekomendasyong ito.

1. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging


madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa
pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya.

2. Maaaring paunlarin ang wika ngunit dapat iwasan ang paggamit ng mga salitang gaya
balbal upang mas maging pormal ito.

3. Kahit nasaan pa man tayo dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika,
dahil bukod sa ito na ang ating kinagisnan, ito din ang magiging daan para sa ating
tagumpay sa hinaharap.

You might also like