You are on page 1of 1

Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari

Tereso S. Tullao, Jr.

ABSTRAK

Nakatuon ang sanaysay na ito sa limang pangunahing konsepto sa ekonomiks


upang makatulong sa pag-unlad ng wikang Filipino. Gayunpaman, ito rin ay nakaaambag
sa pagbibigay-solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan at pangkaunlaran sa lipunan.
Ang ekonomiks ay ang pag-aaral tungkol sa paggawa at paggamit ng kayamanan.

Binubuo ang ekonomiks ng mga sumusunod na pangunahing konsepto: (1) agham


panlipunan, (2) kayamanan, (3) hilig ng tao, (4) kagahupan, (5) pamamahagi. Ang
ekonomiks ay nakapokus sa paglutas ng mga problemang panlipunan sa pamamagitan
ng pamamaraang siyentipiko. Ayon sa akda, ito rin ay kaugnay sa yaman at
pinagkukunang-yaman. Kaya naman, mahalaga ang papel ng lawak, uri, komposisyon at
produktibidad ng ating mga yaman sa lahat ng aspeto , maging ang teknolohiya sa
pagpapaunlad ng limitadong yaman ng isang bansa. Nararapat ding suriin ang
pangangailangan, hilig, at kagustuhan ng mga tao upang maging batayan sa pagtugon
sa mga ito sa pamamagitan ng ekonomiks. Subalit, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng
suliranin sa iskarsidad ng mga kayamanan dulot sa limitadong bilang nito para sa mga
tao. Samakatuwid, ang ekonomiks ay kinabibilangan din ng pamamahagi at alokasyong
ng mga yamang-bayan upang mapalawak ang limitadong yamang-bayan at makontrol
ang pagtaas ng pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Bilang konklusyon, ang ekonomiks ay lubos na mahalagang pag-aaral sapagkat


magagawa nitong solusyonan ang mga suliranin ng mga Pilipino. Dapat itong pagtuunan
ng pansin, pati na rin sa larangan ng pulitika, kultura, sikolohiya, at sosyolohiya.
Gayunpaman, kailangang pairalin ang mga katangian ng sistemang ito na angkop sa isip,
gawa, at kaluluwa ng Pilipino tungo sa paglutas ng problema sa bayan.

You might also like