You are on page 1of 26

5

MAPEH
Ikatlong Markahan – Modyul 1

AIRs - LM
MAPEH 5
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat
Music : Vilma P. Dingle
Arts : Raymund K. Asperin
P.E : Lito D. Fontanilla, Jr.
Health : Roderick S. Palabay

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team


Illustrator : Ernesto F. Ramos, Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Delia P. Hufalar, Ph.D, EPS in Charge of MAPEH
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
MUSIC

Aralin
1

Sapulin

Bawat musika o awitin ay may elementong


nagpapaganda nito. Ito ay nagbibigay ng kulay at buhay sa isang
komposisyon. Sa araling ito, magkakaroon tayo ng pagkakataon na mapag-
aralan ang istruktura ng mga awitin upang higit nating maintindihan ang
ideya at disenyo ng isang komposisyon. Tara na at ating tuklasin ang
elemento ng musika na tumutukoy sa kaayusan ng komposisyong musikal.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:
Natutukoy ang disenyo o istruktura ng isang payak na anyong
musikal
 Unitary
 Strophic
(MU5FO-llla-1)

Mga Layunin sa Pag-aaral:


1. Nabibigyang kahulugan ang anyong unitary at strophic
2. Nakikilala ang pagkakaiba ng iba’t ibang anyo ng musika

Simulan

Panuto: Basahin nang mabuti ang katanungan. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa linya bago ang bilang.

_____1. Ano ang tawag sa anyo ng musika kung saan ito ay mayroong iisang
melody na naririning nang paulit- ulit sa bawat taludtod ng buong
kanta?
A. Binary B. Strophic C. Ternary D. Unitary

1
_____2. Ito ay isa pang simpleng anyo ng musika na iisa lang ang bahaging
hindi inuulit.
A. Binary B. Strophic C. Ternary D. Unitary
_____3. Alin sa mga sumusunod na awit ang may anyong strophic?
A. Jingle Bells C. Pilipinas Kong Mahal
B. Leron-Leron Sinta D. Silent Night
_____4. Alin sa mga sumusunod na awit ang may anyong unitary?
A. Amazing Grace C.Pilipinas Kong Mahal
B. Bahay Kubo D. Silent Night
_____5. Kung ang melody ay inuulit ng ikalawang beses sa ibang taludtod,
ano ang anyo nito?
A. A B. AA C. AAA D. ABA

Lakbayin

Lahat ng uri ng sining ay may anyo o form. Sa musika, maaaring


gawing basehan ang anyo o form sa paglikha ng isang awit. May mga simple
o payak na anyo o form sa musika tulad ng unitary at strophic.
Ang disenyo o istruktura ng anyong musikal na may isang verse o
bahagi na hindi inuulit ang pag-awit ay tinatawag na unitary. Maaaring
may tatlo o higit pang phrases ito ngunit isang verse o bahagi lamang.
Madalas makikita ang anyong unitary sa mga nursery rhymes.
Tignan ang halimbawa ng awit sa ibaba:

https://www.pinterest.ph/pin/549087379568201670/

2
Ayon sa musical score ng “Pilipinas Kong Mahal”, ito ay mayroong iisang
verse o bahagi at anim na phrases o linya.
Isang pang payak na anyo ng musika ay ang strophic. Ang strophic
ay binubuo ng dalawa o higit pang verse na inuulit ang tono sa bawat verse
o bahagi. Ibig sabihin, mayroon itong iisang melody na naririnig nang pauli-
ulit sa bawat taludtod ng buong kanta. Kahit magbago ang mga titik ng awit,
ang melody nito ay mananatiling pareho lamang sa buong awit. Madalas
makikita ang strophic sa mga Folk Songs, awiting-bayan, awiting
pansimbahan at sa mga awiting pamasko.
Tignan ang halimbawa sa ibaba:

https://www.pinterest.ph/pin/317574211195409143/

Galugarin

Panuto: Basahin ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon sa ibaba at isulat ang sagot sa ibaba ng bawat tanong.
1. Ayon sa musical score ng “Pilipinas Kong Mahal”, ilang phrases o linya
mayroon ang awit na ito?
_________________
2. Ilang verse mayroon ito?
_________________
3. Anong anyong musical na may isa lamang verse na hindi inuulit?
_________________

3
4. Sa musical score naman na “Silent Night”, ilang phrase o linya mayroon ang
awit na ito?
_________________
5. Ilang verse mayroon ito?
_________________
6. Paano ito inaawit?
_________________
7. Anong anyong musical ang inaawit mula sa unang verse hanggang sa matapos
ang huling verse na may parehong tono?
_________________

Tatlo Isa Anim Unitary Anim Strophic

mula sa unang verse hanggang sa huli na may parehong tono

inaawit na hindi inuulit

Palalimin

Panuto: Isulat ang pagkakaiba ng anyong unitary at strophic. Isulat ang


sagot sa loob ng organizer

Unitary Strophic

Pagkakaiba

4
RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)

Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa


Pamantayan ng Kasanayan
4–5 2–3 1

Napakahusay at Mahusay at May kahusayan


talagang naaayon ang ngunit hindi tiyak
naaayon ang nakapaloob na ang ilang nakapaloob
nakapaloob na kaisipan sa na kaisipan sa sagot.
Nilalaman kaisipan sa sagot.
(5 puntos) sagot.

Sukatin

Panuto: Isulat sa patlang ang W kung wasto ang mga sumusunod na


pahayag at DW kung hindi wasto.

_____1. Ang disenyo o istruktura ng anyong musical na may isang verse na


di inuulit ang pag-awit ay tinatawag na unitary.
_____2. Nasa anyong strophic ang isang awitin kung ito ay inaawit mula sa
unang verse hanggang sa matapos ang huling verse na mayt
parehong tono.
_____3. Ang anyong unitary ay madalas makikita sa mga Folk Songs.
_____4. Ang isang awitin o musika ay itinuturing na may anyong strophic
kung ito ay mayroong iisang melody.
_____5. Ang awiting Silent Night ay inaawit mula sa unang verse hanggang
sa matapos ang pinakahuling verse na may magkaibang tono.

5
ARTS

Aralin
1

Sapulin

Ang sining ng paglilimbag ay pamamaraan ng paglilipat ng larawang


iginuhit at inukit na maaring ginawa mula sa kahoy, goma,metal, at iba pa.
Inililimbag ito sa anumang bagay tulad ng papel at tela gamit ang tinta.
Sa araling ito, tatalakayin at pag-aaralan ang mga iba’t-ibang
pamamaraan o teknik at mga bagay na maaaring gamitin sa paglilimbag
Sa araling ito kayo ay inaasahang:

 Tinalakay ang bagong pamamaraan sa pag-print gamit ang isang


manipis na goma. (soles ng sapatos ),linoleum, o anumang
malambot na kahoy na maaaring maukit o gouged upang
makalikha iba't-ibang mga linya at tekstura. (A5ELIIIA)

Simulan

Panuto.Iguhit ang kung sumasangayon at kung hindi


sumasangayon sa bawat pangungusap.
_____1. Ang paglilimbag ay isang paraan ng pagpripinta ng mga teksto o
anyo.
_____2. May iisa lang ang pamamaran o teknik ng paglilimbag.
_____3. Maaring ilimbag ang mga bagay na may tekstura.
_____4. Nailalarawan ang isang anyo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
kulay at pagdidiin sa ibang bagay upang maiwan ang anyo o
bakas nito.
_____5. Nakakalikha ng mga natatanging disenyo mula sa mga bagay na
may nakikita sa ating paligid.

6
Lakbayin

Ang sining ng paglilimbag ay nagsimula sa bansang tsina


dantaon na ang nakalipas. Ginamit nila ang paglilimbag bilang
pamamaraan ng pagtala ng kasaysayan ng kanilang bansa. Ginamit
din nila itong paraan ng pagkukuwento gamit ang mga larawan.
Sa bansang Hapon, ang paglilimbag ay pinalawak bilang isang
sining. Ang ukiyo-e ay mga larawang nilimbag na nagpapakita ng
pang-araw-araw na gawain at larawan ng buhay.
May iba’t ibang uri ng sining ng paglilimbag na ipinakilala at
pinasikat sa Asya,Europa,Africa, at iba pang bahagi ng mundo.
Ang iba’t ibang uri nito ay:

monoprint intaglio aquatint

engraving etching mezzotint

linocut block print lithography

7
silk screen serigraph Woodblock print

drypoint

Galugarin

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na larawan kung anong pamamaran


o teknik ang ginamit.

1 .__________ 2._________ 3.__________ 4._________ 5. __________

8
Palalimin

Ang paglilimbag ay isang pamamaraang pansining na ang


larawan na inukit o iginuhit na inililipat sa ibabaw ng papel, kahoy,
tela at iba pang bagay.
Panuto: Magtala ng mga 5 bagay na maaring makagawa ng
likhang sining ng paglilimbag.

Sukatin

Panuto: Sa limang bagay na iyong ibinigay na sagot sa Palalimin,


magsaliksik ng mga larawang nilimbag gamit ang mga ito.

9
Physical Education

Aralin
1

Sapulin

Ang katutubong sayaw ay isang uri ng sayaw na nilikha ng isang


pangkat mula sa iisang komunidad, probinsiya o bansa. Karaniwang
nagpapakita ito ng kultura, tradistion , paniniwala, at maging pang araw-
araw na Gawain ng isang particular na grupo.Ang araling ito ay tungkol sa
katutubong sayaw at mga pangunahing posisyong karaniwan sa iba’t ibang
katutubong sayaw.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman,
kakayahan at pag-unawa sa aralin:
 Naipaliliwanag ang likas at kasaysayan ng katutubong sayaw
 Naitatanghal ang mga pangunahing pasisyong karaniwan sa iba’t
ibang katutubong sayaw. (PE5RD-IVc-h-4)

Simulan

A. Panuto:Ayusin ang mga letra para makabuo ng makabuluhang salita na


tinutukoy ng bawat bilang.

1. Yumoko sa iyong kapareha at sa mga manonood.


DOSAUL
2. Ilagay ang kanan o kaliwang paa sa harap ng kaliwa (o kanan)
habang bahagyang nakayuko ng paharap ang katawan at naka-cross
ang mga kamay sa harap, ang kanan (o kaliwa) sa ibabaw ng kaliwa
(o kanan)
RAKOS
3. Humarap sa iyong kapareha, umabante at dumaan sa deriksiyon ng
kanyang kanang balikat. Bumalik sa dating puwesto sa pamamagitan
ng pagdaan sa direksiyon ng inyong kaliwang balikat.
IS-OD-DO

10
4. Ilagay ang isang braso sa harap at isang braso sa likod sa may
baywang. Gawin ito ng salitan.
YONAH-HONYA
5. i-tap ang sahig sa pamamagitan ng iyong balls of feet
TAP

Lakbayin

Pangunahing Posisyon sa Pagsayaw


Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang katutubong sayaw. Karamihan
sa mga batang Pilipino ay natututo ng isang katutubong sayaw sa paaralan.
Madalas ding itanghal ang mga ito tuwing pista sa pamayanan. Ang
Pilipinas ay may mahabang listahan ng katutubong sayaw na nagmulas sa
iba’t ibang lugar at probinsiya sa buong bansa.
Mayroong mga pangunahing posisyon at galaw para sa mga braso at mga
pa ana karaniwan sa mga katutubong saya. Isa isahin natin ang mga ito.

A. Mga braso

Unang Posisyon
a. Isaayos ang mga bisig at kamay sa harap ng dibdib.
b. Ikurba ang mga bisig ng pabilog habang nakalabas
ang mga siko
c. Panatilihing nakaharap sa iyo ang iyong mga palad

Pangalawang Posisyon
a. Ibuka nang sabay ang mga bisig at kamay sa iyong
tagiliran kapantay ng iyong balikat.
b. Ikurba ang iyong mga bisig.
c. Ang iyong mga palad ay nakaharap paitaas

Pangatlong Posisyon
a. .Itaas ang kanang (kaliwang) bisig na ang iyong
palad ay nakaharap sa baba
b. Panatilihing nasa pangalawang posisyon ang iyong
kaliwang (kanang) bisig.

11
Pang- apat Posisyon

a. Panatilihing nasa pangatlong posisyon ang iyong


kanang(kaliwang) bisig
b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang bisig sa harap,
gaya sa unang posisyon

Panlimang Posisyon

a. Itaas ang iyong mga bisig


b. Ikurba ang iyong mga bisig at panatilihing
nakaharap sa ibaba ang iyong palad.

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSpFz54jonwelzXpmjfgdu-4rGPx-
_RtTF2VPVfSzpe8QXdRiBv&s
B. Mga paa

Unang posisyon
a. Tumayo nang magkadikit ang iyong mga
sakong ( heel)
b. Iposisyon sa labas ang iyong mga daliri sa
paa upang magporma itong letrang V.

Pangalawang posisyon
a. Ihakbang sa gilid ang iyong kanang (kaliwang)
paa habang pinapanatiling nakaposisyon sa
labas ang iyong mga daliri sap aa. Ang iyong
mga paa ay kapantay ng iyong ga balikat

Pangatlong posisyon
a. Panatilihin sa dating posisyong ang iyong kanang
(kaliwang paa)
b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang) paa sa arko ng
talampakan(instep) ng iyong kanang (kaliwang) paa.

12
Pang-apat posisyon
a. Panatilihin sa dating posisyon ang iyongkanang
(kaliwang) paa
b. Ihaakbang ang iyong kaliwang (kanang) paa pa-
diagonal sa harap.
c. Panatilihing nakaposisyon sa labas ang iyong mga
daliri sa paa.

Panlimang posisyon
a. Ilagay ang iyong kanang (kaliwang) paa sa harap ng
iyong kaliwang (kanang) paa.
b. Hayaang nakadikit ang sakaong ng iyong kanang
(kaliwang) paa sa mga daliri ng iyong kaliwang
(kanang) paa.

B. Iba Pang Pangunahing Galaw sa Sayaw

Arms in Lateral Position


Both arms at one side, either sideward right or left.
This may be done at shoulder, chest or waist level.

“Hayon-hayon”
- Ilagay ang isang braso sa harap at isang braso sa likod
sa may baywang. Gawin ito ng salitan.

·Arms In Reverse "T" Position


Arm are at side horizontal, elbows bent t right angles,
forearms parallel to head, fists loosely closed.

·Arms In "T" Position


Arms are at side horizontal, elbows bent at right angles,
forearms parallel to body, facing backward.

Hands On Waist
Knuckle of hands are placed at the smallest part of the
waist.

“Kumintang”

13
Moving the hand from the wrist either in a clockwise or
counterclockwisedirection. This is an Ilocano term.

Sarok (Salok)
Ilagay ang kanan o kaliwang paa
sa harap ng kaliwa (o kanan) habang
bahagyang nakayuko ng paharap ang
katawan at naka-cross ang mga kamay sa
harap, ang kanan (o kaliwa) sa ibabaw ng
kaliwa (o kanan)
https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRWXi6wAR9WoV814FH3DqcmrS8o1L
2i5Xidt05_eMkNeHyy6UM&s

Kewet (Kalawit)-
Your arms are in "T" position with hands closed and thumbs in "up"
position: Turn wrists in circular motion.

Saludo- Yumoko sa iyong kapareha at sa mga manonood.

Do-si-do- Humarap sa iyong kapareha, umabante at dumaan sa deriksiyon


ng kanyang kanang balikat. Bumalik sa dating puwesto sa pamamagitan ng
pagdaan sa direksiyon ng inyong kaliwang balikat.

Tap- i-tap ang sahig sa pamamagitan ng iyong balls of feet.

14
Galugarin

Panuto.Pag-aralanan ang mga larawan. Ipareha ang pangunahing


galaw ng kamay sa hanay A sa galaw ng paa sa hanay B. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.
Galaw ng Kamay Galaw ng Paa
A B

15
Palalimin

Panuto. Isulat ang T kung totoo at H kung hindi totoo ang bawat
pangungusap. Isulat ang sago sa patlang.

___________ 1.Ang katutubong sayaw ng Pilipinas ay nagmumula sa iba’t


ibang lugar at probinsiya sa buong mundo.
___________ 2.Ang katutubong sayaw ay tinatawag ding etnikong sayaw.
___________ 3. Ang pagtanghal ng katutubong sayaw ay nakatutulong sa
ating kakayahang pangkatawan.
___________4.Karamihn sa mga batang Pilipino ay napag-aralan ang
katutubong sayaw dahil sa programa ng paaralang palaguin
ang ating kultura.
___________ 5. Ang henerasyon ngayon ay maalam sa mga katutubong
sayaw.

Sukatin

I. Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa patlang


ang bilang ng posisyon ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

___________ 1. ___________ 4.

_____________ 2. ____________ 5.

_____________ 3.

16
II. Panuto: Magtala ng limang halimbawa ng iba pang galaw sa sayaw

1.______________________________

2. _____________________________

3. _____________________________

4. _____________________________

5. _____________________________

17
HEALTH

Aralin
1

Sapulin

Ano-ano ang katangian ng masasamang katangian ng masasamang


epekto ng paninigarilyo, pag inom ng alak, at pag inom ng kape at iba pang
inuming nagtataglay ng caffeine?
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang
kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:

 Naipapaliwanag ang konsepto ng gateway drug. (H5SJ-llla-7)

Simulan

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng


pagsangayon sa pangungusap at malungkot naman kung hindi.
GATEWAY DRUGS REAKSIYON
1. Uminom ng maraming tsaa.
2. Kumain ng isang kahon ng tsokolate araw-
araw.
3. Pare-pareho ang nilalamang caffeine ng mga
inuming soda tulad ng coke, pepsi at diet.
4. Kontrolin ang dami ng tsokolateng kinakain.
5. Ubusin ang isang kaha ng sigarilyo sa loob ng
isang araw lamang.
6. Iwasan ang paninigarilyo
7. Uminom ng alak
8. Uminom ng 8 basong tubig araw araw
9. Uminom ng kape araw – araw
10. Upang maging malakas uminom ng
maraming energy drinks

18
Lakbayin

Ang mga produktong may sangkap na nicotine, alcohol at


caffeine ay nabibilang sa tinatawag na gateway drugs. Ang caffeine ay
isang karaniwang substansya na kadalasang sangkap ng iniinom nakape na
may epektong nakakagising
atnakakaalisto. Ito ang dahilan kung
bakit ang kape ay paboritong inumin
ng marami sa atin lalo naumaga o
kaya sa buong maghapon para
manatiling
produktibo sa mga gawain. Sapagkat
ang caffeine may kakayahang mag-
stimulate sa Central Nervous System
(CNS), sa puso, sa mga kalamnan at
maging sa blood pressure.

https://www.myfooddata.com/articles/high-caffeine-foods-and-
drinks.php

Ang alak ay kakaunti ang nutritional


value at tanging alchohol ang taglay nito.
Ang isang baso ng red wine (125 ml.) ay
nagbibigay ng 85 calories samantalang ang
white wine ay 90 calories. Karaniwang ang
red wine ay may 12 percent alcohol at may
minimal amount ng samantalang ang white
wine ay mas maraming taglay na alcohol at
sugar.

https://www.pinoyexchange.com

19
Mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, partikular
na iyong nasa edad 7 hanggang 15,
ang gumon na sa bisyo ng
paninigarilyo. Bahagi sila ng
tinatayang 40,000 hanggang
50,000 Asian teenagers na
maagang natutong manigarilyo
bunga ng kakulangan sa batas
laban sa tobacco at walang humpay
na promosyon nito sa buong mundo.
https://www.google.com/search?q=mga+kabataang+naninigarilyo&rlz

Galugarin

Panuto: Pangkatin ang mga produkto ayon sa sangkap nito.

CAFFEINE NICOTINE ALCOHOL

20
Palalimin

Panuto: Ipaliwanag ang ibig sabihin o ipakahulugan ng mga slogan na


nasa larawan. Pag-usapan ito ng grupo at ibahagi sa kamag-aral.

21
RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)

Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa


Pamantayan ng Kasanayan
4–5 2–3 1

Napakahusay at Mahusay at May kahusayan


talagang naaayon ang ngunit hindi tiyak
naaayon ang nakapaloob na ang ilang nakapaloob
nakapaloob na kaisipan sa na kaisipan sa sagot.
Nilalaman kaisipan sa sagot.
(5 puntos) sagot.

Sukatin

Panuto: Isulat sa patlang ang W kung wasto ang mga sumusunod na


pahayag at DW kung hindi wasto.
__________ 1. Mabuti sa kalusugan ang pag inum ng alak.
__________ 2. Ang labis na paggamit ng sigarilyo na may nikotina ay
nagdudulot ng iba’t-ibang sakit.
__________ 3. Ang pag inum ng softdrinks ay nakapagbibigay ng lakas.
__________ 4. Walang naidudulot na maganda sa katawan ng isang tao ang
araw-araw na pag inum ng inuming may alkohol.
__________ 5. Laging isaisip ang labis o sobrang pag inom ng inuming may
alkohol ay nakasasama hindi lamang sa sarili, maging sa pamilya as sa
komunidad na kinabibilangan.

22
23
Simulan
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
Galugarin
a. Caffeine – chocolate, coffee,
tsaa, energy drink
b. Nicotine – sigarilyo, tabako
c. Alcohol – alak
d.
Palalimin: Answers may vary
Sukatin
1. DW
2. W
3. DW
Physical Education:
4. W
5. W
Health
Galugarin
1. silk screen
Simulan 2. engraving
3. etching
1. 4.serigraph
aquatint
Sukatin
2. Maaring
magkakaiba ang
3. sagot
4.
5.
Arts: Music
Susi sa pagwawasto
Sanggunian
A. Aklat:
Copacio, Hazel P., et. al.,2016 Halinang Umawit at Gumuhit 5 Batayang Aklat ( pp.50-55), (DepEd-
BLR) Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600
K to 12 Teacher’s Guide (Music TG), Yunit 3-Aralin 1
MELC-K to 12 Curriculum, Music 5 (p. 256-257)
Halinat Umawit at Gumuhit 5
Karapatang Sipi- 2016ng Vibal Group, Inc.
Mga may Akda: Hazel P. Copiaco, Emilio S. Jacinto
Enjoying LifeThrough Music, Arts, Physical Education and Health
Copyright 2017 by Marissa C. Pascual, Irene Feliz S. Reyes, Ma. Elvira M. Garcia, Ma.
Mignon C. Artuz andPHOENIX PUBLISHING HOUSE
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan
Karapatang Sipi- 2016ng Vibal Group, Inc.
Mga may Akda: Helen G. Gatchalian, Gezyl G. Ramos, Johansen C. Yap
Gatchalian, Helen et. Al.(2016), Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5,
K to 12 Teacher’s Guide (Health TG), Yunit 3-Aralin 1
Journal of Food Science, 2010; Pediatrics, 2011; Journal of Analytical Toxicology, 2008; USDA
National Nutrient Database for Standard Reference, Release 26; Journal of Analytical Toxicology,
2006; Starbucks, 2014; Food and Chemical Toxicology, 2014

B. Iba pang Sanggunian


https://www.pinterest.ph/pin/549087379568201670/
https://www.pinterest.ph/pin/317574211195409143/
https://theartofeducation.edu/2017/10/10/5-different-ways-to-try-monoprinting-in-the-art-room/
https://www.justprintmaking.com/blog/aquatint-process
https://www.freeimages.com/photo/flower-basket-engraving-1513679
https://www.freeimages.com/photo/first-world-war-1498526
http://www.ronamaclean.co.uk/mezzotints.html
https://en.wikipedia.org/wiki/Intaglio_(printmaking)#/media/File:Banknote_portrait_pattern_(Intaglio_print,_t
actile_effect).jpg
https://thecraftersbox.com/product/workshop-video-access-only-linocut-landscape-printmaking/
https://www.google.com/search?q=block+printing+on+paper&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=z3plWRagf2DC
4M%252C9BKymXi8mwCkNM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRS_4Ho0aJtirzN_H9EGtxxS9Go2w&sa=X&ved=2ahUKEwintan25ojuAhU0K6YKHTjOAlsQ_h0wAXoECAgQBA&
biw=1093&bih=526#imgrc=z3plWRagf2DC4
https://www.google.com/search?q=serigraph&tbm=isch&ved=2ahUKEwjGiN_S54juAhX1zYsBHfNkClAQ2cCeg
QIABAA&oq=serigraph&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyAg
gAMgIIADICCAAyAggAOgcIABCxAxBDOgUIABCxA1C5ghYhZwJYMa0CWgAcAB4BIABkwKIAaIVkgEGMC4xMC4
0mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclient=img&ei=i3b2X4aXFfWbr7wP88mpgAU&bih=526&biw
=1093#imgrc=B4gY4q_2VTLkrM
https://www.artistsandillustrators.co.uk/how-to/drawing/228/a-beginners-guide-to-drypoint
https://www.pinterest.ph/pin/411375747200350950/
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSpFz54jonwelzXpmjfgdu-4rGPx-
_RtTF2VPVfSzpe8QXdRiBv&s
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTjY6RyRIsvOowrDd0IoS9Ou8mLUoIME6cCZgkxs8nhbno
M3uc9&s
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRWXi6wAR9WoV814FH3DqcmrS8o1L2i5Xidt05_eMkNeHy
y6UM&s

24

You might also like