You are on page 1of 4

Music –Baitang I

UNANG KWARTER – Modyul 3: Ritmo

Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo. Layunin nitong


makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan
at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at pagtugon
sa mga gawain.

Handa na ba kayo? Simulan na natin!

Most Essential Learning Competency

Maintains a steady beat when chanting, walking, tapping,clapping


and playing musical instruments MUIRH-Ic-4

Matapos ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

• nakapapalakpak , nakatatapik, nakaaawit at nakapagpapatugtog ng mga


instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmo:

▪ Nasa metrong dalawahan


▪ Nasa metrong tatluhan
▪ Nasa metrong apatan
• nakapaglalaro ng madadaling hulwarang metrong dalawahan, tatluhan at
apatang sukat gamit ang kagamitang pansilid-aralan anumang bagay na
mapagkukunan ng tunog.

• Nakalilikha ng madadaling hulwarang ostinato sa metrong dalawahan, tatluhan,


at apatan na may kasabay na kilos ng katawan

Mga bata, bago tayo magpatuloy ay alamin


muna natin ang kahulugan ng mga
salita/simbolong ito.
Iyong Alamin!

Ritmo – Pagsasama ng tunog at katahimikan sa tamang tiyempo.

1
Gumagamit ang mga musikero ng guhit sa unahan ng malakas na
kumpas. BAR LINES ang tawag dito. Ang puwang sa pagitan ng BAR
LINES ay tinatawag na BAR.

Alam kong nasasabik ka na. Halika!


Sukatin natin ang iyong kakayahan sa
paksang ating pag-aaralan.
Subukan mo!

➢ Iyong awitin ang “Twinkle Twinkle Little Star” kasabay


ng pagpalakpak ng kamay. Ulitin itong muli at pansinin ang
bilang ng hulwarang metro ng awit.

• Anong hulwarang metro ang iyong narinig?


(metrong dalawahan)

Handang-handa ka na nga! Magiging


masaya ito! Samahan mo ako.

Iyong Gawin!

Gawain 1: Hulaan ang Sukat!

Subukang awitin ang sumusunod at tukuyin ang sukat/metro nito.

Awit Sukat/Metro ng Awit


1. Bahay Kubo
2. Paa Tuhod Balikat Ulo
3. Jack ang Jill
4. See Saw
5. Pedro Penduko

2
Gawain 2: Kilalanin mo !
Isulat ang sukat ng hulwarang ipinapakita sa bawat bilang.

1.

____________________

2.

____________________

3.

__________________

Gawain 3: Gawin mo!

Magtala ng iyong mga paboritong awitin. Tukuyin ang sukat ng awit sa


pamamagitan ng pagkilos tulad ng pagpalakpak, pagtapik sa mesa, o
pagmartsa. Ipakita ito sa harap ng klase.

Paborito mong awit Sukat ng Awit


1.
2.
3.

3
Inihanda ni:

Nerissa T. Gales
Teacher I – Daet Elemen tary School
Daet North District, Camarines Norte Division

You might also like