You are on page 1of 4

I.

Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman Demonstrates understanding of variations of sound
density in music (lightness and heaviness) as applied to
vocal and instrumental music
B.Pamantayan sa Pagganap Participates in a group performance to demonstrate
different vocal and instrumental sounds
C.Mga Kasanayan sa Pagkakatuto Identifies the following vocal timbres:
5.1 soprano
5.2 alto
5.3 tenor
5.4 bass MU5TB-IIIe-2

Pokus na Pag-uugali (Kooperasyon)


II. Nilalaman ARALIN 5: TIMBRE: TINIG SA PAG-AWIT
III. Kagamitang Panturo

A.Sanggunian Halinang Umawit at Gumuhit 5

1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pahina 41-44


2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Pahina 58-63
3.Mga Pahina sa Teksbuk
4.karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Tsart ng awit, mga awitin sa CD /cellphone, speaker, mga
larawan ng mga mang-aawit
IV. Pamamaraan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Ano ang timbre? Ano-ano ang mga katangian ng boses
bagong aralin ng tao?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpatugtog ng mga awitin ng sumusunod na mga


mang-aawit..Pahulaan sa mga mag-aaral ang pangalan ng
mga mang-aawit.
Soprano – Sylvia la Torre, Regine Velasquez o Kyla
Alto –Pilita Corales Sharon Cuneta o Aiza Seguerra
Tenor – Robert Sena Jed Madela o Gary Valenciano
Bass – Nonoy Zuniga
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Paano ninyo ito nahulaan? Magkakatulad ba ang kalidad
ng tinig ng bawat mang-aawit? Ano-ano ang mga
katangian ng boses ng mga mangaawit na napakinggan
ninyo? Ipahambing sa mga mag-aaral ang kalidad ng
boses ng mga mang-aawit. Ano ang ipinahihiwatig nito?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Ang boses o tinig ng tao ay isang instrumento. Ito ay
ginagamit natin upang maibahagi o maiparating ang
ating nararamdaman o saloobin. Ito ay ang tanging
instrumento na mayroon ang bawat tao na hindi na
kailangang bilhin. Ang kalidad ng tinig ng bawat tao ay
hindi magkakatulad. Ito ay naiiba sa bawat tao.

May apat na uri ng boses o tinig na ginagamit sa pag-


awit. Ito ay naaayon sa pinakamababa at pinakamataas
na note na naabot ng isang boses. Masdan ang staff na
nagpapakita ng lawak na naaabot ng bawat boses.
Ang tinig ng babae ay maaaring tawaging soprano o
alto. Kapag ang boses ng babae ay mataas, matining,
manipis, at magaan, ang tinig niya ay soprano. Subalit
kung ang tinig ng babae ay mababa, makapal, mabigat, at
di gaanong mataas, ang tinig niya ay alto. Ang tinig ng
mga mang-aawit tulad nila Sylvia la Torre,Regine
Velasquez, Sarah Geronimo, Angeline Quinto ,Lea
Salonga, Mariah Carey, Whitney Houston ay soprano.
Samantalang alto naman ang tinig nila Pilita Corales, Aiza
Seguerra, Jaya at Karen Carpenter. Sino-sino pang mga
mang-aawit ang may tinig na soprano at may tinig na
alto?
Ang mga lalaki na may mataas at magaan na boses
ay may tinig na tenor. Ang mga kilalang lalaking
mangaawit tulad nila Gary Valenciano, Jed Madela,
Robert Sena,, Bruno Mars, Sam Smith, Bryan Tremulo at
Luciano Pavarotti ay may tinig na tenor.Samantala , ang
lalaking mababa, makapal at malalim ang boses ay may
tinig na bass o bajo. Halimbawa ng mga mang-aawit na
may ganitong kalidad ng tinig ay sina Nonoy Zuniga,
Jonathan Saens at Jun Francis Jaranilla.

Narito ang halimbawa ng isang awiting may SATB


choral arrangement. (Ipaparinig ng guro)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #2 Ano-ano ang katangian ng tinig ng mga babae? Ano ang
dalawang uri ng tinig ng babae? Ano ang katangian ng
tinig ng mga babaeng soprano? Ano ang katangian ng
tinig ng mga babaeng alto? Ano-ano ang katangian ng
tinig ng mga lalaki? Ano ang dalawang uri ng tinig ng
lalaki? Ano ang katangian ng tinig ng mga lalaking tenor?
Ano naman ang katangian ng tinig ng mga lalaking bass?

E. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative Pangkatang Gawain:


Assessment) Unang Pangkat
Pumili ng isang sikat na mang-aawit. Tukuyin ang tinig ng
kanyang boses at ilarawan ang kanyang tinig sa isa o
dalawang salita.

Pangalan ng Timbre ng Paglalarawan sa


Mang-aawit Mang-aawit Tinig

Ikalawang Pangkat
Nakatala sa ibaba ang ngalan ng ilang Pilipinong mang-
aawit,ilarawan ang kanilang boses sa pamamagitan ng
paglalagay ng
Pagkatapos ng pangkatang gawain itatanong ng guro:
Ano ang ginawa ng bawat kasapi ng pangkat para matapos ang
gawain? Nagtulungan ba kayo?Nagkaroon ba ng kooperasyon
ang bawat isa?
(The teacher emphasizes the importance of cooperation)

G.Pag-uugnay sa pang araw-araw na buhay Ano ang dapat gawin upang maging kaaya-aya sa
pandinig ang tinig habang umaawit?
H. Paglalahat ng Aralin

ICT integration: Interactive fun activity JCloze Hot Potato


Activity

I.Pagtataya ng Aralin

ICT integration: Interactive fun activity JMatch Hot


Potato Activity

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at Takdang-aralin:


remediation
Gumupit ng larawan ng paborito mong mang-aawit at
idikit ito sa short bond paper. Tukuyin ang timbre ng
kanilang tinig.
V .Mga Tala
VI.Pagninilay
A. Bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng Mag-aaral na nangangailangan ng iba pang


gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-


aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation

E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong


ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking nararanasan sa


nasulusyunan sa tulong ng punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na


nais kong ibahagi sa kapwa ko guro?

Prepared by:

ELIAS J. ALVAREZ
BEED II-C

You might also like