You are on page 1of 2

DETAILED LESSON PLAN

DLP No.: 10 Learning Area: Grade Quarter: Duration:


Music Level: Third 40 minutes
Four
Learning Distinguishes vocal and instrumental sounds Code:
Competency/ies: MU4TB-
IIIe-1
Identifies as vocal or instrumental, a recording of the following MU4TB-
solo, duet, trio, ensemble IIIe-2
Key Concepts/ Ang tinig ng tao at tunog ng instrument ay may iba’t ibang katangian
Understandings to be
Developed:
1. Objective:
Knowledge Nakikilala ang kaibahan ng vocal at instrumental na tunog sa pamamagitan ng
pakikinig ng mga awit o tugtugin para sa solo, duet, trio at pangkatan
Skills Nalalaman ang kaibahan ng vocal at instrumental na tunog
Attitude Naisasagawa ng maayos ang mga gawain
Values Napapahalagahan ang boses ng bawat isa
2. Content/ Topic: Tinig ng tao at iba’t ibang instrumento
3. Learning Teaching Guides in Music, Learning Materials
Resources/ Speaker, LED TV / chart
Materials/ Larawan ng iba’t ibang kilalang mang-aawit at iba’t ibang instrument
Equipment Iba’t ibang tinig ng lalaki, babae, bata at matanda, inirekord na tunog ng iba’t
ibang instrument
Inirekord na awitin ng HUDHUD ng Ifugao, DARANGIN ng Maranao, pasyon na
may duet sa Bicol
Reference:Musika at Sining 4 Patnubay ng Guro

4. Procedures
4.1 Introductory Sanayin ang mga senyas kamay ni Kodaly
Activities Awitin ang “Atin Cu Pung Singsing” kasabay ng pagpalakpak sa rhythm ng awit.
Iparinig ang awiting “Little Band”

Subukang ipapuna sa mga bata ang iba’t ibang bahagi ng awitin na pambabae
at panlalaki at habang sabay silang kumakanta.
(Manipis ang tinig ng mga babaeng kumakanta, medyo makapal naman ang sa
lalaki, mas makapal naman kung sabay ang lalaki at babae.)
4.2 Activity Pakinggan ang tinig ng mang-aawit sa player.
Pakinggan din ang tunog ng mga instrument at kilalanin kung sino ang mang-
aawit. Pangalanan din ang instrumenting narinig.
4.3 Analysis Isa isang itanong ang mga sumusunod sa mga bata
 Anong pangkat ng tunog ang inyong narinig sa unang tugtugin?
(pangkat ng mga tao o boses ng mga mang-aawit)
 Sino-sino ang mga mang-aawit na naririnig sa mga awitin pinatugtog?
(Lea Salonga, Martin Nievera, at iba pa.)
 Ano tunog naman ang iyong naririnig ngayon?
(tunog ng instrument)
 Ano-anong mga instrument ang iyong naririnig?
(triangle, tambourine, at iba pa.)
 Tukuyin kung anong boses ang bawat isa.
(bata, lalaki, babae at iba pa.)
 Tukuyin ang tunog ng instrument
(maingay, matinis, makapal, manipas at iba pa.)
4.4 Abstraction Itanong sa mga bata, paano makikilala ang kaibahan ng tunog ng mga
instrument at tinig ng mga taong kumakanta?
(nakikilala ang kaibahan ng tunog ng mga instrument at tinig ng mga taong
kumakanta dahil sa kanilang katangian at kulay ng bawat tunog gaya ng
makapal, matinis, malambing, magaan, mataas, maindayog, mataginting at
makalansing)
4.5 Application Pakinggan ang mga tugtugin at awiting ipapatugtug sa player. Ipalakpak mo ng
tatalong beses ang mga kamay kapag ito ay tunog ng instrument at ikampay
palipad ang kamay kapag ito ay tinig ng tao.
1. Parade sa kalye
2. Mga batang kumakanta ng “Happy Birthday”
3. Sarah Geronimo
4. Konsiyerto sa Philharmonic Orchestra
5. Loboc Children’s Choir
(Depende sa resources ng guro)
4.6 Assessment Pakinggan ang mga tugtug ng iba’t ibang mang-aawit. Isulat ang S kung Solo, D
kung duet, at G kung grupo.
______1. Duet ng Mabuhay Singers
______2. Sabayang awit ng Madrigal Singers
______3. Ifugao Hudhud Chant
______4. Darangen “Odiyat Kambayok” ni Erlinda
______5. Pasyon
4.7 Assignment Gumupit ng isang larawan ng paborito mong mang-aawit at isang larawan ng
paborito mong instrument, idikit ang mga ito sa short bondpaper.
4.8 Concluding Activity Paano naipapakita ng uri ng tunog ang damdamin ng musika?

Prepared By:

Name : Ma. Angelica Mediana School: Caduawan Elementary School


Position / Designation: Student Teacher Division:Cebu
Contact Number:09491721291 Email address: angelicamediana98@gmail.con

You might also like