You are on page 1of 3

Department of Education

Region III – Central Luzon


Schools Division of Pampanga
SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL
Dau, San Nicolas, Masantol, Pampanga
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Music V
SY 2019-2020

Pangalan _________________________________________Grado ________________

Panuto: Basahin ang bawat katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod na awitin ay may anyong strophic maliban sa isa, alin ito
A. Mama Paquita
B. Leron,Leron Sinta
C. Pilipinas Kong Mahal
D. She’ll Be Coming Round the Mountain

2. Si Angeline Quinto ay kilala bilang mahusay na artistang mang-aawit. Paano mo ilalarawan ang
kanyang tinig?
A. paos
B. bahaw
C. mababa
D. mataginting

3. Alin sa mga sumusunod na mang-aawit ang di dapat kabilang sa pangkat?


A. Jaya
B. Nora Aunor
C. Sharon Cuneta
D. Regine Velasquez

4. Magkakaroon ng pagtatanghal sa inyong paaralan. Napili si Luis na sumali sa Choir. Malaki at


mababa ang boses niya, saang pangkat siya nararapat mapabilang?
A. alto
B. tenor
C. Soprano
D. bass/baho

5. Pinaghanda kayo ng inyong guro ng isang awitin na may unitary form. Alin sa mga awitin ang pipiliin
mo?
A. Acong Manok
B. Ako ay Nagtanim
C. Leron-Leron Sinta
D. She’ll Be Coming Round the Mountain

6. Ito ay instrumento ng Rondalya na malaki kaysa bandurya at tenor ng grupo.


A. Laud
B. Gitara
C. Oktabina
D. Bandurya

7. Alin ang angkop sa paglalarawan sa tunog na nalilikha ng bandurya?


A. Alto
B. Baho
C. Tenor
D. Soprano

8. Ipinatutugtog sa iyo ng guro mo ang Pentatonic Scale. Alin sa mga instrumento ng drum at lyre band
ang gagamitin mo?
A. Marimba
B. Pompiyang
C. Bass drum
D. Snare drum

9. Isa sa mga nakatalang instrumento sa ibaba ay may madagundong na tunog, alin ito?
A. lyre
B. Bass drum
C. snare drum
D. pompiyang
10. Ito’y instrumento ng Rondalya na nagbibigay ng tono na ginagamit upang tugtugin ang akorde
bilang pansaliw sa melodiya. Alin ito?
A. Laud
B. Gitara
C. Oktabina .
D. Baho de arco
11. Alin sa mga sumusunod ang kauna-unahang instrumenting pangkat kawayan?
A. Angklung
B. Kalutang .
C. Tongatong .
D. Saggeypo
12. Magkakaroon ng pagtatanghal ang inyong klase sa darating na Christmas Party. Napili ng inyong
pangkat na umawit ng Sabayan. Ano ang gagawin mo?
A. Sasali ako
B. Liliban ako
C. Hindi ako sasali .
D. Manonood na lang ako
13. Pinagdadala kayo ng guro mo ng mga bagay mula sa kapaligiran na magbibigay ng kakaibang
tunog. Ano ang pipiliin mong dalhin?
A. Bote
B. Dahon .
C. Niyog
D. Tingting

14. Mababa at medyo paos ang boses ni Marie. Magkakaroon sila ng isahang pagtatanghal ng pag-
awit. Pinapipili siya ng guro kung sino ang gagayahin niyang mang-aawit. Kung ikaw si Marie, sino
ang pipiliin mo?
A. Jaya
B. Lani Misalucha
C. Leah Salonga
D. Sarah Geronimo
15. Anong uri ng tunog ang malilikha ng patpat, bao at bato?
A. Tiyak na tono .
B. Mababang tono
C. Mataas na tono
D. Walang tiyak na tono
16. Si Jaya ay tinaguriag Soul Diva dahil sa kakaibang timbre ng kanyang boses. Ano kaya ito?
A. Alto
B. Tenor
C. Soprano
D. Bass/baho
17. Ito ay isang katutubong trumpeta na gawa sa sungay ng kalabaw.
A. Agong
B. Diwdiw-as
C. Tambuli
D. Tong-ali
18. Ang Rondalla ay kilala bilang
A. Filipino String Band
B. Indigenous Culture
C. Spanish String Band
D. Filipino Wind Instrument
19.May paligsahan ng pag awit sa inyong paaralan.Maganda naman ang boses mo, ano ang gagawin
mo?
A. Liliban ako
B. Sasali ako
B. Hindi ako sasali
D.Manonood na lang ako
20.Ang musika ay makikita kahit saan. Nakakalikha tayo ng tunog gamit lamang ang mga bagay na
makikita sa paligid tulad ng _____.
A. Bao
B. Tela
C. Lubid
D. Papel

You might also like