You are on page 1of 2

MAPEH 5-MUSIC

Third Quarter - Summative Test 1


(LAS 1 & 2)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titiki ng sagot na angkop na salitang tinutukoy ng bawat
tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay anyo ng musika na may isang talutod at iisang melodiya.


A. Melody B. Rhythm C. Strophic D. Unitary

2. Ito ay ang pinakamaliit bahagi o ideya ng musika.


A. Melody B. Motif C. Rhythm D. Strophic

3. Alin sa mga sumusunod ang anyo ng musika na may iisang melodiya na inuulit sa ibang taludtod?
A. Melody B. Rhythm C. Strophic D. Unitary

4. Ito ay anyong strophic na ang melody ay inuulit ng ikalawang beses sa ibang taludtod.
A. AA B. AAA C. AAAA D. AAAAA

5. Ito ay anyong strophic na ang melody ay inuulit ng ikatlong beses sa ibang taludtod
A. AA B. AAA C. AAAA D. AAAAA

6. Si Jaya, na tinaguriang Asia’s Queen of Soul, ay isang mang-aawit na may mababang boses. Ano ang timbre ng
kanyang tinig?
A. Alto B. Bass C. Soprano D. Tenor

7. Isang tanyag na mag-aawit sa buong mundo si Lea Salonga. Siya ay may mataas at matinis na tinig. Ano ang timbre
ng kanyang boses?
A. Alto B. Bass C. Soprano D. Tenor

8. Si Jed Madela, na isang kilalang mang-aawit, ay may mataas na boses. Alin sa mga sumusunod ang timbre ng
kanyang tinig?
A. Alto B. Bass C. Soprano D. Tenor

9. Si Nonoy Zuniga ay isang tanyag na mang-aawit ng kanyang panahon na may mababang boses. Ano ang kanyang
timbre?
A. Alto B. Bass C. Soprano D. Tenor

10. Aling instrumento ang tinutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip ng hangin mula sa bibig?
A. Banduria B. Diwdiw-as C. Gitgit D. Sulibaw

11. Anong drum ang naglilikha ng napakababang tunog kapag ito ay pinapalo?
A. Bass drum B. Snare drum C. Tenor drum D. Tubular drum

12. Ito ay pangkat ng mga instrument na tinaguriang Filipino String Band.


A. Drum and Lyre B. Pangkat-Etniko C. Pangkat-Kawayan D. Rondalla

13. Paano pinatutunog ang bajo de unas?


A. Pagkalabit sa mga kuwerdas C. Pagkalog nito
B. Pag-ihip ng hangin D. Paggamit ng bow

14. Ano ang pangalan ng instrumentong makikita sa larawan?


A. Bajo de unas C. Gitara
B. Banduria D. Laud

15. Alin sa mga instrumentong ito ang HINDI kabilang sa bandang drum at lyre?
A. Banduria C. Snare drum
B. Cymbals D. Tenor drum
16. Kung ang gangsa ay pinapatunog sa pamamagitan ng pagpukpok ng kamay o ng isang istik, ang angklung naman
ay pinapatunog sa pamamagitan ng ______________?
A. Pagkalabit sa mga kuwerdas C. Pagkalog nito
B. Pag-ihip ng hangin D. Paggamit ng bow

17. Ito ay drum na gawa sa kahoy at balat ng baboy o bayawak.


A. Dabakan C. Sulibaw
B. Gimbal D. Tenor drum

18. Ito ay mga instrumento na tumutunog kapag ang buong katawan ng instrumento ay gumagalaw nang mabilis
(vibrate).
A. Aerophones C. Idiophones
B. Chordophones D. Membranophones

19. Alin sa mga sumusunod na instrumento ang kabilang sa chordophones?


A. Agong C. Kudyapi
B. Dabakan D. Tambuli

20. Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga manunugtog ng kulintang, gandingan, agong, babendil, at dabakan.
A. Angklung Ensemble C. Gangsa Ensemble
B. Bandang Drum at Lyre D. Kulintangan Ensemble

You might also like