You are on page 1of 3

Layunin: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.


Tayo ay Mayroong Pananagutan
Panimula

Ang pagkakaroon ng pananagutan ay pagiging responsible sa ating mga kilos.


Nangangahulugan din ito ng pag-ako ng ating mga pagkakamali at tagumpay.

Pagtalakay

Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pananagutan? Madalas, ito ay naiuugnay lamang sa
mga pagkakataong may nagkakamali, nagkakaproblema, o nabibigong mapagtagumpayan ang resulta
ng isang bagay. Kapag nangyayari ang ganito, karaniwan na ang tanong agad ay “Sino ang may
pananagutan sa nangyari?”. Kapag naman naging maayos ang takbo ng lahat, bihira lamang ang
nagtatanong kung sino ang responsible o may pananagutan sa nangyari.

Ang pagkakaroon ng pananagutan ay dapat malinang sa bawat isa sa atin. Ang ilan ay
nakalilimot na sila sila ay may pananagutan sa kanilang mga kilos. Ang pag-aaral tungkol sa pagiging
mapanagutan ay makatutulong upang kilalanin natin ang ating responsibilidad sa ating mga ginawa at
hindi ginawa. Sa ating murang edad, makabubuting matutuhan natin ang pagiging mapanagutan dahil
dito nabubuo ang tiwala ng ating kapuwa.

Masasabing ang bawat gawain ay may kaakibat na bunga.Ang bunga ay maaaring hindi agad
makita o maramdaman, ngunit tiyak na may epekto ito, Mabuti man o masama. Kung misan, may mga
bagay na wala tayong kontrol kaya wala rin tayong kontrol sa magiging epekto nito. Ngunit sa mga
bagay na mayroon tayong kontrol, dapat ay magkaroon tayo ng pananagutan. Ang pagkakaroon ng
pananagutan ay pagpapakita na tayo ay responsible at mapagkakatiwalaan. Pinatunayan din nito na
tayo ay mapagkumbaba at handing aminin ang ating pagkakamali at gumawa ng paraan upang ito ay
itama.
Pagsasanay
Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay may mga pananagutan sa kanilang trabaho. Isulat sa kahon sa
ibaba ang mga pananagutan ng bawat isa sa kanila.
Gawain
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang P kung ang tauhan ay nagpapakita ng pagkakaroon
ng pananagutan at H naman kung hindi.
_______1. Sinisisi lagi ni Peter ang kaniyang katabi sa upuan kapag hindi siya pumapasa sa pagsusulit.
_______2. Sinisigurado ni Mildred na natatapos niya ang anomang itinakdang gawain para sa
kanya.
_______3. Sinabi ng guro nina Dexter na hindi niya maaaring tanggapin ang proyekto ng pangkat
dahil hindi sila nakasunod sa tuntunin. Nagdesisyon ang pangkat ni Dexter na simulant ulit ang
proyekto at siguruhing masusunod ang alituntunin nito.
_______4. Sinisugurado ni Chester na natatapos muna ang nakababata niyang kapatid ang mga
takdang-aralin nito bago ito manoon ng palabas sa telebisyon.
_______5. Naniniwala si Melissa na ang isang pangkat ay hindi kinakailangang kumilos nang sama-
sama.

You might also like