You are on page 1of 4

Layunin: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino.


Tayo ay Mayroong Disiplina

Panimula

Ang disiplina ay isang kalagayan ng kaayusan batay sa pagsunod sa mga alituntunin at awtoridad,
control sa sarili, pagkukusa, at palagiang paggawa, may nangangasiwa man o wala.

Pagtalakay

Paano makatutulong ang disiplina sa pagiging Mabuti ng isang tao?

Madalas nating nakalilimutan na bahagi ng disiplina ang matinding pagtitiyaga at pagsisikap


upang mgawa ang isang bagay nang maayos. Kapag gusto mong matutuhan ang isang bagay, kailangan
mong mag-ukol ng panahon para magawa ito. Ang pag-uukol ng panahon para sa isang bagay na
mahalaga sa iyo ay mabuting pagsasanay sa pagbibigay ng halaga sa mga bagay.

Ang pagkakaroon ng disiplina ay nakatutulong din upang tayo ay maging masunurin sa batas at
mapagmahal sa kapayapaan. Pinahahalagahan natin ang mga alituntunin dahil nauunawaan natin ang
kalahagahan ng mga ito sa ating lipunan at maging ng ating kapwa. Kung tayo ay may disiplina ay
magiging huwaran tayo sa iba. Mahihikayat ang ating kapwa na sumunod at magkaroon ng disiplina sa
lahat ng pagkakataon.

Pagsasanay
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Papaano mo maipapakita ang pagkakaroon ng disiplina sa
bawat sitwasyon? Isulat ang sagot sa ibaba ng bawat bilang.
1. Mayroon kayong gawain sa asignaturang ESP na kailangan maipasa kinabukasan. Gagawin mo na ang
iyong gawain ngunit niyaya ka ng kaibigan mong maglaro ng online games.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Nagsasagot kayo ng online exam sa asignaturang Araling panlipunan. Alam mo na maaring hanapin sa
internet ang mga sagot sa tanong sa online exam.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Araw ng linggo, kayo ay may klase sa ESP kinabukasan at kailangan nyong pumasok eksaktong 7:50am
dahil mayroong Flag Ceremony.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pagtataya
Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap. Ilagay ang sagot bago ang bawat
bilang.
_________1. Pagtulog sa gabi sa tamang oras.

_________2. Pagpili ng taong dapat tulungan.

_________3. Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking naitulong.

_________4. Magchachat ako sa aking guro ng naka-capslock.

_________5. Magpapasa ng gawain sa tamang oras.

_________6. Pagpasok sa klase ng late.

_________7. Magshare ng FB ng isang malaswang larawan.

_________8. Pagdarasal bago matulog.

_________9. Hindi pagsunod sa utos dahil naglalaro.

_________10. Pagpasa ng gawain ng lagpas sa oras ng pasahan.

Output

Panuto: Gumuhit ng isang malaking puso sa loob ng kahon. Magbalik-tanaw ka. Isipin ang mga
pagkakataon sa iyong buhay na nakapagpamalas ka ng pagkakaroon ng disiplina. Maaaring sa iyong
tahanan o maging sa paaralan. Magsulat hanggang sa kung gaano karami ang gustong isulat. Gawin ito
sa espasyo sa loob ng kahon sa ibaba.

You might also like