You are on page 1of 4

Layunin: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang anumang
teknolohiya sa paaralan

Pagganap sa Tungkulin ng may Mataas na Kaledad

Panimula

Ang pagtupad sa mga nakatakda sa iyong mga gawain, proyekto at program ay mahalaga.
Marami sa mga gawaing pampaaralanang nangangailangan ng pakikiisa ng mga mag-aaral upang
magtagumpay. Gawin dapat ito nang may kasiyaha‟t kahusayan at hindi napipilitan, upang mataas na
kalidad ng Gawain ang siyang mangibabaw.

Pagtalakay

Marami sa mga gawaing pampaaralan ang nangangailangan ng pakikiisa ng mga bata upang
maging matagumpay ito. Ilan dito ay sa mga paglalaro, paligsahan, pagdiriwang at iba pa.

Bilang kabahagi at miyembro ng isang grupo o pangkat bawat isa ay may kani-kaniyang
tungkuling dapat gampanan. Mababa man sa tingin ng iba ang tungkuling sa iyo ay napaatang, gawin
ito ng buong puso, may kasiyahan at pakikiisa na hindi naghihintay ng anumang kapalit.

Sa pakikiisa natin sa mga gawaing pampaaralan nararapat nating gawin ito ng bukal sa ating
kalooban at hindi napipilitan lamang. Ang pagpapakita ng tunay na nararamdaman ay
nangangahulugang tapat ka sa iyong sarili gayundn sa iyong kapwa.

Pagsasanay
Panuto: Basahin ang tula sa ibaba. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa
ibaba ng bawat bilang.
1. Anu-ano ang kakayahang nabanggit sa tula?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Poong


Maykapal?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Poong


Maykapal?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

4. Paano mo malilinang ang kakayahan at talentong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Gawain
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapawa
bata at malungkot na mukha naman kung hindi.
________ 1. Pagsali ng bukal sa kalooban sa mga paligsahan sa barangay.
________ 2. Pamimintas sa mga palabas sa palatuntunan sa pamayanan.
________ 3. Pagtulong sa mga gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang
ginagawa ito.
________ 4. Ipinagyayabang ang natatanging kakayahan sa kaibigan.
________ 5. Kusang-loob na nakikisa sa pagtatanim ng mga halaman sa paaralan o
barangay.
Pagtataya
Panuto: Isulat ang WASTO kung ang sitwasyon ay nagpapakita nang tamang pagganap at pakikiisa sa
mga programang pampamayanan at pampaaralan at DI-WASTO kung hindi.
_________ 1 Dumadalo si Steve sa pag-eensayo ng kanilang grupo para sa darating na foundation day.

_________ 2. Tinapos agad ni Maria ang kanyang proyekto para maipasa niya ito sa tamang oras.

_________ 3. Ang magkakaibigang sila Jose, Alfred, at Gelo ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng
sayaw sa kanilang barangay.

_________ 4. Nagsulit si Pedro ng kanyang proyekto na may karumihan dahil kagabi lamang niya ito
nagawa.

_________ 5. Buong pamilya nina Mang Cedring ay nagtanim ng mga puno bilang pakikilahok sa
proyekto ng kanilang barangay.

You might also like