You are on page 1of 9

VIBAL Teaching Module Format

PANGALAN: ___________________________________ PETSA NG PAGKUHA: ______________


BAITANG/PANGKAT: __________________________ PETSA NG PAGPASA:
_______________
A. Course Title AP5-Quarter1-Week1

Course Description Ang Katuturan at Kahalagahan ng Heograpiya, Ang Lokasyon ng Pilipinas

Course Objectives Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan

B. Module Title Ang Lokasyon ng Pilipinas

Module Description Tingnan ang lokasyon ng Pilipinas sa daigdig. Ano ang masasabi mo tungkol dito? Paano
kaya nakaapekto sa PIlipinas ang lokasyon nito sa daigdig? Sa iyong palagay, kung ang
Pilipinas ay nasa  pinakahilaga o pinakatimog ng daigdig, Mababago kaya ang ating
kasaysayan? Sa araling ito ay tatalakayin ang katuturan at kahalagahan ng heograpiya,
ang lokasyon ng Pilipinas at ang kaugnayan ng lokasyon na ito sa pamumuhay at
kasaysayan ng bansa.
C. Lecture Title Pagtalakay

Lecture Description Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng heograpiya sa kasaysayan at pamumuhay ng


mga tao sa isang bansaa tulad ng Pilipinas. Ang lokasyon ng ating bansa ay may
kaugnayan sa naging kasaysayan nito at hanggang sa kasalukuyan ay nakaaapekto ito sa
mga pangyayaring nagaganap sa bansa.
Lecture
Katuturan ng Heograpiya
Ang Pilipinas ay nagtataglay ng iba't ibang katangiang pisikal. Maaari itong
mailarawan bilang bansang binubuo ng maraming pulo. Maaari din namang
masabi na ang Pilipinas ay mabundok at may mga aktibong bulkan. Ang
nabanggit na paglalarawan sa ating bansa ay ilan sa mga katangiang pisikal o
heograpiya ng Pilipinas.

Ang heograpiya ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain,


katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa daigdig. Nagmula ang
salitang heograpiya sa salitang Griyego na geo na nangangahulugang lupa
at graphos  nangangahulugang pagsulat, kung kaya't ang heograpiya ay
nangangahulugang "paglalarawan ng mundo". Tumutukoy rin ang heograpiya sa
pag-aaral ng mundo tulad ng pisikal na katangian ng isang bansa o lugar. Makikita
sa pigura sa ibaba ang mga paksang saklaw ng heograpiya
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Heograpiya
May mahalagang gampanin ang heograpiya sa mga tao sa isang bansa o lugar.
Ang mga sumusunod ay mga kaugnayan ng heograpiya sa iba't ibang aspekto ng
pamumuhay ng tao.
Kasaysayan ng bansa - May epekto ang kalagayangpisikal sa kung paano
naganap ang mga pangyayari. Hindi naging madali ang pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago at mabundok ng bansa.
Pamamahala sa bansa - Ang pangangasiwa sa isang bansa ay nakabatay sa
lawak at teritoryo ng naturang bansa. May salik ang pagiging arkipelago ng
Pilipinas sa paraan ng paghahati nito sa mga rehiyon, lalawigan, lungsod, at bayan
upang mas pamadali ang pamamahala sa mga ito.
Kultura ng bansa - Isang salik ang lagay ng kapaligiran sa pagkakaroon ng iba't
ibang pamayanan. Ang pagiging arkipelago at mabundok ng Pilipinas ay dahilan
ng iba't ibang pangkat etnolingguwistiko na may natatanging kaugalian at
tradisyon.
Kabuhayan ng bansa - Ang taglay na likas na yaman, klima, at kinaroroonan ng
bansa ay nakaaapekto sa magiging kabuhayan ng mga tao. Pagsasaka at
pangingisda ang mga pangunahing kabuhayan sa Pilipinas. Komersiyo at
industriya naman ang kabuhayan sa mga lungsod at bayan.
Mamamayan ng bansa - Nauunawaan ang mga pangayayring nagaganap sa iba't
ibang panig ng daigdig maging ang mga pagbabagong nagaganap sa takbo ng
kasaysayan ng sangkatauhan.
Lokasyon Bilang Batayang Heograpiya
Mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagtukoy ng lokasyon gamit ang globo
at mapa. Ang globo ay isang modelo ng daigdig. Ito ang itinuturing na
pinakatumpak na kahugis ng ating daigdig. Ginagamit ang globo upang makita
ang wastong hugis ng mga bansa at lugar. Ang mapa naman ay isang patag na
modelo at representasyon ng daigdig. 

source: http://www.thekavanaughreport.com/2017/08/maps-and-globes-in-
montessori-home.html

Ang daigdig ay nahahati sa dalawang hatingglobo. Ang Ekwador (Equator) ang


linyang naghihiwalay sa Hilagang hatingglobo at Timog hatingglobo. Ang equator
ang nasa 00 latitude. Samantala, ang Punong Meridyano (Prime Meridian) ang
naghahati sa daigdig sa pagitan ng Silangang hatingglobo at Kanlurng
hatingglobo. Nasa 00 longitude ang prime meridian.

Ang lokasyon o kinaroroonan ng bansa ay isa sa pinag-aaralan sa heograpiya.


Ang Pilipinas ay bahagi ng daigdig. Ang malawak na daigdig ay hinati sa pitong
kontinente. Makikita sa mapa ang pitong kontinente ng daigdig maging ang mga
karagatang nakapalibot sa mga ito.

source: https://www.pinterest.ph/pin/62980094762259028/
Ang globo at mapa ay may mga espesyal na guhit at ito ang mga sumusunod;
Tropic of Cancer - Parallel na nasa 23 1/2 degrees Hilaga ng Equator. Ito ang
linyang naaabot ng vertical ray ng araw sa Hilagang hatingglobo.
Tropic of Capricorn - Linyang nasa  23 1/2 degrees Timog ng Equator. Ang
linyang ito ang hangganan ng naaabot ng vertical ray ng araw sa Timog
hatingglobo.
Arctic Circle - Parallel na nasa 66 1/2 degrees Hilaga ng Equator.
Antarctic Circle - Paraallel na nasa 66 1/2 degrees Timog ng Equator.
International Date Line - Espesyal na linya na lumalandas sa 180 0 longitude. Ito
ang batayan sa a pagbabago ng oras  at araw sa daigdig.

Matatgpuan ang Pilipinas sa kontinente ng Asya, partikular sa rehiyong Timog-


Silangang Asya. May dalawang paraan upang matukoy ang kinaroroonan ng isang
bansa tulad ng Pilipinas, ang absolute o tiyak na lokasyon at ang relatibong
lokasyon.

Tumutukoy ang absolute o tiyak na lokasyon sa pagtukoy ng eksaktong


kinaroroonan o posisyon ng isang lugar o bansa sa daigdig. Ito ang magtuturo sa
iyo  ng eksaktong lokasyon ng bansa o lugar sa mapa o globo.  Malalaman ang
eksaktong kinalalagyan ng isang bansa sa daigdig sa pamamagitan ng dalawang
linya; ang parallel of latitude at meridians of longitude. Ang mga linyang ito ay
tinatawag na "imahinasyon" o "likhang isip" na linya dahil hindi ito makikita sa
tunay nadaigdig.  sa pagtatagpo ng mga linya ng latitude at longitude ay
nakabubuo ng tinatawag na grid.

source: https://www.researchgate.net/figure/Location-map-of-the-Philippines-
Data-source-R-maptool-package_fig1_313674999

Sa grid ay makakikita ng mala-parihabang espasyo na maaari ding gamiting


pantukoy sa absolute na lokasyon. Ito ang tinatawag na lawak nan heograpikal o
geographical extent. Halimbawa ang Pilipinas, ito ay matatagpuan sa pagitan ng
mga latitude na 40 23' at 210 25' hilaga at sa pagitan ng mga longitude 1160 00' at
1270 00' silangan.

Ang relatibong lokasyon ay pagtukoy sa kinalalagyan ng bansa o lugar sa


pamamagitan ng mga karatig-bansa o mga anyong tubig na nakapaligid rito.
Ginagamit din ang globo at mapa upang matukoy ang relatibong lokasyon ng
isang lugar. Sa pagbasa ng mapa, mas madaling malalaman ang kinalalagyan ng
bansa o lugar kapag ginamit ang compass rose, iskala, at mga simbolong pang-
mapa.

May dalawang paraan upang matukoy ang lokasyon ng isang bansa o lugar gamit
ang relatibong lokasyon. Ito ang insular at bisinal na paraan. Sa paraang insular,
malalaman ang kinaroroonan ng bansa sa pag-aalam ng mga katubigang
nakapaligid dito. Ang Ikalawang paraan ay ang bisinal kung saan matutukoy ang
lokasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng mga anyong lupa o bansang
nakapaligid rito.

source: https://heopinasblog.wordpress.com/lokasyon-at-populasyon/

Batay sa mapa, ang Pilipinas ay napaliligiran ng mga anyong tubig. Batay sa


relatibong lokasyong insular, Nasa hilaga nito ang Bashi Channel, Celebes Sea sa
timog, Pacific Ocean sa silangan, at West Philippine Sea at South China Sea sa
kanluran. Napaliligiran rin ang Pilipinas ng mga bansa tulad ng Taiwan sa hilaga,
Vietnam sa kanluran, Guam sa silangan at Indonesia sa Timog, ito ay batay sa
relatibong lokasyong bisinal.
Resources (if available) https://www.youtube.com/watch?v=sa__8zUFCfo

D. Assessment Title Pagsasanay

Assessment Instruction: Punan ang mga titik na nawawala upang makabuo ng salita batay sa ibinigay na
kahulugan nito.
Assessment
E. Output Title Gawain

Output Instruction
Sumulat ng hindi bababa sa tatlong pangungusap na talata tungkol sa kahalagahan
ng heograpiya. Gamitin ang espasyo sa ibaba

PAMANTAYAN NAPAKA-GALING MAGALING


(10 PUNTOS) (5 PUNTOS)
Kailangan pang
Mahusay at wasto ang paghusayan at gawing
nilalaman at tama ang wasto ang nilalaman at
Paliwanag
pag-kakapaliwanag ng tama ang pag-
konsepto. kakapaliwanag ng
konsepto.
Kailangan pang ayusin
Maayos ang daloy ng
ang daloy ng paliwanag.
paliwanag. Mag-
Organisasyon Hindi lubos na mag-
kakaugnay ang mga
kakaugnay ang mga
pangungusap.
pangungusap.

F. Assessment Title Pagtataya

Assessment Instruction: Tukuyin ang mga anyong lupa at anyong tubig na inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Assessment
______________ 1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mundo tulad ng pisikal na
katangian ng isang bansa o lugar.
______________ 2. Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng eksaktong kinaroroonan ng
isang lugar o bansa sa daigdig.
______________ 3. Ito ay ang pagtukoy sa kinalalagyan ng bansa o lugar sa
pamamagitan ng mga karatig-bansa o mga anyong tubig na nakapalibot rito.
______________ 4. Ito ay modelo ng mundo na an ginagamit upang makita ang
wastong hugis ng mga bansa at lugar.
______________ 5. Ito ay patag na representasyon ng daigdig.

G. Assignment Magsaliksik tungkol sa klima ng Pilipinas.

You might also like