You are on page 1of 2

St.

Joseph’s College of Rodriguez


Basic Education Department
S. Y. 2019-2020

PLANO SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9


Asignatura: Baitang: Petsa ng Pagtalakay: Unang Markahan
Araling Panlipunan 9 Hunyo 24-28, 2019
PAKSANG ARALIN: ANG KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Layunin:
A. Pamantayang Nilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto
ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga
pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral, lasapi ng pamilya at lipunan
2. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay ng pamilya at ng lipunan
D. Pagpapahalaga: SIMPLICITY, INTEGRITY OF CREATION
Mahalagang Tanong:
EQ1: Sa paanong paraan nakatutulong sa sangkatauhan ang pag-aaral ng Ekonomiks?
EQ2: Paano nabubuo ang pinakamahusay na desisyong pang-ekonomiko?
Mga Kagamitan:
 Bond paper, coloring materials
Uri ng Pagtataya: Kinalabasan Inaasahang Gawain
Makabubuo ang mga mag-
Editorial cartoon
aaral ng isang editorial cartoon Talakayan/Pangkatang
gawain
Pagsasanay
Makasasagot sa pagsasanay
Asignatura: Araling Panlipunan Pagpapahalaga: SIMPLICTY, INTEGRITY

Pamamaraan:
Sesyon 1
I. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtataya ng liban
II.Pamamaraan
1. Pagganyak – Ang guro ay magpapakita ng isang editorial cartoon, itatanong kung anong
mabubuong kaisipan mula sa larawan.

2. Ang guro ay i-uugnay ang larawan sa aralin, mula rito ay magkakaroon ng malayang talakayan
na sasagot sa mga mahahalagang katanungan, ibibgay ang mga element at kahulugan ng
ekonomiks (Agham panlipunan, lubusang paggamit, limitadong yaman, pangangailangan).
Matapos nito, tatalakayin ng guro ang mga pangunahing katanungan pang-ekonomiya (Ano
ang iproprodyus? Para kanino ang Iproprodyus? Paano ito iproprodyus?).
III. Takdang Aralin
1. Alamin ang maikling kasaysayang ekonomiks.
2. Magbibigay ng isang sitwasyon patungkol sa mga pangunahing katanungan pang-ekonomiya.
Sesyon 2
I. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtataya ng liban
II. Pamamaraan
1. Pagbabalik-aral – Ang guro ay magbibigay ng mga katanungang patungkol sa nakaraang
tinalakay.
2. Gawain – Ang guro ay magpapagawa ng isang editorial cartoon patungkol sa aralin.
III. Takdang Aralin
1. Basahin at pag-aralan ang nakaraang aralin
Sesyon 3
I. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtataya ng liban
II. Pamamaraan
1. Pagbabalik-aral – Ang guro ay magbibigay ng mga katanungang patungkol sa nakaraang
tinalakay.
2. Pagtataya patungkol sa aralin
III. Takdang Aralin
1. Ano ang kakapusan? Sa paanong paraan maaaring mabigyang lunas ang kakapusan sa mundo?
Reflection: COMPASSION S1 S2 S3
 Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
 Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng alternatibong gawain:
 Epektibo ba ang ginawang remedyal? Ilan ang bilang ng mga mag-aaral ang
naka-unawa ng aralin?
 Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa isinagawang remedyal?
 Anong estratehiya sa pagtuturo ang mas naging epektibo?
 Ano ang mga naging hadlang sa naging pagtuturo upang makatulong ang
iyong punong-guro o koordineytor?
 Ano ang mga inobasyong kagamitang pampagtuturo ang ginamit na
maaaring maibahagi sa iyong kapwa guro?
Reflection: OBEDIENCE S1 S2 S3
 Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
 Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng alternatibong gawain:
 Epektibo ba ang ginawang remedyal? Ilan ang bilang ng mga mag-aaral ang
naka-unawa ng aralin?
 Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa isinagawang remedyal?
 Anong estratehiya sa pagtuturo ang mas naging epektibo?
 Ano ang mga naging hadlang sa naging pagtuturo upang makatulong ang
iyong punong-guro o koordineytor?
 Ano ang mga inobasyong kagamitang pampagtuturo ang ginamit na
maaaring maibahagi sa iyong kapwa guro?
Inihanda ni: Petsa ng pagpapasa:
Sir John Paul L. Viñas
Remarks:

Sr. Eterna A. Manangan, SFIC

Koordineytor Punong-Guro

You might also like