You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga
pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan Sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga
at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon.

Kasanayan sa Pagkatutu: Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa


daigdig: pinagmulan, batayan at katangian (AP8HSK-Ih-7)
Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala, at lipunan (AP8HSK-Ii-8)

Quarter:_Unang Markahan__ Week:_Ika-anim_ Day:_18__

I.LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1.natutukoy ang mga imperyo at kaharian na nabuo sa Kabihasnang Indus; at
2.nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa pagkakapangkat-pangkat ng tao sa
India batay sa sistemang caste.

II. NILALAMAN
Paksa: Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
 Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya (Pagbuo ng Kaharian at Imperyo)
a. Pinagmulan, batayan at katangian
b. Politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan

Integrasyon:English, Edukasyon sa Pagpapakatao


Estratehiya: Collaborative, inquiry based at Discussion
Materyales: tulong biswal, mga larawang may kaugnayan sa paksa, laptop, telebisyon
Mga Sanggunian: Modyul ng mga Mag-aaral sa AP 8 KASAYSAYAN NG DAIGDIG pahina
76-80

III.PAMAMARAAN
A. Balik-Aral(ELICIT):
 Ano ang Sistemang Caste?
 Sinu-sino ang kabilang sa bawat pangkat nito?
 Ilarawan ang Panahong Vedic
B. Pagganyak (ENGAGE):
 gagawa ang guro ng Spider Web Organizer kung saan ito ay sasagutang ng mga mag-
aaral ng kanilang mga ideya kung ano ang ibig sabihin ng IMPERYO at
KAHARIAN.

C. Pagtuklas (EXPLORE)
Ipapakita sa klase ang mga larawan na naging mahalaga sa mga Imperyong nabuo sa
Kabihasnang Indus kagaya ng Lions of Sarnath, I Reyna Kumaradevi at Chandragupta I, at
Taj Mahal

D. Pagtatalakay (EXPLANATION)
Tatalakayin ng guro sa mga mag-aaral ang pagbuo ng mga kaharian at imperyo noong 500 BCE
– 500 CE
 Imperyong Maurya
 Imperyong Gupta
 Imperyong Mogul

E. Pagpapalalim (ELABORATION)
Pamprosesong Tanong
1. Anong mga katangian ang kailangang linangin ng isang pinuno upang maging matagumpay
sa pamamahala ng kanyang nasasakupan?
2. Bakit mahalaga ang matalinong pagpili ng isang pinuno?

III. Pagtataya sa Aralin (Evaluation)


Kumuha ng ¼ na papel at sagutin ang inihandang pasulit.
1. – 3. Ano ang tatlong imperyong nabuo sa Kabihasnang Indus? (MAURYA, GUPTA,
MOGUL)
4.Ito ay naglalaman ng mga kaisipan hinggil sa pangangasiwa at estratehiyang politikal
(ARTHASASTRA)
5. Sino ang namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605? (AKBAR)
6. Anong imperyo na kung saan hango ang pangalan nito mula sa pangalan ng naunang
imperyo (GUPTA)
7. – 9. Anong mga larangan ang maunlad sa panahon na namayani ang Imperyong Gupta?
(ASTRONOMIYA, MATEMATIKA, SIRUHIYA)
10. Anong establishemento ang ipinatayo na nagbabawal ng sugal, alak, prostitusyon, at sati?
(TAJ MAHAL/ AURANGZEB)

IV. Takdang Aralin (Enrichment)


Ano ang mga Dinastiya sa Kabihasnang Tsino?

VI.Pagninilay

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ngmga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking
punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitan panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
kapwa ko guro?
Prepared by:

OMICALSUM SUMNDAD-CABSARAN
Teacher I
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga
pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan Sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga
at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon.

Kasanayan sa Pagkatutu: Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa


daigdig: pinagmulan, batayan at katangian (AP8HSK-Ih-7)
Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala, at lipunan (AP8HSK-Ii-8)

Quarter:_Unang Markahan__ Week:_ Ika-pito_ Day:_19 __

I.LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang mga Dinastiya sa Kabihasnang Tsino;
2.naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari at pinuno sa bawat dinastiya; at
3. nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa bawat dinastiya at kahalagahan nito sa
kasalukuyan.

II. NILALAMAN
Paksa: Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
 Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
a. Pinagmulan, batayan at katangian
b. Politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan

Integrasyon:English, Edukasyon sa Pagpapakatao


Estratehiya: Collaborative, inquiry based at Discussion
Materyales: tulong biswal, mga larawang may kaugnayan sa paksa, laptop, telebisyon
Mga Sanggunian: Modyul ng mga Mag-aaral sa AP 8 KASAYSAYAN NG DAIGDIG pahina 81
– 84
III.PAMAMARAAN
A. Balik-Aral(ELICIT):
 Ano ang mga imperyong nabuo sa Kabihasnang Indus?
 Ilarawan ang pamumuhay ng mga Aryan.
 Ilarawan ang mga kaganapan sa India sa panahon ng imperyong Maurya.
 Bakit itinuturing na sentro ng kalinangan ang India sa ilalim ng Imperyong Gupta?

B. Pagganyak (ENGAGE):
Paramihan Tayo!
Hahatiin ang klase sa 4 na pangkat. Ang bawat pangkat ay mag-iisip ng mga bagay na
may kinalaman sa China. Ang bawat pangkat ay tatawagin at ilalahad nila ang isang
bagay na kanilang naisip. Kung wala nang maisip ang isang pangkat hindi na kasali sa
laro.

C. Pagtuklas (EXPLORE)
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng DINASTIYA?
2. Ano-anong mga dinastiya ang nabuo sa Kabihasnang Tsino?

D. Pagtatalakay (EXPLANATION)
Tatalakayin ng guro sa mga mag-aaral ang iba’t ibang dinastiya ng Kabihasnang
Tsino

E. Pagpapalalim (ELABORATION)
Pamprosesong Tanong
 Anong mga aral ang natutuhan ninyo sa pag-usbong, pananatili, at pagbagsak ng
mga dinastiya sa China?
 Paano isinasakatuparan ang Mandate of Heaven? Paano ito nakakamit o nawawala
ng isang pinuno?
 Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Dinastiyang Sui sa kasaysayan ng
sinaunang China?
 Bakit humina ang pamahalaang Mongol?

IV.Pagtataya sa Aralin (Evaluation)


Kumuha ng ½ na papel at sagutin ang inihandang pasulit.

Gumawa ng timeline na nagpapakita ng pag-usbong at pagbagsak ng mga dinastiya sa


China.

V.Takdang Aralin (Enrichment)


Basahin at pag-aralan ang susunod na aralin, Kabihasnang Egypt. Sa modyul ng mag-aaral
pahina 86 – 94
VI.Pagninilay

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ngmga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking
punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitan panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
kapwa ko guro?

Prepared by:
OMICALSUM SUMNDAD-CABSARAN
Teacher I

You might also like