You are on page 1of 22

ARALING PANLIPUNAN 7

Module 2
Name: __________________________
Grade 7A
Most Essential Submission
Content Performance
Topics Learning Duration of
Standards Standards
Competencies Activities
Ang mag-aaral Ang mag-aaral Aralin 1: *Natatalakay ang
ay… ay… Pagsusuri sa konsepto ng
Katangian at kabihasnan at mga Feb.23 Feb. 26
naipamamalas kritikal na Kahalagahan ng katangian nito
ng magaaral nakapagsusuri Kabihasnan
ang pag-unawa sa mga Aralin 2: *Napaghahambing ang
sa mga kaisipang kaisipang Sinaunang mga sinaunang Feb. 24
Asyano, Asyano, Kabihasnan sa kabihasnan sa Asya
pilosopiya at pilosopiya at Asya: (Sumer, Indus, Tsina)
and March 2
relihiyon na relihiyon Sumer, Indus at March 2
nagbigay-daan sa na Tsina
paghubog ng nagbigaydaan Aralin 3: *Natataya ang
sinaunang sa paghubog Pagsusuri sa impluwensiya ng mga
kabihasnan sa ng Kaisipang Asyano kaisipang Asyano sa
Asya at sa sinaunang sa Impluwensya kalagayang panlipunan
March 3 March 5
pagbuo ng kabihasnan nito sa Lipunan at at kultura sa Asya
pagkakakilanlang sa Asya at sa Kultura
Asyano pagbuo ng Aralin 4: *Napapahalagahan ang
pagkakilanlang Pagtataya at mga kaisipang Asyano
Asyano Pagpapahalaga sa na nagbigay-daan sa
Kaisipang Asyano paghubog ng
at Sinaunang sinaunang
March 9 March 12
Kabihasnan sa kabihasnang sa Asya at
Asya sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano
Aralin 5: *Nasusuri ang
Pagtukoy at kalagayan at bahaging
Pagsusuri ng ginampanan ng
March
Ginampanan ng kababaihan mula sa March 12
Kababaihan sa sinaunang kabihasnan 10
Sinaunang at ikalabing-anim na
Kabihasnan siglo
Aralin 6: *Napapahalagahan ang
Pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng
March
Kontribusyon ng mga sinaunang lipunan March 19
mga Sinaunang at komunidad sa Asya 16
Lipunan sa Asya
ARALIN 1: Pagsusuri sa Katangian at Kahalagahan ng
Kabihasnan
Ang pag-aaral ng iba’t ibang kabihasnan at sibilisasyon ay mahalagang bahagi ng
pagpapaunlad ng kamalayan mo sa kasaysayan ng tao sa mundo. Sa pag-aaral nito, ikaw ay
nagiging mulat sa mga mahahalagang pangyayari sa sankatauhan. Mas higit mong
mauunawaan kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan sa iyong lipunan.

Tatalakayin sa araling ito ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian napapaloob


sa iba’t ibang uri ng kabihasnan sa mundo. Kaugnay din nito ang pag aaral at pagtatalakay sa
iba’t ibang uri ng sibilisasyon.

Pagkatapos ng aralin, inaasahang: a) natatalakay ang konsepto ng kabihasnan, b)


natutukoy ang mga katangian ng isang kabihasyan at c) nasusuri ang kahalagahan ng
pagkaunawa sa kabihasnan at sibilisasyon.

Konsepto at mga Katangian ng Kabihasnan


A. Konsepto ng Kabihasnan

Ang salitang kabihasnan ay orihinal na tumutukoy sa kahulugan ng “sibilisasyon” o


“paninirahan sa lungsod”. Mailalarawan ang isang kabihasnan bilang isang maunlad na
kalagayan ng mga tao sa isang lipunan na pinangangasiwaan ng isang sistematikong
pamamahala at may maunlad na ekonomiya or kalakalan.

Ayon sa tala ng kasaysayan, ang unang kabihasnan ay nalinang sa mga ilog-lambak.


Sa Asya, ang mga ilog-lambak ng Tigris, Euphrates, Huang He at Indus Basin ay ang mga lugar
na pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan sa mundo.

Sa isang kabihasnan, makikita ang isang maunlad na uri ng pamumuhay ng mga tao
na may ugnayan sa iba’t ibang larangan ng panlipunang pamumuhay. Mayroon silang
sistema ng pamamahala, kultura, lalakalan, at relihiyon. Gayundin, ang sibilisasyon ay
tumutukoy sa isang lungsod, samantalang ang kabihasnan ay may kaugnayan sa pagiging
bihasa o eksperto sa pamumuhay ng mga tao.

Sinasabi na ang sibilisasyon at kabihasnan ay nagaganap kapag ang mga tao ay


nagsisimulang matuto ng kanilang pagsulat at pagbasa na nakapagpapatalas ng kanilang
talino at humuhubog sa kanilang kakayahang mamuhay bilang isang pamayanan. Kaakibat
ng pagyabong ng kanilang talino at kakayanan at pag unlad ng kanilang pagkatao.

B. Katangian ng Kabihasnan

Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng isang kabihasnan:

1. Matatag na Pamahalaang may Maunlad na Batas at Alituntunin

Masasabi nating ang isang kabihasnan ay nagtataglay ng isang matatag na


pamahalaan. Ang matatag na pamahalaan ay kakikitaan ng isang maunlad na batas at
alituntunin. Ang ibig sabihin nito, ang isang lipunang kabihasnan ay may sistematikong batas
at alituntunin na sinusunod ng mga mamamayan upang magkaroon nang maayos na
pamamalakad sa bawat paggawa at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t-isa.

2. Dalubhasang Manggagawa

Ang isang kabihasnan ay nagtataglay ng mga mamamayang may kani-kanilang


natatanging kakayahan. May mga tao na tinatawag na eksperto sa larangan ng kanilang
paggawa. Mayroon silang mahuhusay sa sining, sa pagsulat, sa pangangalakal, sa
pakikidigma o sa pamamahala. Sila ang nagiging sandigan ng pag-unlad ng lipunan upang
marating ang estado ng pagiging kabihasnan.

3. Maunlad na Kaisipan

Habang umuunlad ang kanilang pamumuhay, yumayabong din ang kanilang kaisipan.
Dahil sa iba’t ibang bagay at pangyayari na kanilang nararanasan, ang mga tao sa isang
kabihasnan ay natutuhang maiangkop ang kanilang sarili at gawain na naayon sa hinihingi ng
pagkakataon o pangyayari. Dahil dito, nahahasa ang kanilang isip upang mabigyan ng
kasagutan at solusyon ang kanilang mga nakaraang karanasan, na siyang nagpapaunlad ng
kanilang kaisipan. Ang mga natutuhan nila sa kanilang panahon ay kanilang itinatala upang
maging batayan ng karunungan ng mga susunod nilang mga mamamayan o salinlahi.

4. May Sistema ng Pagtatala

Kaugnay ng pag-unlad ng kanilang kaisipan at nang maibahagi ito sa kanilang mga


mamamayan, lumikha sila ng pamamaraan upang mapanatili ang kanilang natutuhan sa
paglipas ng panahon. Ito ang sistema ng pagtatala o pagsusulat. Sa pamamagitan ng
pagsulat ng kanilang kaalaman, nananatiling bahagi ng kanilang kabihasnan ang kanilang
natutunan, kasaysayan at mga napagtagumpayan ng kanilang mamamayan.
Mga Gawain:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sa pamamagitan ng mga larawan, pag-ugnay-ugnayin ang mga salita na nasa ilalim ng mga
ito upang makabuo ng isang makabuluhang kwento. Gawing 3 hanggang 5 pangungusap
lamang ang iyong kwento. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Sa aming pamamasyal ng aking mga kaibigan, ay napagpasyahan muna naming na magpahinga sa lilim
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
malalaking bato, kaya’t agad naming tinungo ito upang tingnan napagpasyahan muna naming na
___________________________________________________________________________________
magpahinga sa lilim ng isang punong kahoy na puno ng maraming dahon. kung ano ang nilalaman nito
Sa ___________________________________________________________________________________
aming paglapit sa lugar na ito ay nakakita namin na ito pala ay isang maliit na kweba kaya’t nagpasyahan
_________________________________________________________________________________
namin na pasukin ito. Habang papasok kami dito ay napansin namin na napakadilim dito kaya’t agad
kaming nagsindi ng lag’i ( sulo)gamit ang apoy. Nakita namin na ang loob ng kweba na puno ng balat
ng hayop kaya’t napagpasyahan namin na umalis agd dito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Mula sa iyong natutuhan sa kabilang pahina, magbigay ng limang (5) konseptong
naglalarawan sa isang kabihasnan.

teknolohiya

organisadong sining at
lipunan kultura

Kabihasanan

sistema ng relihiyon
pag sulat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at MALI kung di-wasto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel

Tama
__________1. Sa isang kabihasnan, makikita ang isang progresibong uri ng pamumuhay ng

mga tao na may ugnayan sa iba’t ibang larangan ng panlipunang pamumuhay.

Mali
__________2. Ang ilog Jordan ay isa sa mga pangunahing ilog na pinagsimulaan ng isang

kabihasnan.

Tama
__________3. Habang umuunlad ang pamumuhayng mga tao, yumayabong din ang kanilang

kaisipan.

Tama
__________4. Sa pamamagitan ng pagsulat ng kanilang kaalaman, nananatiling bahagi ng

kanilang kabihasnan ang kanilang natutuhan, kasaysayan at mga napagtagumpayan


ng kanilang mamamayan.
Mali
__________5. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang lungsod, samantalang ang sibilisasyon

ay may kaugnayan sa pagiging bihasa o eksperto sa pamumuhay ng mga tao.


ARALIN 2: Sinaunang Kabihasnan sa Asya: Sumer,
Indus at Tsina
Ang mga sinunang kabihasnan sa Asya ang nagsilbing daluyan ng mga pag-unlad ng
pamumuhay, hanapbuhay, teknolohiya, kultura, politika edukasyon, at relihiyon sa mga
sumunod na henerasyon ng lipunan sa daigdig.

Tatalakayin sa araling ito, ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya tulad ng Sumer,
Indus at Shang. Paghahambingin din natin ang iba’t ibang kabihasnan na ito sa Asya. Kasama
rin dito ang mahahalagang ambag at kontribusyon na nasa kasalukuyan na ating ginagamit.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang a) natutukoy mo ang mga pagkakakilanlan ng


bawat kabihasnang Sumer, Indus at Shang, b) naipaliliwanag ang mga kontribusyon ng
bawat kabihasnan at c) naihahambing ang bawat kabihasnan sa isa’t-isa.

Kabihasnang Sumer (3500 BCE - 3000 BCE)

 Nabibilang ito sa tinatawag na Fertile Crescent.


 Matatagpuan sa Mesopotamia, ang kasalukuyang Iraq.
Lokasyon  Ang salitang “Mesopotamia” ay hango sa salitang Greek na
“meso” at “potamos” na ang ibig sabihin ay “pagitan” at
“ilog”.
 Lambak sa pagitan ng ilog Tigris at Euphrates, na kung saan
ang mga ilog nito ang nagsisilbing hangganan ng kanilang
Katagiang Pisikal
nasasakupan. May bundok sa Hilagang bahagi, tubig sa
Silangan at Kanluran, at disyerto sa Timog.
 Mga bayan ng Kish, Ur, Larak, Nippur at Lagash ang
Pamayanang Naitatag
pangunahing pamayanan ng kabihasnang Sumer.
 Ang pamumuhay ay nakasentro sa agrikultura at kalakalan.
Uri ng  Sila ay sumasamba sa maraming diyos at diyosa.
Pamumuhay  Ang mga bayan ay may kani-kanilang pamumuno na hindi
nakakaisa kaya madalas ang digmaan sa pagitan ng mga bayan.
 Ang paraan ng kanilang pagsulat ay tinatawag na “Cuneiform”
na isinusulat sa clay tablet gamit ang pinatulis na tangkay ng
Sistema ng Pagsulat damo. Ang salitang cuneiform ay galing sa Latin na salitang
cuneus na ibig sabihin ay “sinsel” at porma na ibig sabihin ay
“hugis”
 Ang mga Sumerian ang sinasabing pinaka-unang gumamit ng
gulong sa pagdadala ng mga kalakal nila sa ibang lugar.
 Paggamit ng “potter’s wheel” sa paggawa ng banga.
Ambag at Kontribusyon  Paggamit ng araro sa pagtatanim
 Paggamit ng arko o “arch” sa kanilang istruktura upang
mapanatili ang tibay nito.
 Ang sistema ng patubig o “irrigation” para sa kanilang
pananim.
Kabihasnang Indus (2500 BCE - 1600 BCE)

 Matatagpuan sa Timog na bahagi ng Asya.


Lokasyon  Tinatawag din “subcontinent of Asia”.

 Lambak-ilog .ng Indus River o Indus Valley.


 Hugis ng nakabaliktad na tatsulok.
Katagiang Pisikal
 May nagtataasang bulubundukin ng Himalayas sa hilagang
bahagi ng rehiyon ng India.
 Ang Harappa at Mohenjo-Daro ay dalawang pamayanang
Pamayanang Naitatag naitatag sa kabihasnan ng Indus na tinatayang may
naninirahan na simula pa noong 7000 BCE.
 Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng
kabihasnang Indus ay pagtatanim ng palay at gulay.
 Gayundin, ang pag-aalaga ng hayop tulad ng kambing, baka
Uri ng Pa-mumuhay at tupa.
 Sila ay mahusay rin sa larangan ng kalakalan na ilan sa
kanilang produktong kalakal ay tela, palayok at
kasangkapang metal.
 Ayon sa mga eksperto, ang sinaunang mamamayan ng
Sistema ng Pagsulat kabihasnang Indus ay sistema ng pagsulat at wika na
tinatawag ng Harappa pictogram.
 Sistema ng patubig o “irrigation”.
Ambag at
 Sistema ng pagsulat at pagtimbang.
Kontribusyon
 Paghahabi ng tela at paggawa ng kasangkapang metal.

Kabihasnang Shang (1700 BCE - 1200 BCE)

Lokasyon  Matatagpuan sa silangang na bahagi ng Asya.


 Ang Tsina ang pinakamalaging Bansa sa Asya.
 Lambak-ilog Huang He o Yellow River.
 May Gobi Desert sa Hilaga, sa Timog-kanluran ang
Katagiang Pisikal bulubundukin ng Himalayas, sa timog-silangan ang South
China Sea at sa silangan ang Yellow Sea.
 Dalawa ang pinakamahalang ilog sa China ang Chang Jiang
(Yangtze) at Yellow River (Huang He).
 Sinasabing noong 2000 BCE ay may naninirahan ng mga tao
sa lambak-ilog ng Huang He, hanggang sa may isang
Pamayanang Naitatag
pamilya - ang pamilyang Shang, ang naging
makapangyarihan at silang namuno sa lambak-ilog ng
Huang He.
 Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng
kabihasnang kabihasnang Shang ay pagtatanim.
Uri ng  Napakahusay din nila sa larangan ng kalakalan.
 Ang istruktura ng kanilang lipunan ay isang piramide na
Pamumuhay kung saan hari at ang kaniyang pamilya ang silang
namamahala sa lipunan. Ang ikalawang bahagi ng lipunan
ay mga Aristokrata na nagmamay-ari ng malalaking lupain.
At ang panghuli ay mga manggagawa.
 Ang sistema ng pagsulat sa panahon ng kabihasnan ay
Sistema ng Pagsulat
binubuo ng 3,000 simbolo o character. Ito ay tinatawag din
Calligraphy.
 Sistema ng pagtatanim.
Ambag at
 Sistema ng patubig o “irrigation”.
Kontribusyon
 Kasangkapang yari sa bronze, seda at porselana.

Mga Gawain:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Punan ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa naging pagbabago at pag- unlad ng
pamumuhay ng mga kabihasnang umunlad sa Asya. Gawin ito sa iyong sa iyong sagutang
papel.

Lugar na Mga Unang


Kabihasnang Sistema ng Uri ng
Pinagmulan ng Pamayanang Ambag/Kontribusyon Kasalukuyan
Umusbong Pagsulat Pamumuhay
Kabihasnan Umusbong

Mesopotamia 3000 simbolo Pagsasaka Pagtatanim


--
Calligraphy Pangingisda Patubig o irrigation
Indus Pangangalakal

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Itala ang mga impormasyong pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kabihasnan sa loob ng
Venn Diagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kabisnang
Kabisnang
______________
______________

Ang kabihasnang sumer at


indus ay parehong "riverine
civilization", kung saan mga
ilog ang dahilan ng kanilang
pagusbong. Pareho rin sila na
galing sa Asya

Kabisnang Kabisnang
______________ ______________
ARALIN 3: Pagsusuri sa Kaisipang Asyano sa
Impluwensya nito sa Lipunan at Kultura
Sa paglipas ng panahon, ang mga mamamayan sa Asya ay nakabuo ng kani-kanilang
kaisipan na nakaiimpluwensiya sa paraan ng kanilang pamumuhay. Ang mga kaisipang ito
ang luminang sa kanilang pag-unlad bilang isang kabihasnan.

Aalamin mo sa aralin na ito, ang mga kaisipang nabuo at nakaimpluwensiya sa


pamumuhay, pamamahala at kultura ng mga tao sa lipunan.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang: a) natutukoy mo ang mga katangian ng bawat


kaisipang Asyano; b) natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa lipunan at
kultura; at c) nasusuri ang mga epekto ng mga impluwensiya ng mga kaisipang Asyano.

Mga Kaisipang Asyano


Sinocentrism ng China
Ang kabihasnang Tsino ay isa sa mga pinagmulan ng mga kaisipang Asyano lalo na sa
larangan ng pilosopiya, pamamahala at imbensiyon. Itinuturing ng mga Tsino ang kanilang
bansa bilang “Gitnang Kaharian” o “Zongguo” na ang ibig ipakahulugan ay ang Tsina ang
sentro ng daigdig.

Naniniwala rin sila na ang kanilang kultura at lipunan ay namumukod-tangi sa lahat


kung kayat ang tingin nila sa ibang lahi sa daigdig ay mga barbaro. Dahil dito, hindi maaring
palitan ang lahi o pamilyang pinagmulan ng kanilang pinuno o Emperor. Hindi rin sila
maaaring tanggalan ng tungkulin sa pamumuno ng bansa dahil sa pinaniniwalaang Divine
Origin ng kanilang pamilya. Kung kaya ang kanilang Emperor ay may “mandate of heaven”
na nagiging basehan ng pagpapalit ng dinastiya sa Tsina. Ang ganitong pagtingin at kaisipan
ay tinatawag na Sinocentrism.

Divine Origin ng Emperor sa Japan

Ayon sa tala sa Kojiki noong 712 CE, ang Japan ay nabuo sa pagtatalik ng diyos na si
Izanagi at diyosa na si Izanami. Samantalang sa pagbubukas ng kaliwang mata ni Izanami
nanggaling ang araw na kinilala ng mga Hapones na diyos na si Amaterasu Omikami. Si
Amaterasu ay may apo na nagngangalang Ninigi na nanirahan sa Kyushu. Ayon sa tradisyon,
itong si Ninigi-no-Mikoto ay may kaapu-apuhan na ang pangalan ay Jimmu Tenno na naging
kauna-unahang Emperor ng Japan. Magmula noon, sa lahi ng Tenno nanggagaling ang mga
susunod na emperor ng Japan.

Dahil dito, ang kanilang Emperor ay hindi maaaring palitan ang lahing pagmumulan
ng pinuno o kaya ay tanggalan ng tunkulin sa pamumuno ng bansa, sa pagkat naniniwala sila
na may Divine Origin ang kanilang pinuno. Bagamat sa kasalukuyan hindi na itinuturing ng
mga Hapones ang kanilang Emperor bilang diyos, nananatiling mataas ang pagtingin nila sa
kanilang em-perador.

Devaraja at Cakravartin ng India at Timog Silangang Asya


Ang kaisipang devaraja ng India ay tumutukoy sa pagkilala na ang kanilang diyos ay
nagmula at nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng diyos ng araw, buwan, apoy,
tubig, hangin, kayamanan at kamatayan. Dahil dito, kinikilala ng mga tao ang kanilang diyos
bilang pinakamataas at walang makapapantay sapagkat hindi lamang iisang diyos ang
kaniyang tinataglay. Kung kaya ang tawag nila sa diyos na ito ay devaraja.

Sa konteksto ng relihiyong Hinduism at Buddhism, ang isang hari ay kinikilala bilang


cakravartin o ang hari ng sansinukob o ng buong daigdig. Sinasabi na ang haring ito ay
mamumuno nang makatuwiran at makapagkalinga sa mga mamamayan at kanilang
relihiyon. Sa ganitong kaisipan, itinuturing ng mga tao na ang isang hari na cakravartin ay
isang buhay na imahe ng diyos na namumuno sa kanilang lipunan.
Mga Gawain:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Tukuyin at isulat ang mga katangiang pagkakakilanlan ng bawat kaisipang Asyano. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

Kaisipang Asyano Katangian/Pagkakakilanlan

1._________________________________________________
paniniwala ng mga sinaunang Tsino na ang China
ang pananaw na ito ang nagiging dahilan kung bakit kinikilala ng China na
Sinocentrism 2._________________________________________________
siya ang may kataas-taasang kapangyarihan

3._________________________________________________
Hindi sibilisado ang pananaw nila sa mga tao na nasa labas ng China

paniniwala ng mga hapones sa kabanalan at simbolo na buhay ng panginoon sa


1._________________________________________________
kanilang mga hari

Divine Origin 2._________________________________________________


Hindi nila maaaring palitan ang lahing pinagmulan ng kanilang pinuno

3._________________________________________________
Pinaniniwalaan nilang may Divine Origin ang kanilang pinuno

malaki impluwensya ng sinaunang konsepto Hindu at sinaunang tradisyon Khmer sa


1._________________________________________________
Cambodia

Devaraja 2._________________________________________________
Naniniwala sila na may kapangyarihan ang divine origin.

3._________________________________________________
Kilala sila sa pinakang mayaman sa lupa nuon

ang isang hari ay kinikilala bilang CAKRAVARTIN o ang hari ng sansinukob o ng


1.__________________________________________________
buong daigdig

Sinasabi na ang haring ito ay mamumuno nang makatuwiran at makapagkalinga sa


Cakravartin 2.__________________________________________________
mga mamamayan at kanilang relihiyon

itinuturing ng mga tao na ang isang hari na CAKRAVARTIN ay isang buhay na imahe
3.__________________________________________________
ng diyos na namumuno sa kanilang lipunan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Tukuyin at isulat ang mga impluwensya sa lipunan ng mga kaisipang Asyano sa kasalukuyang
panahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kaisipang Asyano Epekto/Impluwensya sa Lipunan

Sino Sinocentrism

Divine Origin

Devaraja

Cakravartin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang hinihingi ng bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

________1. Sa kaisipang Tsino, ito ay ang salitang Tsino na ang ibig ipagpakahulugan ay

“Gitnang Kaharian”.

________2. Sa kaisipang Hapon, siya ang itinuturing ng mga Hapones na diyos ng araw.
Amaterasu Omikami.

Inazagi at________3-4.
Inazami Sila ang diyos at diyosa na nagbigay bunga sa bansang Japan.

________5. Ito ay ang kaisipang Asyano na sinasabing ang pinuno ay hindi maaaring palitan o

tanggalan ng tungkuling mamuno.

________6. Ito ay nagsasabi na ang kanilang pinuno ay pinili o may pahintulot ng langit

upang mamuno.

________7. Ito ay paniniwala na ang kanilang kultura at lipunan ay namumukod-tangi sa

lahat.

________8. Ito ay tumutukoy sa pagsasama-sama ng diyos ng araw, buwan, apoy, tubig,

hangin, kayamanan at kamatayan.

_________9.
Jimmu Tenno Siya ang itinuturing na kauna-unahang emperor ng Japan.

_________10. Ito ang haring may pamumuno na makatuwiran at makapagkalinga sa mga

mamamayan at kanilang relihiyon.


ARALIN 4: Pagtataya at Pagpapahalaga sa Kaisipang
Asyano at Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Tinalakay sa nakaraang aralin, ang iba’t ibang kaisipang nakaimpluwensiya sa mga
mamamayan ng Asya.

Sa araling ito naman, mas palalalimin ang pagkaunawa mo sa kaisipang Asyano at ang
halaga nito sa paghubog ng lipunan sa sinaunang kabihasnan.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang natataya mo ang kaisipang Asyano sa


konteksto ng pamumuno sa sinaunang kabihasnan at napahahalagahan ang kaisipang
Asyano bilang daan sa paghubog ng lipunan ng sinaunang kabihasnan.

Halaga ng Kaisipang Asyano sa Paghubog sa Sinaunang Kabihasnan

Matatandaan sa nakaraang aralin ang mga kaisipang naging batayan at pundasyon sa


pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan tulad ng Sinocentrism ng Tsina, Divine Origin ng
Japan at ang devaraja at cakravartin ng India at timog-silangang Asya.

Sa Sinocentrism ng mga Tsino, sinasibing ang kanilang emperor ay binibilang n “Anak


ng Langit” o Son of Heaven” kaya ang pamumuno ng emperor ay “mandate of heaven” o
may pahintulot ng langit. Siya ay may malaking responsibilidad ng panatilihin ang kaausan,
kasaganahan at kapayapaan. Kung hindi niya ito matupad, at naging masama at mapang-
abuso ang kanyang pamumuno, babawiin ng langit sa kanya ang pagiging emperor at
papalitan ng iba. Ito ang dahilan kung bakit nagbabago ang mga dynasty o ang pamilyang
namumuno sa sinaunang kabihasnan sa Tsina.

Sa sinaunang kabihasnan naman ng Japan, ang kanilang emperor ay itinuturing ng


may “divine origin” o lahing nagmula sa diyos. Kung kaya hindi katulad ng emperor ng Tsino,
ang emperor ng Japan ay hindi maaaring alisan ng kapangyarihan sa pamumuno at tanging
ang lahi lamang ng emperor ang may tungkuling mamunno sa Japan. Sa kasalukuyan, ang
emperor ng Japan ay nananatiling simbolo ng pagkakaisa at kapayapaan sa buong bansang
Japan.

At sa huli, sa konteksto ng Hinduism at Buddhism, ang cakravartin ay tumutukoy sa


hari ng sansinukob. Sinasabi na ang haring ito ay nagtataglay ng pangakong pamumuno na
may katuwiran at pagkalinga sa mga mamamayan at sa kanilang relihiyon. Ang mga
halimbawa nito ay sina: Haring Asoka na dating mandirigma na tumalikod sa karahasan at
sumuporta sa Buddhism at ang hari ng Khmer na si Jayavarman II na nasa pagkalinga at pag-
iingat ni Shiva, ang isa sa mga diyos sa Hinduism.
Mga Gawain:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Mula sa iyong nabasa sa kabilang pahina, ilarawan at isulat ang katangian ng namumuno sa
bawat kabihasnang Asyano. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kaisipang Asyano Katangian ng Sinaunang Namumuno


Sinocentrism

Divine Origin

Devaraja

Cakravartin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Pumili ka ng isang kaisipang Asyano at ipaliwanag kung bakit ito ang napili mo. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang TAMA kung wasto ang tinatalakay na
pangungusap at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

___________1. Ang Emperor ng Japan ay hindi maaaring alisan ng kapangyarihan sa


pamumuno.
___________2. Ang Son of Heaven ay hindi rin maaring alisin sa kapangyarihan at
pamumuno.
___________3. Ang Devaraja is tumutukoy sa iisang diyos lamang subalit maraming
kapangyarihan.
___________4. Ang Cakravartin ay tumutukoy sa hari ng sansinukob.
___________5. Ang Emperor ng Tsina ay nanggaling sa lahi ng diyos.
ARALIN 5: Pagtukoy at Pagsusuri ng Ginampanan ng
Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan
Ang kasaysayan ay nagpapatunay sa mahalagang gampanin ng mga kababaihan sa
pag-usbong at pag-unlad ng isang kabihasnan o lipunan. Maaalala sa ilang mga aralin sa
paaralan ang katangi-tanging ambag ng kababaihan sa pagbuo ng tahanan at lipunan.

Tatalakayin sa araling ito ang ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan


mula sa sinaunang kabihasnan at noong ikalabing-anim na siglo. Ilalatag din ang pag-aaral ng
paniniwalang Asyano na may kinalaman sa kababaihan, posisyon at tunkulin nila sa tahanan,
at panlipunang gawain.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang a) natutukoy mo ang gampanin ng kababaihan


sa sinaunang kabihasnan; b) natataya ang kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang
kanihasnan: at c) nasusuri ang kalagayan at gamapaning ito ng mga kakaihan sa sinaunang
kabihasnan.

Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan Sa Asya


Kababaihan sa Paniniwalang Asyano

Sa sinaunang kabihasnan sa Asya, ang mga tao ay may pinaniniwalaang mga diyosa.
Isa sa mgapatunay dito ay ang mga petroglyph sa hilagang Asya na naglalarawan ng mga
hayop at mga babaeng shaman na may sungay. Sa Mesopotamia, mayroon silang Inanna ng
diyosa ng pag-ibig at kaligayahan. Sa Japan ay may diyosa ng araw na si Amaterasu Omikami.

Sa Timog-Silangang Asya, ang mga kababaihan ay pinaniniwalaang may kakayahang


makipag-ugnayan sa mga espiritu. Dahil dito ay iginagalang at ikinararangal ang mga babae,
subalit kinatatakutan rin sapagkat maaari nilang gamitin ang kapangyarihang ito upang
makapanakit ng ibang tao.

Posisyon at Tungkuling Pantahanan ng Kababaihan

Ang mga kababaihan ay isang mahalagang bahagi sa loob ng tahanan. Sa sinaunang


panahon sa Mesopotamia, ang babae ay ikinakasal hindi lamang sa lalaking mapapangasawa
kundi sa buong pamilya ng lalaki. Samantalang sa lumang Vedic (1500BCE-800BCE) sa India,
ang mga kakababaihan mula sa Kshatriya lamang ang maaaring mamili ng sariling
mapapangasawa. Sa Timog-Silangang Asya, ang mga lalaki ay nagbabayad ng bride price
para sa kanilang mapapangasawa.

Sa sinaunang Tsina, ayon sa ideolohiya ang Confucianism, ang mga babae ay may
tungkulin sa bawat yugto ng kanilang buhay, kasama na rito ang pagsilbihan ang kanilang
asawang lalaki at ang pamilya nila.

Sa maraming sinaunang lipunang Asyano, ang pangunahing tungkulin ng kababaihan


ay ang magsilang ng anak. Maari din silang maging concubine ng isang lalaking may mataas
na antas ng buhay sa lipunan.
Panlipunang Gawain ng Kababaihan

Sa mga kasaysayan ng mga sinaunang lipunan sa Asya, ang mga kababaihan ay may
mga gampanin lamang sa loob ng tahanan at limitado ang pagkakaroon ng mga tungkuling
Panlipunan.

Sa Hilagang Asya, sa mga kababaihan nakaatas ang pagtitipon at paghahanda ng


pagkain at mga gawaing may kinalamang sa pagpapalaki ng mga anak tulad ng paghahabi at
pagpapalayok. Samantalang ang kababaihang walang anak ay maaring mangaso. Sa
Mesopotemia, ang kababaihan ay maaaring makilahok sa kalakalan sa pahintulot ng asawa.
Sa Babylonia ang kababaihan ay maaaring maging high priestress. Sa Japan, hinihikayat ang
kababaihang mamuno sa paniniwalang sila ay makapagdadala ng kapayapaan.

Bagamat limitado ang gampanin ng mga kababaihan sa lipunan, makikita naman


natin na malaki ang kanilang gampaning pangrelihiyon.

Mga Gawain:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Itala ang kalagayan ng mga kababaihan sa bawat kabihasnan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Kabihasnan Kalagayan ng kababaihan

Mesopotamia

India

Tsina

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Itala ang mga gampanin at tungkulin ng mga kababaihan sa bawat kategorya ng kabihasnan.
Gawin ito sa iyong kuwadeno gamit ang tsart sa ibaba.

Kategorya Tungkulin ng kababaihan

Paniniwala

Posisyon sa tahanan

Panlipunang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Magtanong sa iyong ina, kapatid na babae o tiyahin tungkol sa karaniwang tungkulin o
gampanin sa pamilya o lipunan. Itala ang sagot sa iyong sagutang papel.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
ARALIN 6: Pagpapahalaga sa Kontribusyon ng mga
Sinaunang Lipunan sa Asya
Ang mga sinunang kabihasnan sa Asya ay may malalim na ambag sa kasalukuyang
panahon. Sila ang nagsilbing batayan at inspirasyon sa ugnayan ng iba’t ibang sibilisasiyon sa
daigdig. Babalikan sa huling araling ito ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan
sa iba’t ibang salik ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang natutukoy mo ang mga natatanging


kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa Asya at nabibigyang pagpapahalaga ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

Kontribusyon ng mga Sinaunang Lipunan

Kanlurang Asya

Kabihasnan Natatanging Kontribusyon

 Cuneiform - isa sa pinakaunang sistema ng pagsusulat.


 Epic of Gilgamesh - kauna-unahang akdang pampanitikan
(2000 BCE).
 Sexagesimal - sistema ng pagbibilang batay sa numerong
Sumer 60 na naging batayan ng oras.
 12 buwan - ang dami ng buwan o month sa isang taon.
 Gulong o Wheel - paggamit ng gulong sa transportasyon.
 Araro - kagamitan sa pagsasaka.
 Layag - bahagi ng bangka na isang transportasyong
pantubig.
 Code of Hammurabi - katipunan ng 232 batas tungkol sa
iba’t ibang aspeto ng pamumuhay sa Mesopotamia.
Babylonia  Hanging Gardens of Babylon - ipinatayo ng haring
Chaldean na si Nebuchadnezzar II para sa asawang si
Reyna Amytis. Itinuturing na isa sa Seven Wonders of the
Ancient World.
Hittite  Iron (metal) - natuklasan nila na mas matigas kaysa tanso o
bronze.
 Consonantal language - modernong sistema ng pagsulat
Phoenician na walang patinig. Ito ang pinagmulang sistema ng
pagsulat ng Greek, Latin, Arabic at ilang alpabetong
Asyano.
Timog Asya

Lipunan/Kabihasan Natatanging Kontribusyon

 Sanskrit - ito ang pinag-ugatan ng maraming wikang Indo-


European.
 Vedas - katipunan ng sagradong teksto mula sa sinaunang
India.
India (Indus)  Mahabharata - itinuturing na pinakadakila at pinakamahabang
akdang pampanitikan sa mundo.
 Bhagavad Gita - isang dakilang tulang Hindu.
 Ramayana - naglalaman ng mahahalagang turo ng Hindu.
 Ayurveda - itinuturing na isa sa pinakamatandang sistema o
agham sa panggagamot.

Silangang Asya

Lipunan/Kabihasan Natatanging Kontribusyon

Tsina  Apat na Dakilang Imbensyong Tsino - papel, pulbura,


woodblock printing at magnetic compass.
 Civil Service Examination - nagpasimula sa pagkakaroon ng
pagsusulit sa mga nais manilbihan sa pamahalaan.
 Acupuncture - sistema ng panggagamot sa pamamagitan ng
pagtuturok ng karayom
 Great Wall of China - pinatayo ni Emperador Shi Huangdi
noong Qin Dynasty (220BCE) bilang pananggalang laban sa
mga tribong lagalag mula sa hilaga ng China.
 Mahahalagang pilosopiya at paniniwala - Confucianism,
Taoism, Legalism, feng shui.
 Mga kagamitan - wheelbarrow, water clock, chopsticks,
abacus, payong, saranggola.
Japan  Haiku - isang uri ng maikling tula na may taludturang 5-7-5 na
naglalarawan ng isang pangyayari sa kalikasan
 Makura no sosbi - isang aklat ng mga anekdota,
obserbasyon, saloobin at tala ngtalaarawan ni Sei
Shonagon.
 Genji Monogatari - pangunahing obra na fiction ng
panahong Heian at unang nobela sa daigdig.
 Bonsai - pagpapatubo ng binansot na punongkahoy.

Silangang Asya
Lipunan/Kabihasan Natatanging Kontribusyon

 Ikebana - masining na pag-aayos ng bulaklak, dahon at


Japan tangkay.
 Buljo jikji simche yojeol - pinamatandang nananatiling aklat
na inilimbag sa pamamagitan ng movable metal printing.
Mga Gawain:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Pumili ng dalawang kontribusyon at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa kasalukuyang
panahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Kontribusyon: _______________________

Bakit mahalaga: _____________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

Kontribusyon: _______________________

Bakit mahalaga: _____________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Tukuyin kung anong kabihasnan ang pinagmulan ng mga salitang nasa ibaba. Isulat ang KS
kung kabihasnang Sumer, KI kung Kabihashang Inus, KT kung kabihasnang Tsina, H kung
Hititte, B kung Babylonia, P kung Phoenician, at J kung Japan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

______ 1 Pulbura ______ 11 Sunskrit

______ 2 Gulong ______ 12 Haiku

______ 3 Bonsai ______ 13 Acupuncture

______ 4 Code of Hammurabi ______ 14 Sexagesimal

______ 5 Iron ______ 15 Mahabbarata

______ 6 Vedas

______ 7 Ayuveda

______ 8 Ikebana

______ 9 Taoism

______ 10 Wika ng Greek


Sanggunian:
Ang modyul na ito ay hango mula sa PIVOT 4A Learner’s Material na inilathala ng
Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON

Blanco, R., Sebastian, A., Golveque, E., Jamora, A., Capua, R., Victor, A., Balgos, S., Del
Rosario, A., & Mriano, R. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Department of
Education: Eduresoruces Publishing, Inc.

Cruz, R.M., dl Jose M., Mangulaban, J., Mercado, M., & Ong, J.A. 2015. Araling Asyano: Tungo
sa pagkakakilanlan. Quezon City: Vibal Group Inc.

Department of Education. 2020. Most Essential Learning Competencies (MELC).

Mateo, G., Jose, R., Camagay, M., Miranda, E. 2008. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan -
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan. Department of Education: National Program Support
for Basic Education. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

You might also like