You are on page 1of 101

Yunit II

SINAUNANG
KABIHASNAN SA
ASYA HANGGANG SA
IKA – 16 NA SIGLO

1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa interaksyon ng tao at
kapaligiran sa paghubog at pag – unlad ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Mga Pokus na Tanong:


1. Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya?
2. Paanio nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
3. Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag – unlad at
pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano?
4. Paano nakaimpluwensiya ang sinaunang kabihasnan sa pamumuhay ng mga
Asyano sa kasalukuyan?

Pamantayang Paggnap:
Ang mag-aaral ay malalim na nakapag – uugnay sa bahaging ginampanan ng
tao at kapaligiran sa paghubog at pag – unlad ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya
A. Kahulugan ang Konsepto ng Kabihasnan at ang mga
Katangian Nito.
B. Kalagayan, Pamumuhay at Pag – unlad ng Sinaunang
Pamayaman (Ebolusyong Kultural)
C. Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano (Sumer, Indus,
Shang)
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
A. Kahulugan ng mga Konspeto ng Tradisyon, Pilosopiya at
Relihiyon
B. Mga Mahahalagang Pangyayari Mula sa Sinaunang
Kabihasnan Hanggang sa ika – 16 na Siglo sa Kaisipang
Politikal, Sistemang Ekonomiko, Kaayusang Panlipunan,
Pagbabagong Teknolohiya sa Asya
C. Impluwensiya ng mga Paniniwala sa kalagayang
Panlipunan, Sining at Kultura ng mga Asyano
D. Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Lipunan at
Komunidad sa Asya

Mga Pamantayan sa Pagkatuto Bawat Aralin

Aralin 1 1. Nabibigayang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at


nailalahad ang mga katangian nito.
2. Nasusuri ang kalagayan ng pamumuhay at pag-unlad ng Asya
sa Panahong Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at Metal
3. Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan ng Asya
(Sumer, Indus, Shang)
Aralin 2 1. Nabibigyang – kahulugan ang mga konsepto ng tradisyon,
pilosopiya at relihiyon

2. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa

2
sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa
kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko, kaayusang
panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.
3. Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa
kalagayang panlipunan,sining at kultura ng mga Asyano
4. Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang
lipunan at komunidad sa Asya

Talaan ng mga Gawain

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


A. Kahulugan ang Konspeto ng Kabihasnan at ang mga
Katangian Nito
Pamantayan sa Nabibigayang - kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at
Pagkatuto nailalahad ang mga katangian nito.
Layunin 1.1 Nakasasagot sa aytem ng pre – test
1.2 Nakapagpapahayag ng kaalaman sa mga tinalakay sa
nakaraang aralin. (Unang Markahan)
1.3 Naipapaliwanag ang salitang “civilization” sa sariling
pangungusap.
Bilang ng Araw 1
Mga Pumili at Sagutin
Mungkahing Basahin, Unawain, Ipaliwanag
Gawain
Pagtataya Completion test
Produkto o Mapa ng Rizal o mga bayan nito
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


A. Kahulugan ang Konspeto ng Kabihasnan at ang mga
Katangian Nito
Pamantayan sa Nabibigayang - kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at
Pagkatuto nailalahad ang mga katangian nito.
Layunin 1.4 Naipapahayag ang kahulugan ng kabihasnan at
sibilisasyon
Bilang ng Araw 1
Mga Larawan – suri
Mungkahing Basa – Suri – Unawa
Gawain
Pagtataya Completion Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap Larawan ng bayan sa Rizal

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

3
A. Kahulugan ang Konspeto ng Kabihasnan at ang mga
Katangian Nito
Pamantayan sa Nabibigayang - kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at
Pagkatuto nailalahad ang mga katangian nito.
Layunin 1.5 Napaghahambing ang kahulugan ng kabihasnan at
sibilisasyon.
1.6 Naiisa- isa ang mga salik ng kabihasnan.
Bilang ng Araw 1
Mga Venn Diagram
Mungkahing Tree Diagram
Gawain
Pagtataya Quiz
Produkto o Larawan ng isang maunlad na bayan
Pagganap Research tungkol sa Panahon Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko
at Metal

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


B. Kalagayan, Pamumuhay at Pag – unlad ng Sinaunang
Pamayanan
Pamantayan sa Nakabubuo ng kongklusyon hingil sa kalagayan, pamumuhay
Pagkatuto at development ng mga sinaunang pamayanan
Layunin 2.1 Naiisa-isa ang mga panahon ng pagbabago at kaganapng
pag-unlad sa Asya
2.2 Natutukoy ang mga pagbabago sa pamumuhay at
kaganapang pag-unlad ng Asya sa panahong Paleolitiko,
Mesolitiko, Neolitiko at Metal
Bilang ng Araw 1
Mga Sibilisasyon at Kabihasnan, Muling Balikan
Mungkahing Word Hunt
Gawain The Groups Can Do That
Pagtataya Checklist
Produkto o Sanaysay
Pagganap Larawan na may kaugnayan sa sinaunang kabihasnan

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


A. Kalagayan, Pamumuhay at Pag – unlad ng Sinaunang
Pamayanan
Pamantayan sa Nakabubuo ng kongklusyon hingil sa kalagayan, pamumuhay
Pagkatuto at development ng mga sinaunang pamayanan
Layunin 2.3 Naiisa-isa ang mga naging epekto sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao sa panahong Paleolitiko, Mesolitiko,
Neolitiko At Metal.
2.4 Napapahalagahan ang mga naging ambag ng mga
sinaunang tao sa sangkatauhan.
Bilang ng Araw 1
Mga Kung Ikaw Kaya?
Mungkahing IRF Chart
Gawain Punan Mo!
Masdan, Kapaligiran Mo
Pagtataya Completion Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

4
C. Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano (Sumer, Indus,
Shang)
Pamantayan sa Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya
Pagkatuto (Sumer, Indus, Shang)
Layunin 3.1 Nasusuri ang mga unang pamayanang umusbong, uri ng
pamumuhay ng mga tao sa Sumer at mga naging ambag
sa sibilisasyon.
3.2 Naipapahayag ang kahalagahan ng mga naging ambag ng
sinaunang kabihasnang Sumer sa sangkatauhan..
Bilang ng Araw 3
Mga Pics, Pak, Boom
Mungkahing Suri – nawa
Gawain
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


C. Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano (Sumer, Indus,
Shang)
Pamantayan sa Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya
Pagkatuto (Sumer, Indus, Shang)
Layunin 3.3 Nailalarawan ang mga unang pamayanang umusbong,
naitatag na uri ng pamumuhay ng tao at ang mga naging
ambag ng kabihasnang Indus.
3.4 Nabibigyang halaga ang mga naging ambag ng sinaunang
kabihasnang Indus sa sangkatauhan.
Bilang ng Araw 1
Mga Word Hunt
Mungkahing Compare and Contrast
Gawain Pagsusuri ng Teksto
Pagtataya Completion Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap Larawan ng ambag ng Kabihasnang Shang

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


C. Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano (Sumer, Indus,
Shang)
Pamantayan sa Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya
Pagkatuto (Sumer, Indus, Shang)
Layunin 3.5 Natutukoy ang mga unang pamayanang umusbong,
naitatag na uri ng pamumuhay ng tao at mga
mahahalagang naging ambag sa sibilisasyon.
Bilang ng Araw 1
Mga Larawan – suri
Mungkahing Tayo’y Manood
Gawain Basic Radial Chart
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap

5
Nilalaman Pag – unlad ng Kabihasnan sa Asya
A. Kahulugan ng mga Konsepto ng Tradisyon, Pilosopiya
at Relihiyom
Pamantayan sa Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at
Pagkatuto relihiyon.
Layunin 4.1 Naipapahayag ang pagkakaiba ng konsepto ng tradisyon,
relihiyon at pilosopiya.
4.2 Napapahalagahan ang konsepto ng tradisyon, relihiyon at
pilosopiyang Asyano.
Bilang ng Araw 1
Mga Jumbled Letters
Mungkahing Salamin ng Kasaysayan
Gawain
Pagtataya 5 Item Test

Produkto o Halimbawa ng relihiyon, tradisyon at pilosopiya.


Pagganap Magsaliksik tungkol sa mga imperyong umusbong sa kanlurang
Asya.
Maghanap ng larawan ng mga naging ambag ng mga imperyo
sa kanlurang Asya.

Nilalaman Pag – unlad ng Kabihasnan sa Asya


A. Kahulugan ng mga Konsepto ng Tradisyon, Pilosopiya
at Relihiyon
Pamantayan sa Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at
Pagkatuto relihiyon.
Layunin 4.3 Naipapaliwanag ang pinagmulan, pagkakatatag at doktrina
ng mga relihiyong umusbong sa Asya.
4.4 Naipapahayag ang paghanga sa mga doktrina at relihiyon
sa Asya

Bilang ng Araw 1
Mga 4 Pics, 1 Word
Mungkahing Pangkatang Gawain
Gawain
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap

6
Nilalaman Pag – unlad ng Kabihasnan sa Asya
A. Kahulugan ng mga Konsepto ng Tradisyon, Pilosopiya
at Relihiyon
Pamantayan sa Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at
Pagkatuto relihiyon.
Layunin 4.4 Naipapaliwanag ang pinagmulan, pagkakatatag at doktrina
ng mga relihiyong umusbong sa Asya.
4.5 Naipapahayag ang paghanga sa mga doktrina at relihiyon
sa Asya.
4.6 Nakapagbabahagi ng ideya ukol sa reihiyon kinabibilangan.

Bilang ng Araw 1
Mga Isang Tanong, Maraming Sagot
Mungkahing Hanap Salita
Gawain Pangkatang Gawain
Pagtataya Completion Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap

Nilalaman Pag – unlad ng Kabihasnan sa Asya


A. Kahulugan ng mga Konsepto ng Tradisyon, Pilosopiya
at Relihiyon
Pamantayan sa Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at
Pagkatuto relihiyon.
Layunin 4.7 Natutukoy ang mga pilosopiya na nakatulong sa pag –
usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya.
4.8 Napapahalagahan ang mga pilosopiya na umusbong sa
Asya.

Bilang ng Araw 1
Mga Q&A
Mungkahing Hulaan Mo, Pangalan Ko
Gawain Tree Diagram
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o Research tungkol sa Code of Hammurabi, Code of Manu at
Pagganap Sistemang Caste ng Hinduismo

Nilalaman Pag – unlad ng Kabihasnan sa Asya

7
A. Kahulugan ng mga Konsepto ng Tradisyon, Pilosopiya
at Relihiyon
Pamantayan sa Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at
Pagkatuto relihiyon.
Layunin 4.9 Nakapagpapahayag ng sariling opinion ukol sa paninwala /
konsepto sa Kodigo ni Hammurabi, Kodigo ni Manu at
Sistemang Caste
4.10 Naipaliliwanag ang sariling puna sa lathalain “May
Rason
Bilang ng Araw 1
Mga Tanungan Time
Mungkahing Basahin, Magtala, Magpahayag
Gawain
Pagtataya Completion Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


B. Mga Mahahalagang Pangyayari Mula sa Sinaunang
Kabihasnan Hanggang sa ika – 16 na Siglo sa
Kaisipang Politikal, Sistemang Ekonomiko, Kaayusang
Panlipunan, Pagbabagong Teknolohiya sa Asya
Pamantayan sa Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa
Pagkatuto sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa
kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko, kaayusang
panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.
Layunin 5.1 Natutukoy ang mga ambag at kultura ng sinaunang
kabihasnan sa Timog-Silangang Asya
5.2 Nabibigyang halaga ang ambag ng mga sinaunang
kaharian ng Timog-Silangang Asya
5.3 Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa Timog-
Silangang Asya

Bilang ng Araw 1
Mga Pin the Flag
Mungkahing Magpangkatan at Mag – ulat
Gawain
Pagtataya Completion Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

8
B. Mga Mahahalagang Pangyayari Mula sa Sinaunang
Kabihasnan Hanggang sa ika – 16 na Siglo sa
Kaisipang Politikal, Sistemang Ekonomiko, Kaayusang
Panlipunan, Pagbabagong Teknolohiya sa Asya
Pamantayan sa Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa
Pagkatuto sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa
kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko, kaayusang
panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.
Layunin 5.4 Nakasusulat ng sanaysay ukol sa sinaunang kabihasnan
sa Timog - Silangang Asya.
5.5 Naipapahayag ang kahalagahan ng impluwensya ng Tsina
at India sa Timog - Silangang Asya
Bilang ng Araw 1
Mga TTRA
Mungkahing Pangkatang Pag - uulat
Gawain
Pagtataya Sanaysay
Produkto o Sanaysay
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


B. Mga Mahahalagang Pangyayari Mula sa Sinaunang
Kabihasnan Hanggang sa ika – 16 na Siglo sa Kaisipang
Politikal, Sistemang Ekonomiko, Kaayusang Panlipunan,
Pagbabagong Teknolohiya sa Asya
Pamantayan sa Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa
Pagkatuto sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa
kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko, kaayusang
panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.
Layunin 5.6 Nabibigyang kahulugan ang salitang dinastiya
5.7 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng dinastiya sa kaisipang
Tsino sa pagtatatag ng sinaunang kabihasnan at lipunang
Tsino
Bilang ng Araw 1
Mga Hexagram
Mungkahing 4As
Gawain
Pagtataya Completion Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

9
B. Mga Mahahalagang Pangyayari Mula sa Sinaunang
Kabihasnan Hanggang sa ika – 16 na Siglo sa Kaisipang
Politikal, Sistemang Ekonomiko, Kaayusang Panlipunan,
Pagbabagong Teknolohiya sa Asya
Pamantayan sa Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa
Pagkatuto sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa
kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko, kaayusang
panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.
Layunin 5.8 Napaghahambing ang mga kontribusyon ng dinastiya ng
Tsina sa Sinaunang Kabihasnan
5.9 Nalalahad ang mga mahahalagang pangyayari noong
panahon ng Dinastiyang Tsino.
5.10Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kaisipang Tsino sa
pagtatatag ng sinaunang kabihasnan sa China.
5.11Napahahalagahan ang mga mahahalagang ambag ng
mga dinastiya na umusbong sa Tsina.
Bilang ng Araw 2
Mga Picture TaKING and Selfie QUEEN
Mungkahing Triple A
Gawain Word Hunt
DCAP
Pagsusuri ng Larawan
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o Itala ang mahalagang kontibusyon ng Dinastiyang Sui, Sang,
Pagganap Yuan, at Ming
Reflection
Sanaysay
Magdala ng mga larawan na may kaugnayan sa bansang
Hapon
Magsaliksik ng mahahalagang ambag ng dinastiya mula sa
bansang Hapon

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

10
B. Mga Mahahalagang Pangyayari Mula sa Sinaunang
Kabihasnan Hanggang sa ika – 16 na Siglo sa Kaisipang
Politikal, Sistemang Ekonomiko, Kaayusang Panlipunan,
Pagbabagong Teknolohiya sa Asya
Pamantayan sa Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa
Pagkatuto sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa
kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko, kaayusang
panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.
Layunin 5.12 Napaghahambing ang mga kontribusyon ng dinastiya ng
Tsina sa Sinaunang Kabihasnan
5.13 Naipapahayag ang kahulugan ng kaisipang
Sinosentrismo, Confucianismo, Taoismo ng Tsina
5.14 Nabibigyang halaga ang ambag sa sibilisasyong Tsino
nina Marco Polo, Kublai Khan at iba pa.
Bilang ng Araw 1
Mga Pinoy Henyo
Mungkahing TDAR
Gawain
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o Research tungkol sa pinagmulan ng emperor ng Japan
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


B. Mga Mahahalagang Pangyayari Mula sa Sinaunang
Kabihasnan Hanggang sa ika – 16 na Siglo sa Kaisipang
Politikal, Sistemang Ekonomiko, Kaayusang Panlipunan,
Pagbabagong Teknolohiya sa Asya
Pamantayan sa Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa
Pagkatuto sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa
kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko, kaayusang
panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.
Layunin 5.15 Nakapag-uulat tungkol sa Dinastiyang Hapon may
kaugnayan sa pulitika, sining, panitikan, relihiyon, at antas
ng lipunan.
5.16 Natutukoy ang mga ambag ng mga Hapon sa
kasalukuyang panahon.
5.17 Naipapahayag ang paghanga sa mga katangian at ambag
ng dinastiyang Hapon.

Bilang ng Araw 1
Mga Mapa Hanap
Mungkahing Pangkatang Gawain
Gawain
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o mga larawan na may kaugnayan sa bansang Korea.
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


B. Mga Mahahalagang Pangyayari Mula sa Sinaunang

11
Kabihasnan Hanggang sa ika – 16 na Siglo sa Kaisipang
Politikal, Sistemang Ekonomiko, Kaayusang Panlipunan,
Pagbabagong Teknolohiya sa Asya
Pamantayan sa Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa
Pagkatuto sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa
kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko, kaayusang
panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.
Layunin 5.18 Napaghahambing ang mga dinastiya sa Korea.
5.19 Napahahalagahan ang mga pamanang iniwan ng mga
dinastiya ng Korea sa pag-unlad ng kabihasnang
Asyano.
Bilang ng Araw 1
Mga Salamin ng Larawan
Mungkahing Video Clips
Gawain Tayp’y Mag – KD
Pagtataya Completion Test
Produkto o Ilista ang mga imperyo sa Kanlurang Asya.
Pagganap

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


C. Impluwensiya ng mga Paniniwala sa Kalagayang
Panlipunan, Sining at Kultura ng mga Asyano
Pamantayan sa Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang
Pagkatuto lipunan at komunidad sa Asya.
Layunin 6.1 Naiisa-isa ang mga ambag at kontribusyon sa sinaunang
panahon ng Kanlurang Asya.
6.2 Nabibigyang halaga ang mga ambag at kontribusyon ng
Sinaunang kabihasnan sa Asya
Bilang ng Araw 1
Mga Word Hunt
Mungkahing TDAR
Gawain
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o Magsaliksik ng mga larawan ng mga kagamitang naimbento ng
Pagganap mga dinastiya at mahahalagang pangyayari sa Silangan at
Hilagang Asya.

12
Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya
D. Impluwensiya ng mga Paniniwala sa Kalagayang
Panlipunan, Sining at Kultura ng mga Asyano
Pamantayan sa Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang
Pagkatuto lipunan at komunidad sa Asya.
Layunin 6.3 Nasusuri ang mahahalagang ambag o kontribusyon ng
imperyong Lydian, Phoenician, Hebreo, Hittite at Persian sa
sinaunang pamumuhay ng mga Asyano sa Kanlurang
Asya.
6.4 Nabibigyang halaga ang mga ambag at kontribusyon ng
Imperyong Lydian, Phoenician, Hebreo, Hittite at Persian
sa sinaunang pamumuhay ng mga Asyano sa Kanlurang
Asya
Bilang ng Araw 1
Mga Kila – Larawan
Mungkahing Name That Word
Gawain Data Retrieval Chart
Pagtataya 5 Item Test
Produkto o Sanaysay
Pagganap Magsaliksik ng impormasyon ukol sa mahahalagang lider ng
sinaunang Kanlurang Asya.
Maghanap ng mga larawan ng mga ambag ng mga dinastiya /
kahariaan sa Timog-Silangang, Kanluran, at Silangang Asya sa
sinaunang pamumuhay ng mga Asyano.

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


C. Impluwensiya ng mga Paniniwala sa Kalagayang
Panlipunan, Sining at Kultura ng mga Asyano
Pamantayan sa Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang
Pagkatuto lipunan at komunidad sa Asya.
Layunin 6.5 Nakasusulat ng maikling Kasabihan mula sa mga konsepto
ng pilosopiya at relihiyon sa Asya at kontribusyon nito sa
Sinaunang lipunan at komunidad ng Asyano.
6.6 Naipagmamadali ang kontribusyon ng relihiyon at
pilosopiya sa lipunang Asyano
Bilang ng Araw 1
Mga Review Circles
Mungkahing TTRA
Gawain
Pagtataya Completion Test
Produkto o Magdala ng Illustration board.
Pagganap Maghanda at maghanap ng larawan mula sa ambag ng
Kanluran, Silangan, Timog-Silangan Asya

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

13
C. Impluwensiya ng mga Paniniwala sa Kalagayang
Panlipunan, Sining at Kultura ng mga Asyano
Pamantayan sa Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang
Pagkatuto lipunan at komunidad sa Asya.
Layunin 6.7 Nakabubuo ng isang “BIG BOOK” ang bawat pangkat mula
sa mga larawan ng ambag ng Timog Silangan, Silangan,
Timog, Kanluran Asya sa lipunan Asyano
6.8 Naipapahayag ang paghanga sa ambag ng Asyano sa
pagbabago at pag-unlad ng lipunan sa Asya.
Bilang ng Araw 1
Mga Big Book
Mungkahing
Gawain
Pagtataya Completion
Produkto o Maghanap ng mapagmamalaking bagay mula sa Pilipinas,
Pagganap lalawigan o bayan mo. Maaari itong gupitin.
Magdala ng oslo paper at board paper

Nilalaman Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


C. Impluwensiya ng mga Paniniwala sa Kalagayang
Panlipunan, Sining at Kultura ng mga Asyano
Pamantayan sa Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang
Pagkatuto lipunan at komunidad sa Asya.
Layunin 6.9 Nakakapagsulat ng maikling tala kasaysayan sa sinaunang
kabihasnan sa Pilipinas, sariling lalawigan o baying
kinabibilangan
6.10 Napahahalagahan ang mga naging ambag ng sinaunang
kabihasnan sa sangkatauhan
Bilang ng Araw 1
Mga Story Book
Mungkahing
Gawain
Pagtataya Rubrics
Produkto o Story Book
Pagganap

Talahanayan ng Ispesipikasyon

14
Mga Layunin Bilang Bilang Know- Compre- Appli- Syn- Kinala-
ng ng ledge hension cation thesis lagyan
Araw Aytem ng Ay-
tem
Nasusuri ang
kalagayan ng
pamumuhay
at pag-unlad 3 I II 1,3,8
ng Asya sa
panahon ng
Paleolitiko,
Neolitiko at
Metal.
-Panahon ng
Paleolitiko,
Mesolitiko,
Neolitiko, at
metal.
Napaghaham
bing ang mga
sinaunang 2 I I 4,10
kabihasnan
sa Asya.
(kabihasnang
Sumer, Indus
at Shang)
Nasusuri ang
mahahala-
gang pangya-
yari mula sa
sinaunang 4 I I II 5,6,9,11
kabihasnan
hanggang sa
ika-16 na
siglo sa
kaisipang
panlipunan,
pagbabagong
teknolohiya
sa Asya.
-Mga
sinaunang
pamumuhay
ng mga
Asyano.

Nabibigyan
kahulugan
ang mga
konsepto ng 3 I II I 2,12,13,

15
ng tradisyon. 15
Pilosopiya at
relihiyon.
-Mahahaha-
lagang pang-
yayari sa
Kanluran, at
Silangang
Asya
Natataya ang
impluwensya
ng mga kala-
gayang pan- 4 III I 7,17,18,
lipunan, si- 19
ning at kultura
ng mga As-
yano.(maha-
halagang
pangyayari sa
panahon ng
Timog, Timog
silangang
Asya at
relihiyon sa
Asya)
Napahahalag
ahan ang
mga kontri-
busyon ng 3 I II 14,16,20
mga sinau-
nang lipunan
at komunidad
sa Asya.(mga
pilosopiya sa
Asya, kodigo
ni Hammurabi
at Manu sa
kababaihan
sa sinaunang
lipunan)

Panimulang Pagsusulit
Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

16
1. Tinatawag na rebolusyon ang huling bahagi ng Panahong-Neolitiko dahil sa
pagkakaimbento nito?
a. Apoy b.Busog at pana c. Hasaan d.Pagtatanim

2. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad
ng mga tao?
a. Pinakinis na bato ang ginamit noong Panahon ng Neolitiko.
b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahon ng Paleolitiko.
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbungsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
d. Dumami ang mga maaring gawin ng mga tao ng gumamit na sila ng metal.

3. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na


pinagsimulang ng mga sinaunang tao Noong Panahong Neolitiko?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan .
b. Walang pagbabago sa sitema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat
pagkain.
c. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na
mapaamo ang mga hayop.
d. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain
ng mga tao sa kasalukuyan.

4. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.

Batay sa mapa,
ano ang pagkaktulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia,
Egypt, Indus, at China?
a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
b. Naninirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
c. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
d. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

5. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa


Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lunsod-
estado?
a. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop
ang mga teritoryo nito.
b. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay .
c. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
d. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lunsod.

17
6. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na
dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia.

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Eupharates T Tigris.
x. Sinakalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyan ikinabagsak nito.
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay
sa lugar na iyon.

a. W at Z b. X at Y c. Y at Z d. Z at W

7. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga


sinaunang tao?
a. Mas maunlad ang kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa
kasalukuyang panahon.
b. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t
kaunti ang kanilang mga ambag.
c. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng mga tao sa kasalukuyan ang mga
pamanang ito.
d. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng
mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

8. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan


pa rin sa kasalakuyan?
a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
c. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
d. Natutugunan nito ang pangangailangan ng tao.

9. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng


mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
a. Limitado ang mga naiwang pamana ng mga OLmec dahil sa pagnakaw ng
mga kayamanan at pagkasira ng estraktura nito.
b. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng
mga sinaunang Tsino.
c. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging
asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
d. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

18
10. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa
kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?
a. Alexandria b. Hanging Gardens c. Pyramid d. Ziggurat

11. Ano ang alitutunin ng karangalan kung saan mahalaga ito sa tradisyon ito ay
mahalaga ang katapatan, karangalan, at katapanagan.
a. Bushido b. Yangmin c. Kisaeng d. Chung-in

12. Ano ang kaugnay ng tradisyong ito kung saan nangangahulugang marangal ng
pagpapatiwakal.
a. Heian B. Kyushu c. Sepukku o hara-kiri d. Fuliwara

13. Sinasamba ng mga Shinto ang mga namatay nilang kamag-anak at ninuno. Sa
mga sumusunod na pahayag saang paniniwala ng mga Shinto mo ito
maiiuugnay?
a. Pagtatanggal ng masamang espiritu sa katawan.
b. Kapag ikaw ay namatay, ikaw ay ay magiging isang kami.
c. Masamang kami na piñata at ngayon ay naghahanap ng paghihiganti.
d. Mga batang hindi ipinanganak at nagiging sanhi ng problema.

14. Paano napapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t-ibang


relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang panininwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
b. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
c. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
d. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.

15. Natuklasan ng mga Hittie ang bakal dahil sa paghahanap ng matigas na metal
upang gamiting material sa mga bagay na ito.
a. Armas b. Araro c. Kagamitan d.
Kasangkapan

16. Tawag sa mga paniniwala ng mga Muslim sa iisang diyos tulad ng mgag
Kristiyano.
a. Monotheism b. Polytheism c. Shintoism d. Panteismo

17. Ipinagawa ang proyektong ito bilang pananggalang sa mga barbarong


mananalakay sa China.
a. Great Wall b. Berlin Wall c. Bamboo Curtain d. Iron Curtain

18. Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng batas para sa kababaihan, ano ang
hindi
tama sa batas tungkol sa mga kababaihan?
a. ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng babae at hindi sa kanya
b. ang mga ritwal na may kaugnayan sa kababaihan ay hindi kinikilala
c. ang agwat ng edad ng mag – asawa ay sapat lamang ang tanda sa lalake sa
kanyang asawang babae
d. hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal
dahil
ito ay isang malaking paglabag na katumbas ay paglalaglag ng sanggol

19
19. Alin ang hindi Kabilang sa pangkat?
a. Egpyt-Nile c. China-Yangtze-Hwang Ho
b. India-Indus-Ganges d. Aztec-Andes

20. Sa mga sinaunang hari ng Babyloni, kilala si Hammurabi dahil dito.


a. Kodigo ng Batas c. Kodigo ni Kalantiaw
b. Sampung Utos d. Aklat ng mga Patay

20
MGA BANGHAY ARALIN

21
I. LAYUNIN:
Nabibigayang - kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga
katangian nito.

1.4 Nakasasagot sa aytem ng pre – test


1.5 Nakapagpapahayag ng kaalaman sa mga tinalakay sa nakaraang aralin.
(Unang Markahan)
1.6 Naipapaliwanag ang salitang “civilization” sa sariling pangungusap.
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa ika –
16 na Siglo
Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano
Sibilisasyon
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
p. 105, 181
C. Kagamitan: Test Questions, teksto mula sa sinulat ni C. Violatti at
Wikipedia.org
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Panimulang Pagsusulit
a. Pagkuha ng papel
b. Pagsasagot sa Pre-Test (15 items)
c. Pagwawasto ng papel
d. Pagtatala ng index of mastery

2. Pagganyak: Pumili at Sagutin


a. Nakasasagot at naipapahayag ang kaalaman sa nakaraang aralin
(Unang Markahan). Maaring pumili ang guro batay sa kakayahan ng
mag-aaral.
1. Ilan ang hating heograpiko ng Asya? Ano-ano ang hating
heograpikong ito?
2. Ilarawan ang pisikal na katangian ng Asya tulad ng kinaroonan,
hugis, at klima.
3. Pumili ng isa, ayusin ang titik at ibigay ang kahulugan.

ADRTUN TGAIA DIYESROT PPESTE LDANS OUNMTIAN


4. Isa-isahin ang halimbawa ng pangkat-etniko sa Asya. Magbigay ng
maikling paglalarawan sa kanila tulad ng lugar/kinaroroonan,
kagamitan, wika, kultura atbp.
5. Magbigay ng impormasyon sa mga katangian ng yamang tao sa
Asya

22
B. Panlinang ng Aralin: Inquiry – Based Approach / Cyclic Inquiry Model and
Practical Inquiry Model
1. Basahin, Unawain, Ipaliwanag
Panuto:
a. Basahin, unawain at ipaliwanag ang mga sipi sa sulatan sa ibaba.
Civilization etymologically the word relates to the Latin word “civitas”
or city which is sometimes refers to urban state level societies. During the 19 th
and 20th century it was widely believed among European scholars that all
human communities were involved in a process of straight forward
progression by which conditions of a society were gradually improving. (e.g.
Savagery, barbarism and finally civilization) by: Christian Violatti, Dec. 4 2014
www.ancient.eu
2. Mga Gabay na Tanong:
a. Ano ang pinanggalingang salita ng sibilisasyon?
b. Anu – ano ang yugto ng pag - unlad ang pamumuhay ng mga
sinaunang tao?

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro batay sa ginawang talakayan.
Ang nasa ibaba ay ang mga inaasahang sagot)
Ang sibilisasyon ay mula sa salitang civitas na ang kahulugan ay siyudad na
sumasalamin sa pagbabago at pag-unlad.

D. Paglalapat
Masasabi mo bang ikaw ay nasa sinaunang sibilisasyon, bakit oo? bakit hindi?
IV. PAGTATAYA
Sa sariling pangungusap, ibigay ang kahulugan ng sibilisasyon.

V. KASUNDUAN
1. Ano ang kahulugan ng kabihasnan mga sumusunod;
a. Kabihasnan
b. Sibilisasyon
c. Pag-unlad
2. Maghanap ng mapa ng lalawigan ng Rizal at mapa ng bayan sa Rizal na
iyong tinitirhan
Sanggunian
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p. 181

23
I. LAYUNIN
Nabibigayang - kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga
katangian nito.

1.4 Naipapahayag ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa ika –
16 na Siglo
Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano
Kabihasnan at Sibilisasyon
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
p. 105 - 108
C. Kagamitan: mga larawan, tsart / diagram
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak – Larawan - suri


a. Suriin at bigyan ng kahulugan at magbigay ng sariling pangungusap.
b. Sagutin ang mga katanungan?

1. Sa tao may pagkakatulad ba sila sa isa’t-isa kung ang pag-


uusapan ay paggamit sa kanyang pamumuhay araw-araw?
2. Noon at ngayon ano ang pagkakatulad at pagkakaiba?

24
B. Paglinang ng Aralin: Inquiry – Based Approach / Cyclic Inquiry Model and
Practical Inquiry Model
1. Basa – Suri – Unawa
Panuto:
a. Ipabasa at ipaunawa sa mga mag – aaral ang sumusunod na
diagram.
b. Bigyan sila ng limang (5) minute upang suriin ang diagram.
c. Magkaroon ng malayang talakayan.

Sibilisasyon Kabihasnan
Sibilisasyon ay tumutugon sa Sinasabing ang kabihasnan ay
pamumuhay ng mha lipunang masalimuot na pamumuhay sa lungsod
umusbong sa mga lambak at ilog tulad at kadalasang kasing kahulugan ng
ng Sumer, Indus, Shang. Ang salitang sibilisasyon. Kapa gang isang
pagkakaroon ng sibilisasyon ng tao ay nagkaroon ng kasanayan sa
kapaligiran kung paano mo ito isang bagay masasabi nating nagiging
matutugunan. bihasa siya o magaling.

Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang


tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa
pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kanyang
pamumuhay gamit ang lakas at talino nito. Ito ang
magpapaunlad sa kanyang pagkatao.

2. Mga Gabay na Tanong


a. Tungkol saan ang binasa sa itaas?
b. Ayon sa binasa ano ang ibig sabihin ng sibilisasyon?
c. Ibigay ang kahulugan ng kabihasnan.
d. May pagkakatulad ba ang kabihasnan at sibilisasyon?
e. Sa ano naman iba ang sibilisasyon sa kabihasnan?

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro batay sa ginawang talakayan.
Ang nasa ibaba ay ang mga inaasahang sagot)
Ang kabihasnan ay nangangahulugang masalimuot na pamumuhay sa
lungsod, samantalang ang sibilisasyon ay lipunan umusbong sa mga lambak
ilog tulad ng Sumer, Indus at Shang.

D. Paglalapat:
Ilarawan mo ang iyong lalawigang tinitirhan, ano-ano ang nakikita mong
pagbabago ditto?
IV. PAGTATAYA
Ipahayag ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon sa isang o dalawang
pangungusap.

25
V. KASUNDUAN
1. Kumuha ng larawan mula sa isang bayan sa lalawigan ng Rizal.
2. Ano - ano ang mga salik ng sibilisasyon maaring iugnay o may
nakakahalintulad nito?
3. Sapat ba ang kakayahan ng Asyano upang mapaunlad ang kabihanan?

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p. 108

26
I. LAYUNIN
Nabibigyang – kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga
katangian nito.

1.5 Napaghahambing ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon.


1.6 Naiisa- isa ang mga salik ng kabihasnan.

II. NILALAMAN:
A. Paksa Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa ika –
16 na Siglo
Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano
Mga Salik ng Kabihasnan
B. Sanggunian Blando, R.C., et. al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, pahina 105-109
Mateo, G. C., et. al., Asya: Pag-usbong ng
Kabihasnan, pahina 122-125
C. Kagamitan: Mga larawan, Manila paper, pentel pen, tsart, PowerPoint
Presentation

II. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak - Venn diagram
Panuto:
a. Gamit ang Venn diagram, ipasagot ang pagkakaiba at pagkakapareho
ng sibilisasyon at kabihasnan.

Kabihasnan Sibilisasyon

B. Paglinang ng Aralin:
1. Tree Diagram
a. Pagpapakita ng ilustrasyon sa pagbabago o pag-unlad ng sinaunang
kabihasnan. (see module page)

27
b. Ipasuri sa mag aaral ang larawan/ ilustrasyon at pagkatapos ay
tatalakaying ng mga mag-aaral (Tree Diagram 5 )

Mga Salik sa Pagbuo ng Kabihasnan.


a. Ano ang trabaho ng magulang mo?
b. Ano ang kagamitan niya sa paghahanapbuhay?
c. Ano ang paniniwala ng inyong pamilya sa dakilang lumikha?
d. Ano ang masasabi mo sa kasalukuyang pamumuno ng lider sa inyong
barangay/bayan?
e. Sa larangan ng sining, arkitektura at pagsulat mayroon ba
maipagmamalaki sa inyong tahanan o bayan, ano ito?

2. Mga Gabay na Tanong:


a. Ano-ano ang mga salik ng kabihasnan mula sa mga isinagot sa tanong
sa itaas?
b. Bakit mahalaga ang mga salik o batayan sa pagbuo ng kabihasnan?
c. Kung mawala ang isang salik o batayan masasabi mo pa bang isang
kabihasnan o sibilisasyon ang mabubuo? Ipaliwanag ang sagot?

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro batay sa ginawang talakayan.
Ang nasa ibaba ay ang mga inaasahang sagot)
Ang sibilisasyon ay tumutukoy sa isang lungsod,samantalang ang
kabihasnan ay may kaugnayan sa pagiging bihasa o eksperto sa
pamumuhay ng mga tao.

28
D. Paglalapat:
Maituturing ba na ang lalawigan ng Rizal ay isang kabihasnan?
Pangatwiranan.

a. Anu-ano ang mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng Rizal?


b. Bilang mag-aaral at mamamayang Rizalenyo, paano ka makakatulong upang
mas lalo pa itong mapaunlad?

IV. PAGTATAYA.
Panuto: Mula sa mga pagpipilian, isa – isahin at isulat ang lima sa mga katangian
ng kabihasnan.

Hanapbuhay Ugali Relihiyon Teknolohiya


Kamatayan Pamahalaan Kultura

V. KASUNDUAN
1. Gumuhit ng larawan magpapakita ng larawan ng isang maunlad na
kabihasnan.
2. Ibigay ang kahulugan ng mga yugto ng pag-unlad:
a. Paleolitiko
b. Mesolitiko
c. Neolitiko

29
3. Magsaliksik ng mga bagay na ginamit noong panahon ng Paleolitiko,
Mesolitiko, Neolitiko at Metal. Paano ito nakatulong sa pagbuo ng sinaunang
kabihasnan?

Sanggunian:
Blando, R. C., et. al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pahina 110-111

I. LAYUNIN:
Nakabubuo ng kongklusyon hingil sa kalagayan, pamumuhay at development ng
mga sinaunang pamayanan.

2.1 Naiisa-isa ang mga panahon ng pagbabago at kaganapng pag-unlad sa


Asya
2.2 Natutukoy ang mga pagbabago sa pamumuhay at kaganapang pag-unlad
ng Asya sa panahong Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at Metal
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa ika –
16 na Siglo
Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano
Ebolusyong Kultural
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
pp. 105 – 111
Mateo, et.al, Asya Pag – usbong ng Kabihasnan,
pp. 122 - 125
C. Kagamitan: Mga larawan, Manila paper, pentel pen, tsart, PowerPoint
Presentation
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral – Sibilisasyon at Kabihasnan, Muling Balikan
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kahulugan ng kabihasnan at
sibilisasyon

30
2. Pagganyak - Word Hunt
Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa bago nating aralin.

P W E S G I T N A M N Neolitiko (pababa)
I A S B M O L W O L E
Paleolitiko (pahilis)
L N L M B M I M P O O
Mesolitiko (pahalang)
I T G E B A T N O V L
P O R S O S H P L E I Metal (pababa)
I N A O B L O M I T T  Tanso (pahalang)
B S B K A O I E M S I  Bakal (pababa)
A M L L K B D T E P K  Gitna (pahalang)
G A K I A J B A I O O  Bago (pababa)
O S M G L N M L D K M
L H P M I M I U K E O
M E S O L I T I K O P
O L B A T O L T E W E

B. Paglinang Ng Aralin: Integrative Approach, 4A’s Activity


The Groups Can Do That
Panuto:
1. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.
2. Bawat pangkat ay pipili ng kanilang mga gawain
Pangkat Isa - Panahong Paleolitiko (Editorial Cartooning)
Pangkat Dalawa - Panahong Mesolitiko (Maikling dula-dulaan)
Pangkat Tatlo - Panahong Neolitiko (Jingle)
Pangkat Apat - Panahon ng Metal (News Report)
2. Mga Gabay na Tanong

1. Tukuyin at basahin ang nasa graphic organizer. Ano ang ipinapahiwatig


ng mga salita dito?
2. Anu - anong pagbabago sa kagamitan at uri ng pamumuhay ang naganap
sa bawat panahon?
3. Paano hinarap ng mga Asyano ang hamon ng pagbabago ng kapaligiran?
Ipaliwanag ang sagot?
4. Anong mga katangian ang ipinamalas ng mga sinaunang tao sa tinalakay
ang makatutulong sayo at kailangan mong gawin upang mapaunlad ang
iyong sarili? Ipaliwanag

31
C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro batay sa ginawang talakayan.
Ang nasa ibaba ay ang mga inaasahang sagot)
Ang mga panahon Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at Metal ay nagpapatunay
ng kahusayan ng mga Asyano nakatuklas ng mga kagamitan na nakatulong
sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.
.
D. Paglalapat
Bilang mag-aaral at mamamayang Rizalenyo ano ang maitutulong mo at
maiaambag para mas mapaunlad pa iyong bayan?

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Tukuyin ang mga panahon kung saan unang natutuhan ng sinaunang
tao ang mga Gawaing nasa bawat bilang. Lagyan ng tsek ( ∕ ) ang kolum ng iyong
sagot.

Gawain Paleolitiko Mesolitiko Neolitiko Metal


1. Natutuhan
ang paggawa
ng palayok.
2. Gumamit ang
mga tao ng
magagaspang
na bato.
3. Nagsimulang
mag-alaga ng
hayop.
4. Bumuo ng
isang
pamayanan
5. Natuklasan
ang apoy.

V. KASUNDUAN:
1. Paano nakatulong ang iba’t-ibang panahon sa pagunlad ng sinaunang
kabihasnang Asyano?
2. Ano-ano ang mga sinaunang kabihasnang Asyano?
3. Magdala ng mga larawan na may kauganayan sa sinaunang kabihasnang
Asyano.
Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 113-115.

32
I. LAYUNIN
Nakabubuo ng kongklusyon hingil sa kalagayan, pamumuhay at development ng
mga sinaunang pamayanan.

2.3 Naiisa-isa ang mga naging epekto sa pamumuhay ng mga sinaunang tao
sa panahong Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at Metal.
2.4 Napapahalagahan ang mga naging ambag ng mga sinaunang tao sa
sangkatauhan.
II. NILALAMAN
A. Paksa : Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano
Pag – Unlad ng Kultura ng Sinaunang Tao
B. Sanggunian : Mateo, et.al, Asya : Pag-usbong ng Kabihasnan
Pahina 128-140
C. Kagamitan : Larawan, maila paper, pentel pen, tsart

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang gawain
1. Pagganyak - Kung Ikaw Kaya? (Paggamit ng Metacards)
a. Bato
b. Apoy
c. Matulis na bato
d. Dahon
Sagutin ang tanong
1. Sa mga kagamitang ginamit noong panahon na nakasulat sa
metacards. Alin ang iyong pinili? Kaya mo bang mabuhay sa
sinaunang panahon kung taglay mo ang mga bagay na iyong
pinili?
Gawain 1 IRF (INITIAL REFINED FINAL IDEA)

33
Isusulat ng mga mag-aaral sa unang kolum ang kanilang kasagutan
sa katanungan na nasa itaas na bahagi ng tsart at pagkatapos ay ibabahagi
sa klase ang kanilang sagot.

Paano umuunlad ang pamumuhay ng mga tao noong sinaunang panahon?


INITIAL IDEA REFINED IDEA FINAL IDEA
Alam ko ngayon Nadagdag kong kaalaman Ito na ang alam

B. Paglinang ng Aralin: Constructivism Approach / TDAR Activity


1. Punan mo! (Pagpuno sa talahanayan)

Panahon Sinaunang Tao Kagamitan Pamumuhay


Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Metal

2. Mga Gabay na Tanong


a. Ilarawan ang bawat panahon?
b. Ano ang naging kaugnayan ng mga kagamitan sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao?
c. Paano umuunlad ang pamumuhay ng mga tao?
Balikan ang IRF at sagutin ang ikalawang kolum
C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Malaki ang naging ambag ng mga sinaunang tao sa sangkatauhan sapagkat
nalinang ang iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay tulad ng pagsasaka,
pangingisda, pangangaso at pagmimina na nakapagbuo ng sinaunang
kabihasnan sa Asya.

D. Paglalapat:
Masdan, Kapaligiran Mo.

34
a. Alin sa mga sumusunod na larawan ang iyong tinitirhan?
b. Paano nakakaapekto ang lokasyon sa pamumuhay ng tao?
c. Ano ang nag udyok sa mga Rizalenyo na linangin ang ganitong uri
ng kapaligiran?

Balikan ang IRF Chart at sagutin ang ikatlong kolum

IV. PAGTATAYA:
Panuto:
Pahalagahan ang mga naging ambag ng sinaunang tao sa pamamagitan ng
pagkumpleto sa sagot sa pangungusap sa baba.
a) Sa panahong Paleolitiko ang naging ambag nila ay
____________________
b) Sa panahong Mesolitiko ang naging ambag nila ay
____________________
c) Sa panahong Meolitiko ang naging ambag nila ay
_____________________
d) Sa panaho ng Metal ang naging ambag nila ay
_______________________

Note : Ilalagay sa IRF chart ang natutuhan ko

V. KASUNDUAN
1. Bakit kahangahanga ang mga naging ambag sa panahong Paleolitiko,
Mesolitiko,
Neolitiko at Metal?
2. Isa-isahin ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
3. Saan nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?

Sanggunian:
Mateo, et.al, ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Pahina 112-118

35
I. LAYUNIN:
Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Shang)

3.1 Nasusuri ang mga unang pamayanang umusbong, uri ng pamumuhay ng


mga tao sa Sumer at mga naging ambag sa sibilisasyon.
3.2 Naipapahayag ang kahalagahan ng mga naging ambag ng sinaunang
kabihasnang Sumer sa sangkatauhan.
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano
Kabihasnang Sumer
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 112-113
Mateo, et.al, Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pahina
C. Kagamitan: Mga larawan, manila paper, pentel pen, tsart, PowerPoint
Presentation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Pics, Pak, Boom

36
Tukuyin ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1._____________________

2. ___________________

3._______________________ 4.___________________
Alam mo ba na ang iyong sagot ay may kaugnayan sa isang mahalagang
salita na tatalakayin sa araw na ito.
Tukuyin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng akmang titik sa kahon batay sa
bilang nito sa alpabeto.

11 1 2 9 8 1 19 14 1 14

B. Paglinang Ng Aralin:
Collaborative Approach, AFA Activity
1. Suri – nawa

37
Panuto:
a. Hatiin sa limang pangkat ang mga mag-aaral.
b. Bawat pangkat ay pipili ng kanilang mga gawain.
c. Sagutin ang Data Retrieval Chart

Lugar na Mga unang Kabihasnang Uri ng Sistema ng


pinagmulan pamayanang Umunlad pamumuhay pagsulat na
ng Umusbong nalinang
Kabihasnan

SUMER

Pangkat Isa- Lugar na pinagmulan ng kabihasnan (Editorial Cartooning)


Pangkat Dalawa- Mga unang pamayanang umusbong (Mapa-Nuri)
Pangkat Tatlo - Kabihasnang umunlad (Jingle)
Pangkat Apat - Uri ng pamumuhay (Paint me a picture)
Pangkat Lima- Naging ambag sa kabihasnan (Pinoy Henyo)
2. Mga Gabay Na Tanong
a. Anu-anong pagbabago at pag-unlad ang naganap sa kabihasnang
Sumer?
b. Ano ang isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng mga Sumerian sa
sangkatauhan?
c. Bakit mahalaga ang Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Malaki ang naging ambag ng kabihasnang Sumerian sa sangkatauhan
sapagkat nalinang ang iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay tulad ng sistema ng
pagsulat, pagusbong ng unang sibilisadong lipunan ng tao, pagunlad ng sining
at kultura na nakapagpabuo ng sinaunang kabihasnan sa Asya.

D. Paglalapat:
Kung makagagawa ka ng isang bagay o gamit na maari mong maging ambag
sa kasalukuyang panahon. Ano ito at paano ito makakatulong sa susunod na
henerasyon o sa baying Pilipinas?

IV. PAGTATAYA.
Panuto: Suriin ang ipinapahayag ng bawat pangungusap, isulat ang tamang
sagot sa patlang.

38
1. Kinikilala bilang cradle of civilization, ditto umusbong ang unang kabihasnan.
2. Pinakamalaking gusali sa Sumer.
3. Kauna-unahang Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.
4-5. Dalawang lambak ilog na pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnan.

V. KASUNDUAN
1. Ano ang kinalaman ng mga lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang
kabihasnan?
2. Magsaliksik ng mga naging ambag ng sinaunang kabihasnang Indus.
3. Bakit sinasabing mahiwaga ang kabihasnang Indus.

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaibam, p. 113

I. LAYUNIN:
Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, at
Shang)

39
3.3 Nailalarawan ang mga unang pamayanang umusbong, naitatag na uri ng
pamumuhay ng tao at ang mga naging ambag ng kabihasnang Indus.
3.4 Nabibigyang halaga ang mga naging ambag ng sinaunang kabihasnang
Indus sa sangkatauhan.
II. NILALALAMAN
A. Paksa : Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano
Kabihasnang Indus
B. Sanggunian : Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 113
Mateo, et.al, Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan
pahina 134-137
C. Kagamitan : Mga larawan, manila paper, pentel pen, tsart, PowerPoint
Presentation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral – Word Hunt
Hahanapin ng mga mag-aaral ang mga salitang may kaugnayan sa
nakalipas na aralin at kanilang ipapaliwanag ang naging kahalagan nito.

Z I G G U R A T C
H A P Y K O L I U

M L A M I C E D N
N C R S I M P L E
O A C A L E N D I

B R L H T E M P F
L E A O L T B L O

E D Y P P A P O R
S C H A R I T Y M

Ziggurat Cuneiform Clay

2. Pagganyak : Compare and Contrast


Larawan A Larawan B

40
Ano ang ipinapakita sa Larawan A at B?
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang larawan?

B. Paglinang ng Aralin: Constructivism Approach, RMFD Activity


1. Pagsusuri ng Teksto:
Basahin at unawaing mabuti ang binasang teksto.
Punan ng sagot ang Data Retrieval Chart.
Sinaunang Lugar na Mahalagan Uri ng Mga Kinahinatna
Kabihasna pinag- g lungsod pamumuha naging n
n sa usbunga y ambag sa
bansang n kabihasna
n
a.
INDIA Lambak- b.
ilog

2. Mga Gabay na Tanong


a. Saan umusbong ang kabihasnang Indus?
b. Ano ang dalawang mahahalagang lungsod ang nahukay sa Indus?
c. Ano ang uri ng pamumuhay ng kabihasnang Mohenjo Daro at
Harappa?
d. Bakit naglaho ang kabihasnang Indus

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Sa kabuuan Malaki ang naging ambag ng sinaunang kabihasnang Indus sa
sangkatauhan sapagkat nalinang ang kaalaman sa matematika sa
pamamagitan ng tamang pagsukat, Sistema ng palikuran.

D. Paglalapat :
Sa mga nagyayaring kalamaidad sa ating bansa tulad ng malalakas na bagyo
at lindol, maaari din kayang mapagaya ang ilang bahagi ng ating bansa sa
kabihasnan ng Indus? Paano nating maiiwasan ito?

IV. PAGTATAYA:
Panuto ;

41
Ilarawan ang kabihasnang Indus sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang
sagot sa patlang.

Ang kabihasnang Indus ay makikita sa lambak ilog ng (1)__________ at


(2)
____________. Isa sa naging ambag nito ay ang (3)______________mga lungsod,
patunay ito na magaling sa (4)_____________ ang mga naninirahan ditto. Gumagamit
ang mga Indus ng sistemang (5)______________ sa kanilang pagsulat.

V. KASUNDUAN:
1. Bakit wala masyadong naging ambag sa sangkatauhan ang kabihasnang
Indus?
2. Isa-isahin ang mga naging ambag ng sinaunang kabihasnang Shang sa
sangkatauhan.
3. Magdala ng mga larawang naging ambag ng kabihasnang Shang sa
kabihasnan.

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna na Pagkakaiba, pahina 114

I. LAYUNIN:
Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus,

42
Shang)

3.5 Natutukoy ang mga unang pamayanang umusbong, naitatag na uri ng


pamumuhay ng tao at mga mahahalagang naging ambag sa
sibilisasyon.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 1 – Paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano
Kabihasnang Shang
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya : Pagkakaisa sa gitan ng Pagkakaibaiba
Pahina 114
Mateo, et.al, Asya : Pag-usbong ng Kabihasnan
Pahina 137-140
C. Kagamitan Larawan, Manila paper,

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral - Larawan-Suri

Susuriin ng mga mag-aaral ang mga larawang ipapaskil ng guro.


Ano ang naging papel ng mga larawang ito sa Kabihasnang Indus?
Nakatulong ba ito sa kanilang kabihasnan

2. Pagganyak: Tayo’y Manood


Pagpapakita ng isang video clips na nagpapakita ng paggawa ng
palayok. Sagutin: Ano ang naging kahalagahan nito sa susunod na
kabihasnan?
https://www.youtube.com/watch?v=6D84kkooA80

B. Paglinang ng Aralin: Constructivism Approach, 3 A’s Activity

43
1. Basic Radial Chart
Panuto:
a. Basahin at suriin ang teksto ng kabihasnang Shang
b Gamit ang Basic Radial Chart paghambingin ang pagkakatulad ng
kalinangang Yangshao at Lungshan

Kabihasnang
Shang

Pagkakatulad

Yangshao Lungshan

2. Mga Gabay na Tanong


a. Ano ang ipinahihiwatog ng Basic Radial Chart?
b. Anong uri ng pamumuhay sa kalinangang Yangshao at Lungshan?
c. Pagkumparahin ang kalinangang Yangshao at Lungshan sa naging
ambag nito sa kabihasnan.

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Malaki ang naging ambag ng kalinangang Yangshao at Lungshan sa
kabihasnan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang kalinangan
sa paggawa ng palayok, uri ng Sistema ng pagsulat at ginagamit sa
panghuhula.

D. Paglalapat :
Kung kayo ay mabibigyan ng isang pagkakataon na mamuno sa
Lalawigan ng Rizal, Ano ang magagawa mo sa mga sumusunod na aspeto?
Pumili ng isa at ipahayag sa pangungusap.
a. Edukasyon
b. Kalusugan
c. Gawaing Panlipunan

44
IV. PAGTATAYA
Panuto : Tukuyin kung ang mga pangungusap sa ibaba ay may kaugnayan sa
kabihasnang Shang. Isulat ang KY kung kalinangang Yangshao at KL
kung kalinangang Lungshan ang mga pagbabagong naganap sa bawat
panahon.
1. Naimbento ang potter wheel. KL
2. Transisyon tungo sa kabihasnang Shang KL
3. Kulay pula at itim ang kanilang tapayan KY
4. Mas Malaki at mas permanente na ang pamayanan KL
5. Karaniwang nakaayos ng pabilog ang mga bahay KL

V. KASUNDUAN :
1. Paano nakaapekto ang kabihasnang Shang sa pagunlad ng sinaunang
kabihasnang Asyano?
2. Maghanda sa paggawa ng isang story board na may kaugnayan sa
kasaysayan
ng Rizalenyo kung papano ito nabuo bilang isang kabihasnan.
3. Magdala ng mga sumusunod
a. Cartolina b Pangkulay, pentel pen,lapis

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p. 140

45
I. LAYUNIN:
Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon.

4.1 Naipapahayag ang pagkakaiba ng konsepto ng tradisyon, relihiyon at


pilosopiya.
4.2 Napapahalagahan ang konsepto ng tradisyon, relihiyon at pilosopiyang
Asyano.

II. NILALAMAN:
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Konsepto ng Relihiyon, Tradisyon at Pilosopiya
B. Sanggunian: Blando, et.al, ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 117-118

C. Kagamitan: Mga larawan, manila paper, pentel pen, tsart, DLP

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak - Jumbled Letters
Buuin ang mga nakagulong titik upang makabuo ng mga salita o konsepto.

E R L I N O Y I H

O Y N D I S A R T

A Y P I L O S O P I

B. Paglinang Ng Aralin (Integrative Approach)


1. Salamin ng Kasaysayan
Panuto:
a. Suriin ang mga larawan sa ibaba? Ano ang iyong masasalamin sa
mga ito? Ipaliwanag ang naging batayan mo sa ipinapahayag sa
larawan. Kilalanin at ilarawan kung ito ay tradisyon, pilosopiya,
relihiyon, pananaw o paniniwala.

Unang larawan _______________________________________


Pangalawang larawan____________________________________
Pangatlong larawan________________________________________
Ikaapat na larawan________________________________________
Ikalimang larawan_________________________________________

46
Ang aking nabuong konsepto sa mga larawan ay:
2. Mga
Gabay na
Tanong:

a. Ano ang iyong sariling pakahulugan tungkol sa paniniwala,


pilospopiya, relihiyon, tradisyon at pananaw? (Ibibigay ng guro
ang kahulugan mula sa aklat)
b. Magbigay ng mga halimbawa sa ibinigay na sariling pakahulugan
tungkol sa paniniwala, pilosopiya at relihiyon?
c. Sa iyong pananaw, paano nakatututulong ang tradisyon,
pilosopiya, at relihiyon sa paghubog ng sinaunang pamumuhay
ng mga Asyano?

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
May pagkakaibang konsepto ng mga pilosopiya, tradisyon at relihiyon na
umusbong sa Asya.

D. Paglalapat:
Sa iyong pananaw, paano nakatulong ang tradisyon, pilosopiya, at relihiyon
sa paghubog ng sinaunang pamumuhay ng mga Asyano?
Bilang Pilipino ano ang iyong tradisyon, pilosopiya o paniniwalang isinasa
isinasabuhay?

47
IV. PAGTATAYA.
Ipahayag ang pagkakaiba ng relihiyon, tradisyon, pilosopiya na nasa mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang letrang R kung relihiyon, T tradisyon at P
kung pilosopiya.
1. Paniniwala sa iisang Diyos.
2. Pagdiriwang ng kapistahan.
3. “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”.
4 Paghalik sa kamay ng mga matatanda.
5. Pagpapanatili ng daloy ng kalikasan.

V. KASUNDUAN
1. Magbigay ng halimbawa ng relihiyon, tradisyon at pilosopiya.
2. Magsaliksik tungkol sa mga imperyong umusbong sa kanlurang Asya.
3. Maghanap ng larawan ng mga naging ambag ng mga imperyo sa kanlurang
Asya.

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p. 117 - 118

48
I. LAYUNIN:
Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon.

4.3 Naipapaliwanag ang pinagmulan, pagkakatatag at doktrina ng mga


relihiyong umusbong sa Asya.
4.4 Naipapahayag ang paghanga sa mga doktrina at relihiyon sa Asya.

II. NILALAMAN:
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Reihiyon sa Timog Asya
B. Sanggunian: Blando, et.al, ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 155 - 160

C. Kagamitan: Mga larawan ng tatlong diyos, aralin 16 mga relihiyon ng


Timog Asya, mapa, Manila Paper, Pentel pen, Tape, video

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak – 4 Pics 1 Word

a. Saang larangan may


kaugnayan ang mga nasa larawan?
b. Ano ano ang mga relihiyon ang ipinapakita ng bawat larawan?

B. Paglinang ng Aralin
1. Pangkatang Gawain:Ang mga mag aaral ay hahatiin sa apat na grupo ang
mga bata at pabunutin kung anong relihiyon ang kanilang
tatalakayin.

Relihiyon Nagtatag Banal na Mga Aral

49
Aklat
Hinduismo Mga Aryan Veda Tinuturo ng
Veda kung
papaano
magkakaroon ng
mahaba at
mabuti buhay
ang tao
Buddhismo Sidharta Apat na
Gautama katotohanan at
walong wastong
landas
Jainismo Mahvira o Veda Bawal ang
Vhardamana pananakit sa
anumang may
buhay o
tinatawag na
‘ahimsa”o non-
violence.
Sikhism Guru Nanak Guru Granth Sampung
Sahib naliwagan guru
(10 Enligthened
Masters), May
isang diyos ,
walang hanggan
ang kanyang
katotohanan.

2. Mga Gabay na Tanong


a. Paano naitatag ang Hinduismo,Budhismo,Jainismo at Sikhismo?
b. Ano ano ang mga mahalagang doktrina o aral ng
Hinduismo,Budhismo,Jainismo at Sikhismo?
c. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa asya ang relihiyon?

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Ang mga relihiyon na umusbong sa Timog Asya tulad ng Hinduismo,
Buddismo, Jainismo at Sikhismo ay may malaking impluwensiya sa paniniwala
at pamumuhay ng mga Asyano.

D. Paglalapat
Kahanga-hanga baa ng impluwensya ng doktrina at relihiyon sa Timog Asya?
Paano nakaimpluwensya sa kanilang pamumuhay ang pinaniniwalaan nilang
relihiyon? Pangatwiranan.

IV. PAGTATAYA

50
Ipaliwanag at ipahayag ang pagtatag ng doktrina at relihiyon sa Timog Asya,
kumpletuhin ang tsart. Gawin ito sa isang papel at isulat ang nawawalang sagot.
Relihiyon Nagtatag Banal na Mga Aral
Aklat
Hinduismo Mga Aryan 1 2
Buddism Sidharta Apat na
Gautama katotohanan at
3
walong wastong
landas
Jainism Mahvira o Bawal ang
Vhardamana pananakit sa
anumang may
4 buhay o
tinatawag na
‘ahimsa”o non-
violence.
Sikhism Guru Granth Sampung
Sahib naliwagan guru
(10 Enligthened
Masters), May
5
isang diyos ,
walang hanggan
ang kanyang
katotohanan.

V. KASUNDUAN
1. Ano ang mga relihiyon na umusbong sa Timog Asya?
2. Ano ano ang mga relihiyon na umusbong sa Kanlurang Asya?
3. Magdala ng mga larawan na may kinalaman sa bawat relihiyon sa kanlurang
Asya.

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p. 159-162

51
I. LAYUNIN:
Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon.

4.4 Naipapaliwanag ang pinagmulan, pagkakatatag at doktrina ng mga


relihiyong umusbong sa Asya.
4.5 Naipapahayag ang paghanga sa mga doktrina at relihiyon sa Asya.
4.6 Nakapagbabahagi ng ideya ukol sa reihiyon kinabibilangan.

II. NILALAMAN:
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Reihiyon sa Kanlurang Asya
B. Sanggunian: Mateo, et.al, Asya: Pag – usbong ng Kabihasan, pp. 67 - 70

C. Kagamitan: Mga larawan ng tatlong diyos, aralin 16 mga relihiyon ng


Kanlurang Asya, mapa, Manila Paper, pentel pen, at Tape

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik- aral – Isang Tanong, Maraming Sagot
Ano - ano ang mga relihiyon na umusbong sa Timog Asya?
2. Pagganyak – Hanap Salita
Hanapin sa loob ng kahon ang iba’t-ibang salita na may kinalaman sa
relihiyon sa Kanlurang Asya.

K R J W O R M Y I B
A E A A J E S U S U
R T L R I I A Z L D
M J L L O N L T A D
A K A O E G I P M A
B O H R A A D S Q H
Z X K D Q H U W M C
S H I N T O I S M O
P O L Y T H E I S M
G U R U N A N A K X
Allah
Islam
Shiva Guru Nanak
Jainismo Buddah Polytheism Shintoismo
Jesus Karma

52
B. Paglinang ng Aralin
1. Pangkatang Gawain:
Panuto:
Pangkahati sa apat na grupo ang mga bata at pabunutin kung anong
relihiyon ang kanilang tatalakayin.

Relihiyon Nagtatag Banal na Mga Aral


Aklat
Islam Mohammed Koran
Judaismo
Zoroastrianismo
Shintoismo

2. Mga Gabay na Tanong


a. Paano naitatag ang Islam,Judaismo,Zoroastrinismo at Shintoismo?
b. Ano ano ang mga mahalagang doktrina o aral ng
Islam,Judaismo,Zoroastrinismo at Shintoismo?
c. Ano ang relihiyon na kinaaniban mo? Magbahagi ng ilang kaisipan /
paniniwala?
d. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa Asya ang relihiyon?

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Ang mga relihiyon na umusbong sa Asya tulad ng Islam, Judaismo
Zoroatrianism, Shintoismo ay may malaking impluwensiya sa paniniwala at
pamumuhay ng mga tao.
D. Paglalapat
Paano nakaimpluwensya sa kanilang pamumuhay ang pinaniniwalaan nilang
relihiyon. Ano ang epekto nito sa kanilang pang araw-araw na buhay.
IV. PAGTATAYA:
Ipaliwanag ang mga pinagmulan, pagkakatatag at doktrina ng mga relihiyong
umusbong sa Asya sa pamamagitan ng pagpunan ng datos ang tsart. Gawin ito
sa isang papel
Relihiyon Nagtatag Aklat Aral

Islam Mohammed Koran 1


Judaismo Abraham 2 3
Kristiyanismo Jesus Sampung Utos
4 ng Diyos

Shintoismo 5 6 7

53
V. KASUNDUAN:
1. Ano ang mga relihiyon na umusbong sa Kanlurang Asya?
2. Ano ano ang mga Pilosopiya na umusbong sa Asya?
3. Magdala ng mga larawan ng may kinalaman sa bawat Pilosopo Asyano.

54
I. LAYUNIN:
Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon.

4.7 Natutukoy ang mga pilosopiya na nakatulong sa pag usbong ng mga


sinaunang kabihasnan sa Asya.
4.8 Napapahalagahan ang mga pilosopiya na umusbong sa Asya.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Pilosopiya sa Asya (Confucianism,Taoism at Legalismo)
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
pp. 161-163
C. Kagamitan: DLP, black board, Manila paper, mga larawan nina Confucius,
Lao Tzu at Mencius, AP Modyul

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik – aral – Q&A
a. Magbigay ang mga relihiyon na umusbong sa Timog at Kanlurang
Asya?
b. Ano ang mga mahahalagang aral o doktrina ng mga relihiyon sa Asya
naalala mo?

2. Pagganyak - Hulaan Mo, Pangalan Ko! (Charade)

Pagmamahal Karunungan
Philo Sophia
B. Paglinang ng Aralin: Integrative Approach-Scaffold-Knowledge Integration-
4 A`s Activity (Activity, Analysis, Abstraction, Application)
1. Tree Diagram
Panuto;
a. Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga pilosopiyang
umusbong sa China. Gumamit ng tree diagram sa pagtalakay ng paksa.
b. Hatiin ang klase tatlong pangkat bubuo ng dula dulaan na nagpapakita
ng mga epekto ng pilosopiya sa kanilang pamumuhay.
Pangkat I. Confucianismo,
Pangkat II. Taoismo,
Pangkat III. Legalismo

55
2. Mga Gabay na Tanong:
a. Ano ang mga pilosopiya na umusbong sa Asya?
b. Ano ano ang pinapahalagahan ng mga pilosopiyang ito?
c. Ano ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga asyano?

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Ang mga pilosopiyang umusbong sa Asya ay nagkaroon ng malaking epekto
sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga Asyano.

D. Paglalapat
Alin sa mga pilosopiyang natutunan mo ang iyong isinasabuhay ?

IV. PAGTATAYA:
Tukuyin kung anong pilosopiya ang ipinapahayag ng bawat pangungusap Iguhit
ang kung Confucianismo Taoismo at kung Legalismo.
1. Kung anong ayaw mo gawin saiyo huwag mong gagawin sa iyong
kapwa.___________
2. Pagsunod sa mga malulupit na batas______________.
3. Panatilihin ang daloy ng kalikasan______________.
4. Mabuting at maayos na ugnayan sa kapwa tao__________.
5. Una ang estado bago tao ________________.

V. KASUNDUAN:
1. Ano ano ang mga Pilosopiya na umusbong sa Asya ang nais mong maging
pinaka gabay sa buhay? Pangatwiran.
2. Magsaliksik ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga sumusunod:
a. Kodigo ni Hammurabi
b. Kodigo ni Manu
c. Sistema Caste ng Hinduismo
3. Magpahayag at magbigay ng sariling opinion ukol sa lathalain “May Rason”

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 161-165

56
I. LAYUNIN:
Nabibigyang halaga ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon.

4.9 Nakapagpapahayag ng sariling opinion ukol sa paninwala / konsepto


sa Kodigo ni Hammurabi, Kodigo ni Manu at Sistemang Caste
4.10 Naipaliliwanag ang sariling puna sa lathalain “May Rason”
II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Konsepto ng Kodigo ni Hammurabi, Kodigo ni Manu at
Sistemang Caste (Hinduismo)
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
pp. 164 - 175
C. Kagamitan: Mga larawan, Modyul

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral: Tanungan Time
a. Ano ang kahulugan ng Pilosopiya
b. Magbigay ng pilosopiya nagmula kay Confucious, Lao Tzu, Mencius
at Shin Huang Ti
B. Paglinang ng Aralin: Integrative Approach / 4A’s Activity
1. Basahin, Magtala, Magpahayag
a. Suriin ang mga sumusunod na teskto
1. Kodigo ni Hammurabi Pagsusuri sa Teksto p. 164
2. Kodigo ni Manu Pagsusuri sa Teksto p. 165
3. Sistemang Caste Modyul p. 148
4. Lathain “May Rason” (Gawain 20 p 168-169)
b. Basahin, magtala at nagpahayag ng sariling opinion
1. Karapatan
2. Paniniwala
3. Batas ng Diyos ayon sa Lathalain “May Rason”
c. Mag-uulat ang bawat pangkat

2. Mga Gabay na tTaong


a. Kanino ka sang-ayon sinaunang lipunan at papel ng kababaihan sa
Kodigo ni Hammurabi o sa Kodigo ni Manu? Bakit.
b. Kung ikaw ay nasa lipunan ng India na may paniniwala sa kultura ng
Sistemang Caste? Nakakabuti ba sa iyo na ikaw ay mapabilang sa
Pariah, Sudras Vaishas o Kshastruyas? Bakit.
c. Paano ang mga outcastes/untouchables paano mo sila tatanggapin sa
lipunan?
d. Ano ang opinion mo sa mga nakasalungguhit mula sa lathalain “May
Reason”

57
C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Ano ang dapat maging pagkilala sa mga tao nabubuhay at kasama natin sa
lipunan? Bawat tao nilalang ng Diyos ay may bahaging ginagampanan sa
paghubog at pagbabago ng lipunan at sambahayan
Igalang ang karapatan mng bawat tao.

D. Paglalapat:
Kung sakali may kamag-aral/kapit bahay o kaibigan ka nasa mababang antas
o estado sa buhay; paano ang wastong pakikisama sa kanila.

IV. PAGTATAYA
Ipahayag ang sariling opinyon sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pangungusap
1. Sa sistemang Caste sa India ang mga tao ay ____________ sa lipunan.
2. Ang kababaihan ayon sa Kodigo ni _______________ ay may mataas na
pagkakakilanlan kaysa sa lipunan ng Kodigo ni _______________.
3. Ang bawat batas ay dapat _____________ at _____________ sapagkat
kapag atin itong nilalabag o sinuway may karampatang parusang naghihintay.

V. KASUNDUAN
1. Sa relihiyong iyong kinaaniban ano ang paniniwala sa kapwa o sa mga taong
nakapaligid sa iyo. Igawa ito ng maikling sanaysay.
2. Ano ang kahulugan ng mga sumusunod:
a. Dinastiya
b. Imperyo
c. Emperador
d. Artisano

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 142-143

58
I. LAYUNIN:
Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan
hanggang sa ika-16 na siglo sa kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko,
kaayusang panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.

5.1 Natutukoy ang mga ambag at kultura ng sinaunang kabihasnan sa Timog-


Silangang Asya
5.2 Nabibigyang halaga ang ambag ng mga sinaunang kaharian ng Timog-
Silangang Asya

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Mahahalagang Pangyayari sa Timog-Silangang Asya
(Mga Kahariang Pangkontinente ng Timog-Silangang Asya:
Kaharian sa Vietnam, Funan, Angkor, Khumar, Pagan,
Ayutthaya)
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 152-153,
Mateo, et.al, Asya, Pag usbong ng Kabihasnan
Pahina 204-209
C. Kagamitan: DLP, PPT, Laptop, Board, Manila Paper, chalk

III. PAMAMARAAN:
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Balik aral
1) Ano-ano ang ambag sa kabihasnan ng tatlong kaharian sa Korea?
2) Sino-Magbigay ng dakilang lider ng kaharian Korea ano ang kahanga-
hanga nilang katangian?

2. Pagganyak: Picto - analysis


Suriin ang mga larawan sa ibaba:

a. Tungkol saan ang ipinapakita ng mga larawan sa itaas?


b. Paano ipinakita sa Panahong Neolitiko na may nabuo ng sariling
kultura ang Timog Silangang Asya bago pa man lumaganap dito
ang mga impluwensyang Indian at Tsino?

59
B. Paglinang ng Aralin: Integrative / 4A’s Activity
1. Pangkatang Gawain (Groupings)
a. Hahatiin sa apat na pangkat ang mga mag aaral at sila ay bubunot ng
kanilang gagawin:
Pangkat I- Pag uulat (Vietnam)
Pangkat II-Pagsasadula (Angkor)
Pangkat III-Panayam (Pagan)
Pangkat IV- Panel Forum (Ayutthaya)

2. Gabay na Tanong:
a. Bakit unang lumaganap ang impluwensyang Tsino kaysa Indian sa
Timog Silangang Asya?
b. Paano mapapatunayan ang ugnayan sa pagitan ng Funan at China?
Patunayan ang sagot.
c. Kailan bumagsak ang Imperyong Angkor? Bakit?
d. Sinu-sino ang mga mahahalagang hari ng kaharian ng pagan sa
tagumpay ng kaharian? Sa paanong paraan?
e. Kapakipakinabang ba ang pamana ng kaharian ng Ayutthaya? Bakit?

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Malawak ang impluwensya ng mga Tsino at Indian sa mga bansa sa Timog
Silangang Asya.

D. Paglalapat
Kung may bisita ka mula sa mga bansang Europeo o Amerika, paano mo
maipagmamalaki amng kultura ng Timog-Silangang Asya.
Halimbawa:
Magpatugtog sa klase ng musika ng alin mang bansa sa Timog Silangang
Asya.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang ambag at kultura ng kabihasnan Vietnam, Funan, Angkor,
Khmer, Pagan at Ayutthaya. Isulat sa sagutang papel ang T kung ang
pangungusap ay tama at M kung ang pangungusap ay Mali.
_____1. Magkahawig ang kaharian ng Pagan at Kaharian ng Angkor sa pagiging
mga pamayanang agrikultural. (T)
_____2. Angkor Wat ang unang kabisera ng Imperyong Angkor.(M)
_____3. May sariling Indegenous na kultura ang Timog Silangang Asya bago pa
man ang impluwensya ng mga Indian at Tsino.(T)
_____4.Nabuo ang Dharmasastra na isang kodigong legal batay sa tradisyong
Hindu at Thai sa Panahon ng mga Pagan (M)
_____5. Itinatag ang kaharian ng Funan sa Katimugan ng kasalukuyang
Cambodia bandang 100 C.E. (T)

60
V. KASUNDUAN
1. Ano ang mga katangian sa aspetong kultura at pulitika ng kaharian ng
umusbong sa Timog Silangang Asya?
2. Anu-ano ang mga Kaharian sa Pangkapuluang Timog Silangang Asya?
3. Magdala ng Mapa ng Asya?
Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 153-154

61
I. LAYUNIN:
Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan
hanggang sa ika-16 na siglo sa kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko,
kaayusang panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.

5.1 Natutukoy ang mga ambag at kultura ng sinaunang kabihasnan sa Timog-


Silangang Asya
5.2 Nabibigyang halaga ang ambag ng mga sinaunang kaharian ng Timog-
Silangang Asya
5.3 Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa Timog-Silangang Asya

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Mahahalagang Pangyayari sa Timog-Silangang Asya
(Mga Kahariang Pangkapuluan ng Timog-Silangang Asya)
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 153 - 155
Mateo, et.al, Asya, Pag usbong ng Kabihasnan
Pahina 210 - 214
C. Kagamitan: DLP, PPT, Laptop, Board, Manila Paper, chalk, flaglets

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik - aral
a. Anu-ano ang mga magkaibang paniniwala ng sumusunod sa kodigo ni
Manu at kodigo ni Hammurabi?
b. Ano ang masasalamin mo sa paniniwala nila na nakikita pa rin sa
kasalukuyang panahon

2. Pagganyak – Pin the Flag


Ipalabas ang mapa ng Asya at ilalabas ng guro ang mga flaglets at ang
malaking mapa ng Asya. Ipapalagay ng guro sa mga mag - aaral kung
saang bansa sa Timog Silangang Asya naroon ang bawat bansa.

62
Alam ba ninyo ang tungkol sa ASEAN bilang samahan ng mga
bansa? Magbigay nga ng impormasyon.

B. Paglinang ng Aralin: Collaborative / AFA Activity


1. Magpangkatan at Mag – ulat
a. Assign and Design:
Mula sa guro ay bibigyan ng tig dalawa (2) kaharian sa Timog
Silangang Asya. Lider ng pangkat kasama n g tagatala ang kukuha
mahalagang pangyayari dito. Kasama ng ibang miyembro magbabasa
din ang katulong na Lider (Assistant) kasama ng (2) dalawang
miyembro.
b. Facilitate: Ang paksang itinala ay inuulat ng lider, kasama ng ibang
miyembro ng grupo, (maaring maghati-hati ng pag-uulat) sa loob ng
pangkat.
c. Assess: Pagtatanong ng Ikalawang Lider (Assistant) at dalawang (2)
pang kasama.

2. Gabay na Tanong:
a. Ano-ano ang mga kaharian sa Timog Silangang Asya?
b. Bakit naging makapangyarihan ang kaharian ng Srivijaya?
c. Mahahahalaga ba ang pamana ng kahariang Sailendras?
d. Bakit bumagsak ang imperyo ng Majapahit?
e. May mga impluwensyang Tsino ban a matatagpuan sa kulturang
Pilipino? Magbigay ng mga halimbawa.

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Malawak ang impluwensya ng mga Tsino at Indian sa mga bansa sa Malawak
ang impluwensya ng mga Tsino at Indian sa mga bansa sa Timog Silangang
Asya.

D. Paglalapat
Paghambingin amg barangay ng sinaunang panahon sa barangay ng
kasalukuyang panahon sa Pilipinas. Gumamit ng Venn diagram sa
paghahambing.

63
IV. PAGTATAYA
Sinimulan Ko, Tapusin Mo!
Suriin mo ang mga kahariang nabuo sa Timog-Silangang Asya sa
pamamagitan ng pagsagot sa katapusan ng pangungusap.Maging makabuluhan
sa paglalatag.
1. Naging sentro ng ruta ng perigrinasyon ng mga Buddhist ang kahariang
Srivijaya dahil _______.
2. Bumagsak ang imperyong Majapajit dahil _______.
3. Napayabong ang mayamang kultura ng mga katututbo sa Pilipinas sa
pamamagitan ng _______.
4. Nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon sa Timog-Silangang Asya sa
pamamagitan ng _______.
5. Sa mga katangian ng katutubong kabihasnan sa Timog-Silangang Asya ang
aking pinahalagahan ay _______.
V. KASUNDUAN
1. Ano ang mga kahariang pangkapuluan ng Timog-Silangang Asya?
2. Anu-ano ang mga relihiyong umusbong sa Timog Asya?
3. Magdala ng mga larawan na may kaugnayan sa relihiyong umusbong sa Timog
Asya?

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p. 153 - 154

64
I. LAYUNIN:
Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan
hanggang sa ika-16 na siglo sa kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko,
kaayusang panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.

5.4 Nakasusulat ng sanaysay ukol sa sinaunang kabihasnan sa Timog


Silangang Asya.
5.5 Naipapahayag ang kahalagahan ng impluwensya ng Tsina at India sa
Timog Silangang Asya

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Sinaunang Kabihasnan sa Timog – Silangang Asya
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 152 - 154
C. Kagamitan: Task Card, Cartolina, panulat

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
a. Ano-ano ang mga kaharian lumitaw sa Timog Silangang Asya
B. Paglinang ng Aralin: Reflective / TTRA
Think 1. Magbigay ng mahalagang bagay o pangyayari mula sa mga
sumusunod

Kaharian
ng Kaharian Imperyong
Pagan Ayutthaya
Veitnam Funan Angkor

Ano-ano naman ang pamana ng mga sumusunod

Srivijaya Sailendras Madjapahit Malacca

Talk 2. Pag-uulat ng ikalawang lider (Assistant) at dalawang (2)


miyembro sa kani-kanilang pangkat.
Read 3. Magbabasa ang lider ng pangkat

65
Ask 4. Maaring magbigay ng tanong ang kasamang miyembro ng
pangkat sa Ikalawang lider at sa kanyang mga kasama.
Maaring tumulong ang lider na magbigay sagot. Ang guro ay
makikinig at magbibigay ng karagdagang impormasyon.
2. Mga Gabay na Tanong
a. Paano nabuo ang sibilisasyon sa Timog – Silangang Asya sa panahon
ng Neolitiko?
b. Ano ang mahahalagang impluwensiya ng Vietnam sa kabihasnan?
c. Paano nabuo ang mga Kahariang Pangkontinente sa Timog –
Silangang Asya?
d. Ano ano ang mga impluwensiya ng mga Kaharian sa Pangkapuluang
Timog – Silangang Asya?
e. Paano nahubog ng Timog – Silangang Asya ang kasalukuyang
sibilisasyon ng mga bansa sa Asya?
f. Paano napayabong ang mayamang kultura ng mga katutubo sa
Pilipinas?
g. Nakabuti ba sa mga bansa sa Timog – Silangang Asya na tawagin na
anino ng China at India?
h. Paano nakatulong ang mga relihiyon, pilosopiya at kaisipang Timog –
Silangang Asya sa paghubog ng kasalukuyang pamumuhay ng mga
Asyano?

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Malaki ang naging ambag ng mga kaharian sa Timog Silangang Asya na
hinahangaan sa kasalukuyan.

D. Paglalapat:
Alam ba ninyo ang suliranin sa agawan ng teritoryo sa pasipiko?
Susulat ng sanaysay ukol sa kahalagahan ng Impluwensya ng Tsina sa
ASEAN at hamon sa kasalukuyan suliranin sa teritoryo?
IV. PAGTATAYA
Ipapahayag ang kahalagahan ng impluwensya ng Tsina sa Timog Silangang
Asya. Babasahin ang mga nakatapos sa sanaysay.

V. KASUNDUAN
1. Ano ang mga impluwensyang Tsino sa Pilipinas?
2. Sa palagay moa ng mga Tsino ba ay kaibigan o karibal natin sa pag-unlad ng
Pilipinas.
3. Ano ang kahulugan ng dinastiya, imperyo, at emperador?
Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba

66
I. LAYUNIN:
Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan, sining
at kultura ng mga Asyano.

5.7 Nabibigyang kahulugan ang salitang dinastiya


5.8 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng dinastiya sa kaisipang Tsino sa
pagtatatag ng sinaunang kabihasnan at lipunang Tsino.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Dinastiyang Tsino
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 142 - 143
Mateo, et.al, Asa, pag – usbong ng Kabihasnan
Pahina 349 - 352
C. Kagamitan: Manila Paper, Laptop, DLP/LCD Monitor, Powerpoint, Marker,
Tape, Picture, Paper Strips

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
(Cuneiform, barya, Hanging Gardens, Bibliya, gulong, kodigo ni
Hammurabi, ziggurat)
a. Ano ang inyong masasabi sa mga larawan?

2. Pagganyak: Hexagram
a. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng diagram,
b. Suriin ang diagram,
c. Sagutin ang mga katanungan
1. Ano ang masasabi mo ukol dito?
2. Saang bansa sa Asya ang nagkaroon ng dinastiya?
3. Paano mo bibigyang kahulugan ang salitang dinastiya?

67
B. Paglinang ng Aralin Collaborative / 4A’s Activity
1. 4As
Panuto:
a. Hatiin sa apat (4) na grupo ang mag-aaral, dalawang (2) dinastiya ang
kanilang gagawan ng tsart.
b. Pamamaraan ng Presentasyon:

Dinastiya Lider
Dinastiyang Chou
Dinastiyang Ch’in

Dinastiyang Han

Dinastiyang Sui

Dinastiyang Han
Dinastiyang Tang

Dinastiyang Sung

Dinastiyang Ming

c. I-uugnay ng mga mag-aaral ang mga larawan pangalan ng lider ng


Dinastiya.

2. Mga Gabay na Tanong


a. Ano ano ang mga dinastiya na umusbong sa China?
b. Kailan ito umusbong at sino ang mga naging pinuno ng bawat dinastiya?
c. Ano ano ang mga mahahalagang ambag ng bawat dinastiya?
d. Paano nakaapekto ang mga kaisipang Tsino sa pagtatatag ng
sinaunang kabihasnan sa Tsina?

C. Paglalahat (Abstraction):
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Ang dinastiya na pamumuno ng isang angkan ang naging pundasyon ng
sinaunang pamamahala sa lipunang Tsino.

D. Paglalapat (Application)
Sa kasulukuyang panahon masasabi mo ba na mayroon pang umiiral na
dinastiya? Sang ayon ka ba sa isinusulong ng ibang politiko tungkol sa anti –
dynasty law?

68
IV. PAGTATAYA:
Bigyan ng kahulugan ang salitang dinastiya, kumpletuhin ang pangungusap.

Ang Dinastiya sa Tsina ______________________________


_______________________________________________________
_______________________________________________________.

V. KASUNDUAN:
1. Ano ano ang mga mahalagang naging ambag ng mga dinastiya sa Tsina?
2. Isa - isahin ang mga sumusunod na dinastiya Sui Sung,Yuan at Ming
3. Magdala ng mga larawan na may kaugnayan sa apat na dinastiya na
nabanggit.

Sanggunian:
Blando, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 142-144

69
I. LAYUNIN:
Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan, sining
at kultura ng mga Asyano.

5.20 Napaghahambing ang mga kontribusyon ng dinastiya ng Tsina sa


Sinaunang Kabihasnan
5.21 Nalalahad ang mga mahahalagang pangyayari noong panahon ng
Dinastiyang Tsino.
5.22 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kaisipang Tsino sa pagtatatag ng
sinaunang kabihasnan sa China.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Dinastiyang Tsino
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 142 - 143
Mateo, et.al, Asa, pag – usbong ng Kabihasnan
Pahina 349 - 352
C. Kagamitan: Manila Paper, Laptop, DLP/LCD Monitor, Powerpoint, Marker,
Tape, Picture, Paper Strips

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak: Picture TaKING and Selfie QUEEN
a. Pagpapakita ng mga larawan ng mga emperador at hari ng iba’t-ibang
bansa sa Asya.
b. Itatanong sa mga mag-aaral kung paano naluluklok sa trono ang mga
emperador o hari ng ilang bansa sa asya, anu-ano ang tungkulin at
kapangyarihan nila?

B. Paglinang ng Aralin: Constructivism (3 A’s Activity)


1. Triple A
a. Act:
Mga Panuto: Hatiin ng guto sa apat (4) na grupo ang mag-aaral at
mag karoon ng palabunutan na kung anong dinastiya ang kanilang
gagawan ng tsart. Gagabayan ng guro ang mag-aaral mula sa
Modyul. Paghahambing ng mga dinastiya sa China sa pamamagitan
ng tsart at oral reporting sa paghahambing ng mga dinastiya.
b. Analyze:
Gagawa ng buod at unawain ang paghahambing sa apat na dinastiya.
c. Apply:
Pag-uulat ng mag-aaral gamit ang tsart sa ibaba.

70
Dinastiya Lider Petsa Mga Nagawa
Dinastiyang Chou

Dinastiyang Ch’in

Dinastiyang Han

Dinastiyang T’ang

2. Mga Gabay na Tanong


a. Ano-ano ang nakita ninyo magkakatulad sa apat (4) na dinastiya?
b. Ano ang ibig sabihin na ang mga pinuno ay “atlas ng langit” Sa ganitong
paniniwala, anu-ano ang mga naging pagtingin ng mga mamayan sa
kanilang pinuno? Anu-ano naman ang nagiging pagtingin ng kanilang
pinuno sa kanilang nasasakupan?
c. Saang larangan namukod-tangi ang China noon pa mang una? Paano
nila ginawa ito?
d. Anu-ano ang naging implikasyon ng pag-unlad ng kabihasnan at
pagtatag ng mga imperyo?

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Gabayan ang mga mag-aaral na makabuo ng paglalahat.
May mga bansa sa Asya na naniniwala sa banal na pinagmulan ng kanilang
pinuno. Naging pundasyon ng pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan ang
mga kaisipang Asyano na umiinog sa rehiyon at uri ng pamumuno.

D. Paglalapat
Maglista ng dalawang lider ng organisasyon sa iyong paaralan. Ibigay ang
mga tungkulin nila at ang ginagampanan nilang gawain sa paaralan.

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Nalalahad ang ilang mahahalagang pangyayri noong panahon ng
Dinastiyang Tsino. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nagsimula ang unang kabihasnan ng China sa lambak ng _____.
a. Huang Ho b. Indus c. Nile d. Tigres
2. Ang sinaunang Tsino ay _____.
a. Mandirigma b. Negosyante c. Artisano d. Magsasaka
3. Ang Dinastiyang Chin ay tinatag ni _____.
a. Shih Huang Ti b. Lao Tzu c. Confucius d. Genghis Khan
4. Gumamamit ng kasangkapang Bronze at bato ang dinastiyang _____.
a. Shang b. Chou c. Han d. Sui
5. Pinakadakilang guro at pilosopong Tsino_____.
a. Hsun-Tzu b. Lao-Tzu c. Mencius d. Confucius

71
V. KASUNDUAN:
1. “Wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”, isa ito sa mga
aral ni Confucius na nabuhay sa dinastiyang Chou o Zhou sa palagay ko ay
(susundin ko o hindi ko susundin dahil)
2. Sino ang dakilang pinuno sa apat (4) na dinastiya tinalakay ang iyong
hinahangaan, Bakit?
3. Itala ang mahalagang kontibusyon ng Dinastiyang Sui, Sang, Yuan, at Ming

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 142-143

72
I. LAYUNIN:
Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan
hanggang sa ika-16 na siglo sa kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko,
kaayusang panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.

5.9 Napaghahambing ang mga kontribusyon ng dinastiya ng Tsina sa


Sinaunang Kabihasnan
5.10 Nalalahad ang mga mahahalagang pangyayari noong panahon ng
Dinastiyang Tsino.
5.11 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kaisipang Tsino sa pagtatatag
ng sinaunang kabihasnan sa China.
5.12 Napahahalagahan ang mga mahahalagang ambag ng mga dinastiya
na umusbong sa Tsina.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Dinastiyang Tsino
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 142 – 143
Mateo, et.al, Asa, pag – usbong ng Kabihasnan
Pahina 349 - 352
C. Kagamitan: Manila Paper, Laptop, DLP/LCD Monitor, Powerpoint, Marker,
Tape, Picture, Paper Strips

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral - Word Hunt
Great wall.Confucianism,Mandate of Heaven.Pax Sinica,
2. Pagganyak - Flow Chart:
a. Pag sunodsunurin ang mga dinastiya na umusbong sa Tsina

B. Paglinang ng Aralin: Inquiry Based/DCAP Activity


1. DCAP
Pamamaraan ng Presentasyon:
Sa paggabay ng guro, hatiin ang mga mag-aaral sa limang grupo at
babasahin nila at itatala ang mga pangyayari sa mga nabanggit na dinastiya
tungkol sa mga ambag o nagawa at ng naging (Dinastiyang Sui, Sung, Yuan,
at Ming) at bibigyan sila ng oras at sapat na panahon upang makapagsadula
bibigyan ng kaukulan puntos sa pamamagitan ng Rubrics.

Deliberate: Makikipag-usap ang mga pinuno ng bawat pangkat sa guro at


iwawasto ang kanilang naitalang impormasyon/pangyayari sa 4 na dinastiya
kung ito ay aplikado sa tatalakayin.

73
Concern: Pagkatapos ng usapan at pulong ay pagtitibayin at pipiliin ang mga
wastong idea nakuha.

Act: Pagsasadula ng bawat pangkat

Perceive: Pagpupuno ng mahalagang konsepto

Dinastiya Taon Pinuno Mahalagang


Nagawa
Dinastiyang Su
Dinastiyang Sung
Dinastiyang Yuan
Dinastiyang Ming

Nilalaman 10
Presentasyon 5
Malikhain 5
Kabuuang Marka 20

Pagsusuri ng mga larawan

2. Gabay na Tanong:
a. Ano ano ang mga mahahalagang pangyayari sa apat na dinastiya na
naisadula?
b. Paano ito nakaapekto sa kanilang pamumuhay?

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Sa kabuuan malaki ang naging epekto ng mga kaisipang Tsino sa pagtatatag
ng mga sinaunang Kabihasnan sa Tsina.

74
D. Palalapat
Sa iyong palagay may mga kaisipang asyano pa ba na umiiral pa rin sa
kasalukuyang panahon?
Paano mo pahahalagahan ang mga paniniwala at kaisipang Asyano na umiiral
pa sa kasalukuyan?
IV. PAGTATAYA:
Panuto: Nalalahad ang ilang mahahalagang pangyayri noong panahon ng
Dinastiyang Tsino. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay sadyang pagbali ng arko ng mga paa upang hindi ito lumaki ng
normal.tinatawag ang ganitong klase ng mga paa na________.
a. Lotus feet B. Chicken Feet C. Small Feet D. Happy Feet
2. Bakit tinawag na banyagang dinastiya ang Dinastiyang Yuan ?
a. dahil Daidu ang naging kapital ng Yuan
b. dahil nasa mataas na posisyon ang imperyo ng mga Mongol
c. dahil si Kublai Khan ang nagtatag nito
d. dahil malayang nakapasok ang mga dayuhansa Tsina.
3. Bakit naging isa sa apat na dakilang dinastiya ang Ming?
a. dahil nanumbalik sa mga Tsino ang pamamahala sa kanilang bansa
b. dahil yumaman na sila
c. dahil dumami ang mga malalakas na pinuno nila
d. dahil nagtagumpay sila sa lahat ng kanilang mga pananakop
4. Sa dinastiyang Sung naimbento ang____
a. gun powder b. Baril c. Bala d. Traktora
5. Itinatag ni Yang Jian ang Dinastiyang Sui at sa panahong ito naitayo
ang_____
a. Big Canal b. Grand Canyon c. Grand canal d.Grand Brigde

V. KASUNDUAN
1. Ano ano ang mga mahalagang naging ambag ng mga dinastiya sa Tsina?
2. Ano ano ang mga dinastiyang Umusbong sa bansang Hapon?
3. Magdala ng mga larawan na may kaugnayan sa bansang Hapon
4. Magsaliksik ng mahahalagang ambag ng dinastiya mula sa bansang Hapon.

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 144

75
I. LAYUNIN:
Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan
hanggang sa ika-16 na siglo sa kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko,
kaayusang panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.

5.13 Napaghahambing ang mga kontribusyon ng dinastiya ng Tsina sa


Sinaunang Kabihasnan
5.14 Naipapahayag ang kahulugan ng kaisipang Sinosentrismo,
Confucianismo, Taoismo ng Tsina
5.15 Nabibigyang halaga ang ambag sa sibilisasyong Tsino nina Marco
Polo, Kublai Khan at iba pa.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Dinastiyang Tsino
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 142 – 143
Mateo, et.al, Asa, pag – usbong ng Kabihasnan
Pahina 349 - 352
C. Kagamitan: Manila Paper, Laptop, DLP/LCD Monitor, Powerpoint, Marker,
Tape, Picture, Paper Strips

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak: Pinoy Henyo
Huhulaan ang mga sumusunod na mga salitang huhulaan na nakasulat sa
paper strip sa pamamagitan ng Pinoy Henyo.
a. Huang Ho
b. Great Wall,
c. Sentro
d. Dinastiya
e. Barbaro
f. Footbinding

B. Paglinang ng Aralin: Collaborative / TDAR Activity


1. TDAR
a. Think
Mga Panuto: Hahatiin sa talong (3) grupo ang mag-aaral na kung saan
magkakaroon ng story telling tungkol sa dinastiyang Sung, Yuan at Ming, ang
ikalawang grupo ay magkakaroon ng oral reporting tungkol sa story telling na
ginawa ng unang grupo na kung saan tatalakayin nila ang mga sumusunod
ano ang ibig sabihin na ang mga pinuno ay “atas ng langit” sa ganitong
paniniwala
b. Discuss

76
Sasagutin ang mga sumusunod na sitwasyon.
1. Anu-ano naman ang nagiging pagtinging ng mga pinuno sa kanilang
nasasakupan?

2. Anu-ano ang naging suliranin ng mga ng dinastiyang Sung, Yuan at


Ming?
3. Ano nag naging halaga ni Confucius at iba pang mga pilosopo sa mga
itinatag na pamahalaan?
4. Nakatulong ba sa Tsina ang mga kwento ni Marco Polo tungkol sa
rehiyong ito saan larangan bukod tangi ang Tsina, paano nila ginawa
ito?
5. Anu-ano ang mga implikasyon ang pag-unlad ng kabihasnan at
pagtatatag ng imperyo?
6. Ipaliwanag ang kahulugan ng Sinosentrismo. Sa anu-anong larangan
makikita ang mga impluwensiya ng mga ito?
7. Ang ikatlong grupo ay gagawa ng pagsasanayan na ukol sa tinalakay
ng una at ikalawang grupo.

c. Activity

Sa

pamamagitan ng larawan, tutuntunin ang paglaki ng Tsina mula sa pagiging


pamayanan tungo sa pagiging Imperyo. Ipakikita sa pamamagitan ng iba’t-
ibang kulay ang mga pook na sinakop ng mga dinastiya. Hanggang nasaan
ang teritoryo pinag-aagawan ng Tsina at bansang ASEAN. (maaring gumamit
ng ibang Mapa ng Asya)

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Ang paniniwala ng mga Tsino sa kanilang sarili na sila ay nakahihigit at
nakataas na lahi ay may kaugnayan sa pananaw nila sa kapwa Asyano nila.

77
D. Paglalapat
a. Wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo” isa ito sa
mga aral ni Confucius na nabuhay sa dinastiyang Chou o Zhou sa palagay
ko ay (susundin ko o hindi ko susundin dahil)
b. Mula sa mga aral ni Confucius ukol sa mabuting pag- uugali at
pamamahala.

IV. PAGTATAYA:
Bigyang halaga ang kilala at mga may nagawa sa Tsina. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Pinakadakilang guro at pilosopong Tsino si_____.
a. Hsun-Tzu b. Lao-Tzu c. Mencius d. Confucius
2. Itinayo ni Shih Huang-Ti ang _____ .
a. Dakilang Kanal b. Dakilang Pader c. Templo d. Monasteryo
3. Lider ng mga Mongol.
a. Marco Polo b. Kublai Khan c. Genghis Kahn d. Manchu
4. Manlalakbay na taga-Venice si______.
a. Columbus b. Marco Polo c. Kublai Khan d. Stewart
5. Ang mga Manchu ay mula sa ______.
a. Korea b. Macao c. Manchuria d. India

V. KASUNDUAN
1. Sang-ayon kaba kay Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan
makipagkaibigan sa mga Tsino para lalo magkaroon ng kapayapaan sa West
Phil. Sea?
2. Anu-ano ang mga dinastiya sa Japan?
3. Magsaliksik tungkol sa banal na pinagmulan ng Emperador ng Japan at
kanilang nagawa?

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 144-145

78
I. LAYUNIN:
Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan
hanggang sa ika-16 na siglo sa kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko,
kaayusang panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.

5.16 Nakapag-uulat tungkol sa Dinastiyang Hapon may kaugnayan sa


pulitika, sining, panitikan, relihiyon, at antas ng lipunan.
5.17 Natutukoy ang mga ambag ng mga Hapon sa kasalukuyang panahon.
5.18 Naipapahayag ang paghanga sa mga katangian at ambag ng
dinastiyang Hapon.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Dinastiya sa Japan
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 144
Mateo, et.al, Asa, pag – usbong ng Kabihasnan
Pahina 349 - 352
C. Kagamitan: Mga larawan, Chart, Manila Paper, Pentel, Tape, Mapa ng
Asya

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak: Mapa Hanap
a. Ipaturo sa Mapa ang mga sumusunod na bansa na nabibilang sa
Silangang Asya (China, Japan, Korea)
b. Itanong: Ano ang kaugnayan ng mga bansang ito sa isat-isa?

B. Paglinang ng Aralin: Integrative / 4A’s


1. Pangkatang Gawain:
a. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang (5) pangkat at ang nasa ibaba ay
ang mga paksang kanilang susuriin at iuulat. Ipasulat sa Manila paper ang
mga datos na kanilang nasaliksik.
Pangkat I: Larangang Pampolitika
Pangkat II: Sining at Panitikan
Pangkat III: Relihiyon
Pangkat IV: Antas ng Lipunan

2. Mga Gabay na tanong:


a. Ano ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng Hapones?
b. Ano ang mahalagang ambag nila sa pamumuhay at lipunanang
Hapones?
c. Paano naka impluwensya ang kulturang Hapones sa paghubog ng
pamumuhay ng mga Silangang Asyano?

79
C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Nakapag-ambag ang dinastiyang Hapones sa kasalukuyang panahon nang
Haiku, Tale of Genji, pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan at
pagpapahalaga sa karangalan,katapatan at katapangan.

D. Paglalapat:
Ano ang katangian ng mga Hapones ang para sa iyo ang dapat hangaan
nating mga Pilipino? Bakit?

IV. PAGTATAYA:
Tukuyin kung anong ambag ng mga Hapon ang nasa mga pahayag.
1. Ito ang pinakaunang permanenteng lungsod sa Japan noong 710 C.E.?
(Nara)
2. Sila ang namamahala sa ngalan ng emperador?(Regent)
3. Ano ang tawag sa Alituntunin ng karangalan at mahalagang tradisyon ng
katapatan,at katapangan?(Bushido)
4. Ito ay nangangahulugang marangal na pagpapakamatay o pagpapatiwakal?
(Seppuku o harakiri)
5. Ito ang dakilang nobela na isinulat ni Lady Murasaki Shikibu. (Tale of Genji )

V. KASUNDUAN:
1. Ano ano ang mga naging ambag ng dinastiya ng Hapon sa ibat- ibang
larangan?
2. Ano ang mga umusbong na dinastiya sa Korea?
3. Magdala ng mga larawan na may kaugnayan sa bansang Korea.

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 143-144

80
I. LAYUNIN:
Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan
hanggang sa ika-16 na siglo sa kaisipang pulitikal, sistemang ekonomiko,
kaayusang panlipunan, pagbabagong teknolohiya sa Asya.

5.19 Napaghahambing ang mga dinastiya sa Korea.


5.20 Napahahalagahan ang mga pamanang iniwan ng mga
dinastiya ng Korea sa pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mga Dinastiya sa Korea
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 143 - 144
Mateo, et.al, Asa, pag – usbong ng Kabihasnan
Pahina 179 – 182
https://youtu.be/JyvzIm9Xb2A
C. Kagamitan: Mga larawan, Manila Paper, Pentel, Chart, DLP

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik – Aral: Salamin ng Larawan
a. Ano ang sinasalamin ng larawan sa kalagayan ng mga kababaihan sa
lipunan sa panahon ng mga dinastiya sa China?

2. Pagganyak: Video Clips


Panoorin ang video clips tungkol kay QUEEN SEONDOK

81
B. Paglinang ng Aralin: Integrative Approach / 4A’s
1. Tayo’y Mag - KD (Korean Dynasties)
a. Activity: Paghambingin ang mga katangian at teritoryong sakop ng
tatlong kaharian sa Korea.

GOGURYO

BAEKJE SILLA

Ano ang pagkakatulad ng tatlong kaharian?

2. Mga gabay na tanong:


a. Gaano kahalaga si Dangun sa Korea?
b. Bakit may tinutukoy na tatlong kaharian sa Korea?
c. Ano ang pagkakatulad ng tatlong kaharian sa isa’t - isa?

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Ang tatlong kaharian sa Korea ay nagtataglay ng mayamang kultura kahit na
magkakahiwalay ang mga ito, magkakaugnay naman sila sa wika at pangkat-
etniko.

D. Paglalapat:

82
Sa iyong palagay, ano ang pagkakatulad ng tatlong kaharian ng Korea sa
ating pamayanan sa Rizal?

IV. PAGTATAYA:
Pahalagahan ang mga pamana ng Dinastiyang Korea; Kumpletuhin ang
pangungusap sa ibaba.

Pamana sa atin ng Dinastiyang Korea ang ________________________.

V. KASUNDUAN
1. Masasabi mo bang magagaling ang mga naging hari ng Korea? Kung oo, sa
anong paraan?
2. Ilista ang mga imperyo sa Kanlurang Asya.
3. Anu – ano ang mahahalagang pangyayari noong imperyong Sumerian,
Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean?

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya, Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 136 - 141

83
I. LAYUNIN:
Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya.

6.1 Naiisa-isa ang mga ambag at kontribusyon sa sinaunang panahon


ng Kanlurang Asya.
6.2 Nabibigyang halaga ang mga ambag at kontribusyon ng Sinaunang
kabihasnan sa Asya

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa
Kanlurang Asya
(Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 137 - 141
Mateo, et.al, Asa, pag – usbong ng Kabihasnan
Pahina 156 – 161
http://tinyurl.com/kzpusbb
http://tinyurl.com/lahyaaa
C. Kagamitan: Mga larawan, Laptop, Manila Paper, Pentel, Chart, DLP

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik - Aral
a. Ano-ano ang ambag ng Tatlong kaharian sa Korea?
b. Magbigay ng dakilang lider sa kaharian Korea na iyong hinahangaan?
Bakit?

2. Pagganyak: Crossword Puzzle


a. Hanapin sa mga kahon ang mga sumusunod na salita.
Sumerian, Babylonian,Akkadian. Assyrian, Chaldean
F C A S R T H U M S M L C P U
B D H K A N J S D U X H H E S
C A W Q K B W D G M V M A Q F
U T B B J A R F R E U L L S T
D B M Y O V D V T R T R D D K
L K H F L A G I S I R T E G J
B T Y I K O K L A A L Y A P A
F I A Y J Y N Y K N K D N O S
M U F T M D S I L S J D W I E
S J H S F W L K A H G F S M F

84
L K A S S Y R I A N A H G N B

B. Paglinang ng Aralin: Collaborative Approach, TDAR


1. TDAR
a. Think: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat at sundin ang
hinihinging gawain sa task cards upang lubos na maunawaan ang
mahahalagang pangyayari mula sa paksang sinaunang pamumuhay.
Maging mapanuri sa babasahin at magtala ng mahahalagang datos
sa pangyayari.

TASK CARD 1 Mahahalagang ambag ng mga Sumerian Group/Panel Discussion


TASK CARD 2 Mahahalagang ambag ng mga Akkadian Panel/Group Discussion
TASK CARD 3 Mahahalagang ambag ng mga Babylonian Panel/Group
Discussion
TASK CARD 4 Mahahalagang ambag ng mga Assyrian Panel/Group
Discussion
TASK CARD 5 - Mahahalagang ambag ng mga Chaldean (Panel Discussion)

b. Discuss: pagsasagawa ng Panel Discussion bawat pangkat.

c. Act: Pag-uulat ng bawat pangkat

2. Mga Gabay Tanong:


a. Sa larangan ng pamumuno, pulitika at pamahalaan, aling imperyo ang
higit
na nangibabaw ang kontribusyon? Ipaliwanag.
b. Bilang mag-aaral, alin sa mga naimbento ng mga dinastiya at imperyo
ang
higit mong pinakikinabangan hanggang sa kasalukuyan?

C. Paglalahat
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Ano-ano ang ambag ng Kanlurang Asya na Malaki impluwensya sa atin
ngayon. Sa pamamagitan nila, maraming mga kagamitan ang naimbento at
nagamit ng mga sinaunang tao katulad ng gulong, bibliya at mahabang
kalsada na nagdudugtong sa mga lungsod.

D. Paglalapat
Bilang mag-aaral, masasabi mo bang malaki ang naging epekto ng mga
naimbento ng sinaunang panahon sa sa pamumuhay ng mga Asyano?

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Isa-isahin ang mga ambag / kontribusyon ng Kanluran Asya. Isulat ang
tamang sagot na hinihingi sa bawat bilang.
1. Ito ang unang sistema ng pagsulat ng mga Summerian.

85
2. Ang pagmimina ng iron-core ang knilang pinakamahalagang imbensyon.
3. Ito ang tawag sa pagsamba sa iisang Diyos.
4. Ito ang naging pundasyon ng pananampalatay ng Judaismo.
5. Sila ang nagpagawa ng mahahabang kalsada na nagdudugtong sa mga
lungsod ng Persia.

V. KASUNDUAN:
1.Magsaliksik ng mga larawan ng mga kagamitang naimbento ng mga dinastiya at
imperyo.
2. Magsaliksik ng mahahalagang pangyayari sa Silangan at Hilagang Asya.

86
I. LAYUNIN:
Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya.

6.3 Nasusuri ang mahahalagang ambag o kontribusyon ng imperyong Lydian,


Phoenician, Hebreo, Hittite at Persian sa sinaunang pamumuhay ng mga
Asyano sa Kanlurang Asya.
6.4 Nabibigyang halaga ang mga ambag at kontribusyon ng imperyong
Lydian, Phoenician, Hebreo, Hittite at Persian sa sinaunang pamumuhay
ng mga Asyano sa Kanlurang Asya

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa
Kanlurang Asya
(Lydian, Phoenician, Hebreo, Hittite at Persian
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 137 - 141
Mateo, et.al, Asa, pag – usbong ng Kabihasnan
Pahina 156 – 161
http://tinyurl.com/kzpusbb
http://tinyurl.com/lahyaaa
C. Kagamitan: Mga larawan, Laptop, Manila Paper, Pentel, Chart, DLP

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-Aral: Kila - larawan
a. Kilalanin ang mga larawan sa ibaba. Anong imperyo ang nag-ambag ng
mga ito?

2. Pagganyak: Name That Word

87
a. Tatawag ang guro ng limang pares ng mag-aaral at bibigyan ang bawat
pares ng salita na papahulaan. Isa sa dalawang mag-aaral at huhula ng
salita.
b. Mga salitang papahulaan:
1. BARYA 2. BARKO 3. ESPADA 4. BIBLIYA 5. PALASYO

B. Paglinang ng Aralin: Collaborative Approach / AFA


1. Data Retrieval Chart
a. Assign and Design. Suriin ng pangkat ang teksto ng mahahalagang
ambag ng mga imperyong Lydian, Phoenician, Hebreo, Hittite at
Persian. Pagkatapos ay sagutan ang tsart.
DATA RETRIEVAL CHART
MAHAHALAGANG AMBAG/KONTRIBUSYON
IMPERYO EDUKASYON PAMAHALAAN SINING/KULTURA EKONOMIYA
LYDIAN
PHOENICIAN
HEBREO
HITTITE
PERSIAN
b. Facilitate: I-uulat ito ng Lider at Pangalawang Lider (Assistant) sa
pangkat.
c. Assess: Pipili ng limang mag-aaral na bumasa din ng mahahalagang
ambag ng Kanlurang Asya ; Sila ang magpapatunay kung wasto ang ulat

2. Mga Gabay Tanong:


a. Aling imperyo ang may pinakamahalagang ambag sa sangkatauhan at
bakit?
b. Paano nakaimpluwensiya ang kaisipang Asyano, relihiyon at pilosopiya
ng Kanlurang Asya sa paghubog ng kasalukuyang sibilisasyon sa
Asya?

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Sa kabuuan, ang imperyo na naitatag ng sinaunang panahon ay may malaking
impluwensiya sa kabihasnan ng mga Asyano. Sa pamamagitan nila, maraming
mga kagamitan ang naimbento at nagamit ng mga sinaunang tao.

D. Paglalapat
Bilang mag-aaral, ano sa mga naiambag ng mga imperyo ang higit mong
pinakikinabangan hanggang sa kasalukuyan? Paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga mo rito?

88
IV. PAGTATAYA:
Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa ibaba tungkol sa ambag ng Kanlurang
Asya. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung
di-wasto.
1. Ang cuneiform ang unang nabuong sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.
2. Lumakas ang pwersa at estratehiya ng mga Assyrian dahil sa paggamit ng
dahas at bakal.
3. Ang polytheism ay pagsamba sa iisang Diyos.
4. Ang Hanging Gardens of Babylon ay isa sa kahanga-hangang tanawin
noong sinaunang panahon na ipinatayo ni Nebuchadnezzar para sa kanyang
asawa.
5. Ang Kodigo ni Hammurabi ay binubuo ng 282 batas na nagsisilbing
pamantayan ng kabihasnang Babylonian.

V. KASUNDUAN:
1. Ano ang kahalagahan ng mga ambag ng mga imperyo sa pamumuhay sa
Kanlurang Asya?
2. Magsaliksik ng impormasyon ukol sa mahahalagang lider ng sinaunang
Kanlurang Asya.
3. Maghanap ng mga larawan ng mga ambag ng mga dinastiya / kahariaan sa
Timog-Silangang, Kanluran, at Silangang Asya sa sinaunang pamumuhay ng
mga Asyano.

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba

89
I. LAYUNIN:
Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya.

6.5 Nakasusulat ng maikling Kasabihan mula sa mga konsepto ng pilosopiya


at relihiyon sa Asya at kontribusyon nito sa sinaunang lipunan at
komunidad ng Asyano.
6.6 Naipagmamadali ang kontribusyon ng relihiyon at pilosopiya sa lipunang
Asyano
II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Ambag ng Timog Silangan, Silangan, Timog at Kanlurang
Asya
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 155 - 163
C. Kagamitan: Colored pencil, Cartolina, Pentel pen

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak: Review Circles
a. Kilalanin ang mga sumusunod na pilosopiya at relihiyon Asyano.

90
B. Paglinang ng Aralin: Reflective / TTRA
1. TTRA
a. Isang pangkat ang paksa ay pilosopiya at tatlo (3) din sa Relihiyon.
Pagkatapos ay itatala nila ang mahahalagang aral sa pilosopiya o
relihiyon.
b. Isulat o igagawa ito ng bawat mag-aaral ng KASABIHAN / proverds
pagkatapos na mag-ulat / magsalita ang guro tungkol sa paksa ng
pangkat
c. Maaring ipapabasa ng bawat mag-aaral ang ginawa nila sa kanilang
lider o pangalawang lider (Assistant)
d. Magtatanong ang lider, pangalawang lider (Assistant) at guro sa
pangkatang pag-uulat within the group presentation. Pipili ang guro ng
mag-aaral sa bawat pangkat upang magbasa.

2. Gabay na Tanong
a. May epekto ba ng kontribusyon pilosopiya at relihiyon sa lipunang
Asyano. Ano-ano ito?

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Maipagmamalaki natin ang pagiging maka-diyos ng mga Asyano at epekto
nitong kaayusan sa lipunan ng Asya.

D. Paglalapat:
Ano-ano ang pinakapupulutan mong aral mula sa gawa ng inyong pangkat.
Bakit?
IV. PAGTATAYA
Ipagmalaki ang pilosopiya at relihiyong Asyano kumpletuhin ang pangungusap.
Mula sa Asya ang pilosopiyang ________________________
nakabuti sa lipunan Asyano.
Mula sa Asya ang relihiyong _______________ na nakabuti sa lipunan
Asyano.
V. KASUNDUAN
1. Magdala ng Illustration board.
2. Maghanda at maghanap ng larawan mula sa ambag ng Kanluran, Silangan,
Timog-Silangan Asya.

91
Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p.136-144

I. LAYUNIN:
Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya.

6.7 Nakabubuo ng isang “BIG BOOK” ang bawat pangkat mula sa mga
larawan ng ambag ng Timog Silangan, Silangan, Timog, Kanluran Asya
sa lipunan Asyano
6.8 Naipapahayag ang paghanga sa ambag ng Asyano sa pagbabago at pag-
unlad ng lipunan sa Asya.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Big Book
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Pahina 136 – 138, 143 – 148, 152 - 153
C. Kagamitan: Colored pencil, Cartolina, Pentel pen

III. PAMAMARAAN
B. Panimulang Gawain
1. Pagganyak:
Magbigay ng mahahalagang ambag ng rehiyon sa Asya sa ibaba.

Kanluran Silangan Timog Timog Silangan

Asya
C. Paglinang ng Aralin Integrative Approach / 4A’s Activity
1. Big Book
a. Pangkatang Gawain: Mula sa pinili nang bawat pangkat ng rehiyon sa
Asya, titipunin nila ang mga larawan ginupit, ginuhit po na-print mula
sa internet.
b. Pangungunahan ng lider ang paghahati ng gawain iba ay bubuo ng
Big Book mula sa Illustration Board at ang iba ay aayusin ang mga
larawan.
c. Ang pangalawang lider (Assistant) ang iisip ng magat.
Hal. “Asya Ambag sa Kabihasnan at Lipunan ng Daigdig”

92
2. Gabay na Tanong
a. May epekto baa ng kontribusyon pilosopiya at relihiyon sa lipunang
Asyano. Ano-ano ito?

D. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)
Naging kapaki-pakinabang sa pamumuhay natin ang mga ambag sa
lipunan ng mga Asyano

E. Paglalapat:
Sa bayan mo dito sa Rizal, ano ang maipagmamalaki ninyo sa iba na
orihinal sa inyong bayan? Pakilarawan

IV. PAGTATAYA
Ipahayag ang paghanga sa ambag ng mga Asyano.

Ang mga Asyano ay kahanga-hanga dahil mula sa kanila ang


_________________, __________________, at ________________.
V. KASUNDUAN
1. Maghanap ng mapagmamalaking bagay mula sa Pilipinas, lalawigan o bayan
mo. Maaari itong gupitin.
2. Magdala ng oslo paper at board paper

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 153

93
I. LAYUNIN:
Napahahalagahan ang mga kontirbusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya.

6.9 Nakakapagsulat ng maikling tala kasaysayan sa sinaunang kabihasnan


sa Pilipinas, sariling lalawigan o baying kinabibilangan
6.10 Napahahalagahan ang mga naging ambag ng sinaunang kabihasnan
sa sangkatauhan.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit II – Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa
ika – 16 na Siglo
Aralin 2 – Pag – unlad ng Kabihasnang Asyano
Pagsulat ng
B. Sanggunian: Blando, et.al, Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
C. Kagamitan: Colored pencil, Cartolina, Pentel pen.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak:
a. Pagbabalik aral sa nakalipas na aralin tungkol sa mga kabihasnang
Asyano
b. Itanong:
1. Anu-ano ang mga kabihasnang umusbong sa Asya?
2. Paano ito nalinang ng mga sinaunang tao?
3. Anu-ano ang mga mahahalagang ambag nito sa
sangkatauhan?

B. Paglinang ng Aralin Reflective / TTRA


1. Story Book:
a. Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang tala kasaysayan sa sinaunang
kabihasnan sa lalawigan ng Rizal sa pamamagitan ng story board.
b. Maaring magbigay ng ilang impormasyon ang guro mula sa nakasaliksik
sa
ibang aklat o sanggunian.
c. Pagbasa ng napiling mag-aaral ng kanyang naisulat maikling tala ng
kasaysayan.

C. Paglalahat:
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro bataya sa ginawang
talakayan. Ang nasa baba ay mga inaasahang sagot)

94
Mayaman sa kultura at kasaysayan ang bansang Pilipinas na
maipagmamalaki natin.

D. Paglalapat:
Bilang isang Pilipino isa ano-anong pagkakataon mo maipagmamalaki ang
iyong bansa o lalawigan maging tahanan.

IV. PAGTATAYA
Tatayain ang Story Book ayon sa rubrics.

V. KASUNDUAN:
1. Pagbalik – aralan ang mga paksa sa Ikalawang Yunit para sa Lagumang
Pagsusulit
2. Sagutin: “Paano ito nalinang ng mga tao upang mapaunlad ang kanilang
sinaunang kabihasnan?”
3. Ibigay ang kahulugan at pagkakaiba ng kolonyalismo at Imperyalismo.
4. Ano-anong pangyayari sa ibaba na may kaugnayan sa kasaysayan ng Asya.
Ipaliwanag.
a. Krusada
b. Paglalakbay ni Marco Polo
c. Renaissance
d. Kaisipang Merkantilismo
e. Pagbagsak ng Lungsod ng Constant People

Sanggunian:
Blando, et.al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p. 196 - 198

95
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-
unlad ng mga tao?
a. Pinakinis na bato ang ginamit noong Panahon ng Neolitiko.
b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahon ng Paleolitiko.
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbungsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
d. Dumami ang mga maaring gawin ng mga tao ng gumamit na sila ng metal.

2. Tinatawag na rebolusyon ang huling bahagi ng Panahong-Neolitiko dahil sa


pagkakaimbento nito?
a. Apoy b.Busog at pana c. Hasaan d.Pagtatanim

3. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na


pinagsimulang ng mga sinaunang tao Noong Panahong Neolitiko?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan .
b. Walang pagbabago sa sitema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat
pagkain.
c. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na
mapaamo ang mga hayop.
d. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain
ng
mga tao sa kasalukuyan.

4. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.

96
Batay sa mapa, ano ang pagkaktulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad
sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China?
a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
b. Naninirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
c. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
d. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

5. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na


dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia.

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng


Eupharates T Tigris.
x. Sinakalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyan ikinabagsak
nito.
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at
pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon.

a. W at Z b. X at Y c. Y at Z d. Z at W

6. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan


pa rin sa kasalakuyan?
a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
c. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
d. Natutugunan nito ang pangangailangan ng tao.

7. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga


sinaunang tao?
a. Mas maunlad ang kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa
kasalukuyang panahon.
b. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t
kaunti
ang kanilang mga ambag.
c. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng mga tao sa kasalukuyan ang mga
pamanang ito.
d. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng
mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

8. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa


Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lunsod-
estado?

97
a. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop
ang mga teritoryo nito.
b. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay .
c. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
d. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lunsod.

9. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para


sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?
a. Alexandria b. Hanging Gardens c. Pyramid d. Ziggurat

10. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng
mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
a. Limitado ang mga naiwang pamana ng mga OLmec dahil sa pagnakaw ng
mga
kayamanan at pagkasira ng estraktura nito.
b. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng
mga sinaunang Tsino.
c. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging
asignatura
sa mga paaralan sa kasalukuyan.
d. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

11. Ano ang alitutunin ng karangalan kung saan mahalaga ito sa tradisyon ito ay
mahalaga ang katapatan, karangalan, at katapanagan.
a. Bushido b. Yangmin c. Kisaeng d. Chung-in

12. Sinasamba ng mga Shinto ang mga namatay nilang kamag-anak at ninuno. Sa
mga sumusunod na pahayag saang paniniwala ng mga Shinto mo ito
maiiuugnay?
a. Pagtatanggal ng masamang espiritu sa katawan.
b. Kapag ikaw ay namatay, ikaw ay ay magiging isang kami.
c. Masamang kami na piñata at ngayon ay naghahanap ng paghihiganti.
d. Mga batang hindi ipinanganak at nagiging sanhi ng problema.

13. Ano ang kaugnay ng tradisyong ito kung saan nangangahulugang marangal ng
pagpapatiwakal.
a. Heian B. Kyushu c. Sepukku o hara-kiri d. Fuliwara

14. Paano napapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t-ibang


relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang panininwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
b. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
c. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
d. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.

15. Natuklasan ng mga Hittie ang bakal dahil sa paghahanap ng matigas na metal
upang gamiting material sa mga bagay na ito.
a. Armas b. Araro c. Kagamitan d.
Kasangkapan

16. Tawag sa mga paniniwala ng mga Muslim sa iisang diyos tulad ng mgag
Kristiyano.
a. Monotheism b. Polytheism c. Shintoism d. Panteismo

98
17. Ipinagawa ang proyektong ito bilang pananggalang sa mga barbarong
mananalakay sa China.
a. Great Wall b. Berlin Wall c. Bamboo Curtain d. Iron Curtain

18. Alin ang hindi Kabilang sa pangkat?


a. Egpyt-Nile c. China-Yangtze-Hwang Ho
b. India-Indus-Ganges d. Aztec-Andes

19. Ang kodigo ni Manu ay nagtatakda din ng batas para sa kababaihan, Ano ang
hindi tama sa mga batas tungkol sa mga kababaihan?
a. Ipinagkaloob ang dote sa pamilya ng babae at hindi sa kanya
b. Ang ritwal na may kaugnayan sa kababaihan ay hindi kinikilala
c. Ang agwat ng edad ng mag-asawa ay sapat lamang ang tanda sa lalake sa
kanyang asawang babae
d. Hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal

20. Sa mga sinaunang hari ng Babyloni, kilala si Hammurabi dahil dito.


a. Kodigo ng Batas c. Kodigo ni Kalantiaw
b. Sampung Utos d. Aklat ng mga Patay

Pangwakas na Pananalita
Binabati kita! sa matagumpay mong pagsasagawa ng mga banghay – aralin
maging ang pagkakaroon mo nang malikhaing paraan ng paglalahad ng aralin na
hindi nakabatay sa akdang ito. Nawa ay napabuti nito ang kahusayan at nadagdagan
ang mga istratehiya mong nagamit at magagamit pa sa pagtuturo ng Araling
Panlipunan na makikita sa mataas na antas ng kabatiran at performance ng mga
mag – aaral at ng paaralan.

Mga Rubrics

Rubriks para sa pangkatang Gawain


Nilalaman 8
Presentasyon 6
Pagkamalikhain 6
KABUUAN 20

Rubriks para sa Pangkatang Gawain

Mga Kraytirya Natatangi Mahusay Medyo Hindi


5 4 mahusay mahusay
3 2
Kalidad ng mga
impormasyon o
ebidesya
Estilo at
pamamaraan ng
presentasyon

99
Disenyong
teknikal,
pagpapatupad at
pagganap sa
presentasyon
KABUUANG
MARKA

Rubrics sa Dula - dulaan


Nilalaman 10
Organisasyon 5
Presentasyon 5
Kabuuang Marka 20

RUBRIC PARA SA PANGKATANG GAWAIN


5 puntos –
naiuulat ng maayos at kumpleto ang lahat ng impormasyon na hinihingi ng task
card
3 puntos –
naiuulat ng maayos ang hinihingi ng task card ngunit may kulang na
impormasyon
3 puntos –
naiuulat ang impormasyon na hinihingi ng task card subalit magulo ang
pamamaraan ng pg-uulat
2 puntos – kulang ang impormasyon at hindi maayos ang pag-uulat
1 puntos - hndi nakapag-ulat

Rubriks sa Pagmamarka ng proverb


Nilalaman 10
Istilo sa pagsulat 3
Kaugnayan sa paksa 7

Rubriks sa Ginawang Big Book


Disenyo 5
Nilalamang mga 10
larawan
Pamagat 5

Rubrics sa Pagtataya ng Talata / Sulatin


Mga krayterya 3 puntos 5 puntos 8 puntos 10 puntos
Pamamahala ng Hindi handa Naisumite Ginamit ang Ginamit ang
Oras at hindi tapos dahal oras na sapat na oras

100
binantayan ng itinakda sa at may
guro paggawa at ebidensiya na
naibigay sa ginagawa ito
tamang oras sa labas ng
klase at
sariling
disenyo ang
plano sa
pagsulat

101

You might also like