You are on page 1of 4

2nd quarter MTB 3 Reviewer

Basahin ang sumusunod. Piliin ang tamang hinuha batay sa sitwasyon.


1. Unang araw ng pasukan. Masayang inihanda ni Anita ang kaniyang bag. Siya ay ___________.
A. mag-aaral B. mamamalengke C. mamamasyal D.magsisimba
2. Madilim ang kalangitan. Makakapal din ang mga ulap. Dala ni Joy ang kanyang payong. Ang ibig sabihin nito
ay __________.
A. sisikat ang araw C. hahangin ng malakas
B. uulan ng malakas D.liliwanag ang ulap
3. Alin sa mga salita ang may wastong baybay ng ?
A. torampo B. trumpo C. trompu D. trompo

4. Ang mga paraan upang maiwasan ang dengue ay mahigpit na sinusubaybayan ng Kagawaran ng Kalusugan.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. tinatanaw B. tinitingnan C. tinutukoy D. tinatawanan
5. Anong magalang na pananalita ang gagamitin mo sa pakikipag-usap sa telepono?
A. Hello, sino ito?
B. Hello, bakit ka tumawag?
C. Hello, anong kailangan mo?
D. Hello, magandang araw po. Sino po ang kailangan nila?
6. Ang guro ay nagbibigay ng gantimpala sa pinakamabilis bumasang mag-aaral sa ikalawang baitang. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. alay B. tulong C. premyo D. donasyon
7. Kumaripas nang takbo ang mga bata nang marinig nila ang kahol ng aso. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
nakakahon?
A. mabagal B. mabilis C. paunti-unti D. dahan-dahan
20. Aling pares ng salita ang magkatugma?
O berde-mahina O kulay-taglay O sigla-kutis
21. May mga salitang naglalarawan sa kalabaw maliban sa isa, ano ito?
O malakas O maitim O bilog
22. Nagpahuli ng tatlong manok ang nanay upang ihanda sa tanghalian. Alin ang salitang naglalarawan?
O nagpahuli O tanghalian O tatlo
23. Maraming huling isda ang mangingisda. Ang salitang may salungguhit ay naglalarawan ng ?
O kulay O bilang O hugis
24. Umakyat sa puno ng bayabas si Lito. Maya-maya ay may lumagabog. Ano kaya ang nangyari?
O Nahulog ang bunga ng puno.
O Nahulog sa puno si Lito.
o Nabali ang puno ng bayabas.
25. Lahat ay masaya. May mga banderitas sa kalsada at mmay mga tugtog ng banda.
O binyag O kaarawan O pista
26. Dadalhin ni nanay si Mina sa dentista.
O Masakit ang kanyang ngipin.
O Masakit ang kanyang tiyan.
O Masakit ang kanyang ulo.
27. Alin sa mga salita ang may kambal-katinig o klaster?
O bahay O baso O plato
28. Hinilot ni Mang Rico ang braso ni Mario. Alin ang salitang may kambal-katinig?
O braso O ulo O balikat
PAGBASA
Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.
Magpipiknik sa Luntiang Paraiso Resort ang mga kabataan sa kanilang pook.
Hindi pinayagan si Renato ng kanyang nanay kaya umiyak siya. Nagtampo siya kaya
hindi siya kumain. Kinahapunan, nagkagulo sa kanilang pook. Nagkaroon ng aksidente
sa dinaanan ng jeepney na sinakyan ng mga nagpiknik. Mabuti na lamang at walang
nasaktan.

____17. Ano ang simula ng kuwento?


A. Mabuti na lamang at walang nasaktan.
B. Hindi pinayagan si Renato ng kanyang nanay.
C. Nagtampo siya kaya hindi siya kumain.
D. Magpipiknik sa Luntiang Paraiso Resort ang mga kabataan.
____18. Ano ang naging wakas ng kuwento?
A. Nagpasalamat siya. C. Nagtampo siya.
B. Napaiyak siya. D. Nagalit siya.
____19. Saan nagpiknik ang mga kabataan?
A. sa batis B. sa dagat C. sa talon D. sa resort
____20. Kung sumama si Renato, ano kaya ang mangyayari sa kaniya?
A. Siya ay maaaksidente. C. Siya ay magtatampo.
B. Siya ay matutuwa. D. Siya ay maliligaw.

Nag-iisip ang mga magulang nina Joy at Charles ng paraan upang maging malusog
ang dalawang anak. Nagplano sila kung paano makakapag- ehersisyo ang mga anak.
Niregaluhan si Joy ng panluksong lubid at bisikleta naman ang kay Charles.

____21. Ano ang posibleng mangyari sa magkapatid?


A. gaganda sila B. lulusog sila C. papayat sila D. lahat ay tama
____22. Ano ang unang hakbang na ginawa ng mga magulang nina Joy at Charles upang sila ay
maging malusog?
A. Naglista ng paraan kung paano sila gaganda.
B. Nag-isip ng paraan kung paano sila lulusog.
C. Nanghula ng paraan kung paano sila papayat.
D. Nagtanong ng paraan kung paano sila tatalino.
____23. Ano ang ikalawang hakbang na ginawa nila?
A. Hinikayat silang mag-aral mabuti.
B. Hinikayat silang mag-ehersisyo.
C. Hinikayat silang sumali sa paligsahan.
D. Hinikayat silang sumayaw.
Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.
Si Tagpi ay isang matakaw na aso. Pinakikialaman niya ang lahat ng pagkain na
kaniyang nakikita. Isang umaga, nakaramdam siya ng gutom. Pumunta siya sa
( 24)_____________Nakakita siya ng isang tumpok ng karne sa ibabaw ng mesa. Dali-
dali niya itong ( 25)_______________. Hinabol siya ng galit na galit na tindero.

itinakbo paaralan palengke


IV. Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay kilala sa tawag na Tita Cory. Siya ay asawa ng
dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Siya ay isang babaeng uliran. Nakilala siya dahil sa
naganap na EDSA Revolution noong 1986 laban sa pamamahala ng dating diktador na si Ferdinand
E. Marcos. Ang kanyang naisagawa ay nagpakita na siya ay may sapat na kakayahan at karapatan na
dapat igalang. Siya ay kinilalang “Ina ng Kalayaan” sa bansa. Siya ang ina ng ating kasalukuyang
pangulo na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino
16. Ang asawa ng dating Pangulong Corazon C. Aquino ay si ________.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
17. Si Tita Cory ay ina ng ating kasalukuyang Pangulo ng bansa na si_______.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
18. Nakilala si Tita Cory nang maganap ang Edsa Revolution noong __________.
A. 1968 B. 1986 C. 1896
19. Kinilalang diktador si ____ dahil sa kaniyang pamamahala.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
20. Si _______________ ay kinilalang ina ng kalayaan.
A. Tita Cory B. Tito Cory C. Tita Kure
21. Ano ang paksa ng binasang talata?
A. Ang ina ng ating Pangulo
B. Corazon C. Aquino, ulirang babae
C. Ang Edsa Revolution
22. Alin sa sumusunod na salita mula sa talata ang ginamit bilang pangngalan?
A. paggawa B. kinilala C. diktador
23. Alin sa sumusunod na salita ang maaaring mabuo mula sa salitang kalayaan?
A. akala B. bayaan C. laya
24. “Ang pagmamahal ng ina ay walang katulad.” Alin sa pangungusap ang pangngalan?
A. ina B. katulad C. pagmamahal
25. Alin ang wastong daglat ng salitang Pangulo?
A. Pangu B. Pang. C. Pan.

You might also like