You are on page 1of 32

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang Grade 7
Markahan Ikalawa Linggo Ikatlo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-
Pangnilalalaman unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa


Pagganap mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang
Asyano

C. Mga Kasanayan sa Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan


Pagkatuto sa Asya (Sumer, Indus, Tsina). (AP7KSA-IIc-1.4)
-Naituturo sa mapa ang pinagmulan ng mga
sinaunang kabihasnan
-Natatalakay ang sistemang pampolitika at
pang- ekonomiya ng kabihasnang Sumer,
Indus at Shang
-Nabibigyang-halaga ang mga sistemang ito
sa pang-araw-araw na buhay
II. NILALAMAN Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya ng
kabihasnang Sumer, Indus at Shang
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Kagamitang pang p. 112-113
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pp. 132- 140
Teksbuk
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
Learning resources
o nilalaman
B. Iba pang Kagamitang Laptop, projector,mapa ng Asya,mapa ng Fertile
Panturo Crescent,mapa ng lokasyon ng tatlong sinaunang
kabihasnan, mga ginupit na colored paper na may
iba’t ibang hugis

53
IV. PAMAMARAAN ADVANCED AVERAGE LEARNER
LEARNER
A. Balik-aral sa Wordstorm (5 minuto)
nakaraang aralin
Magbibigay ang guro sa ilang mag-aaral ng
colored paper na may iba’t ibang hugis na
naglalaman ng mga letra. Hahanapin ng ilang mga
mag-aaral ang kapareho nilang hugis upang
makabuo ng salita. (Ang mabubuong salita ay may
kinalaman sa nakaraang paksa). Maaaring makita
ang halimbawa ng gawaing ito sa Annex 1
Gabay na tanong:
Ano-ano ang nabuo ninyong mga salita? May
kinalaman ba ito sa paksang tinalakay natin
kahapon?

Mga salitang mabubuo na magiging


batayan ng pagbabalik –aral
kabihasnan, relihiyon, pagsulat

B. Paghahabi sa -Sino sa inyo ang nakatira malapit sa ilog? Ano ang


Layunin ng Aralin kahalagahan ng anyong tubig na ito sa inyong
pamumuhay?
-Ano ang kahalagahan ng tubig sa ating buhay at
pamumuhay?
❖ Pagkatapos ay ilalahad na ng guro ang
paksang tatalakayin at ang mga layunin na
inaasahan na maisakatuparan.
C. Pag-uugnay ng mga Hula-salita
halimbawa sa Ayusin ang mga letra upang makabuo ng
bagong aralin pangalan ng mga mahahalagang ilog na
matatagpuan sa Asya

SIRGIT SETARHPUE
USIND HO HUANG

Gabay na tanong:
1.Ano kaya ang pagkakaiba ng mga ilog na ito sa
mga ilog natin ngayon?
2. Sa inyong palagay, nagsimula kaya ang mga
pamayanan natin ngayon na malapit din sa mga
ilog?
D. Pagtatalakay ng Magpapakita ang guro ng mapa ng Asya at
bagong konsepto at ipaturo sa mga mag-aaral ang mga bansa kung
paglalahad ng saan matatagpuan ang mga ilog na pinag-
bagong kasanayan usbungan ng mga unang kabihasnan (Sumer,
#1 Indus at Shang)
Gabay na tanong:
Sa inyong palagay, bakit kaya sa mga lugar
na ito unang sumibol ang mga kabihasnan?

54
Paglalahad ng guro ng impormasyon ukol sa
Fertile Crescent kung saan umusbong ang
kabihasnang Sumer.
(Magpapakita ang guro ng mapa ng Fertile
Crescent).
Ipakita ang lokasyon ng tatlong sinaunang
kabihasnan.
E. Pagtatalakay ng Pangkatang Gawain:
bagong konsepto at Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bigyan ng
paglalahad ng paksang tatalakayin.
bagong kasanayan Matatagpuan ang sipi ng paksa sa Appendix 1.2-
#2 1.4.

Pangkat 1-Sistemang pampolitika ng Sumer, Indus


at Shang (News Report)

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang tawag sa pinuno ng mga lungsod estado
ng Kabihasnang Sumer, Indus at Shang?
2. Ano ang mga lung-sod na naitatag sa Sumer,
Indus at Shang?
3. May mahalaga bang papel ang paring-hari sa
kabihasnang Sumer, Indus at Shang? Bakit?
4. Ano ang katangian ng lungsod ng Mohenjo-Daro
at Harappa?
5. Ano ang dahilan ng paghina o pagbagsak ng mga
lungsod sa kabihasnang Sumer, Indus at Shang?

Pangkat 2- Sistemang Pang-ekonomiya ng Sumer,


Indus at Shang (Dula-dulaan)

Pamprosesong tanong:
1.Ano-ano ang gawain o sistema ng pamumuhay
ng mga taga-Sumer, Indus at Shang?
2.Paano hinarap ng Sumer, Indus at Shang ang
hamon ng kalikasan?

Gamiting gabay ang rubric sa pagtataya ng


mga presentasyon. Tingnan sa Appendix 1.5
F. Paglinang sa I-Chart Mo!
Kabihasaan (Tungo Punan ang talahanayan ng mahahalagang
sa Formative datos at pagkatapos sagutin ang mga
Assessment) pamprosesong tanong.
Sistema Sumer Indus Shang
Pampulitika
Pangekonomiya

Pamprosesong Tanong:

55
1. May pagkakatulad ba ang tatlong kabihasnan
sa sistemang pampolitika? Ano ang mga ito?
1. Bakit tinaguriang kambal na lungsod ang
Mohenjo-Daro at Harappa?
3. Ano ang pagkakaiba ng lungsod estado na
naitatag sa Sumer sa lungsod ng Mohenjo-Daro
at Harappa?
4. Ano ang kahalagahan ng mga naitatag na
lungsod ng Sumer ,Indus at Shang sa
kasalukuyan?
5. Ano ang masasabi ninyo sa sistemang pang-
ekonomiya ng tatlong kabihasnan? Umiiral pa ba
ang mga nasabing sistemang pang-ekonomiya
sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa.
G. Paglalapat ng I-Tweet Mo!
aralin sa pang- Para sa inyo, ano ang mahalagang papel ng
araw-araw na mga pari sa ating lipunan sa kasalukuyan?
buhay
H. Paglalahat ng I-Share It I Believe (5minuto)
Aralin Mo!(5minuto) Ilalahad ng mga mag-
Ano ang maha- aaral ang mga natutunan
halagang bagay na sa aralin sa pamamagitan
natutunan mo sa ng “I believe”…. Na
sistemang pampolitika pangungusap
at ekonomiya ng
Kabihasnang Sumer, I believe ang napag-aralan
Indus at Shang? namin ngayon ay

I believe natutunan ko na
__________________
I believe na magagamit
ko ang mga natutunan ko
sa ___________________
I. Pagtataya ng Aralin Maikling Pagsusulit: Sa ¼ na papel sagutin ang
mga tanong.
A. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. Ang kabihasnang Sumer ay sumibol sa pagitan
ng dalawang ilog ang ___________.
2.Tawag sa pinuno ng Sumer, Indus at Shang.
3. Tawag sa mataas na moog sa Mohenjo-Daro at
Harappa _____________
4. Pinakasikat na lungsod sa kabihasnang Shang
ay ang _________.
5. Lider politikal at ispritwal ng mga Sumerian
ANYANG PARING-HARI
URCITADEL TIGRIS AT EUPHRATES
HUANG HO

56
C. Sa kasalukuyang panahon, paano ninyo
pahahalagahan ang mga lungsod estado na
naitatag ng mga sinaunang kabihasnan?
J. Karagdagang Pag-aralan ang kabihasnang Indus at mga ambag
gawain para sa nito sa kabihasnan.
takdang-aralin at Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral, Asya:
remediation Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pa.113
Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pa.134-137
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang ginamit
sa pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F. Ano ang naging
suliranin na
maaaring malutas sa
tulong ng aking
punongguro at
supervisor?
G. Anong inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang
ginamit/ natuklasan
ko na nais kong
ibahagi sa ibang
guro?

57
Appendix 1.1 Gawain para sa Balik-Aral

WORDSTORM

Hanapin ang magkakaparehong hugis na naglalaman ng mga letra upang


makabuo ng salita. (kabihasnan, pagsulat, relihiyon )

ka re bi s

pag yon u
has

li nan lat hi

58
Mapa ng Fertile Crescent

https://www.google.com/search?q=kabihasnang+sumer&tbm=isch&source=iu&ictx
=1&fir=tXv9SRCOPbFkDM%253A%252CikBnz7CAXw4DAM%252C_&vet=1&usg=AI4_
-kQDkg1WFHU

Pinagkunan: Araling Asyano -Padayon Araling Panlipunan sa Siglo 21


(Ronaldo B. Mactal,PhD) p.288

59
Appendix 1.2

Sistemang Pampolitika at Pang-ekonomiya ng Sumer

Ang Sumer ay itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan


sa buong daigdig. Matatagpuan ito sa Mesopotamia o lambak- ilog ng Tigris at
Euphrates. Tinatayang noong 3500- 3000 B.C.E. umusbong ang mga lungsod
na lumitaw sa Sumer, Ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Karaniwang
hugis parihaba ang mga lungsod sa Sumer at may malalapad na kalsada.
Pinalilibutan ito ng mataas at malapad na pader.

Ang pinakamalaking gusali ay ang ziggurat at nasa tuktok nito ang


dambana para sa mga diyos at diyosa ng lungsod. Nasa gitna ng lungsod ang
ziggurat at mula rito nakaplano ang pagkakalatag ng iba pang gusali. Malapit
sa temple ang imbakan ng mga butyl, palasyo na may malawak na bakuran at
bahay ng iba pang opisyal ng lungsod. May lugar din para sa mga bazaar at
pagawaan ng mga artisan o may mga kasanayan tulad ng manghahabi at
karpintero. Papalayo sa sentro ang bahay ng iba pang ordinaryong
mamamayan. Dahil nagsasarili ang bawat lungsod at ang sentro ng lipunang
Sumer ay nakatuon sa relihiyon, karaniwang tinatawag din na templong-estado
ang mga lungsod-estado ng Sumer.

Mahalaga ang naging papel na ginampanan ng pari-hari ( priest-king) sa


mga templong –estado. May mga tungkulin siya na dapat tuparin bilang
tagapamahalang ispritwal at bilang isang pulitikal na lider. Bilang pari,
inaasahan mula sa kanya na maging tagapamagitan sa diyos at mamamayan.
Sa kabilang banda, bilang hari, siya ang tagapagpatupad ng batas upang
mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan. Siya rin ang namamahala
sa sistema ng irigasyon. Sa kalaunan, ang mga templong-estado ay
maglalaban para sa pagkontrol sa limitadong lupa at tubig sa Mesopotamia.
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng pinunong militar. Ang
pinunong militar ang papalit sa paring-hari bilang pinuno ng templong-estado.

Pinagkunan:
ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan ( Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al ) pp.
131-132

60
Appendix 1.3

Sistemang Pampolitika at Ekonomiya ng Indus

Ang kabihasnan ng Timog Asya ay umusbong sa lambak-ilog ng Indus.


Noong 1922 lamang natuklasan ng mga arkeologo ang mga labi ng sinaunang
kabihasnan dito. Nakahukay ng mga labi ng lungsod at bahay na gawa sa
ladrilyo at mga selyong luwad. Ngunit marami pa ring misteryo ang hindi
nasasagot. Hindi pa rin naiintindihan ng mga eksperto ang kahulugan ng mga
simbolo sa pagsusulat ng Indus.Walang tala ukol sa mga pangalan ng kanilang
hari o reyna. Wala ring tala ng pagbubuwis at kahit isang literatura.

Ang nalalaman lamang ay nabuo ang ilang lungsod sa Indus noong


bandang 2700 B.C.E. Sa limang lungsod na nahukay, dalawa ang
pinakaimportante: ang Harappa at Mohenjo-Daro. Tinatayang umabot ang
populasyon ng dalawang lungsod sa 40,000 katao. Sinasabi rin na ang mga
Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.

Tulad ng Sumer, kulang sa mga likas na yaman ang Indus: walang


metal, kahoy at mga semi-precious ang pangunahing gawain sa Harappa at
Mohenjo-Daro. Upang makontrol ang pag-apaw ng tubig sa Indus gumawa ng
irigasyon, kanal at dike ang mga Dravidian. Ilan sa kanilang pananim ay trigo,
barley, melon, date at bulak. Ang bulak ay hinahabi upang maging tela. May
mga artisano na gumagawa ng palayok at alahas na gawa sa garing, ginto at
kabibe. May ilang gumagawa ng iba’t ibang kagamitang gawa sa bronse, tanso
at pilak. Nakipagkalakalan din tungo sa mga baybayin ng Arabian Sea at
Persian Gulf hanggang sa mga lungsod ng Sumer. Lulan ng mga barkong
Dravidian ang samu’t saring produkto tulad ng perlas, tanso, tela, ivory comb
at mga butil.

Ang Harappa at Mohenjo-Daro ay mga planado at organisadong


lungsod. May dalawang bahagi ito-citadel o mataas na moog at mababang
bayan. Karaniwang nasa bandang kanluran ng lungsod ang moog. Nakapatong
ito sa plataporma na ladrilyo nay may taas na 12 metro at napapalibutan ng
pader. Nasa loob ang malaking imbakan ng mga butil, malaking bulwagan at
pampublikong paliguan.

Maayos na nakalatag sa ibaba ng moog ang lansangang nakadisenyong


kwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan.
Ang mga bahay ay gawa sa mga ladrilyo na pinatuyo sa pugon. Pantay ang
bubong ng bahay at karaniwang nakatalikod sa pangunahing kalsada. May
ilang bahay na umaabot sa dalawa o tatlong palapag at may balkonahe na
gawa sa kahoy. Ang bawat bahay ay may isa o higit pang banyo o palikuran na
nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa.
Patunay ito na may sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian na

61
namamahala ng paggawa ng mga pampublikong proyekto tulad ng irigasyon at
imburnal.

Maraming artifact na laruan ang nahukay sa mga lungsod estado ng


Harappa at Mohenjo-Daro. Samantala, wala namang artifact ng anumang
armas o sandata.

Pinagkunan:

Asya Pag-usbong ng Kabihasnan ( Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al )


pp.134- 135

Appendix 1.4
Sistemang Pampolitika ng Kabihasnang Shang

Bandang 1700 B.C.E. lumitaw ang kabihasnang Shang sa lambak ng


Huang Ho.Lumago ang populasyon mula sa mga naunang neolitikong
pamayanan at mas umunlad ang kaalaman sa agrikultura.Walang gaanong
irigasyon na ginawa sa Shang ngunit lagging masagana ang ani dahil sa
loess,tubig ng ilog at tubig-ulan sa lambak ng Huang Ho.
May pitong lungsod ng Shang ang nahukay ng mga arkeologo.Ang
pinakasikat ay ang Anyang. May maayos na paglalatag ang mga kabahayan at
estruktura ng Shang. Nasa gitna ng lungsod ang iba pang pampublikong gusali
at tirahan ng mga opisyal. May nakatalagang lugar para sa mga pagawaan ng
mga artisan at iba pang mamamayan. Ang buong lungsod ay napalilibutan ng
mataas na pader. Nakahukay rin ang mga iskolar ng sementeryo sa labas ng
lungsod. Dito nakita ang malalaking libingan ng mga hari at matataas na opisyal
ng Shang. Nakita sa isa sa mga nahukay na libingan ng hari, ang malaking
kahoy na kabaong, maraming kagamitang bronse,buto at bato. Natagpuan na
kasamang inilibing ang ilang pugot na bangkay ng alipin. Ang mga ulo ng mga
alipin ay nakalagay sa isang bahagi at ang kanilang mga katawan sa kabilang
lugar. Ngunit pinaka-importanteng nahukay sa mga sementeryo ng Shang ay
ang iba’t ibang buto na ginamit sa mga ritwal. Ang mga butong ito ay tinawag
na oracle bones, mga butong pang-orakulo o panghuhula.
Ang mga pinuno ng Shang ay mga paring-hari na namumuno sa mga
hukbong gumagamit ng mga sandatang bronse at sasakyang chariot. Madalas
ang digmaan at marami ang mga rebelyon kaya mahalaga ang pagkakaroon
ng malakas na hukbo upang mapanatili ang kapangyarihan ng hari.

Pinagkunan:
Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (( Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al )
pp.138- 139

62
Appendix 1.5
Rubric sa Presentasyon

News Report

Indicator 1 2 3 4 5
1. May ganap na pag-unawa sa paksa na
pinagtutuunan ng pansin
2. Magaling na naipahayag ang paksang binigyang
diin
3. Mainam na nailahad ang kaalaman sa paksa
4. Nakahikayat sa nanonood
5. Nakapagbigay ng karagdagang impormasyon
Kabuuan

Dula-dulaan

Indicator 1 2 3 4 5
1. Kagalingan ng papel sa pagkaganap sa dula-dulaan
2. Napaloob sa dula-dulaan ang mensahe ng paksa
3. Naging malinaw ang paglalarawan sa mga tema,
konsepto at paglalahat na nilalaman ng instruksiyon
4. Nasagot at naipaliwanag ang tanong sa klase
5. Naipamalas at nagampanan ang papel na dapat
gampanan ng bawat tauhan
Kabuuan

Pinagkunan:

Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Manwal ng Guro) p.25

63
Appendix 1.6

Mga inaasahang sagot:

Kasanayan 2:

Pangkat I (Pamprosesong tanong)

1. Tinatawag na paring-hari ang pinuno sa mga lungsod sa kabihasnang


Sumer, Indus at Shang.
2. Sa Sumer ang mga lungsod-estado na naitatag ay ang Ur, Eridu, Uruk,
Nippur at Lagash. Sa Indus naman ay ang Mohenjo-Daro at Harappa
samantalang sa Shang ay ang Anyang.
3. May mahalagang papel ang hari sa kabihasnang Sumer, Indus at Shang
dahil sila rin ang nagsisilbing lider ispiritwal at tagapamahala sa sistema
ng ekonomiya sa kanilang nasasakupan.
4. Ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay itinuturing na mga planado
at organisadong lungsod dahil sa mga lansangang nakadisenyo ng grid
pattern.
5. Ang mga lungsod-estado sa Sumer ay bumagsak dahil sa madalas na
paglalaban laban. Ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay biglang
naglaho dahil sa ilang mga dahilan; una ay dahil sa pagbabago ng pisikal
na kapaligiran kung saan nag-iba ng daanan ang ilog Indus, pangalawa
maaring dahil sa pagkakaroon nito ng mga mahinang namuno at
pangatlo ay dahil sa ito ay posibleng nasakop ng ibang dayuhan. Ang
kabihasnang Shang naman ay bumagsak dahil din sa pagkakaroon ng
mahinang pinuno at pananakop ng mga dayuhan na nagtatag ng bagong
dinastiya.

Pangkat II (Sistemang Pang-ekonomiya ng Sumer, Indus at Shang)

Inaasahang sagot sa mga Pamprosesong tanong:

1. Pangunahing gawain sa Sumer ay pagtatanim ng mga butil, mayroon


ding mga lugar para sa pagawaan ng mga artisano tulad ng mga
manghahabi at sapatero. Sa Indus ang gawain ay may kinlaman rin sa
agrikultura dahil sa matabang lupa malapit sa lamabak ng ilog Indus,
Nagtatanim sila ng trigo, barley, date at bulak. May mga gumagawa ng
palayok at alahas na gawa sa ginto at kabibe. Nakikipagkalakalan rin
ang mga Dravidian na sinasabing siyang bumuo ng kabihasnang Indus.
Samantala pagtatanim rin ang pangunahing gawain sa kabihasnang
Shang na unang nalinang ng mga pamayanang neolitiko rito tulad ng
Lungshan at Yangshao.
2. Hinarap ng tatlong kabihasnan ang hamon ng kalikasan sa
pamamagitan ng paggawa ng mga dike at kanal na malaking tulong
tuwing aapaw ang ilog Tigris at Euphrates, Indus at Huang Ho.

64
Nakaimbento rin ang Sumer at Shang ng kalendaryong lunar upang
bantayan ang pag-apaw ng mga nasabing ilog.

Inaasahang sagot sa Paglinang sa kabihasaan (I-Chart Mo!)

Sistema Sumer Indus Shang


Pampulitika -paring-hari -paring-hari ang -paring-hari ang
ang pinuno pinuno pinuno
- naitatag ang -Mohenjo-Daro -Anyang ang pinaka-
lungsod at Harappa ang tanyag na lungsod
estado ng Ur, mga lungsod - ang mga lungsod
Uruk, Eridu, -organisado at ay napalilibutan ng
Nippur at planado ang mga mataas na pader
Lagash lungsod -ang mga hari ay
-ang mga namumuno sa mga
lungsod ay -mayroong hukbong gumagamit
napapalibutan citadel ng chariot dahil sa
ng mataas na madalas na digmaan
pader at mga rebelyon
Pang - -agrikultural -agrikultural ang -agrikultural ang
ekonomiya ang pamumuhay, pamumuhay
pamumuhay nakipagkalakalan
- nakikipag- ang mga
kalakalan na Dravidian tungo
rin sa Arabian Sea
Inaasahang sagot sa Pamprosesong tanong:

1.Opo, Parehong pinamumunuan ng paring-hari ang tatlong kabihasnan. May


mga lungsod estado na naitatag at ang mga ito ay napalilibutan ng mataas na
bakod bilang proteksyon ng kanilang lugar.
2. Kambal na lungsod ang Mohenjo- Daro at Harappa dahil sa pagkakatulad ng
mga lansangang nakadisenyong kuwadrado (grid-patterned) at pare-parehong
sukat ng bloke ng kabahayan.
3.Ang lungsod estado ng Sumer ay hindi masyadong organisado kung
ikukumpara sa Mohenjo-Daro at Harappa.
4. Ang mga lungsod-estado na naitatag ng tatlong kabihasnan ay mahalaga
dahil ito ang naging batayan ng konsepto ng ating mga lungsod sa
kasalukuyan. Kung anong uri o sistema ng pamamahala ang ating ipatutupad
at kung paano natin ito pauunlarin.
5. Ang pamumuhay ay halos may kinalaman sa agrikultura o pagtatanim. Opo
umiiral pa ang ganitong uri ng pamumuhay tulad halimbawa ng mga
naninirahan malapit sa kapatagan na ang pangunahing ikinabubuhay ay
pagsasaka.

Inaasahang sagot sa pagtataya:


A
1. Tigris at Euphrates 4. Anyang
2. Paring-hari 5. Paring-hari
3. Citadel

65
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
Baitang 7
Markahan Ikalawa Linggo Ikatlo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang
Pangnilalalaman pag-unawa sa mga kaisipang Asyano ,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya
at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapag-
Pagganap susuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo
ng pagkakilanlang Asyano
C. Mga Kasanayan sa Napaghahambing ang mga sinaunang
Pagkatuto kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)
AP7KSA-IIc-1.4
-Natatalakay ang sistemang panrelihiyon at
panlipunan ng kabihasnang Sumer, Indus at
Shang
-Naihahambing ang sistemang panrelihiyon
at panlipunan ng kabihasnang Sumer, Indus at
Shang
-Napahahalagahan ang sistemang ito sa
pang-araw-araw na buhay
II. NILALAMAN Sistemang Panrelihiyon at Panlipunan ng
Sumer, Indus, at Shang
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Kagamitang pang Mag- p. 112-113
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pp.132-
140
4. Karagdagang kagamitan
mula sa Learning
resources o nilalaman
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN ADVANCED AVERAGE
LEARNER LEARNER
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin Ano ang paksang tinalakay natin kahapon?
B. Paghahabi sa Layunin Magpapakita ang guro ng larawan ng
ng Aralin simbahan, Santo Papa at Pangulo ng bansa.

66
Gabay na tanong:
Ano ang mahalagang papel na ginagam-
panan ng mga nasa larawan?

-Pagkatapos na masagot ng mga mag-aaral,


ay ilalahad ng guro ang layunin ng aralin.
C. Pag-uugnay ng mga Magbibigay ang mag-aaral ng sariling
halimbawa sa pakahulugan ng sumusunod na mga salita.
bagong aralin 1.templo 3.opisyal
2.ritwal 4.mangangalakal
D. Pagtatalakay ng Pangkatang Gawain
bagong konsepto at Hahatiin ang klase sa apat (4) na
paglalahad ng pangkat.Bigyan ng paksang tatalakayin.
bagong kasanayan Tingnan ang sipi ng paksa sa Appendix 1.1-
#1 2.4.

Pangkat 1-Sistemang Panrelihiyon ng Sumer


(Interview)

Pamprosesong Tanong:
1.Sino-sino ang kinikilalang diyos ng mga
Sumerian?
2. Ano ang tawag sa templo ng mga
Sumerian?
3. Bakit habang papataas ang ziggurat papaliit
naman ang istruktura nito?

II-Sistemang Panrelihiyon ng Indus


(Dula-dulaan)
Pamprosesong tanong:
-Ilarawan ang sistemang panrelihiyon ng
kabihasnang Indus

III-Sistemang Panrelihiyon ng Shang (News


Report)

Pamprosesong tanong:
-Bakit nagsasagawa ng mga ritwal,
pagsasakripisyo at dasal ang hari sa
kabihasnang Shang?

IV-Sistemang Panlipunan ng Sumer, Indus at


Shang (Panel Discussion)

Pamprosesong tanong:
1.Sino ang itinuturing na nasa pinakamataas
na antas sa lipunan ng Sumer, Indus at
Shang?

67
2.Ano-ano ang tungkuling ginagampananan
ng bawat antas sa lipunan ng kabihasnang
Sumer, Indus at Shang?

Tingnan ang rubric sa pagtataya sa


Appendix 1.5.
E. Pagtatalakay ng bagong Data retrieval chart: Punan ng datos ang chart
konsepto at paglalahad tungkol sa sistemang panrelihiyon at
ng bagong kasanayan # panlipunan ng tatlong kabihasnan.
2 Kabihasnan Sistemang Sistemang
Panrelihiyon Panlipunan
Sumer
Indus
Shang
Pamprosesong tanong:
1.Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
sistemang panrelihiyon ng kabihasnang
Sumer, Indus at Shang?
2. Ano ang kaibahan ng tirahan ng hari ng
Shang sa Sumer at Indus?
F. Paglinang sa Pumili ng isang kabihasnan at gumawa ng
Kabihasaan (Tungo sa story board tungkol sa sistemang panrelihiyon
Formative Assessment) at panlipunan. (5 minuto)
Hal.
Ang Sumer ay Maliban sa pagiging
pinamumunuan ng… pinunong hari siya
……… ay may tungkulin din
sa lipunan……..

Ang hari ay Tungkulin ng mga


nagsisilbi ring……… pari na mapanatiling
malakas at masaya
ang mga diyos at
diyosa sa
pamamagitan ng…...

Rubric sa pagtataya ng story board


Indicator 12345
Nilalaman
Organisasyon ng ideya at
konsepto
Kabuuang epekto
Kabuoan
G. Paglalapat ng aralin sa Sa panahon ngayon, kinakailangan pa ba ang
pang-araw-araw na pagsasagawa ng pag-aalay para magkaroon
buhay ng masaganang ani? Ipaliwanag
H. Paglalahat ng Aralin Think-Pair- Share Exit Pass:

68
Humanap ng Tapusin ang
kapareha at pangungusap…
magbahagi ng 1.Ang mga Sumer ay
natutunan sa paksang naniniwala sa______
tinalakay 2. Ang pinuno sa
Sumer,Indus at
Shang ay tinatawag
na___________
3.Naniniwala ang hari
ng Shang sa
pagsasagawa ng ___.
I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang tanong sa ¼ na papel. Ibigay ang
nawawalang letra upang mabuo ang salita.
A.1.Naniniwala ang hari ng Shang sa
panghuhula gamit ang______.
o_a__le b__ _e
2.Paniniwala sa maraming diyos ________.
__ol__t__s__o
3.Tawag sa templo ng mga Sumerian_____.
Z__g__ ___r__t
B.May pagkakaiba ba ang tungkulin ng pari at
pinuno ng lugar (hal. sa bayan) sa
kasalukuyan? Bakit? (5 puntos)
J. Karagdagang gawain Pag-aralan ang mga ambag ng kabihasnang
para sa takdang-aralin Sumer, Indus at Shang.
at remediation Sanggunian:
Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pp.133-140
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na naka-
unawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpa-patuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang ginamit sa
pag-tuturo ang naka-
tulong ng lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Ano ang naging suliranin
na maaaring malutas sa

69
tulong ng aking
punongguro at
supervisor?
G. Anong inoba-syon o
lokali-sasyon sa mga
kagamitan ang ginamit/
natuk-lasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang
guro?

Appendix 1.1

Sistemang Panrelihiyon ng Sumer

Ang ziggurat o temple ay tahanan ng mga diyos ng mga Sumerian.


Bunsod ng kakulangan sa bato at kahoy sa paligid ng Mesopotamia, natuto ang
mga artisan na ihubog ang luwad na galing sa ilog upang maging mga ladrilyo.
Karaniwang pinatutuyo ito sa raw upang tumigas. Kung higit na espesyalisado
ang gamit ng ladrilyo, ito ay pinapainitan sa isang sa isang kagamitang parang
pugon. Ayon sa matandang paniniwalang Sumerian, ang mga kabundukan ay
sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo. Kung pagmamasdan ang
larawan ng ziggurat. Makikita na marami itong baitang at habang tumataas
lumiliit ang baitang sa tuktok nito. Ang bawat baitang ay pinag-uugnay ng mga
hagdan. Pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na alay sa diyos
kung saan nananampalataya ang mga mamamayan ng bawat lungsod. Ang
ibabang palapag ng ziggurat ay nagsisilbing bahay ng mga pari at gawaan ng
mga artisano.

Naniniwala sa maraming diyos at diyosa ang mga Sumerian. Apat ang


pinaka-mahalaga nilang diyos; si An ang diyos na kumakatawan sa kalangitan;
Enlil –diyos ng hangin; Enki –diyos ng katubigan; at Nihursag- diyosa ng
sangkalupaan.

Bukod sa kanila, ang bawat lungsod ay may espesyal na diyos at diyosa


na nagsisilbing parang patron. Kontrolado nila ang mga puwersa ng kalikasan
Tulad ng mga tao, ang mga diyos at diyosa ay kumakain, umiinom, nag-aasawa
at nagkakaanak. Tungkulin ng mga pari na panatilihing malakas at masaya ang
mga diyos o diyosa sa pamamagitan ng mga alay na hayop, butyl at alak at
iba-ibangmga seremonya at dasal. Sa pamamagitan nito, naniniwala ang mga
Sumerian na magiging masagana ang ani at ipagtatanggol ng diyos at diyosa
ang kanilang mga lungsod sa mga kalaban nito.

Pinagkunan:

ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan (Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al )


pp.132-133

70
Appendix 1.2

Sistemang Panrelihiyon ng Indus

Sinasamba ng mga Dravidian ang maraming diyos na sumisimbolo sa


mga puwersa ng kalikasan. Walang malaking temple o dambana na nahukay
sa Harappa at Mohenjo-Daro, ngunit nakakita rito ng mga estatwa na hugis-
hayop at tao. Maaaring sinsamba nila ang mga diyos ng tubig, puno, at hayop.
Isa sa mga hayop na sinasamba sa Indus ay ang toro. Ang pinakatanging diyos
ay isang babae na pinagmumulan ng lahat ng bagay na tumutubo. Sa mga
nasulat, walang tiyak na pangalan ang inang diyosa na ito.

Appendix 1.3

Sistemang Panrelihiyon ng Shang

Naniniwala ang mga Tsino sa panahon ng kabihasnang Shang na


maaaring makausap ang mga diyos ng kalikasan. Ang mga hari ng Shang ay
may tungkuling panrelihiyon bukod sa tungkuling political. Nagsasagawa ang
hari ng mga ritwal, pagsasakripisyo at dasal upang magkaroon ng masaganang
ani, baguhin ang panahon at Manalo sa digmaan. Si Shang Di ang diyos na
lumikha at hari ng langit. Pinaparaan ng hari ng Shang ang kanyang dalangin
para kay Shang Di sa pamamagitan ng mga namatay na ninuno. Ang mga
ninuno ang tagapamagitan sa mga nabubuhay at kay Shang Di.

Ang mga nahukay na butong pang-orakulo ay ginamit ng Shang para sa


pakikipag-usap sa kanliang mga ninuno. Nalalaman ang hinaharap sa
pamamagitan ng isang ritwal. Isinusulat ng hari ang kanyang mga tanong sa
buto ng hayop at pagong. Pagkatapos nito, inilalagay ang buto sa init ng apoy
hanggang sa magkaroon ng lama tang buto. Babasahin at ipaliliwanag ng hari
ang kahulugan ng hugis ng lamat. Ang mga simbolo sa mga butong pang-
orakulo ang mga unang katibayan ng pagsulat sa China at mahalagang labi
upang mabuo ang kasaysayan ng Shang.

Pinagkunan:

ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan (Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al )


pp.139-140

71
Appendix 1.4

Sistemang Panlipunan ng Sumer

Ang mga Sumerian ay may espesyalisasyon sa trabaho na nagbigay


daan sa pag-usbong ng uring panlipunan. Nasa tuktok ng lipunan ang mga
pinunong pulitikal at ispirituwal. Kasama sa naghaharing uri ang matataas na
opisyal at kanilang pamilya. Kasunod ang mga mangangalakal, artisan, scribe
o tagasulat, at mababang opisyal. Pangatlo ang karaniwang magsasaka at
nasa ibabag uri ang mga alipin.

Sistemang Panlipunan ng Indus

Batay sa katibayan ng organisadong lungsod, masasabing may


herarkiya ng uring panlipunan ang kabihasnang Indus. Ang mga nakatira sa
mataas na moog ay mga naghaharing uri. Marahil bahagi nito ang paring-hari,
mga opisyal ng lungsod at mga eksperto.Nasa ilalim nito ang mga
mangangalakal, artisano at magsasaka. ANg mga magsasaka ang gumagawa
sa dike at kanal para sa irigasyon ng mga pananim. Ang mga nasa lungsod na
artisan ay abala sa paggawa ng samu’t saring produkto mula sa mga material
na bronse, tanso, ginto, pilak, garing , bulak at kabibe.

Sistemang Panlipunan sa Shang

Malinaw sa Shang ang paghahati ng lipunan batay sa mga labi ng


tirahan at libingan. Ang aristokrasya na binubuo ng mga pamilya ng hari at iba
pang maharlika ay nakatira sa sentro ng lungsod. Malapit sa templo at mga
altar ang mga tirahan ng mga aristokrasya. Isang palasyo ang bahay ng hari
na nasa ibabaw ng mataas na plataporma. Monopolyo ng aristokrasya ang
paggamit ng bronse sa iba’t ibang sisidlan, baluti at sandata. Bukod ditto, kapag
namatay ang hari o ang kasapi ng aristokrasya, ang kanilang libingan ay mas
marangya. May mga pabaon na kagamitan at alipin ang mga aristokratiko.
Halimbawa ng gamit na ipinapabaon ay ang chariot kasama ang kabayo at
alipin. Ang chariot ay sasakyang hinihila ng kabayo na ginagamit sa labanan.
May dalawa o apat na gulong ito.

Samantala, ang mga mababang uri ay nakatira sa mga bahay na tulad


sa bahay ng neolitikong panahon. Ito ay bahagyang nakabaon sa lupa at may
bubong na gawa sa pawid. Gawa sa bato lamang ang mga kagamitan ng
mababang uri at walang gaanong paghahanda sa kanilang paglibing. Kabilang
sa mga hanay ng mas mababang uri ang mga magsasaka, mangangalakal,
artisan at alipin na karaniwan ay bihag mula sa digmaan. Ang mga bilanggo
ang ginagamit sa pagsasakripisyo.

Pinagkunan:

ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan (Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al ) p.140

72
Appendix 1.5 (Rubric sa pagtataya ng mga presentasyon)

News Report

Indicators 1 2 3 4 5
1.May ganap na pag-unawa sa paksa na pinagtutuunan
ng pansin
2.Magaling na naipahayag ang paksang binigyang diin
3.Mainam na nailahad ang kaalaman sa paksa
4.Nakahikayat sa nanonood
5.Nakapagbigay ng karagdagang impormasyon
Kabuuan

Interview

Indicators 1 2 3 4 5
1. Taglay ang pag-unawa sa paksang tinalakay
2. May lohikal na pagkakaayos ang mga katanungan
3. Magaling ang paraan ng pagtatanong
4. Magaling ang pagsagot sa mga tanong
5. Magaling ang pagtanggap ng mga dagdag na
impormasyon
Kabuuan

Dula-dulaan

Indicators 12 3 4 5
1. Kagalingan ng papel sa pagkaganap sa dula-dulaan
2. Napaloob sa dula-dulaan ang mensahe ng paksa
3. Naging malinaw ang paglalarawan sa mga tema,
konsepto at paglalahat na nilalaman ng instruksiyon
4. Nasagot at naipaliwanag ang tanong sa klase
5. Naipamalas at nagampanan ang papel na dapat
gampanan ng bawat tauhan
Kabuuan
Panel Discussion

Indicators 12 3 4 5
1. Organisasyon ng paksang tinatalakay ng panelist
2. Kagalingan sa pagpapaliwanag sa paksa
3. Kagalingan sa pag-uugnay ng mga paksa
4. Kagalingan sa pagsagot sa mga tanong ukol sa
paksa
5. Naipamalas ang panghihikayat sa klase
Kabuuan

73
Appendix 1.6 Mga Inaasahang sagot

Kasanayan 1 Pangkat I Sistemang panrelihiyon ng Sumer

Inaasahang sagot sa Pamprosesong tanong:

1.Ang mga kinikilalang diyos ng mga Sumerian ay sina: An-diyos ng kalangitan,


Enlil-diyos ng hangin, Enki-diyos ng katubigan at Ninhursag-dakilang diyosa ng
kalupaan.

2. Ziggurat ang tawag sa templo ng mga Sumerian

3. Habang papataas ang ziggurat ay papaliit naman ang estruktura nito dahil
sa paniniwala ng mga Sumerian na ang kapangyarihang supernatural ay ang
mga kabundukan kaya ang tuktok nito ay nagsisilbing dambana ng kanilang
mga diyos.

Pangkat II- Sistemang Panrelihiyon ng Indus

Inaasahang sagot sa pamprosesong tanong:

Sunasamba ang kabihasnang Indus sa maraming diyos na sumisimbolo sa


kalikasan na maaring diyos ng tubig, puno o hayop. Isa sa hayop na sinasamba
nila ay ang turo.

Pangkat III- Sistemang Panrelihiyon sa Shang

Inaasahang sagot sa Pamprosesong tanong:

Nagsasagawa ang hari ng Shang ng ritwal, pagsasakripisyo at dasal upang


magkaroon ng masaganang ani, baguhin ang panahon at manalo sa digmaan.
Pinaparaan ng hari ng Shang ang kanyang dalangin para kanilang diyos sa
pamamagitan ng mga namatay na ninuno.

Pangkat IV- Sistemang Panlipunan sa Sumer, Indus at Shang

Inaasahang sagot sa mga Pamprosesong tanong:

1. Ang paring-hari at ang kanyang pamilya ang itinuturing na nasa


pinakamataas na antas sa lipunan ng kabihasnang Sumer, Indus at
Shang.
2. Sa Sumer ang scribe ang tagatala ng mga nangyayari sa lungsod
estado, ang mga magsasaka ang tagabungkal ng lupain para sa mga
naghaharing uri at ang mga artisano naman ang may mga kasanayan
sa paggawa. Sa Indus, may herarkiya ang uring panlipunan, ang paring
hari ay lider political at sunod sa kanya ang mga opisyal ng lungsod at
mga eksperto samatalang ang mga magsasaka ang gumagawa ng mga
dike at kanal para sa irigasyon at ang mga artisano naman ang
gumagawa ng mga samut saring mga produkto. Sa Shang naman ang

74
mga alipin ay karaniwang bihag sa digmaan at ang mga bilanggo ang
ginagamit na sakripisyo.

Mga Inaasahang sagot sa kasanayan 2


Pamproseong tanong;
1.Ang pagkakatulad sa sistemang panrelihiyon sa Sumer, Indus at
Shang ay parehong mga paring-hari ang pinuno o lider ispiritwal. Ang
Sumer at Indus ay naniniwala sa maraming diyos samantalang ang
Shang ay naniniwala na maaring makausap ang diyos ng kalikasan sa
pamamagitan ng namatay na ninuno. Guamagamit rin ng butong pang-
orakulo ang hari ng Shang sa panghuhula at gumagawa ng ritwal sa
pagsasakripisyo para magkaroon ng masaganang ani at manalo sa
digmaan.
2. Ang hari ng Shang ay nakatira sa isang palasyo na nasa ibabaw ng
mataas na plataporma samantalang ang hari ng Sumer at Indus ay
nakatira rin sa isang moog subalit simple lang kung ikukumpara sa hari
ng Shang.

Inaasahang sagot sa pagtataya:


A.1. oracle bone
2. politismo
3. ziggurat
B. Ang puntos ay depende sa paliwanag na ginawa ng mag-aaral

75
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
Baitang Grade 7
Markahan Ikalawa Linggo Ikatlo

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa
Pangnilalalama sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
n nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan
sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga


Pagganap kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya
at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano

C. Mga Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa


Kasanayan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina) AP7KSA-IIc-1.4
Pagkatuto - Natatalakay ang mga ambag ng kabihasnang
Sumer, Indus at Shang
- Naihahambing ang mga ambag ng kabihasnang
Sumer, Indus at Shang sa daigdig
-Napapahalagahan ang mga naiambag ng tatlong
kabihasnan sa Asya ( Sumer, Indus at Shang) sa
kasalukuyang panahon
II- NILALAMAN Mga ambag ng kabihasnang Sumer, Indus at Shang
sa daigdig

III-KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Kagamitang pp.112-114
pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pp.133-140
Teksbuk
4. Karagdagang Larawan ng calligraphy at oracle bone ay mula sa
kagamitan mula https://www.scribd.com/document/335837679/Mga-
sa Learning Ambag-Ng-Kabihasnang-Shang
resources o
nilalaman
B. Iba pang laptop,projector, manila paper, pentel pen
Kagamitang
Panturo
III. PAMAMARAA ADVANCED LEARNER AVERAGE LEARNER
N
A. Balik-aral sa Ipasa Mo: (3 minuto)
nakaraang Pa-awitin ang mga bata ng isang awitin
aralin
76
(depende sa gusto nila) kasabay ang pagpasa ng isang
bagay. Titigil sa pagkanta sa hudyat ng guro at ang sino
mang may hawak ng nasabing bagay ang siyang
magbibigay ng maikling recap tungkol sa paksang
naunang tinalakay.
B. Paghahabi sa Magpabanggit sa mga mag-aaral ng mga bagay o
Layunin ng alam nilang impluwensiya ng bansang India at Tsina.
Aralin ❖ Ilalahad ng guro ang paksa at ang mga layunin
ng araling tatalakayin.

C. Pag-uugnay ng Picture Parade:


mga Ipakita ang sumusunod na mga larawan at pahulaan
halimbawa sa kung anong kabihasnan ang may ambag nito.
bagong aralin calligraphy oracle bone

Pinagkunan:
https://www.scribd.com/document/335837679/Mga-
Ambag-Ng-Kabihasnang-Shang

Ziggurat Mohenjo-daro at Harappa

Cuneiform
https://www.google.com/search?q=kabihasnang+sumer&tbm=is
ch&source=iu&ictx=1&fir=tXv9SRCOPbFkDM%253A%252CikBnz7
CAXw4DAM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQDkg1WFHU

➢ Ngayon ay aalamin natin kung tama ang inyong


mga naging kasagutan.

D. Pagtatalakay Pangkatang Gawain:


ng bagong Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at bigyan ng
konsepto at paksang tatalakayin.(15 minuto)
paglalahad ng Paalala: Inaasahan na naibigay na ng guro bilang
bagong takdang aralin ang tungkol sa mga ambag ng
kasanayan #1 kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Maaring
77
sumangguni sa modyul ng mag-aaral: Asya
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
p. 112-114

Pangkat 1-Mga ambag ng kabihasnang Sumer


(Gallery Walk)

Bibigyan ng guro ng mga larawan ang pangkat


tungkol sa mga ambag ng kabihasnang Sumer.
Gagamitin nila ito sa presentasyon.

Pangkat 2-Mga ambag ng kabihasnang Indus


(Interview)

Pangkat 3- Mga ambag ng kabihasnang Shang


(News Report)

Pamprosesong Tanong

Ano-ano ang ambag ng Sumer, Indus at Shang


sa larangan ng relihiyon, pulitika,
ekonomiya,matematika at pagsulat?

Tingnan ang rubric sa pagtataya ng


presentasyon sa Appendix 1.2.
E. Pagtatalakay Batay sa mga presentasyon na ipinakita sagutan ang
ng bagong talahanayan tungkol sa mga naging ambag ng tatlong
konsepto at kabihasnan (5 minuto)
paglalahad ng
bagong Kabihasna Relihiyo Politik Ekonomiy Sistem
kasanayan # 2 n n a a a ng
Pagsul
at

Sumer
Indus

Shang

Pamprosesong Tanong:
1. May pagkakatulad ba ang bawat kabihasnan?
2. Mayroon bang pagkakaiba ang tungkulin ng hari sa
kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa
kabihasnang Indus at Sumer? Bakit?
3.Bakit tinawag na templong estado ang mga lungsod
estado ng Sumer?
4.Paano hinarap ng bawat kabihasnan ang hamon ng
kalikasan?

78
F. Paglinang sa Triple – Matching Type (5 minuto)
Kabihasaan Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng
(Tungo sa pagsasama-sama ng terminilohiya sa isang hugis.
Formative
Assessment) A C
B

Sa pagitan ng
mga ilog Ziggurat
Oracle Bone
Sa Indian Calligraphy
Cuneiform
Lunar
Tsina Subcontinent
calendar
Grid pattern
Indus Sa matabang Gulong
lupain sa Sewerage
Sumer Huang Ho

G. Paglalapat ng Flash it ! Then and Now


aralin sa pang- Sa pamamagitan ng powerpoint presentation, makikita
araw-araw na ang mga larawan ng mga naging ambag ng tatlong
buhay kabihasnan at sabihin ang kahalagahan nito sa
kasalukuyan. (Maaring magprint ng mga larawan kung
walang laptop at projector)
Tingnan sa Appendix 1.1.

H. Paglalahat ng Gawin ang Gawain 9 pahina Complete – It!


Aralin 115 sa Modyul : Asya: 1.Ang mga unang
Pagkakaisa sa Gitna ng kabihasnan ay umus-
Pagkakaiba bong sa __________
Likomin ang datos. 2. Ang Sumer ay
Punan ang talahanayan ng unang kabihasnang
mga naging mahalagang nalinang sa________
ambag ng mga kabihasnan
sa sangkatauhan 3. Sinasabing ang
kabihasnang Indus ay
Mga Kontribu- kakaiba dahil
Kabihasnan siyon _________________
Sumer 4. Ang Kabihasnang
Indus Shang ay may sistema
Shang ng pagsulat
na____________

5.Ang mga
kontribusyon ng tatlong
kabihasnan ay

I. Pagtataya ng Pasaporte:
Aralin Gawin ang pagtataya sa pamamagitan ng pagsagot
ng mag-aaral sa isang eroplanong papel na ipapasa sa
guro.

79
Sagutin ang tanong sa ibaba at isulat sa pakpak
ng eroplano.
Paano mo pahahalagahan ang mga naging
kontribusyon ng sinaunang kabihasnan?
J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin
at remediation
V.MGA TALA
VI.PAGNINILA
Y
A. Bilang ng mag-
aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailang
an ng iba pang
Gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang
ginamit sa
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Ano ang
naging
suliranin na
maaaring
malutas sa
tulong ng aking
punongguro at
supervisor?
G. Anong
inobasyon o
lokalisasyon sa

80
mga kagamitan
ang ginamit/
natuklasan ko
na nais kong
ibahagi sa
ibang guro?

Appendix 1.1
Pag-uugnay sa aralin
Picture Parade at larawan din sa Flash it! Then and Now
calligraphy oracle bone

Pinagkunan:
https://www.scribd.com/document/335837679/M
ga-Ambag-Ng-Kabihasnang-Shang

Ziggurat karitong de-gulong

cuneiform
https://www.google.com/search?q=kabihasnang+sumer&tbm=isch
&source=iu&ictx=1&fir=tXv9SRCOPbFkDM%253A%252CikBnz7CAXw
4DAM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQDkg1WFHU

81
Appendix 1.2

Rubric sa pagtataya ng mga presentasyon

Galery Walk

IndicatorS 1 2 3 4 5
1. Angkop ang presentasyon sa paksa
2. May lohikal na pagkakaayos ang mga konsepto ng
presentasyon
3. Magaling na panghikayat sa klase
4. Komprehensibo ang pagbibigay ng impormasyon
Kabuuan

News Report

Indicators 1 2 3 4 5
1. May ganap na pag-unawa sa paksa na
pinagtutuunan ng pansin
2. Magaling na naipahayag ang paksang binigyang
diin
3. Mainam na nailahad ang kaalaman sa paksa
4. Nakahikayat sa nanonood
5. Nakapagbigay ng karagdagang impormasyon
Kabuuan

Interview

Indicator 1 2 3 4 5
1. Taglay ang pag-unawa sa paksang tinalakay
2. May lohikal na pagkakaayos ang mga katanungan
3. Magaling ang paraan ng pagtatanong
4. Magaling ang pagsagot sa mga tanong
5. Magaling ang pagtanggap ng mga dagdag na
impormasyon
Kabuoan

82
Appendix 1.3 Inaasahang sagot

Paglinang sa Kabihasaan (tungo sa Formative Assessment)

A B C

Mesopotamia
Indus
Sa pagitan ng mga ilog
Sa Indian Sub continent
Tsina Ziggurat
Sa matabang Grid pattern
lupain sa Cunieform
Huang Ho Sewerage system
Oracle bone Lunar Calendar
Calligraphy

Mga Inaasahang Sagot:

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Picture Parade:
1.calligraphy –kabihanang Shang
2.oracle bone- kabihasnang Shang
3. Ziggurat- kabihasnang Sumer
4. Mohenjo-Daro at Harappa – kabihasnang Indus
5. gulong- kabihasnang Sumer
6. cuneiform – kabihasnang Sumer

Kasanayan 2
Pamprosesong tanong:
Relihiyon
Sumer- naniniwala sa maraming diyos, may templong tinatawag na
ziggurat,paring- hari ang lider ispiritwal
Shang- naniniwala sa mga diyos na makikita sa kalikasan, paggamit ng oracle
bone sa panghuhula, paring- hari ang lider ispiritwal

Indus – naniniwala rin sa maraming diyos ,paring-hari ang lider ispiritwal

Politika
Ang Sumer, Indus at Shang ay pare-parehong pinamumunuan ng paring-hari
at may mga lungsod estado na naitatag.

Ekonomiya
Ang Sumer, Indus at Shang ay pare-parehong agrikultural ang pamumuhay at
nakipagkalakalan din. May mga mangangalakal at artisano rin sa kanilang
lipunan.
Pagsulat

83
Sumer- cuneiform
Indus- pictogram
Shang –calligraphy

Kasanayan 2 (Inaasahang sagot )


Pamprosesong tanong:
1. Opo,halimbawa pare-pareho silang nakalinang ng sariling sistema ng
pagsulat.
2. Opo may pagkakaiba dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay
nagsasagawa ng ritwal at pagsasakripisyo at naniniwala sa ito sa
panghuhula gamit ang mga oracle bone
3. Tinawag na templong estado ang mga lungsod estado ng Sumer dahil
may kanya kanyang kinikilalang diyos.
4. Hinarap ng bawat kabihasnan ang hamon ng kalikasan sa
pamamagitan ng paggawa o pagtatayo ng mga dike at kanal upang
maihanda sa tuwing aapaw ang ilog.

84

You might also like