You are on page 1of 34

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang Grade 7
Markahan Ikalawa Linggo Ikalima

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa sa mga
Pangnilalaman kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbibigay
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at
sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga
Pagganap kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at
sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
C. Mga Kasanayan Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng tradisyon,
sa Pagkatuto pilosopiya at relihiyon. (AP7KSA-IIe-1.6)

1. Naibibigay ang kahulugan ng Tradisyon


2. Natutukoy ang mga halimbawa ng Tradisyon sa
Asya
3. Naibabahagi ang kahalagahan ng Tradisyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
II. NILALAMAN Konsepto ngTradisyon sa Asya
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Modyul Para
Kagamitang pang sa Mag-aaral
Mag-aaral Pahina105-175
3. Mga Pahina sa Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000, Pp. 76-189
Teksbuk Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008, Pp. 128 –
129, 147-152, 218-228, 232-244
History of the Asian People. 2015. Pp.57-61
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
Learning
resources
B. Iba pang Mga halimbawa ng larawan ng tradisyon sa Asya, manila
Kagamitang paper, pentel pen, pandikit,Laptop, Projector
Panturo
IV. PAMAMARAAN ADVANCED LEARNER AVERAGE LEARNER
A. Balik-aral sa Gawain 1: “Isa-ayos ang magulong nakaraan”
nakaraang aralin
Isasa-ayos ng mga mag-aaral ang mga letra sa bawat
bilang upang mabuo ang salitang hinahanap sa bawat
pangungusap.

1. D A J E R A V A

122
-Sa India ano ang tawag sa mga hari na kinikilala bilang
Haring Diyos?

2. S O N T C I S E N R M
-Paniniwala ng mga Tsino na ang kanilang imperyo and
sentro ng daigdig.

3.D N V I I E O G I I R N
-Paniniwala ng mga Hapones sa kabanalan at buhay na
simbolo ng Panginoon sa kanilang mga hari.

B. Paghahabi sa Sa araw na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Layunin ng Aralin maibibigay ang kahulugan ng Tradisyon, maiisa-isa ang
mga halimbawa ng Tradisyon sa Asya, at maibabahagi
ang kahalagahan ng Tradisyon.

C. Pag-uugnay ng Gawain 2:
mga halimbawa sa
bagong aralin Magpapakita ng mga larawan ang guro at sasabihin ng
mag-aaral kung ano ang makikita sa mga larawan.

(Limitahan ang bilang ng larawan na ipapakita-maaaring


tatlo (3) hanggang limang (5) larawan lamang.Gawin ito
sa loob ng limang (5) minuto.
D. Pagtatalakay ng Gawain 3: Gawain 3:
bagong konsepto at
paglalahad ng Pangkatang Gawain: Pangkatang Gawain:
bagong kasanayan Ang klase ay hahatiin sa (Siguraduhing maibigay
#1 apat na pangkat. ng malinaw ang panuto,
(Ang pagpapangkat ay upang hindi malito ang
depende sa guro. Maaaring mga mag-aaral)
dagdagan o bawasan ng
guro ang mga gawain) Ang klase ay hahatiin
sa apat na pangkat.
Batay sa mga ipinakitang Batay sa mga
larawan kanina, ibibigay ng ipinakitang larawan
mga mag-aaral ang kanina, ang mga mag-
kahulugan ng salitang aaral ay gagawa ng
tradisyon sa pamamagitan Concept Map tungkol sa
ng gawaing “Dugtungan”. salitang Tradisyon.

Bawat mag -aaral ay Itanong ito sa mag-aaral:


magbibigay ng salita o mga Kapag naririninig ninyo
salita upang mabuo at ang salitang Tradisyon,
maibigay ang kahulugan ng ano ang naiisip ninyo?
salitang tradisyon. Magbigay ng isang salita
Ang paghahanda ay gagawin at isulat ito sa inyong
sa loob ng 5 minuto. At manila paper. Gawin ito
sa loob ng 5 minuto.

123
bibigyan sila ng 5 minuto Pagkatapos ng 5
para sa presentasyon. minuto ay ididikit ng mga
mag-aaral sa pisara ang
Inaasahang sagot mula sa kanilang output.
mga mag-aaral:
Inaasahang Gawain ng
Mag-aaral 1: Ang Tradisyon mga mag-aaral:

Mag-aaral 2: ay tumutukoy

Mag-aaral 3: sa mga
paniniwala

Mag-aaral 4: at mga
kaugalian

Mag-aaral 5: na
nakasanayang gawin
Bumuo ng kahulugan
Mag-aaral 6: at isinalin ng salitang Tradisyon
gamit ang mga salitang
Mag-aaral 7: sa iba’t ibang inilagay sa Concept Map.
henerasyon. Gawin ito sa loob ng 5
minuto.
Mabubuong sagot:
Sagot ng mag-aaral:
Ang Tradisyon ay mga
kaugalian at mga paniniwala Ang Tradisyon ay mga
na nakasanayang gawin ng kaugalian at mga
mga tao na ipinamana o paniniwala na
isinalin sa iba’t ibang nakasanayang gawin ng
henerasyon mula sa mga mga tao na ipinamana o
ninuno. isinalin sa iba’t ibang
henerasyon mula sa mga
ninuno.

(Ang mga sagot ng mga


mag-aaral ay
nakadepende sa mga
salitang ibibigay nila o
ilalagay sa concept map)
E. Pagtatalakay ng Gawain 4: Tradisyon- Gawain 4: Pic Collage
bagong konsepto at Aksyon!
paglalahad ng Ang bawat pangkat ay
bagong kasanayan Tutukuyin ng mga mag- bibigyan ng guro ng tig –
#2 aaral ang mga halimbawa ng iisang o maaaring higit pa
mga tradisyon sa Asya sa sa isang) ginupit na
pamamagitan ng malikhaing larawan, na bubuoin ng
presentasyon. mga mag-aaral upang

124
Gagawin ng bawat pangkat matukoy ang tradisyon na
ang paghahanda sa loob ng ipinapakita sa larawan.
10 minuto.
Bibigyan naman ng 5 Matapos mabuo at
minuto ang bawat pangkat maidikit sa pisara ang
para sa presentasyon. mga larawan. Tutukuyin
Gagamitan ng rubriks ang ng mga mag-aaral ang
bawat presentasyon. mga halimbawa ng
Bibigyan ng task card ang tradisyon sa Asya.
bawat pangkat.

PANGKAT 1: Pamprosesong Tanong:

Bumuo ng isang balita Sa inyong palagay, sa


tungkol sa halimbawa ng kasalukuyan, paano
mga Tradisyon sa Asya. ipinagdiriwang ng mga
Gawin ito sa loob ng 10 Asyano ang iba’t ibang
minuto. Mayroong 5 tradisyon?
minuto ang inyong
pangkat para sa Gagawin ang gawaing
presentasyon ito sa loob ng 5 hanggang
10 minuto.

PANGKAT 2:
Mag - organisa ng isang
“pageant” tungkol sa
halimbawa ng mga
Tradisyon sa Asya. Gawin
ito sa loob ng 10 minuto.
Mayroong 5 minuto ang
inyong pangkat para sa
presentasyon

PANGKAT 3:
Gumawa ng isang
graphic organizer tungkol
sa halimbawa ng mga
Tradisyon sa Asya. Gawin
ito sa loob ng 10 minuto.
Mayroong 5 minuto ang
inyong pangkat para sa
presentasyon

PANGKAT 4:

125
Mag organisa ng isang
“game show” tungkol sa
halimbawa ng mga
Tradisyon sa Asya. Gawin
ito sa loob ng 10 minuto.
Mayroong 5 minuto ang
inyong pangkat para sa
presentasyon

Pamprosesong Tanong:

Sa inyong palagay, sa
kasalukuyan, paano
ipinagdiriwang ng mga
Asyano ang iba’t ibang
tradisyon?

F. Paglinang sa Gawain 5: Simsam Simsam Activity


Kabihasnan (Tungo
sa Formative Ito ay isang gawain na kung saan ang mga mag-aaral
Assessment) ay sasagutan ang tanong sa pamamagitan ng gabay sa
ibaba. Ang mag-aaral na hindi makasasagot sa tanong ay
gagawin ang kapalit na gawain (gaya ng kumanta,
sumayaw, atbp.)

Gabay:

Guro: “Simsam simsam, ibigay ang kahulugan ng


tradisyon” cannot be repeated anymore.

Inaasahang sagot:

Mag-aaral 1: Ang Tradisyon ay mga kaugalian at mga


paniniwala na nakasanayang gawin ng mga tao na
ipinamana o isinalin sa iba’t ibang henerasyon mula sa
mga ninuno.

Guro: “Simsam simsam, magbigay ng halimbawa ng


tradisyon sa Asya.” Cannot be repeated anymore.”

Mag-aaral 1: Suttee
Mag-aaral 2: Pagsusuot ng abaya ng mga babae sa
Middle East
Mag-aaral 3: Pagdiriwang ng Chinese New Year

126
G. Paglalapat ng aralin Gawain 6: Ako bilang Asyano at Pilipino…
sa pang-araw-araw
na buhay Ang gawaing ito ay maaaring gawing pangkatang
Gawain o indibidwal na gawain (Depende sa oras at sa
bilang ng mga mag-aaral sa klase)
Kung pangkatan, pumili lamang ng isang representative
na sasagot sa gawain.

Tanong:

Bilang isang Asyano at Pilipino, paano nakatutulong


sa pang araw-araw na pamumuhay ang pagsunod sa
mga tradisyon?
H. Paglalahat ng
Aralin Gawain 7: Napag alaman kong…

Ang gawaing ito ay maaaring gawing pangkatang


Gawain o indibidwal na gawain (Depende sa oras at sa
bilang ng mga mag-aaral sa klase)
Kung pangkatan, pumili lamang ng isang representative
na sasagot sa gawain.

Ibabahagi ng mga mag-aaral kung tungkol saan ang


presentasyon ng bawat pangkat.
Maaaring gamitin ang pormat sa ibaba.

Ayon sa (napili ng pangkat), na nagpakita ng


_____________________________________________.

Napag alaman kong _________________.


at natutunan kong ____________________.

I. Pagtataya ng Aralin Gawain 8: I Believe

Ilalahad ng mga mag-aaral ang mga natutunan sa


aralin sa pamamagitan ng “I believe…” na pangungusap.

I believe ang napag aralan naming ngayon ay


_____________________________________________

I believe natutunan ko na ___________________

I believe na magagamit ko ang mga natutunan ko


sa __________________________________________
___.

127
J. Karagdagang Takdang-aralin:
gawain para sa Magsaliksik ng mga paniniwala ng iba’t ibang
takdang-aralin at pilosopiyang umusbong sa Asya.
remediation Ibigay ang kahalagahan ng sinaunang pilosopiya sa sa
pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
A. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation
B. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin
C. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
D. Alin sa mga
estratehiyang
ginamit sa
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
E. Ano ang naging
suliranin na
maaaring malutas
sa tulong ng aking
punongguro at
supervisor?
F. Anong
inobasyon o
lokalisasyon sa
mga kagamitan
ang ginamit/
natuklasan ko na
nais kong ibahagi
sa ibang guro?

128
Appendix

Mga Tradisyon sa Asya

Pamantayan/Rubriks para sa Malikhaing Presentasyon

PAMANTAYAN SA PAGBABALITA

PAMANTAYAN PUNTOS
Angkop ang paglakas at paghina ng tinig na akma sa damdamin 10
ng balita
Sapat at tama ang ginamit na mga impormasyon. 10

Kawiliwili ang ginawang pagbabalita 10


Kabuoan 30

PAMANTAYAN SA “IRAMPA MO/PAGEANT”

PAMANTAYAN PUNTOS
Malakas ang tinig at naiintindihan ng lahat ang sinasabi ng kalahok 10

Sapat at tama ang ginamit na mga impormasyon. 10

Kawiliwili ang ginawang presentasyon 10


Kabuoan 30

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG GRAPHIC ORGANIZER

PAMANTAYAN PUNTOS
Nakikita/Nababasa ng mga mag-aaral ang mga impormasyon 10

Sapat at tama ang ginamit na mga impormasyon. 10

Maayos, malinis at organisado ang pagkakagawa ng graphic 10


organizer
Kabuoan 30

129
PAMANTAYAN SA “GAME SHOW”

PAMANTAYAN PUNTOS
Malakas ang tinig at naiintindihan ng lahat ang sinasabi ng kalahok 10
Sapat at tama ang ginamit na mga impormasyon. 10
Kawili-wili ang ginawang presentasyon 10
Kabuoan 30

Mga larawan ng halimbawa ng tradisyon sa Asya na ibibigay sa mga mag-aaral


(Maaaring palitan o dagdagan ng guro):

http://4.bp.blogspot.com/-CA7JZnSGTWs/UjXDH1J5ssI/AAAAAAAAABY/vcsZXL-
SvQI/s1600/mahal+na+araw.jpg

https://img.purch.com/w/660/aHR0cDovL3d3dy5saXZlc2NpZW5jZS5jb20vaW1hZ2V
zL2kvMDAwLzA5OC8zOTgvb3JpZ2luYWwvY2hpbmVzZS1kcmFnb24tZGFuY2Uuan
Bn

130
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi0.wp.com%2Ffeminismin
india.com%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2018%2F10%2Fsatii.jpg%3Ffit%3D961%252C617%26ssl%
3D1&imgrefurl=https%3A%2F%2Ffeminisminindia.com%2F2018%2F10%2F29%2Fs
ati-history-
india%2F&docid=4ji_UQL6zVeTxM&tbnid=snT0RC6gbIgFGM%3A&vet=10ahUKEwj
a7a_Ol9TjAhVi6XMBHStEBL4QMwhVKAEwAQ..i&w=961&h=617&bih=657&biw=13
66&q=sati&ved=0ahUKEwja7a_Ol9TjAhVi6XMBHStEBL4QMwhVKAEwAQ&iact=mr
c&uact=8

https://www.pinterest.ph/pin/155303887147406145/

131
http://3.bp.blogspot.com/-6tURxp8x2IQ/TzYQ3wZArzI/AAAAAAAAAAQ/jJwOZ-
k7cvo/s640/1.jpeg

https://markadongpilipino.files.wordpress.com/2012/08/bayanihan20091.jpg

132
https://www.ancient-origins.net/sites/default/files/field/image/Solomon-and-the-
Queen-of-Sheba.jpg

133
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
Baitang Grade 7
Markahan Ikalawa Linggo Ikalima

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
Pangnilalaman mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa


Pagganap mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

C. Mga Kasanayan sa Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng


Pagkatuto tradisyon, pilosopiya at relihiyon.
(AP7KSA-IIe.1.6)

1. Natatalakay ang mga paniniwala ng iba’t


ibang pilosopiyang umusbong sa Asya.
2. Naiuugnay ang mga sinaunang paniniwala
ng mga pilosopiya sa kasalukuyang panahon
sa konteksto ng kulturang Pilipino (o lokal na
kultura).
3. Nabibigyang-halaga ang kontribusyon ng
mga sinaunang pilosopo sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

II. NILALAMAN Konsepto ng Pilosopiya sa Asya


III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian Araling Panlipunan 7 – Araling Asyano
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Modyul para sa Mag-aaral
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa pp. 161-163
Kagamitang pang
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang Laptop, projector, LCD,
kagamitan mula sa
Learning resources

134
B. Iba pang
Kagamitang
Panturo
IV.PAMAMARAAN ADVANCE LEARNER AVERAGE LEARNER
A. Balik-aral sa 1. Panalangin
nakaraang aralin 2. Pagtsek ng attendance

Gawain 1: Fast Talk

Batay sa nakaraang aralin, ang guro ay


magbibigay ng termino sa mga mag-aaral tulad ng
Sinocentrism, Divine Origin at Devaraja. Hayaan
ang mga mag-aaral na magbigay ng pahayag o
kaalaman sa mga nabanggit na salita. (3 minuto)

B. Paghahabi sa Ilahad sa mga mag-aaral na sa pagtatapos ng


Layunin ng Aralin aralin sila ay inaasahang:
1. Natatalakay ang mga paniniwala ng iba’t
ibang pilosopiyang umusbong sa Asya;
2. Naiuugnay ang mga sinaunang paniniwala
ng mga pilosopiya sa kasalukuyang panahon
sa konteksto ng kulturang Pilipino o lokal na
kultura; at
3. Nabibigyang-halaga ang kontribusyon ng
mga sinaunang pilosopo sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2: Masquerade


halimbawa sa
bagong aralin Magbigay ng maskara ng mga mukha ng mga
pilosopo sa Tsina na si Confucius, Lao Tzu at
Mencius. Pumili ng tatlong mag-aaral na magsusuot
ng maskara. Bigyan ang mga mag-aaral ng mga
pahayag na nagsisimula sa katagang “I believe…”.
Hayaan ang ibang mga mag-aaral na ibigay sa
tatlong mag-aaral na nakamaskara ang pahayag.
Pagkatapos nito ay hayaang basahin ng mag-
aaral ang pahayag. (5 minuto)

Mga pahayag:
1. I believe na ang mabuting paraan ng
pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng
kapayapaan.
2. I believe na kapag gumawa ka ng masama
ang katumbas ay dapat gumawa ka ng
kabutihan.
3. I believe na ang sinumang lalabag sa batas
ay makakatikim ng mabigat na parusa na
magmumula sa pamahalaan

135
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang pahayag na binanggit ng
inyong kamag-aral?
2. Patunayan ang naging batayan ninyo upang
masabi na ang mga binanggit na paniniwala
ay kabilang sa pilosopong sina Confucius,
Lao Tzu at Mencius?
D. Pagtatalakay ng Gawain 3: A Gawain 3: Data
bagong konsepto at Philosopher’s Retrieval Chart
paglalahad ng Throwback
bagong kasanayan Hahatiin ang klase sa Hahatiin ang klase
#1 tatlo. Ang bawat pangkat sa tatlo. Ang bawat
ay bibigyan ng sipi (pahina pangkat ay bibigyan
161-162 ng modyul para ng sipi (pahina 161-
sa mag-aaral) tungkol sa 162 ng modyul para sa
tatlong pilosopiyang mag-aaral) tungkol sa
umusbong sa Tsina. tatlong pilosopiyang
Bigyan ang bawat umusbong sa Tsina.
pangkat ng Task Card. Bigyan ang bawat
(15 minuto sa buong pangkat ng Task Card
gawain) sa paggawa ng Data
Retrieval Chart. (15
Task Card: minuto)
• Basahin ang
nilalaman ng sipi tungkol Pagkatapos gumawa
sa pilosopiyang nakaatas ng Data Retrieval Chart
sa inyo. ay ipaulat ito sa klase.
• Sa loob ng 6 na
minuto ay maghanda ng Pamprosesong
isang maikli at simpleng Tanong:
dula-dulaan tungkol sa 1. Banggitin ang
mga paniniwala ng iba’t mga pilosopiyang
ibang pilosopiya ipinakita sa
• Magtalaga ng isinagawang dula-
isang miyembro na dulaan.
magsisilbing pilosopo na si 2. Paano ninyo
Confucius, Lao Tzu at maisasabuhay ang
Mencius at mga nailahad na
magpapaliwanag ng pilosopiya?
kanilang mga paniniwala
• Itanghal ang
dula-dulaan sa loob ng 3 Paalala:
minuto para sa bawat Sumangguni sa
pangkat. Appendix para sa
format ng Data
Pamprosesong Tanong: Retrieval Chart.
1. Banggitin ang

136
mga pilosopiyang ipinakita
sa isinagawang dula-
dulaan.
2. Paano ninyo
maisasabuhay ang mga
nailahad na pilosopiya?

Paalala:
Sumangguni sa Appendix
para sa mga halimbawa
ng sitwasyong ipapakita
sa dula-dulaan gayundin
ang rubriks.
E. Pagtatalakay ng Gawain 4: Human Gawain 4: Share it!
bagong konsepto at Diorama/ Human Statue
paglalahad ng Aatasan ang tatlong
bagong kasanayan # Aatasan ang tatlong pangkat na magbahagi
2 pangkat na gumawa ng ng kanilang personal
human diorama o human na karanasan na
statue na naglalarawan maaari nilang
ng mga paniniwala ng mga maiugnay sa
pilosopiya na karaniwang paniniwala o turo ng
makikita o maiuugnay sa mga pilosopiyang
kulturang Pilipino. (5 tinalakay. Maaaring
minutong paghahanda, 3 ipasulat ito sa mga
minutong pagtatanghal mag-aaral at ibahagi sa
bawat pangkat) klase. (15 minuto)

Ang ibang pangkat ay Pamprosesong


inaatasan din na ilarawan Tanong:
ang human diorama na 1. Magbanggit ng
itinanghal ng tatlong mga paniniwala o
pangkat gawain sa inyong
komunidad na
Pamprosesong Tanong: maiuugnay sa mga
1. Magbanggit ng nailahad na pilosopiya.
mga paniniwala o gawain 2. Paano
sa inyong komunidad na nakakaapekto ang mga
maiuugnay sa mga pilosopiyang ito sa
nailahad na pilosopiya. pamumuhay sa inyong
2. Paano komunidad?
nakakaapekto ang mga
pilosopiyang ito sa
pamumuhay sa inyong
komunidad?

Paalala:

137
Sumangguni sa Appendix
para sa rubriks sa human
diorama.
F. Paglinang sa Gawain 5: Thank You, Pilosopo
Kabihasaan (Tungo
sa Formative Aatasan ang mga mag-aaral na gumawa ng
Assessment) isang liham-pasasalamat sa pilosopong nais nilang
pasalamatan dahil sa naiambag nila sa paniniwala,
kultura at pagkakakilanlang Asyano.
Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat magsimula
ang liham sa paunang bati na “Dear, Pilosopong
__________”.
Maaaring ipabasa sa mga piling mag-aaral ang
liham na kanilang naisulat.
(5 minuto)

Sumangguni sa Appendix para sa rubriks sa


liham pasasalamat.

G. Paglalapat ng aralin Pamprosesong Tanong:


sa pang-araw-araw 1. Isa-isahin ang mga paniniwala ng mga
na buhay pilosopo na nagsisilbing gabay mo sa pang-
araw-araw na gawain? (5 minuto)

H. Paglalahat ng Aralin Gawain 6: Generalization


Bumuo ng isang pinag-ugnay-ugnay na ideya
batay sa mga pilosopiyang inilahad. (5 minuto para
sa advanced, 10 minuto para sa average)

Halimbawa: Ang paggawa ng mabuti ay


magdudulot ng kapayapaan (Confucianism), kung
ikaw ay gagawa ng masama dapat ay gumawa ng
kabutihan (Taoism), dahil maaaring ang paggawa
ng masama ay may katumbas na matinding
kaparusahan. (Legalismo)

I. Pagtataya ng Aralin Agree or Disagree. Patayuin ang mga mag-aaral


kung sila ay Agree o sang-ayon sa pahayag na
babanggitin ng guro, at uupo naman kung Disagree
o di-sang-ayon sa pahayag. (5 minuto)
1. Sa pilosopiyang Confucianism,
pinaniniwalaan na ang mabuting paraan ng
pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng
kapayapaan. (Agree).
2. Pinaniniwalaan sa Legalismo na lahat ng
mga bagay ay iisa. (Disagree)
3. Pinaniniwalaan sa Taoismo na kapag
gumawa ka ng masama ang katumbas ay
dapat gumawa ka ng kabutihan. (Agree)

138
4. Hindi naniniwala ang Taoismo sa buhay
pagkatapos mamatay. (Disagree)
5. Ayon sa Legalismo, higit na mahalaga ang
istriktong batas ng pamahalaan upang ang
mga tao ay kumilos at gumawa ng mabuti at
wasto. (Agree)

J. Karagdagang gawain Takdang-aralin: Magsaliksik ng mga umusbong na


para sa takdang- relihiyon sa Asya.
aralin at remediation
V. MGA TALA
VI.PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang ginamit
sa pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Ano ang naging
suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng
aking punongguro at
supervisor?
G. Anong inobasyon
o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang
ginamit/ natuklasan ko
na nais kong ibahagi
sa ibang guro?

139
Appendix

Mga Pilosopiya sa Asya

Gawain 2: Masquerade

Image of Confucius. Image of Lao Tzu. https://images-na.ssl- Image of Mencius. https://images-na.ssl-images-


https://www.historytoday.com/sites images- amazon.com/images/I/51F2h4O1l%2BL._SX331_
/default/files/Box_1168555.jpg Date amazon.com/images/I/81cfmAxaUvL._SY3 BO1,204,203,200_.jpg Date accessed: July 18,
accessed: July 18, 2019 55_.png Date accessed: July 18, 2019 2019

Gawain 3: A Philosopher’s Throwback (Advanced Learners)

Task Card:

• Basahin ang nilalaman ng sipi tungkol sa pilosopiyang nakaatas sa


inyo.
• Sa loob ng 5 minuto ay maghanda ng isang maikli at simpleng dula-
dulaan tungkol sa mga paniniwala ng iba’t ibang pilosopiya
• Magtalaga ng isang miyembro na magsisilbing pilosopo na si
Confucius, Lao Tzu at Mencius at magpapaliwanag ng mga
paniniwala
• Itanghal ang dula-dulaan sa loob ng 5 minuto bawat pangkat

140
Mga mungkahing paniniwala na maaaring gawan ng dula:

Unang Pangkat – Confucius

Mga Paniniwala ng Confucianism:

1. Ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng


kapayapaan.
2. Naniniwala sa isang Panginoon sa langit at nag-aalay sila ng iba’t ibang
sakripisyo dito, inaalay ito ng mga hari, prinsipe at tao na may mataas na
posisyon sa lipunan.
3. Hindi naniniwala sa buhay pagkatapos mamatay

Ikalawang Pangkat – Lao Tzu

Mga Paniniwala ng Taoism:

1. Naniniwala sila na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas ay dapat


gumawa ka ng kabutihan.
2. Ang buhay at kamatayan ay magkasama.
3. Mga birtud ng pagpipigil sa sarili, pagpapasensiya at pagpapakumbaba.

Ikatlong Pangkat – Mencius

Mga Paniniwala ng Legalismo:

1. Ang agrikultura at sandatahang lakas ang magpapatibay sa estado.


2. Dapat palawakin, patibayin at patatagin ang estado.
3. Higit na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado upang ang
lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at wasto.

Sanggunian: pp.161-162, ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling


Panlipunan, Modyul para sa Mag-Aaral, 2014

Gawain 3: Data Retrieval Chart (Average Learners)

Pilosopiya Paniniwala Sariling Pagkakaunawa


Confucianismo
Taosimo
Legalismo

141
Rubriks sa Dula-Dulaan:

Rubrik sa Pagmamarka 1 2 3 4 5 KabuUan


Tinig
(Angkop ang paghina at paglakas ng tinig ayon sa diwa at
damdamin)
Tindig
(Akma ang bawat kilos at galaw)
Bigkas
(Malinaw ang bigkas)
Panghikayat sa madla
(Taglay nito ang panghikayat sa madla at nakikinig dahil sa
naging reaksyon ng tagapakinig)
Kaangkupan sa paksa
(Angkop na angkop ang napiling salita sa paksa)
Kabuuang Puntos
Sanggunian: http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/10/rubric-sa-pagtatanghal-
ng-dula.html Date Accessed: July 18, 2019

Rubriks sa Human Diorama:

Rubrik sa 1 2 3 4 5 Kabuoan
Pagmamarka
Nilalaman
(Ang nilalaman ay nagtataglay ng makatotohanang
sitwasyon batay sa sipi)
Pagtatanghal
(Maayos na naitanghal ang presentasyon ng buong husay)
Pagkamalikhain
(Nakapagbigay ng mga kakaiba at natatanging paraan ng
pagtatanghal)
Kaangkupan sa Paksa
(Angkop ang isinagawang pagtatanghal batay sa layunin ng
gawain)
Kabuuang Puntos

142
Rubriks sa Liham Pasasalamat:

Rubrik sa 1 2 3 4 5 Kabuoan
Pagmamarka
Nilalaman
(Naipakita ang pasasalamat at pagpapahalaga sa
kontribusyon ng mga pilosopo)
Paggamit ng bantas, malaki at maliit na titik
(Wasto ang pagkakagamit ng bantas, malaki at maliit na titik
batay sa gamit sa liham)
Paggamit ng mga salita
(Wasto at angkop ang pagkakagamit ng mga salita)
Kalinisan at kaayusan
(Wasto at malinis ang pagkakasulat)
Kabuuang Puntos
Binagong rubriks batay sa sanggunian:
https://www.scribd.com/document/371644559/Rubrik-Sa-Pagbuo-Ng-Liham
Date accessed: July 18, 2019

143
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
Baitang Grade 7
Markahan Ikalawa Linggo Ikalima

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
Pangnilalaman mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa
Pagganap mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
C. Mga Kasanayan sa Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng
Pagkatuto tradisyon, pilosopiya at relihiyon.(AP7KSA-IIe.1.6)

1. Natatalakay ang iba’t ibang relihiyong


umusbong sa Asya.
2. Naiuugnay ang mga paniniwala ng mga
relihiyong umusbong sa Asya sa pang-araw-
araw na gawain.
3. Nasusuri ang kahalagahan ng relihiyon sa
buhay ng mga Asyano.
II. NILALAMAN Konsepto ng Relihiyon sa Asya
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian Araling Panlipunan 7 – Araling Asyano
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Modyul para sa Mag-aaral
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa pp. 155-160
Kagamitang pang
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang Laptop, projector, LCD
kagamitan mula sa
Learning resources
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN ADVANCE LEARNER AVERAGE LEARNER
A. Balik-aral sa 1. Panalangin
nakaraang aralin 2. Pagtsek ng attendance

Gawain 1: Hulaan Mo!

144
Pahulaan sa mga mag-aaral kung anong pilosopiya
ang tinutukoy ng mga pahayag.
1. Ang pilosopiyang nagsasaad na ang mabuting
pamumuhay ay magdadala ng kapayapaan.
(Confucianism)
2. Ang pilosopiyang sumusunod sa tinatawag na
‘tao’ o ‘ang daan’. (Taoism)
3. Ang pilosopiyang nagsasaad na dapat ay
magkaroon ng marahas na batas. (Legalismo)

Itanong din ito sa mag-aaral:


Magbanggit ng mga aral na nakuha ninyo mula
sa tinalakay na mga pilosopiya?

B. Paghahabi sa Layunin Ilahad sa mga mag-aaral na sa pagtatapos ng aralin


ng Aralin sila ay inaasahang:
1. Natatalakay ang iba’t ibang relihiyong
umusbong sa Asya;
2. Naiuugnay ang mga paniniwala ng mga
relihiyong umusbong sa Asya sa pang-araw-
araw na gawain; at
3. Nasusuri ang kahalagahan ng relihiyon sa
buhay ng mga Asyano.
C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2: Icon Quiz
halimbawa sa bagong Sa isang Powerpoint presentation, magpakita ng mga
aralin larawan ng mga relihiyon sa Asya. Hayaang tukuyin
ng mga mag-aaral kung anong relihiyon ito.
1. Hinduismo
2. Buddhism
3. Jainismo
4. Sikhismo
5. Judaismo
6. Kristiyanismo
7. Islam
8. Zoroastrianismo
9. Shintoismo

Sumangguni sa Appendix para sa larawan ng mga


relihiyon.
D. Pagtatalakay ng Gawain 3: Usapang Gawain 3: Retrieval
bagong konsepto at Relihiyon Chart
paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Hahatiin ang klase sa Pangkatin ang mga mag-
lima. Ang bawat pangkat aaral sa siyam.
ay bibigyan ng sipi/teksto Bigyan ng sipi/teksto ang
tungkol sa mga relihiyong ang bawat grupo tungkol
umusbong sa Asya na sa mga relihiyong
nasa pahina 155-160 ng umusbong sa Asya na
nasa pahina 155-160 ng

145
modyul para sa mag- modyul para sa mag-
aaral. aaral.
Bigyan ang bawat
pangkat ng Task Card. Pagkatapos mabasa ang
sipi ng teksto, ipagawa sa
PANGKAT 1: mga mag-aaral ang isang
Bumuo ng news report retrieval chart na
tungkol sa relihiyong naglalaman ng relihiyon,
Hinduismo at Buddhism. bansang pinagmulan,
Gawin ito sa loob ng 7 nagtatag at batayang turo.
minuto. Mayroong 3
minuto ang inyong Tatalakayin ng bawat
pangkat para sa pangkat ang naisagawang
presentasyon retrieval chart.

PANGKAT 2: Pamprosesong tanong:


Gumawa ng isang 1. Ano-anong
graphic organizer tungkol relihiyon ang mga
relihiyong sa Jainismo at naitatag sa Asya?
Sikhismo. Gawin ito sa 2. Tukuyin ang mga
loob ng 7 minuto. bansa sa Asya na
Mayroong 3 minuto ang umusbong ang
inyong pangkat para sa mga relihiyon?
presentasyon 3. Kilalanin ang ang
nagtatag ng mga
PANGKAT 3: relihiyong
Mag-organisa ng nabanggit?
isang “game show” 4. Paano mo
tungkol sa relihiyong maisasabuhay ang
Judaismo at mga batayang turo
Kristiyanismo. Gawin ito ng mga nabanggit
sa loob ng 7 minuto. na relihiyon?
Mayroong 3 minuto ang
inyong pangkat para sa
presentasyon

PANGKAT 4:
Gumawa ng isang awit
tungkol sa relihiyong
Islam at Zoroastrianismo.
Gawin ito sa loob ng 7
minuto. Mayroong 3
minuto ang inyong
pangkat para sa
presentasyon

PANGKAT 5:
Gumawa ng isang tula
tungkol sa relihiyong

146
Shintoismo. Gawin ito sa
loob ng 7 minuto.
Mayroong 3 minuto ang
inyong pangkat para sa
presentasyon

Gawing gabay ito sa


pagsagawa ng
pangkatang gawain:
bansang pinagmulan,
nagtatag nito at ang
batayang turo.

Pagkatapos na
maipresenta ng 5
pangkat ang kanilang
output.
Magkakaroon ng
malayang talakayan.
Gawing gabay ang
sumusunod na
Pamprosesong tanong:
1. Ano-anong
relihiyon ang mga
naitatag sa Asya?
2. Tukuyin ang mga
bansa sa Asya na
umusbong ang
mga relihiyon?
3. Kilalanin ang ang
nagtatag ng mga
relihiyong
nabanggit?
4. Paano mo
maisasabuhay
ang mga
batayang turo ng
mga nabanggit na
relihiyon?
E. Pagtatalakay ng Gawain 4: Gawain 4: Charades
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong Base sa nakita at Hatiin sa siyam na
kasanayan # 2 napakinggang pangkat ang klase.
pagtatanghal ng limang Sa pamamagitan ng
(5) pangkat, sasagutin ng larong “charades”,
bawat pangkat ang magbibigay ang mga
tanong na mag-aaral ng mga
sitwasyon na kung saan
ipinapakita ang iba’t

147
“Paano maiuugnay ang ibang paraan ng
mga paniniwala ng mga paniniwala at pagsamba
relihiyon sa pang araw- ng mga relihiyong
araw na gawain?” sa umusbong sa Asya.
pamamagitan ng Hayaang hulaan ng mga
pabibigay ng halimbawa mag-aaral kung anong
ng mga gawain sa araw relihiyon ito kabilang.
araw na sumasalamin sa
mga paniniwala ng mga Sumangguni sa
relihiyon sa Asya. Appendix para sa
mungkahing sitwasyon
Gagawin ito ng bawat para sa charades.
pangkat sa loob ng 5
minuto. Pamprosesong tanong:
1. Ano ang naging
batayan ninyo sa
paghula ng mga
relihiyong isinagawa
sa charades?
2. Nagkakatulad ba o
nagkakaiba ang mga
paraan ng pagsamba
at paniniwala ng mga
tagasunod ng iba’t
ibang relihiyon?
Ipaliwanag.

F. Paglinang sa Gawain 5: Spoken Gawain 5: Tanong mo!


Kabihasaan (Tungo Poetry Sagot ko!
sa Formative
Assessment) Sa nabuong limang (5) Ang bawat pangkat ay
pangkat, aatasan ang magbibigay ng tanong sa
mga mag-aaral na pangkat na susunod sa
gumawa ng isang spoken kanila (hal. Ang pangkat
poetry tungkol sa 1 ay magtatanong sa
impluwensya ng relihiyon pangkat 2, ang pangkat 2
sa pang-araw-araw na ay magtatanong sa
buhay ng isang pangkat 3, hanggang
indibidwal. matapos ang bawat
pangkat) tungkol sa
Itatanghal ng mga mag- isinagawang pangkatang
aaral ang naisagawa gawain.
nilang spoken poetry.

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa
itinanghal na
spoken poetry,
may impluwensya

148
ba ito sa inyo?
Kung mayroon
pangatwiranan
ito.

Sumangguni sa Appendix
para sa rubriks sa
paggawa ng spoken
poetry.
G. Paglalapat ng aralin Gawain 6: Relihiyon, Gawain 6: Ako bilang
sa pang-araw-araw Pahalagahan Mo! Asyano at Pilipino…
na buhay 1. Paano ninyo Bilang isang Asyano at
pahahalagahan ang mga Pilipino mahalaga ba ang
turo ng inyong relihiyon sa buhay mo?
kinabibilangang Pangatwiranan?
relihiyon?
H. Paglalahat ng Aralin Gawain 7: Gawain 7:
Generalization Chart Napag alaman kong…

Kompletohin ang mga Ibabahagi ng mga


sumusunod na pahayag: mag-aaral kung anong
relihiyon ang inisa-isa ng
1. Nalaman ko sa bawat pangkat.
aralin na Maaaring gamitin ang
umusbong sa pormat sa ibaba
Asya ang iba’t
ibang relihiyon Ayon sa (pipili ng
tulad ng pangkat), tungkol sa
____________. ___________________.
2. Nagkakatulad ang
mga relihiyon sa Napag alaman kong
aspetong _________________.
____________.
3. Nagkakaiba At natutunan kong
naman ang mga _________________.
relihiyon sa
larangan ng
____________.
4. Mahalaga ang
mga batayang
turo ng mga
relihiyon dahil
____________.

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung anong relihiyon kabilang ang


sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang
sagot.
Pagpipilian:
A. Buddhismo

149
B. Islam
C. Judaismo
D. Hinduismo
E. Kristiyanismo
1. Relihiyon sa India na naniniwala sa mga diyos-
diyosan sa kalikasan ngunit napalitan ng
pagsamba kay Brahma.
2. Itinatag ni Siddharta Gautama kung saan
naniniwala na ang buhay at pagdurusa ay
hindi mapaghihiwalay.
3. Relihiyon ng mga Hudyo na naniniwala sa
iisang Diyos.
4. Ang relihiyong may pinakamaraming
tagasunod sa mundo at nakabatay sa turo ni
Kristo Hesus.
5. Ang relihiyon ng mga Muslim at ang
sinasambang diyos ay si Allah.

Panuto: Isulat ang mga letra ng tamang sagot. Alin sa


sumusunod ang nagsasaad ng tamang pahayag?
a. Ang mga turo ng iba’t ibang relihiyon sa Asya
ay nagsisilbing gabay sa araw-araw na buhay
ng tao.
b. Iilan lamang sa mga relihiyon sa Asya ang
nagnanais na mapabuti ang tao.
c. May ilang relihiyon sa Asya na sumasamba sa
maraming Diyos at mayroon naming
sumasamba sa iisang Diyos.
d. Ang relihiyon ay masasabing kalipunan ng
mga paniniwala at ritwal tungkol sa mga
pinaniniwalaang diyos.
e. Ang mga relihiyong umusbong ay nagpatibay
sa pagkakakilanlang Asyano
Tamang sagot: a, c, d, e,
J. Karagdagang gawain Takdang-aralin: Magsaliksik ng mga mahahalagang
para sa takdang- pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan hanggang
aralin at remediation sa ika-16 na siglo sa larangan ng pamahalaan,
kabuhayan, teknolohiya, lipunan, edukasyon,
paniniwala, pagpapahalaga, sining at kultura.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain para
sa remediation

150
C. Nakatulong ba
ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang ginamit
sa pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F. Ano ang naging
suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng
aking punongguro at
supervisor?
G. Anong
inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang
ginamit/ natuklasan
ko na nais kong
ibahagi sa ibang
guro?

151
Appendix

Mga Relihiyon sa Asya

Gawain 2: Icon Quiz

Buddhism..
Hinduism.https://s4.scoopwhoop.com/rob/hindufact https://www.buddhismforschools.com/s/cc_images/teaser
s/2b.jpg Date accessed: July 18, 2019 box_50784346.gif?t=1481626545 Date accessed: July
18, 2019

Sikhism. https://www.asian-
voice.com/var/ezdemo_site/storage/images/_aliases/article_main/
asian-voice/volumes/2016/12-november-2016/guru-nanak-the-
Jainism.
founder-of-self-respecting-sikhism/579792-3-eng-GB/Guru-Nanak-
http://religionfacts.imgix.net/905/147509.jpg?fit=ma
The-Founder-of-Self-respecting-Sikhism.jpg Date accessed: July
x&h=1400&q=85&w=1400&s=3f4690de3c1ee683df
18, 2019
acff75a988ed4f Date accessed: July 18, 2019

152
Judaism. https://www.myjewishlearning.com/wp- Christianityhttps://religionnews.com/wp-
content/uploads/2015/08/Dollarphotoclub_4697624 content/uploads/2017/11/webRNS-REUNITE-
7-e1438639101319.jpg Date accessed: July 18, CHRISTIANITY-20171108.jpg Date accessed: July 18,
2019 2019

Islamhttps://miro.medium.com/max/700/1*87VsrWU3n2dFO Zoroastrianism http://www.humanreligions.info/RE0131.png


PxHeSp-pA.jpeg Date accessed: July 18, 2019 Date accessed: July 18, 2019

Shintoism
https://vignette.wikia.nocookie.net/psychology/images/f/fe/Itsukus
hima_torii_angle.jpg/revision/latest/scale-to-width-
down/200?cb=20071104101731 Date accessed: July 18, 2019

153
Gawain 3: Data Retrieval Chart

Relihiyon Bansang Sinilangan Nagtatag Mga Batayang Turo,


Aral at Paniniwala

Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan Modyul


para sa Mag-aaral. pp. 160

Gawain 4: Charades

1. Hinduismo: Bahagi ng kanilang paniniwala ang ‘reinkarnasyon’ na kung saan


ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o
nilalang.
2. Buddhismo: Upang maalis ang pagdurusa ay dapat alisin ang pagnanasa.
3. Jainismo: Bawal kumain ng karne, bawal pumatay ng insekto, bawal
magnakaw, bawal magsinungaling, bawal magkaroon ng ari-arian.
4. Sikhismo: Naniniwala sa pag-akyat ng kaluluwa mula sa mababang antas
pataas.
5. Judaismo: Ang Sampung Utos ang gabay ng mga Hudyo sa wastong
pagkilos at pamumuhay.
6. Kristiyanismo: Maaaring isagawa ang iba’t ibang paraan ng pagsamba ng
mga Kristiyano.
7. Islam: Maaari ring isagawa ang paraan ng pagsamba ng mga Muslim
8. Zoroastrianismo: Ang buhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa
kabutihan o kasamaan.
9. Shintoismo: Paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw at iba
pang diyos ng kalikasan.

154
Gawain 5: Spoken Poetry

Rubrik sa Spoken Poetry

Rubrik sa Pagmamarka 1 2 3 4 5 Ka-


buua
n
Tinig
(Angkop ang paghina at paglakas ng tinig ayon sa
diwa at damdamin)
Nilalaman at Pamamaraan
(Angkop ang nilalaman ng tula at malikhain ang
pamamaraan ng pagtatanghal)
Bigkas at Pananalita
(Malinaw ang bigkas)
Panghikayat sa madla
(Taglay nito ang panghikayat sa madla at nakikinig
dahil sa naging reaksyon ng tagapakinig)
Kaangkupan sa paksa
(Angkop na angkop ang napiling salita sa paksa)
Kabuuang Puntos

Gawain 6: Generalization Chart

Nalaman ko sa aralin na umusbong sa


Asya ang iba’t ibang relihiyon tulad ng…

Nagkakatulad ang mga relihiyon sa


aspetong…
Nagkakaiba naman ang mga relihiyon sa
larangan ng …
Mahalaga ang mga batayang turo ng mga
relihiyon dahil…

155

You might also like