You are on page 1of 52

TRENTO NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 8
LAS-Q3- W1
ANG PANAHON NG RENAISSANCE
I.Panimula (Susing Konsepto)
Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula
sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe,
paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagkamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay
nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumuo sa buong daidig.
Sa modyul na ito ay tuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigdig
tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan
upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng
daigdig.
II. Kasanayan sa Pagkatuto at Koda
Nasusuri ang mahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa
panahon ng Renaissance (AP8PMD-IIIi-10)
Mga Layunin:
a. Natutukoy ang mahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-
kultural sa panahon ng Renaissance
b. Nailalahad ang mga salik na nagbigay-daan sa Renaissance
c. Natatalakay ang ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan
III. Pamamaraan
1. Mga kagamitan
➢ Activity Sheet, panulat at iba pa
2. Pamantayan
➢ Ihanda ang mga kagamitan katulad ng Activity Sheet at panulat.
➢ Huwag magtungo sa susunod na gawain kung hindi pa naisasagawa ang
mga naunang gawain.
➢ Maging tapat sa pagsagot sa mga gawain.
3. Pangkalahatang Panuto
Ang “Activity Sheet” na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mo ang mga
aralin sa Araling Panlipunan 8 kahit hindi ka makapasok sa paaralan. Upang maging
lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin sundin mo nang tapat ang
mga sumusunod:
➢ Basahing mabuti ang bawat panuto na nakasulat sa bawat gawain na
ibinigay.

1
➢ Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat.
➢ Magtanong sa magulang, kapatid, kasambahay o magtext/magchat o
tumawag sa guro kung kailangan.

IV. Mga Gawain

Gawain 1: Word Hunt


Panuto: Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa
bawat kahon sa kasunod na pahina. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang
gabay sa paghahanap ng bawat salita.
A L A M E R K A N T I L I S M O
D I M B S E T N A T S E T O R P
V S I O L P R O T S E T O R P R
C O K A T O L I K O W H P S E I
E M D K E R A L S E A R L K E S
T S K U Y M T T A P T K N G P R
N I R S F A G U M O Y A S O O U
M N L W C S B S N R B N C T R K
P A T P L Y A S H R E O P Y U G
E M Y M B O U R G E O I S I E A
R U L R E N A I S S A N C E S P
Y H C R A N O M L A N O I T A N

1. B___________________R Nagmamay-ari o namamahala ng bangko


2. B___________________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe
3. E___________________E Pangalawa sa pinakamaliliit na kontinente ng
daigdig
4. H___________________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa
panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at
Romano.
5. K___________________O Nangangahulugang “universal”.
6. M___________________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa
konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak.

2
7. N____________________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang
kapangyarihan ng M________________Y hari.
8. P___________________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng
simbahang katoliko.
9. R___________________E Nangangahulugan itong “muling pagsilang”
10. R___________________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang
bansang Katoliko ay yumakap sa ibang relihiyon.

Basahin at Unawain
Renaissance
➢ Nangangahulugang muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece
na sumibol sa bansang Italya
➢ Isang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng
sinaunang kulturang Greek at Romano sa pamamagitan ng pag-aaral sa
panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.
➢ Ang Renaissance ay nagbigay-daan sa maraming pagbabago sa larangan ng
sining, arkitektura, at eskultura. Naging inspirasyon din ng mga mangangalakal
ang Renaissance dahil naging maunlad ang ekonomiya.
➢ Isa itong panahon ng transisyon sa Middle Ages tungo sa Modern Period
➢ Pangunahing katangian nito ang muling pagkamulat sa kulturang klasikal ng
Greece at Rome na nagbibigay diin sa kahalagahan ng tao.
➢ Dapat maging malaya ang tao sa paglinang ng kanyang mga kakayahan at
kagustuhan
➢ Dapat hangarin ng tao ang lubos na kasiyahang pangkasalukuyan
➢ Nagsimula ang Renaissance sa Italy dahil sa maraming salik
➢ Una, ang Italy ay matatagpuan sa pagitan ng kanlurang Asya at kanlurang
Europa. Dahil sa magandang lokasyon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga
lungsod na makipagkalakalan.
➢ Ikalawa, ang Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma at higit na
may kaugnayan ang Italyano sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europe
➢ Ikatlo, dahilan ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong
mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral

Gawain 2: Alamin mo!


Panuto: Buuin ang mga salita na ipinapahayag ng bawat pangungusap na nasa
ibaba. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno o bahagi ng papel.

3
1. G_______K at R_________O Isang kilusang kultural o intelektuwal na
nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang ________ at
________ sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga
nasabing sibilisasyon
2. R________________E Ito ang nagbigay-daan sa maraming pagbabago sa
larangan ng sining, arkitektura, at eskultura. Naging inspirasyon din ng mga
mangangalakal ang Renaissance dahil naging maunlad ang ekonomiya.
3. M_______E A___S Panahon ng transisyon tungo sa Modern Period.
4. I___________Y Nagsimula ang Renaissance sa bansang ito dahil sa
matatagpuan sa pagitan ng kanlurang Asya at Kanlurang Europa.
5. R__________H Nangangahulugang muling pagsilang ng kulturang klasikal ng
Greece na sumibol sa bansang Italya

Mga salik na nagbigay-daan sa Renaissance


➢ Ang Renaissance ay nagsimula noong 1350, sa mga hilagang lungsod-estado ng
Italya, narating nito ang rurok ng katanyagan noong 1500. Ang Italya ay sinilangan
ng Renaissance dahil sa maraming dahilan.
➢ Ang mga lungsod-estado na ito sa matagal na panahon ay siyang nagdomina sa
daanang kalakalan sa pagitan ng Silangan at Kanlurang Europa at Gitnang
Silangan. Pagsapit ng 1300, ang mga lungsod na ito ay naging pinakamayamang
lungsod sa Europa.
➢ Ang Italya ay may magandang kinalalagyan sa larangan ng kalakalan.
➢ Ang estrakturang politikal ng Hilagang Italya ay nakatulong upang maikalat ang
yaman ng kalakalan. Ang rehiyon ay nahati-hati sa maraming nagsasariling
lungsod-estado. Ang lumalaking kalakal ay nagdulot ng panibagong yaman sa
mga lungsod na ito, na ang pinakamahalaga ay Venice, Florence, Milan, at
Genoa.
Humanismo

➢ Isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat


pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista
ang taong tumatangkilik sa ideyang ito.
➢ Ang Humanismo ay mula sa salitang humanitas na nangangahulugang kultura.
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga klasikong kultura gaya ng sa mga Griyego.
Nagsilbi itong tagapagtaguyod ng kultura ng mga tao. Binigyang halaga nito ang
mga kakayanan at abilidad ng mga tao.

4
➢ Humanista mga iskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Rome
➢ Sekularismo paniniwalang ang mga gawain ng tao ay dapat nakabatay sa
ebidensiya at katotohanan at hindi sa pamahiin at paniniwalang panrelihiyon
➢ Isang saloobing may pagnanasang gisingin at bigyang-halaga ang kulturang
klasikal ng mga Griyego at Romano
➢ Rudolfo Agricila – kauna-unahang nagkalat ng Humanista sa labas ng Italy
➢ Sir Thomas Moore nagpakilala sa pag-aaral ng sangkatauhan sa mga
pamantasan ng England
➢ Lorenzo Medici kilala bilang “Lorenzo the great”. Naging pangunahing
tagapagtaguyod ng Renaissance sa pamamagitan ng pagtulong sa mga iskolar at
sa mga humanista. Pinaunlad niya ang Florence at ito ang ginawa niyang sentro
ng Renaissance sa Italy

Narito ang naging ambag ng mga humanista sa panahon ng Renaissance.


• Ang mga Humanista ang nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon
ng Greecce at Roma. Sila ang nagbigay ng bagong pananaw na
Humanismo na resulta ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at
Roma
• Ang Humanismo ay isang kilusang intelektwal na nagsulong ng
paniniwalang dapat bigyan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Roma sa pag-aaral.
• Ito ay upang mapag-aralan at malaman ang mga paraan upang
magkaroon ng moral at epektibong buhay ang isang tao.

Gawain 3: Punan Mo!


Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot sa kahon nasa ibaba.

Personalidad Ambag sa Kabihasnan

1.) 1.)

2.) 2.)

3.) 3.)

5
Sa Larangan ng Sining at Panitikan
➢Francesco Petrach “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang sinulat
niya sa Italyano ang “Songbook”, isang koleksiyon ng mga sonata ng
pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura
➢ Goivanni Boccacio matalik na kaibigan ni Petrach. Ang kaniyang
pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag
na koleksyon na nagtataglay ng isang daang nakatatawang salaysay,
➢William Shakespeare ang “Makata ng mga Makata”. Naging tanyag na
manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna
Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula
gaya ng:”Julius Caesar”, ”Romeo at Juliet”, “Hamlet”, “Anthony at
Cleopatra”, “Scarlet”
➢ Desiderious Erasmus “Prinsipe ng mga Humanista”. May akda ng “In
Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga
pari at mga karaniwang tao.
➢ Nicollo Machievelli isang diplomatikong manunulat na taga Florence,
Italy. May akda ng “The Prince”. Napapaloob sa aklat na ito an gang
dalawang prinsipyo:: Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa
pamamaraan. Wasto ang nilikha ng lakas.
➢ Miguel de Cervantes sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang
nobelang “Don Quixote dela Mancha”, aklat na kumukutya at ginagawang
katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong
Medieval Period.
Sa Larangan ng Pinta
➢ Michelangelo Bounarotti ang pinakasikat na iskultor ng Renaissace,
ang una niyang obra maestro ay ang estatwa ni David. Ipininta niya sa
Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na
Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaidigan hanggang sa
pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa
ni Kristo pagkatapos ng kaniyang krusipiksyon.
➢ Leonardo da Vinci ang hindi makakalimutang obra maestro niyang
“The Last Supper”, na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama
ang kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming
nalalaman sa iba-ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor,kundi isa ring
arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero, at pilosoper

6
➢Raphael Santi “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”.
Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at
balance o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag
na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and the
Child”, at “Alba Madonna”.
Sa Larangan ng Agham
➢ Nicolas Copernicus inilahad niya ang Teoryang Heliocentric. Ang
daigdig kasama ng iba pang planeta ay umiikot sa paligid ng araw.
➢ Galileo Galilie isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki
ang naitulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan
ang Teoryang Copernican.
➢ Sir Isaac Newton ang higante ng siyentipikong Renaissance. Batas
ng Universal Gravitation

Gawain 4: Kilalanin Mo!


Panuto: Suriin ang sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang bawat nakalarawan at isulat
sa patlang ang tungkulin o Gawain ng bawat isa.

Larawan Personalidad Ambag sa Kabihasnan

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

7
9.

10.

11.

12.

Gawain 5: Pagtataya
Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga terminolohiyang binibigyang-kahulugan sa hanay A.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
A B
1. Ama ng humanismo a. William Shakespeare
2. Prinsipe ng mga humanista. May
Akda ng “In Praise of Folly b. Desiderious Erasmus
3. Pinakamahusay na panitikang piyesa
ay ang Decameron c. Francesco Petrach
4. Makata ng mga Makata d. Goivanni Boccacio
5. Isinulat niya ang nabelang Don Quixote
de la Mancha e. Galileo Galilie
6. Nakaimbento ng teleskopyo f. Sir Isaac Newton
7. Hindi makalilimitang obra maestra niyang
The Last Supper g. Raphael Santi
8. Ganap na Pintor, Perpektong Pintor h. Miguel de Cervantes
9. Ang higante ng siyentipikong Renaissance. i. Michelangelo Bounarotti
Batas ng Universal Gravitation
10. Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, j. Leonardo da Vinci
ang unang niyang obra maestro ay ang
estatwa ni David

Gawain 6: Pagtatasa
Panuto: Isulat ang wastong salita na hinihingi sa bawat tanong. Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.
1.) H_______________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-halaga sa
kulturang klasikal ng Griyego at Romano.
2.) R_______________E Nangangahulugan itong “muling pagsilang”.
3.) H_______________A Sila ang nangunguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at
Roma.
4.) D_______________N Koleksyon ng isang daang nakakatawang salaysay.
5.) I________________A Ang bansang sinilangan ng Renaissance.

8
Pag-usbong ng Bourgeoisie
Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan
sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan
ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring
may particular na gamit o pandekorasyon lamang.
Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay
ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang
manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito
sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa
kundi sa industriya at kalakalan.
Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa
ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker
(nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipowner (nagmamay-ari ng mga
barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante.
Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-
alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa
nasasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang.

Gawain 7: Burgis ka!


Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeosie. Iyong itala ang
mahahalagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept map
ng nasabing datos tungkol sa bougeosie.

Ang mga bourgeosie


ay____________________________
______________________________

PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIE

Dahilan ng kanilang Paglakas Epekto ng Paglakas ng Europe

_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

9
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
Malaki ang naitulong ng pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng
Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong
pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari at ang naghahari ay mga noble na
sila ring panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing
panginoong may lupa.
Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie.
Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na
sentralisadong pamahalaan.
Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad
ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksyon na dating
ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng sundalo
ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong
maylupa kung kinakailangan.
Halaw mulaw sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et.al pp.212

PAG-USBONG NG MGA NATION STATE


Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya naitatag na rin ang mga bayan ng
mga nation-state sa Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na
pinananahanan ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura,
relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural, ang mga
mamamayan ay isang kaisipang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang
estado sapagkat nananahanan sila sa isang tiyak na teritoryo at may pamahalaan
silang soberanidad o kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa
kanilang bansa.
Dahil makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas
ang Europe. Nabuo sa Europe ang mga bagong institusyong pampolitika,
panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din sa
pagpapalawak nito ng impluwensiya. Naganap ito sa panghihimasok at pananakop
ng mga Europeong nation-state sa Asya, America, at nang kinalaunan, sa Africa.
Halaw mulaw sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et.al pp.212-213

10
Gawain 8: Hagdan ng Pag-unawa!
Panuto: Sa tulong ng teksto na nasa itaas. Itala sa ladder diagram ang mga
kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy.

NATIONAL MONARCHY

Rubrik sa Pagpupuntos
Rubrik sa pagbibigay puntos sa mga
Puntos
pagpapaliwanag na mga gawain
Naaayon at naiugnay sa paksa 3
Maayos ang paglalahad ng kaisipan 2
Kabuuan 5

V. Pangwakas
Gawain 9: Reflection Journal
Panuto: Isulat mo sa reflection journal ang lahat ng iyong mga iniisip at saloobin upang
maging gabay sa pagsukat ng iyong mga kaalaman at pagganap sa mga gawaing iyong
naisakatuparan. Gawin mo rin itong pamantayan tungo sa pagpapaunlad ng iyong sarili.

ANG PANAHON NG
RENAISSANCE

11
12
kalinisan para makaiwas sa ano mang mga sakit. Ugaliing maghugas ng kamay.
Dapat araw-araw na nakasunod sa mga protokol pagdating sa personal na
Palaging Tandaan:
Guro sa AP 8
JOSELITO G. LOQUINARIO
FEDELINA J. TECSON
Inihanda nina: Gawain 5
1. c
Gawain 4 2. b
1. Galileo Galilie isang astronomo at
matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong 3. d
ng kaniyang naimbentong teleskopyo para
mapatotohanan ang Teoryang Copernican. 4. a
2. Sir Isaac Newton ang higante ng
siyentipikong Renaissance. Batas ng Universal 5. h
Gravitation
6. e
3. Desiderious Erasmus “Prinsipe ng mga
Humanista”. Sinulat ang “In Praise of Folly” 7. j
4. William Shakespeare ang “Makata ng mga
Makata”. Naging manunulat ng:”Julius Caesar”, 8. g
”Romeo at Juliet”, “Hamlet”, “Anthony at Gawain 6
Cleopatra”, “Scarlet” 9. f
5. Goivanni Boccacio sinulat ang “Decameron” 1. HUMANISMO
6. Francesco Petrach “Ama ng Humanismo”. 10. i
sinulat niya sa Italyano ang “Songbook” 2. REBIRTH
7. Nicolas Copernicus inilahad niya ang
3. HUMANISTA
Teoryang Heliocentric. Ang daigdig kasama ng
iba pang planeta ay umiikot sa paligid ng araw. 4. DECAMERON
8. Raphael Santi “Ganap na Pintor”,
“Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor 5. ITALYA
ng Renaissance. Ilan sa kaniyang tanyag na Gawain 1
gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna”, 1. Banker
“Madonna and the Child”, at “Alba Madonna”. 2. Bourgeoisie
9. Leonardo da Vinci iginuhit ang “The Last Gawain 3 3. Europe
Supper”. Siya kilalang pintor,kundi isa ring 1. Rudolfo Agricila – kauna- 4. Humanismo
arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, unahang Humanista sa 5. Katoliko
siyentista, musikero, at pilosoper labas ng Italy 6. Merkantilismo
10. Michelangelo Bounarotti inukit ang estatwa 2. Sir Thomas Moore 7. National Monarchy
ni David, ipininta ang Sistine Chapel ng Katedral nagpakilala sa pag-aaral ng 9. Renaissance
ng Batikano, at inukit ang La Pieta isang sangkatauhan sa mga 10. Repormasyon
estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang pamantasan ng England Gawain 2
krusipiksyon. 3. Lorenzo Medici kilala 1. Greek & Romano
11. Miguel de Cervantes isinulat “Don Quixote bilang “Lorenzo the great”. 2. Renaissance
dela Mancha”, Naging pangunahing 3. Middle Ages
12. Nicollo Machievelli sinulat ang “The tagapagtaguyod ng 4. Italy
Prince”. Renaissance sa Italy 5. Rebirth
Susi sa Pagwawasto
aaral. Pasig City:DepEd-IMCS Vibal Group, Inc.
Blando, R. C. (2014, 300) Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul ng Mag-
Mga Sanggunian
TRENTO NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 8
LAS-Q3- W2-3
UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO
I.Panimula (Susing Konsepto)
Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o
paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay
nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa
isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong
dulot ng eksplorasyon: paghahanap ng kayamanan; pagpapalaganap ng Kristiyanismo at
paghahangad sa katanyagan at karangalan.
II. Kasanayan sa Pagkatuto at Koda
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo(AP8PMD-
IIIi-10)
Layunin:
d. Naisa-isa ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo
e. Naipaliliwanag ang mga motibo at salik sa eksplorasyon
f. Natatalakay ang mahahalagang epekto ng eksplorasyon.
III. Pamamaraan
4. Mga kagamitan
➢ Activity Sheet, panulat at iba pa
5. Pamantayan
➢ Ihanda ang mga kagamitan katulad ng Activity Sheet at panulat.
➢ Huwag magtungo sa susunod na gawain kung hindi pa naisasagawa ang
mga naunang gawain.
➢ Maging tapat sa pagsagot sa mga gawain.
6. Pangkalahatang Panuto
Ang “Activity Sheet” na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mo ang mga
aralin sa Araling Panlipunan 8 kahit hindi ka makapasok sa paaralan. Upang maging
lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin sundin mo nang tapat ang
mga sumusunod:
➢ Basahing mabuti ang bawat panuto na nakasulat sa bawat gawain na
ibinigay.
➢ Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat.
➢ Magtanong sa magulang, kapatid, kasambahay o magtext/magchat o
tumawag sa guro kung kailangan.

13
IV. Mga Gawain
Gawain 1: Suriin Mo!

Panuto: Suriin ang kasunod na graphic organizer tungkol sa motibo ng kolonyalismo. Isulat ang sagot
sa inyong kwaderno.

Motibo ng
Kolonyalismo

1.) _____ 3.) _____


2.) _____

Kolonyalismo
➢ Naganap noong ika-15 hanggang ika-17 siglo.
➢ Ito rin ang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa
nararating ng mga Europeo
➢ Ang eksplorasyon ang nagbigay daan sa kolonyalismo
➢ Kolonyalismo ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa
3 bagay na Motibo ng Kolonyalismo
➢ Paghahanap ng kayamanan
➢ Paglaganap ng kristiyanismo
➢ Paghahangad ng katanyagan at karangalan
➢ Kilala sa 3 G’s – na ibig sabihin ay God, Gold and Glory

https://bit.ly/319Az4H

14
Gawain 2: Sagutin Mo!

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong kwaderno

1. Sino ang tanyag na manlalakbay na sumulat ng “The Travels of Marco Polo”?


a. Marco Polo c. Ferdinand Magellan
b. Niccolo Polo d. Kublai Khan
2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa “maraming ginto at pilak”?
a. Billion c. Bullion
b. Millon d. Trillon
3. Ano ang tawag sa kagamitang panlalayag na nagtuturo ng direksyon?
a. Astrolabe c. steering rod
b. Telescope d. compass
4. Alin sa mga sumusunod ang kagamitang panlalayag na ginagamit para matukoy ang layo ng
barko mula sa ekwador?
a. Astrolabe c. steering rod
b. Telescope d. compass

5. Sino ang manlalayag na naglalayong mapalaya ang mga kristiyanong muslim sa Africa?

a. Ferdinand Magellan c. Vasco da Gama

b. Prinsipe Henry the Navigator d. Christopher Columbus

Gawain 3: Maglalakbay Tayo!


Panuto: Basahin mo at unawain ang teksto tungkol sa paglalayag o ekplorasyon
1.) Ano-ano ang motibo ng eksplorasyon?
2.) Bakit mahalaga ang eksplorasyon sa pamumuhay ng mga Europeo?
3.) Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang pamumuhay at
lipunan ng Europe?

Eksplorasyon

KAHALAGAHAN NG EKSPLORASYON

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Mga Salik sa Eksplorasyon

1. Mga Unang Ruta ng Kalakalan


• Ang mga kalakal sa Asya ay nakarating sa Europa sa pamamagitan ng
tatlong ruta: Hilagang Ruta, Panggitnang Ruta at Timog na Ruta
2. Limitadong Kaalaman ng mga Kanluranin sa Asya

15
• Kaunti lamang ang nalalaman ng mga kanluranin tungkol sa Asya
• Ang pinakatanyag na akda ay isinulat ni Marco Polo. Tinawid niya ang
Gitnang Asya hanggang sa China kasama ang kanyang ama at tiyuhin
ayon sa kanyang aklat na The Travels of Marco Polo.

3. Kayamanan
• Dahil sa patakarang merkantilismo nais ng mga Europeo na magkaroon
ng maraming bullion o ginto at pilak
• Naghangad ng mga pagkaing pampalasa gaya ng paminta, nutmeg, luya
at cinnamon na tinatawag na spices.

https://bit.ly/319Az4H
4. Relihiyon
• Nasakop ng mga Muslim ang Spain, Hilagang Africa at Silangang
Mediterranean Sea kaya naglunsad ang Portugal at Spain ng
Reconquista upang mabawi ang Iberian Peninsula
• Paglunsad ng krusada upang mabawi ang Jerusalem sa mga Muslim
• Ninais nila na palaganapin ang kristiyanismo kaya sa bawat
ekspedisyon ay may mga misyonerong paring kasama na naging
tagatala nila ng mga nangyari sa kanilang paglalakbay.

https://bit.ly/319Az4H

5. Katanyagan
• Malaki ang ginampanan ng Renaissance sa paghahangad ng mga
manlalakbay na Europeo na makarating sa mga bagong lupain dahil
nakasentro ito galing ng isang tao na may tiwala sa sarili na hangad
niyang matanyag siya at pati na ang kanyang bansa.

16
https://bit.ly/319Az4H

6. Pag-unlad ng Teknolohiya
• Nagkaroon ng pag-unlad sa paggawa ng mga sasakyang pandagat tulad
ng caravel at instrument pangnabigasyon tulad ng compass (tinuturo ang
direksyon) at astrolabe (para malaman ang layo ng barko mula ekwador
at latitude sa pamamagitan ng pagtingin sa mga bituin, araw at buwan.

https://bit.ly/319Az4H

• Nakatulong din ang suporta ng mga hari sa ekspedisyon ng mga


Europeong manlalakbay. Halimbawa ang patron ng mga manlalakbay na
si Prinsipe Henry the Navigator ng Portugal na ang layunin ay mapalaya
ang mga kristiyano na naging alipin ng mga Muslim sa Africa. Kaya ang
Portugal ang unang bansang naglunsad ng ekspedisyon.
Gawain 4: Tuklasin Mo!
Panuto: Punan ang talahanayan ng hinihinging mga imporamasyon tungkol sa mga
nanguna sa eksplorasyon.
1. Ano-ano ang mga salik sa eksplorasyon?
2. Paano ito nakakaapekto sa kasaysayan?
Salik ng Eksplorasyon Epekto sa Kasaysayan

1.) Ruta ng Kalakalan Nakakarating ang mga produkto ng Asya sa iba’t


ibang ruta patungong Europe
2.)

3.)

4.)

5.)

6.)

17
Mga Europeong Nanguna sa Eksplorasyon
1. Ang mga Portuguese
• Portugal ang unang bansang nanguna sa ekspedisyon. Kabilang ang
Portugal sa Iberian Peninsula gaya rin ng Spain. Pinaunlad nito ang
tradisyong pandagat.
• Naging sentro ng kalakalan ang Lisbon at Oporto. Ang suporta ni
Prinsipe Henry the Navigator sa mga mandaragat na Portuguese.
Pinangunahan ni Prinsipe Henry (Portugal) ang paggalugad sa baybayin
ng Africa. Ito ay nagbunga ng pagkakatuklas sa Azores, Canary, at Cape
Verde
• Kilalang manlalayag ay si Vasco de Gama na narating ang Cape of
Good Hope noong 1498. Siya ang unang Europeong nakarating sa India
sa pamamagitan ng paglalakbay sa dagat.
• Bartholomeu Dias narating niya ang dulo ng Africa noong 1488.
Tinawag na Cape of Good Hope
2. Ang mga Espanyol
• Christopher Columbus isang manlalayag na Italyano na nakarating sa
America o New World noong 1492. Nakakuha ng suporta kay Reyna
Isabella na nagnanais na Palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
• Naglayag si Columbus na pakanluran at narating ang Carribean Islands
noong Oktubre 12, 1492 na inakala niya na nasa India siya dahil ang
mga tao doon ay kayumanggi ang kulay ng balat hindi niya alam na ito
ang America na tinawag na New World.
• Christopher Columbus tatlong buwan ang inilagi niya sa kanilang
paglalakbay nang maabot ang Hispaniola (Haiti at Dominican Republic)
at ang Cuba. Maraming ginto silang natagpuan. Pagbalik sa Spain si
Columbus ay binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at
Gobernador ng mga isla na kanyang narating.
• Tatlo pang ekspedisyon ang kanyang pinamunuan bago siya namatay
noong 1506. Narating niya ang Caribbean at South America pero bigo
sa paghahanap ng bagong ruta sa Silangan.
• Nagkaroon ng iringan ang Portugal at Spain sa paglalayag ni
Christopher Columbus kaya hinati ang mundo ni Papa Alexander VI na
ang silangang bahagi ay sa Portugal at Kanluran naman sa Espanya.

18
• Amerigo Vespucci isang Italyanong nabigador na nagpaliwanag na ang
narating ni Columbus ay bagong mundo kaya ang America ay
pinangalan sa kanya.
• Ang capital ng United States of America ay Washington DC ay
nagpupugay sa kanya dahil ang DC ay District of Colombia

Ekspedisyon ni Ferdinand Magellan

• Ang kauna-unahang nakaligid sa buong daidig sa pamamagitan ng


dalawang ekspedisyon
• Natuklasan ang Strait of Magellan. Nagbigay ng pangalan sa karagatang
Pasipiko dahil nang dumaan ang kanyang mga barko ito ay mapayapa.
• Natuklasan ang Pilipinas.
• Ang mga barko ni Ferdinand Magellan: Trinidad, San Antonio,
Concepcion, Santiago at Victoria.
• Ang barkong Victoria ang nakabalik sa Espanya sa pamumuno ni
Sebastian del Cano.
3. Ang mga Dutch (Netherlands)
• Inagaw ng mga Dutch ang Moluccas sa Portugal at nagkaroon ng
sistemang plantasyon. Nagkaroon ng kolonyal sa America na tinawag na
New Amsterdam na naging New York. Kilalang manlalayag ay si Henry
Hudson.
• Hindi agad nakapagsimula sa pakikipagsapalaran sa Asya dahil sa
tunggalian laban sa Spain.
• Henry Hudson isang manlalakbay na Ingles, nanilbihan sa mga Dutch.
Natuklasan ang New Netherland at New Amsterdam ngayon ay New
York na nagkaroon ng isang trade outpost noong 1624.Natuklas ang
Hudson Strait, Hudson Bay at Hudson River.
4. Ang mga English
• Noong 1600 binigyan ng England ang English East India Company ng
karapatang makapagsulong ng interes na pangkalakalan at monopoly sa
Africa, East Indies, Virginia at iba pang bahagi ng America.
• Natagalan sa digmaan sa Spain kaya hindi nakapagtatag agad ng
kolonya sa America.
5. Ang mga French
• Jacques Cartier noong 1534 naabot niya ang St. Lawrence River at
isinailalim sa France ang silangang bahagi ng Canada

19
• Samuel de Champlain noong 1608 itinatag niya ang Quebec bilang
unang permanenteng kolonyal ng French at sentro ng kalakalan ng fur
o produktong gawa sa balahibo ng hayop.
• Louis Jolliet noong 1673, naabot niya at misyonerong Heswita na si
Jacques Marquette ang Mississippi River at naglakbay hanggang
Arkansas River
• Kanyang pinangunahan noong 1628 ang ekspedisyon sa Mississippi
hanggang sa Gulf of Mexico. Ang lahat ng lupaing ito ay inalay kay
Haring Louis XIV ng France kaya tinawag itong Louisiana kaya
nagkaroon ng paligsahan sa pagitan ng France at England

Gawain 5: Pag-isipan Mo!


Panuto: Tukuyin ang mga personalidad na nanguna sa eksplorasyon at alamin kung ano
ang kanilang kontribusyon sa kasaysayan.

1. Sino-sino ang mga Europeong nanguna sa eksplorasyon?

2. Ano-ano ang kanilang kontribusyon sa kanilang larangan?

3. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnanais sumakop sa iyong bansa, ano


ang iyong gagawin?

Personalidad Larangan Kontribusyon

1.) Ferdinand Magellan Navigation/paglalakbay Nakadiskubre ng Pilipinas

2.)

3.)

4.)

5.)

6.)

7.)

8.)

9.)

10.)

20
Mga Epekto ng Eksplorasyon

1. Una naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europe


2. Bumagsak ang mga Imperyong Aztec at Inca kaya nagkaroon ng
malawakang lupain ang mga Espanyol
3. Sa Europe makikita ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin dahil sa
pagkakaroon ng mas maraming ginto at pilak
4. Dumami ang mga uri ng pagkain at populasyon sa Europe
5. Lumaganap ang mga sakit gaya ng bulutong , yellow fever , tigdas o
tipus
6. Nagkaroon ng Columbian Exchange o pagpapalitan ng mga halaman,
hayop o sakit
7. Nagkaroon ng bagong lahi tinatawag na mestizo

• Ang mga eksplorasyon na pinangungunahan ng mga Espanyol at


Portuguese ay nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga
lupain hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyon na hindi pa
natutuklasan. Ito rin ang naglakas sa ugnayang silangan at kanluran
• Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag
• Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan
• Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad
ng kawalan ng kasarinlan, paninikil at pagsasamantala sa kanilang likas
na yaman
• Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta ng
palitan ng mga hayop, halaman, pati mga sakit sa Old World (Asya,
Europe at Africa) at New World (North and South America)
• Nagkaroon ng kalakalan ng mga alipin na galling Africa upang tustusan
ng lakas paggawa sa North at South America dahil sa marami sa mga
katutubo ang namatay sa mga sakit
• Nasira ang kultura ng mga Africa at nabawasan ang populasyon ng
Africa
Epekto ng Kolonyalismo sa ating Bansa

A. Ang mga Espanyol


• Sila ang pinakamatagal na nakinabang at nagpasailalim sa atin. Kaya
sila ang maituturing na may pinakamalaking kontribusyon sa ating

21
kultura. Sa kanilang 300 at mahigit na pananalagi, naibahagi nila ang
kanilang mga paraan ng pamumuhay sa atin.
• Mga naibahagi ng mga Espanyol:
a. Edukasyon d. Pananamit
b. Relihiyon e. Likhang Sining
c. Pagkain f. Pag-uugali
B. Mga Amerikano
• Sila ang sumunod sa Espanya sa pagpapasailalim sa kanilang
kapangyarihan. Sila ang nagpakilala sa mga Pilipino ng isang
modernong mundo. Sa ilalim ng kanilang panahon ay naging makabago
tayo.
C. Mga Hapon
• Sila ang ikatlong dumayo sa ating bansa. Sa ilalaim ng kanilang
kapangyarihan, na bigyang tuon nila ang agrikultura at iba pang
hanapbuhay. Partikular na rito ang pagpaparami ng bibe.

Ano ba ang Epekto?

Mabuti o Masama?

PAREHO. Mabuti dahil mas napaunlad at lalong naging mayaman ang


ating kultura. Isang kulturang maaring maipagmalaki at ipagmayabang sa
buong mundo.
Masama dahil ang ilang mga orihinal na kultura, tradisyon at kaugalian
mula sa ating mga pinaka ninuno ay nakalimutan na at natabunan dahil
sa impluwensyang kolonyal ng mga mananakop.
Ang marapat nating gawin ay pangalagaan ang ating pinaka-tanging
kultura at huwag magpatangay sa agos ng modernong panahon na
tumatalikod sa sariling kinalakihan.

Gawain 6: Mabuti o Masama?


Panuto: Isulat ang inyong paninindigan tungkol sa naging epekto ng ekplorasyon ng mga
bansang Europeo sa kasaysayan kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama sa bansang
kanilang sinakop. Pangatuwiran.

Halimbawa: Ano-ano ang epekto ng eksplorasyon at pananakop sa Pilipinas? Masama ba o


Mabuti?

22
EPEKTO NG EKSPLORASYON

KABUTIHANG EPEKTO MASAMANG EPEKTO

________________________________ ________________________________
________________________________ ________________________________
________________________________ ________________________________
_

________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________

________________________________ ________________________________
________________________________ ________________________________
________________________________ ________________________________

Gawain 7. Paglinangin Mo!


Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem
na hindi nasagot at subuking muli. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.
1. Sino ang nakarating sa Cape of Good hope noong 1498?
a. Prinsipe Henry the Navigator c. Vasco de Gama
b. Batholomeu Dias d. Christopher Columbus
2. Alin sa mga manlalayag ang nagbigay pangalan sa “Cape of Good Hope”?
a. Prinsipe Henry the Navigator c. Vasco de Gama
b. Batholomeu Dias d. Christopher Columbus
3. Sino ang nakarating sa Amerika o New World noong 1492?
a. Prinsipe Henry the Navigator c. Vasco de Gama
b. Batholomeu Dias d. Christopher Columbus
4. Ipinangalan sa kanya ang kontinente ng America?

23
a. Ferdinand Magellan c. Amerigo Vespucci
b. Henry Hudson d. Samuel de Champlain
5. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin?
a. Para ipalaganap ang kristiyanismo
b. Para maghanap ng alternatibong ruta
c. Para ipakita ang kapangyarihan ng kanilang bansa
d. Para baguhin ang sibilisasyon
6. Sino ang manlalayag na nakatuklas ng Pilipinas?
a. Ferdinand Magellan c. Amerigo Vespucci
b. Henry Hudson d. Samuel de Champlain
7. Alin sa mga barko ni Ferdinand Magellan ang tanging nakabalik sa Espanya?
a. Trinidad c. San Antonio
b. Concepcion d. Victoria
8. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga bagong lupain?
a. Para ipahayag ang diwa ng kristiyanismo
b. Para magkaroon ng magandang sibilisasyon
c. Para magkaroon ng maraming alipin at tauhan
d. Para pagkukunan ng pagkain at pangunahing pangangailangan ng bansa
9. Sa kaninong hari ipinangalan ang estado ng Louisiana?
a. Louis XIV c. Louis XIII
b. Louis XV d. Louis XVI
10. Alin sa mga sumusunod ang nagtatag ng Quebec?
a. Ferdinand Magellan c. Amerigo Vespucci
b. Henry Hudson d. Samuel de Champlain
Rubrik sa Pagpupuntos
Panukatan Pinakamahusay Higit na Mahusay Mahusay Di Mahusay
(4) (3) (2) (1)
Pagkamalikhain Nagpamalas ng pagkamalikhain, Nagpamalas ng 3 Nagpamalas ng Isa lamang ang
kahandaan, kooperasyon at sa 4 na 2 sa 4 na naipamalas na
kalinawan sa presentasyon ang kahusayan kahusayan kahusayan
pangkat
Nilalaman May tuwirang kaugnayan ang Nagpamalas ng Nagpamalas ng Isa lamang ang
eksibit sa mga konseptong pinag- 3 sa 4 na 2 sa 4 na naipamalas na
aaralan batay sa pamantayang pamantayankahu pamantayankahu pamantayankahus
tulad ng orihinalidad, pakakabuo at sayankahusaya sayankahusaya ayankahusayank
pagkakaugmay ng mga ideya. nkahusayan nkahusayan ahusayan
Pangkalahatang Sa kabuuan, nag-iwan ang output Nagpamalas ng Nagpamalas ng Isa lamang ang
Impak ng tumpak na mensahe, 3 sa 4 na 2 sa 4 na naipamalas na
nakahikayat sa mga nagmasid, at naisagawakahus naisagawakahus naisagawakahusa
nakatanggap at maayos na ayankahusayan ayankahusayan yankahusayanka
reaksyon sa mga nagmasid. kahusayan kahusayan husayan

24
V. Pangwakas
Gawain 8: ICOLLAGE MO AKO?
Panuto: Maraming naiwang pamana ang naganap na pananakop ng mga bansang Europeo
sa ating bansa ngayon. Upang maipakita ang pagbibigay-halaga lilikha kayo ng isang
collage na maglalaman ng mga naging kontribusyon o pamana ng mga ito. Maging
malikhain sa inyong gawain.

Susi sa Pagwawasto
5. b 10. d
at karangalan
4. a 9. a
3. Katanyagan
3. d 8. d
2. Kristiyanismo
2. c 7. d
1. Kayamanan
1. a 6. a
Gawain 1
Gawain 2 5. c
4. c
3. d
2. b
1. c
Gawain 7

Mga Sanggunian

Blando, R. C. (2014, 300) Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul ng Mag-


aaral. Pasig City:DepEd-IMCS Vibal Group, Inc.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 – Gawain 2 Nasa guro ang pagpapasya gamit ang rubrik sa
pagpupuntos
Inihanda nina:

FEDELINA J. TECSON
JOSELITO G. LOQUINARIO
Guro sa AP 8

Palaging Tandaan:
Dapat araw-araw na nakasunod sa mga protokol pagdating sa personal na
kalinisan para makaiwas sa ano mang mga sakit. Ugaliing maghugas ng kamay .

25
TRENTO NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 8
LAS-Q3- W4
ANG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO,
ENLIGHTENMENT AT INDUSTRIYAL
I.Panimula (Susing Konsepto)
Ang Rebolusyong Siyentipiko ay tumutukoy sa panahon ng malawakang pagbabago
sa pag-iisip at paniniwala na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 hanggang sa ika-17 siglo.
Samantala,nakabuo ang ilang mga iskolar ng mga teorya sa pilosopiya na naging
batayan ng konsepto ng pamahalaan, demokrasya, at edukasyon sa modernong panahon.
Ang panahong kinapakalooban ng mga nasabing iskolar ay nakilala bilang Age of
Enlightenment o Panahon ng Kaliwanagan.
Bagama’t ang termino ay Rebolusyong Industriyal,hindi nangangahulugang
industriya lamang naganap ang pagbabago. Sa katunayan, ang pagdami ng mga pabrika,
pagkakaroon ng mga pagbabagong pang-ekonomiya, at mga bagong natuklasan sa agham
ay nakaapekto sa buhay ng mga tao sa Europe at maging sa buong daigdig.
II. Kasanayan sa Pagkatuto at Koda
Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal (AP8PMD-IIIi-10)
Layunin:
g. Natutukoy ang dahilan, pangyayari at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal
h. Natatalakay ang mahahalagang pangyayari kaugnay ng Rebolusyong
Siyentipiko , Enlightenment at Rebolusyong Industriyal
i. Napahalagahan ang kontribusyon ng mga siyentista at pilosopo sa panahon
ito hanggang sa kasalukuyan
III. Pamamaraan
7. Mga kagamitan
➢ Activity Sheet, panulat at iba pa
8. Pamantayan
➢ Ihanda ang mga kagamitan katulad ng Activity Sheet at panulat.
➢ Huwag magtungo sa susunod na gawain kung hindi pa naisasagawa ang
mga naunang gawain.
➢ Maging matapat sa pagsagot sa mga gawain.
9. Pangkalahatang Panuto
Ang “Activity Sheet” na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mo ang mga

26
aralin sa Araling Panlipunan 8 kahit hindi ka makapasok sa paaralan. Upang maging
lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin sundin mo nang tapat ang
mga sumusunod:
➢ Basahing mabuti ang bawat panuto na nakasulat sa bawat gawain na
ibinigay.
➢ Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat.
➢ Isulat ang tamang sagot sa Activity Notebook.
➢ Magtanong sa magulang, kapatid, kasambahay o magtext/magchat o
tumawag sa guro kung kailangan.
➢ Isulat ang pangalan ng guro sa iyong Activity Notebook.
➢ Huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan.
IV. Mga Gawain
Gawain 1. Alamin Mo!
Panuto: Alamin ang mahalagang konsepto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal.
Hanay A Hanay B
1. Isang salitang latin na ibig sabihin ay kaalaman a. Nicolas Copernicus
2. Siya ang nagsasabing pabilog ang pagkilos ng mga b. Ptolemy
heavenly bodies c. Rene Descartes
3. Siya ang nagpanukala ng Heliocentric view d. Scientia
4. Nakilala sa kanyang linya na “I think, therefor I am” e. Salon
5. Tagpuan ng mga manunulat, pilosopo,at mga alagad ng

Rebolusyong Siyentipiko
➢ Tumutukoy sa panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala
na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 hanggang sa ika-17 siglo
➢ Sinasabing una nang natuklasan ng mga Griyego ang agham bago pa man
ang panahon ng Rebolusyong Siyentipiko na siyang ginamit bilang scientia o
“kaalaman” at nagbigay daan upang matutuhan ng mga tao ang mga tuklas ng
mga sinaunang iskolar.
➢ Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng
panibagong pananaw at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya
ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng tao ay nabawasan at humina dahil
sa mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong agham”.
➢ Ptolemy- ang nagsabing ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang
mga heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na pagkilos.

27
➢ Nicolaus Copernicus- isang astronomer na mula sa Poland na nakilala sa
kanyang heliocentric view sa kalawakan. Ayon sa kanya, hindi daigdig ang
sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa paligid nito
➢ Galileo Galilie- nakaimbento ng teleskopyo na ginamit niya sa pag-aaral ng
kalawakan.
➢ Tyco Brahe-isang Danish na siyentesta, pinatunayan niyang ang kometa ay
hindi lamang penomenong atmosperiko, bagkus, ang kometa ay
representasyon ng pagbabago sa kalawakan
➢ Johanes Kepler- isang German na naglathala ng akda ni Brahe, natuklasan
niyang ang paggalaw ng isang planeta sa orbit ay bumibilis habang lumalapit
ito sa araw o elliptical
➢ Isaac Newton- isang mathematician, natuklasan niya ang law of gravity bilang
paliwanag sa paggalaw ng planeta
➢ Rene Descartes- isang pilosopo at mathematician na French. Ipinaliwanag
niya ang mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit ang pamamaraang
matematikal. Tanyag sa kanyang linyang “cognito, ergo sum” (“I think,
therefore I am”). Naniniwala siya na ang katuwiran ang susi sa pagkakamit ng
kaalaman.
➢ Thomas Hobbes- sinabi niya na ang tao ay likas na makasarili kung kaya
palagi niyang katunggali ang kapwa tao.
➢ Salon – tagpuan ng mga manunulat, pilosopo,at mga alagad ng sining upang
magsagawa ng mga talakayang intelektuwal o magpamalas ng galling sa
sining
➢ Mary Wollstonecraft – tumalakay sa karapatan ng kababaihan sa kanyang A
Vindication of the Rights of Women (1792). Sa akdang ito,sinabi niyang dapat
magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto at magkaroon ng posisyon
sa pamahalaan

Gawain 2. May Ginawa Ako!

Panuto: Sa tulong ng mga kaalaman na nakuha ninyo mula sa tekstong binasa, punan ng
mahahalagang impormasyon ang talahanayan.

1.) Sino-sino ang mga personalidad na nanguna sa rebolusyong siyentipiko?


2.) Ano-ano ang kanilang mga mahalagang ambag sa kabihasnan?
3.) Bakit kailangan pahalagahan ng mundo ang naiambag ng bawat Rebolusyon?

28
PERSONALIDAD AMBAG SA KABIHASNAN

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

Panahon ng Enlightenment
➢ Enlightenment – isang kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang agham
sa pagsagot sa mga suliraning ekonomikal, political at kultural na nagsimula sa
batayang kaisipang inimungkahi ng mga pilosopo.
➢ Maraming nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang mapaunlad
ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon at
maging sa edukasyon.Ito ay tinatawag na Panahon ng Kaliwanagan o
Panahong Enlightenment.
➢ Bagamat ang Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe
noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay isang kilusang intelektuwal.
➢ Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang
Europe mula sa panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng
pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.
➢ Philosophe- grupo ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng
katuwiran, kaalaman at edukasyon sa pagsugpo ng pamahiin at
kamangmangan.
Mga Pananaw ukol sa Pamahalaan
➢ Thomas Hobbes tinalakay niya ang kalikasan ng tao at estado
• Absolutong Monarkiya ang pinakamabisang uri ng pamahalaan
• Likas sa tao ang kaguluhan kaya kailangan ng absolutong pinuno upang
supilin ang ganitong pangyayari
• Binigyang diin niya na ang tao ay kailangan pumasok sa isang
kasunduan sa pamahalaan at iwanan ang lahat ng kaniyang kalayaan at
maging masunurin sa puno ng pamahalaan.

29
• Dahil sa kasunduang ito pangangalagaan ng pinuno ang kaniyang
nasasakupan.
• Hindi binigyang karapatang magrebelde ang mga tao kahit pa hindi
makatuwiran ang pamamalakad.
➢ John Locke binigyang diin ang paniniwalang mahalaga ang gitnang uri at ng
kanilang karapatan sa pagmamay-ari, pananampalataya sa agham at
paniniwala sa kabutihan ng sangkatauhan o natural rights.
• May parehong paniniwala gawa ni Hobbes.
• Kailangan magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng
kanilang pinuno.
• Ang tao ay maaring sumira sa kasunduan sa pinuno kung ang
pamahalaan ay di kayang pangalagaan at ibigay ang kanyang natural na
karapatan.
• Ngunit naiiba siya sa paniniwala na ang tao ay may karapatang
mangatwiran, may mataas na moral at may natural na karapatan ukol sa
buhay, kalayaan at pag-aari.
• Binigyang diin niya na kung ang tao ay gumagamit ng pangangatwiran ay
makakarating siya sa pagbuo ng isang pamahalaang mabisang makipag-
ugnayan at tutulong sa kanya.
➢ Baron de Montesquieu ay nagsabing nakabase sa klima ang ugali ng tao o
maaaring makaimpluwensiya ang klima sa kalikasan ng isang tao.
• Naniniwala sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan.
• Hinati niya ito sa 3 sangay
1. Lehislatura – gumagawa ng batas
2. Ehekutibo – tagapagpatupad ng batas
3. Hukuman - tagahatol
➢ Jean Jacques Rousseau ay pinaliwanag ang Social Contract ay isang
kasunduan ng mga malayang mamamayan na lumikha ng isang lipunan at isang
pamahalaan.
➢ Francisc Marie Arouet ay nagsabi na ang demokrasya ay lalo lamang
nagtataguyod ng pagiging mangmang ng masa.

Gawain 3: Ikaw ba ay May Ambag?


1.) Sino-sino ang mga kilalalang manunulat sa panahon ng Enlightenment?
2.) Ano-ano ang kanilang ambag sa kasaysayan?

30
Thomas Hobbes

______________ ______________ ______________ _____________ ______________


______________ ______________ ______________ _____________ ______________
______________ ______________ ______________ _____________ ______________
______________ ______________ ______________ _____________ ______________
______________ ______________ ______________ _____________ ______________
______________ ______________ ______________ _____________ ______________
_ _ _ _______ _

Rebolusyong Industriyal

➢ Tumutukoy sa kaganapang panlipunan at pang-ekonomiya noong ika-15 na


siglo na humantong sa pagbabago mula sa lipunang agricultural at komersyal
tungo sa modernong industriyal
➢ Ang tinawag na Rebolusyong Industriyal ay may kaugnayan sa mga
kaganapang panlipunan at pang-ekonomiya na humantong sa pagbabago mula
sa lipunang agrikultural at komersyal tungo sa modernong lipunang industriyal.
➢ Naganap ito sa Great Britain noong kalagitnaan ng ika-19 siglo.
➢ Bakit sa Great Britain umusbong ang Rebolusyong Industriyal?
• Dahil nagkaroon ito ng maraming uling at iron na naging pangunahing
gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika.
• Mayroon itong malakas na hukbong pandagat na magbibigay proteksyon
sa kanilang imperyo.
• May sapat na capital na naipon mula sa mga naunang gawaing
pangkalakalan (pagproprudyus ng tela)
• Naimbento ni Eli Whitney ang cotton gin)
• Nakaimbento ng maraming makinarya na naging madali ang
pagpoprodyus ng mga tela at mura na itong binibili ng tao

Mga Salik sa Pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal

➢ Paglaki ng Populasyon
• Nakatulong ito sa karagdagang lakas-paggawa dahil sa mga panahong
naganap ang rebolusyong ito, nangangailangan ang Great Britain ng
mga manggagawa upang mapatibay ang kanilang ekonomiya.
➢ Enclosure Movement
• Ito ay isa sa mga nagdulot ng malaking pagbabago sa kapaligiran ng
mga bukirin sa Great Britain. Sa pamamagitan nito ang sistema ng

31
regulasyon at pagsasamantala sa mga lupain ay napalitan ng Sistema
ng pamahalaang pribado sa lupain.
• Epekto: Nagkaroon ng pagtaas sa produksiyong agricultural dahil sa
kakayahan ng mga Landlords na mamuhunan sa mga bagong
kagamitan at mag-eksperimento sa mga bagong teknik sa pagsasaka.
➢ Rebolusyong Agrikultural
• Ang nagsasalarawan sa panahon ng pag-unlad ng Britain sa pagitan
ng ika-17 hanggang 19 na siglo.
• Nakatulong ito upang makagawa ng mga kagamitan sa pagsasaka
tulad ng seed drill at McCormick I
➢ Mga Imbensyon
❖ Flying Shuttle- John Kay (1738) – nagpabilis ng paghahabi ng tela

https://bit.ly/3mJQOyL https://bit.ly/3oySLQ3

❖ Spinning Jenny- James Hargreaves- nagpabilis sa paggawa ng yarn


nagpabilis ng walong beses sa pag-ikid ng sinulid

https://bit.ly/3ju52S8

32
❖ Spinning Frame/Water Frame-Richard Arkwright (1769)- makina na
humahabi ng mas manipis na hibla kay sa Spinning Jenny

https://bit.ly/35MQetb

❖ Spinning Mule – Samuel Crompton (1779) –pinagsamang spinning


jenny at water frame, pinatibay at pinanipis ang yarn. Kayang humibla
ng libong sinulid gamit ang tubig

https://bit.ly/3e68u4a

❖ Power Loom- Edmund Cartwright (1785)-nagpabilis sa paghahabi

Mas mabilis na proseso ng paggawa ng hibla para sa paghahabi

https://bit.ly/2HDyc41

33
❖ Cotton Gin- Eli Whitney (1793) – Paghihiwalay ng buto ng bulak mula
sa hibla. Simpleng makina na naghihiwalay ng seedpods at fiber ng
cotton

https://bit.ly/3ju52S8

❖ Steam Engine at Watt Engine- Thomas Newcomen (1705) at (1760)


Nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para makapagsuplay ng tubig
na magbibigay ng enerhiyang hydroelectric na nagpatakbo ng mga
makinarya sa mga pabrika.

https://bit.ly/2TvYdoy
❖ Dynamo- Michael Faraday (1831)-devised the world’s first electric
generator in 1821. The generator he built was a seemingly simple thing:
a hand –cracked copper disk rotated between the poles of a permanent
magnet.

https://bit.ly/2G8Kj8U

34
❖ Telegrapo- Samuel Morse (1844)- nakatulong para makapagpadala
ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anakan sa
ibang lugar.

https://bit.ly/31NqMm3
❖ Telepono- Alexander Graham Bell (1870) isang aparatong pang-
telekomunikasyon na nagpapahintulot sa dalawa o mahigit pa na
makagawa ng pag-uusap kahit nasa malayong lugar sila.

https://bit.ly/3ju52S8

❖ Eroplano- Orville at Wilbur Wright (1870) isang sasakyang


panghimpapawid na nagkakarga ng mga pasahero o kargamento
mula sa anumang lugar.

https://bit.ly/3ju52S8

❖ Awto/ Kotse – Henry Ford (1909) isang de-makinaryang sasakyan na


may gulong, kayang paandarin ito gamit ang petrolyo o krudo.

35
Karaniwang ginagamit ito sa pampribado at pampublikong
transportasyon.

https://bit.ly/3ju52S8

Gawain 4. Magsanay Tayo!


1.) Ano-ano ang mga mahalagang imbensyon sa panahon ng rebolusyong industriyal?
2.) Paano nakatulong ang iba’t ibang imbensyon sa panahon ng rebolusyong industriyal
sa pamumuhay ng mga tao?
3.) Bilang isang mag-aaral, paano mo mabigyang-halaga ang kanilang naging
kontribusyon?

Mahalagang Imbensyon Pakinabang/Gamit

_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________

36
Gawain 5: Isulat Mo!
Panuto: Isulat ang mga mahalagang impormasyon na hinihingi ng graphic organizer na
nasa ibaba.

DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO

REBOLUSYONG
SIYENTIPIKO
ENLIGHTENMENT

REBOLUSYONG
INDUSTRIYAL

Gawain 6: Sagutin Natin!


Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
1. Sino ang sumulat ng aklat na “A Vindication of the Rights of Women”?
a. John Locke c. Jean Jacques Rousseau
b. Thomas Hobbes d. Mary Wollstonecraft
2. Ano ang tawag sa kilusang intelektwal na naglalayong gamitin ang
agham sa pagsagot?
a. Enlightenment c. Philosophe
b. Heliocentric View d. A Vindication of Women
3. Ano ang tawag sa mga grupo ng mga intelektwal sa humikayat sa
paggamit ng katuwiran?
a. Enlightenment c. Philosophe
b. Heliocentric View d. A Vindication of Women
4. Tinalakay niya sa kanyang aklat ang kalikasan ng tao at estado.
a. John Locke c. Jean Jacques Rousseau
b. Thomas Hobbes d. Mary Wollstonecraft
5. Sino ang kilalang manunulat na nagpakilala ng Natural Rights?
a. John Locke c. Jean Jacques Rousseau
b. Thomas Hobbes d. Mary Wollstonecraft

37
6. Siya ay isang kilalang Philosophe ang tatlong sangay ng pamahalaan.
a. Baron de Montesquie c. John Locke
b. Jean Jacques Rousseau d. Thomas Hobbes
7. Sino ang dakilang Philosophe na sumulat ng “The Social Contract
Theory?
a. Baron de Montesquie c. John Locke
b. Jean Jacques Rousseau d. Thomas Hobbes
8. Naisakatuparan ang rebolusyong political matapos umusbong ang mga
kaisipang liberal at radikal sa daigdig. Ano ang ugnayang Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal?
a. Ang rebolusyong pankaisipan ang nagtulak sap ag-usbong ng
rebolusyong political
b. Ang rebolusyong political ang naging sanhi ng paglaganap ng
rebolusyong pangkaisipan
c. Ang rebolusyong pangkaisipan at political ay bung ana lamang ng
Renaissance sa Europe
d. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at
Rebolusyong Pangkaisipan
9. Bakit naganap ang rebolusyong industriyal sa Europe?
a. Dahil sa paglaki ng population
b. Pagbabago sa kapaligiran
c. Dahil sa kakayahan ng mga landlord na mamuhunan sa bagong
gamitan o teknolohiya
d. Dahil ang Great Britain ang lugar ng mga imbentor
10. Sino ang nakaimbento ng Telegraph?
a. Eli Whitney c. Samuel Morse
b. Henry Ford d. Wilbur Wright

38
39
makaiwas sa ano mang mga sakit. Ugaliing maghugas ng kamay.
Dapat araw-araw na nakasunod sa mga protokol pagdating sa personal na kalinisan para
Palaging Tandaan:
Guro sa AP 8
JOSELITO G. LOQUINARIO
FEDELINA J. TECSON Inihanda nina:
I
Gawain 4
1. Fying Shuttle 6. Cotton gin 11. Eroplano
2. Spinning Jenny 7. Steam engine at watt engine
3. Spinning Frame/water fame 8. Dynamo 12. Awto/kotse
4. spinning mule 9. Telegrapo
5. power loom 10. telepono
Gawain 6 Gawain 3 Gawain 2
1. d 1. Thomas Hobbes – Kalikasan ng tao 1. Ptolemy – pag-ikot ng heavenly body ay
2. a at estado pabilog
3. c 2. John Locke – Natural Rights 2. Nicolaus Copernicus – Heliocentric view
4. b 3. Baron de Montesquieu – 3 sangay 3. Galileo Galilie – teleskopyo
5. a ng pamahalaan 4. Tycho Brahe – Kometa Gawain 1
6. a 4. Jean Jacques Rousseau – Social 5. Johannes Kepler – Elliptical orbit 1. d
7. b Contratc 6. Isaac Newton – law of Gravity 2. b
8. a 5. Francis Marie Arouet – Ang 7. Rene Descartes – I think therefore I am 3. a
9. c demokrasya ay nagtaguyod ng 8. Mary Wollstonecraft – A vindication of 4. c
10. c kamangmgangan ng tao Rights of Women 5. e
Susi sa Pagwawasto
aaral. Pasig City:DepEd-IMCS Vibal Group, Inc.
Blando, R. C. (2014, 300) Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul ng Mag-
Mga Sanggunian
5 Kabuuan
2 Maayos ang paglalahad ng kaisipan
3 Naaayon at naiugnay sa paksa
Puntos Pamantayan
Rubric para mga Gawain.
kilalang personalidad sa panahong ito.
ng isang Brochure o collection ng mga larawan ng mga pangunahing imbensyon at
ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal. Lilikha kayo
Panuto: Upang maipakita ang pagbibigay-halaga sa mga kontribusyon at pamana
Gawain 7: Brochure Natin To!
V. Pangwakas
TRENTO NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 8
LAS-Q3- W5-8
PAGKAMULAT: KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG
PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO
I.Panimula (Susing Konsepto)
Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o
lipunan. Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo’t higit sa mga
taong nasanay sa isang tahimik at konserbatibong pamumuhay.
Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europe at iba’t-
ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinag-aralang Europeo ang nagnais
na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang babasahin na tumatalakay sa
maling paniniwala at kaugalian.
Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo,
manunulat, artist at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang salons noong
1600s dito nagkaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa pagsapit ng 1700s,
ang kababaihang mula sa gitnang-uri ay nagkaroon ng kani-kanilang pagtitipon.
II. Kasanayan sa Pagkatuto at Koda
Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses, (AP8PMD-IIIi-10)
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
(Imperyalismo) (AP8PMD-IIIi-10)
Layunin:
j. Natatalakay ang Rebolusyong Pranses at Amerikano
k. Naihahambing ang mga dahilan at bunga ng Rebolusyong Pranses at
Amerikano
l. Naiuugnay ang mga pangyayaring ito sa mga kaganapang politikal sa
kasalukuyan
III. Pamamaraan
10. Mga kagamitan
➢ Activity Sheet, panulat at iba pa
11. Pamantayan
➢ Ihanda ang mga kagamitan katulad ng Activity Sheet at panulat.

40
➢ Huwag magtungo sa susunod na gawain kung hindi pa naisasagawa
ang mga naunang gawain.
➢ Maging tapat sa pagsagot sa mga gawain.
12. Pangkalahatang Panuto
Ang “Activity Sheet” na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mo
ang mga aralin sa Araling Panlipunan 8 kahit hindi ka makapasok sa paaralan.
Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo
nang tapat ang mga sumusunod:
➢ Basahing mabuti ang bawat panuto na nakasulat sa bawat gawain na
ibinigay.
➢ Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat.
➢ Isulat ang tamang sagot sa Activity Notebook.
➢ Magtanong sa magulang, kapatid, kasambahay o magtext/magchat o
tumawag sa guro kung kailangan.
➢ Isulat ang pangalan ng guro sa iyong Activity Notebook.
➢ Huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan.
IV. Mga Gawain
Gawain 1: Alamin Natin!
Panuto: Buuin ang salita sa bawat patlang ayon sa hinihingi nito. Isulat ang sagot sa
inyong kwaderno.
1. R________G A_______O Ang digmaan para sa Kalayaan ng Amerika
2. G________T B_______N Isang mananakop na bansa na nagtatag ng 13
kolonya sa North America.
3. M__________S Ito ang naging hangganan ng 13 kolonya sa Hilaga.
4. F__________E Gumastos ng malaking halaga ang Great Britain laban sa
bansang ito.
5. G_________A Ito ang naging hangganan ng 13 kolonya sa Timog.

Rebolusyong Amerikano
➢ Ang digmaan para sa Kalayaan sa America ay lalong kilala sa
katawagang Rebolusyong Amerikano.
➢ Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. Pagkatapos ay
nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na magiging tagapagtanggol sa
British.

41
➢ Ang Digmaang para sa Kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng
United States of America.
➢ Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo na sila ng 13
magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa Hilaga ay
Massachusetts at sa Timog ay Georgia.
➢ Noong 1750 ay gumastos ng napakalaking halaga ang British laban sa
France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya.
➢ Noong 1773 ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng mga
katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng
mga Ingles. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston
Tea Party.

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.ducksters.com

Gawain 2. Alamin Mo!

Panuto: Itala ang 13 kolonya na sakop ng Great sa North America noong 1750.

Ang 13 Kolonya ng British sa North America


1. 7. 13.
2. 8.
3. 9.
4. 10.
5. 11.
6. 12.
Rebolusyong Pranses
➢ Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis
XVI, isang Bourbon na ang pamumuno ay absolute. Ang absolutong hari

42
ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat
ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang
Divine Right Theory. Ito ay paniniwala na ang kapangyarihan ng isang
hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa.
➢ Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na
tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari
at ilan pang may katungkulan sa simbahan. Ang ikalawang estate ay
binubuo ng mga maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate
ay binubuo ng nakararaming bilang ng mga Pranses gaya ng mga
magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro, mananggol,
doctor, at manggagawa.
➢ Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng
malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang
bumubuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di
ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang
nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay ng
hari at ng kaniyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga
bumubuo sa ikatlong estate. Gayundin, ang maraming digmaan na
sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay na digmaan para sa
Kalayaan ng mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa
pangangailangan ng mga karaniwang Pranses.

Gawain 3: Magtanghal Tayo!

Panuto: Sumulat ng isang Tula/spoken poetry/slogan tungkol sa tanong na nasa


ibaba.

1.) Bakit ang nasa ikatlong estate lamang ang inatasang magbayad ng
buwis? Makatuwiran ba ito?

Paghahangad ng Kapayapaan

➢ Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha


sa mga British sa mundo. Ang Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang
isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinamay na

43
mga sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng
mga pagsasanay sa pakikipaglaban.
➢ Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng
Great Britain ang Kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika.
Samantalang ang mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng
hari ng England ay lumipat sa Canada na nanatiling kolonya ng Great Britain.
➢ Ang digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng
kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging daan sa pagbuo ng isang
bagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa
hinaharap.
➢ Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa Kalayaan ay naging simbolo at
inspirasyon sa maraming mga kolonya nan ais lumaya sa kanilang mga
mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses.
➢ Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpapabagsak
sa rehimen ng absolutong monarkiya sa France noong 1789 at nagbuo ng
isang republika nang lumaon.
➢ Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europe. Ito ang
nagsilang sa iba pang mga ideyang pampolitika gaya ng republikanismo at ng
mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat.
Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang
mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan.
➢ Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng
daigdig. Sang-ayon sa mananalaysay na si John B. Harrison, “Tulad ito ng
kahon ni Pandora na ang mabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang
nakagimbal at nakaimpluwensiya sa halos lahat ng sulok ng daigdig.”

Gawain 4. Mag-isip Tayo!

Panuto: Pag-isipang mabuti ang pagkakaiba ng Rebolusyong Amerikano at


Rebolusyong Pranses gamit ang teksto na nasa itaas. Punan ng inyong ideya ang
mga kahon na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa ibaba.

1.) May pagkakaiba ba ang karanasan ng mga mamamayang Pranses sa mga


Amerikano?

44
PAANO NAGKAKAIBA?

REBOLUSYONG ASPEKTO REBOLUSYONG


AMERIKANO PRANSES

MGA DAHILAN

MGA SANGKOT

DALOY NG MGA
PANGYAYARI

BUNGA O
IMPLIKASYON
SALOOBIN TUNGKOL
SA PANGYAYARI

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN


Ang Pananakop sa Makabagong Panahon
➢ Nagsimula ang pananakop ng mga kanluraning bansa sa ibang lupain nang
pumalaot ang mga barkong Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang
Portugal, Spain, Netherlands, France at Britain.
➢ Ang Panahon mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang
Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na paglawak ng
pagkakanluranin o Westernization ng ibang lupain.
➢ Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang
pananakop sa paggamit ng manifest destiny at white man’s burden. Ayon sa
doktrinang manifest destiny may karapatang ibigay ng Diyos ang United
States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang
Amerika. Ang paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng mga
Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na
kabihasnan.
➢ Ang Protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa paglusob
ng ibang bansa.
➢ Concession ay pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnenegosyo.
➢ Sphere of Influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan
kontrolado ang pamahalaan at pulitika ng makapangyarihang bansa.
Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
➢ Ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at espiritwal at
pangkultura ay ginagamit ng mga mananakop upoang ganyakin ang mga

45
bansang sakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho
sa pataniman, pagawaan ng barko at pagsisilbi sa hukbo.
➢ Pinagsamantalahan ng mga kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-
paggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang
bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang kanluranin.

Gawain 5: Punuan mo ako!


Panuto:Matapos mong mabasa at maunawaan ang teksto ay punuan mo ang
hinihinging impormasyon ng Concept Map.

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON

DAHILAN EPEKTO

____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________

Gawain 6: Pagtatasa
Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang titik ng tamang sagot.
1.) Ilang estado ang bumubuo sa kolonya ng Great Britain sa North America?
a.) 13 b.) 14 c.) 15 d.) 16
2.) Ano ang naging batayan sa pamumuno ng mga haring Bourbon sa France
kung saan absolute ang kanilang pamamahala sa mga mamamayan?
a.) Divine Will c.) Divine intervention

46
b.) Divine Providence d.) Divine Rights
3.) Sino ang amerikanong manunulat na nagsasabing “Ang Digmaan ay parang
Pandora’s box?
a.) Jean Jauques Rousseau c.) John Dewey
b.) John Locke d.) John Harrison
4.) Sino ang naging hari ng France noong 1789?
a.) King Louis XIV c.) King Louis XVI
b.) King Louis XV d.) King Louis XVII
5.) Ano ang tawag sa estado ng France na binubuo ng mga magsasaka, may-ari
ng mga tindahan, mga utusan, guro, mananggol, doctor, at manggagawa?
a.) Unang Estate c.) Ikatlong Estate
b.) Pangalawang Estate d.) Ikaapat na Estate
6.) Ano ang tawag sa estado ng France na binubuo ng mga pari at obispo?
c.) Unang Estate c.) Ikatlong Estate
d.) Pangalawang Estate d.) Ikaapat na Estate
7.) Ano ang tawag sa pangyayari sa Kasaysayan ng Amerika na ang mga
kolonista ay nagsuot ng mga katutubong Amerikano at sumampa sa
pangangalakal na bapor?
a.) Boston Tea Party c.) Georgia Tea Party
b.) Rhode Island Tea Party d.) Massachusetts Tea Party
8.) Paano ipinaglaban ng mga Amerikano ang kanilang Kalayaan?
a.) Sa makaturing pagbubuwis c.) Pagsunod sa batas ng Britain
b.) Sa pakikipaglaban sa Great Britain d.) Boston Tea Party
9.) Paano hinarap ng mga Amerikano ang malakas na puwersang military ng
Britain?
a.) Pagkakasundo at pagkakaisa c.) kagitingan at sipag
b.) Pagkakapantay-pantay d.) Ambisyon at pananakop
10.) Ano ang uri ng pamahalaan naging bunga ng rebolusyon sa France; ito ang
pamahalaan na pinamunuan ng mga halal ng mga mamamayan?
a.) Monarkiya c.) Republika
b.) Demokrasya d.) Oligarkiya

47
Rubric para mga Gawain.
Panukatan Pinakamahusay Higit na Mahusay Di Mahusay
(4) Mahusay (3) (2) (1)
Pagkamalikhain Nagpamalas ng Nagpamalas Nagpamalas Isa lamang
pagkamalikhain, ng 3 sa 4 na ng 2 sa 4 na ang
kahandaan, kooperasyon kahusayan kahusayan naipamalas
at kalinawan sa na
presentasyon kahusayan
Nilalaman May tuwirang kaugnayan Nagpamalas Nagpamalas Isa lamang
ang eksibit sa mga ng 3 sa 4 na ng 2 sa 4 na ang
konseptong pinag- pamantayan pamantayan naipamalas
aaralan batay sa na
pamantayang tulad ng pamantayan
orihinalidad, pakakabuo
at pagkakaugmay ng mga
ideya.
Pangkalahatang Sa kabuuan, nag-iwan Nagpamalas Nagpamalas Isa lamang
Impak ang output ng tumpak na ng 3 sa 4 na ng 2 sa 4 na ang
mensahe, nakahikayat sa naisagawa naisagawa naipamalas
mga nagmasid, at na
nakatanggap ng maayos naisagawa
na reaksyon sa mga
nagmasid.

V. Pangwakas
Gawain 7: Reflection Journal
Panuto: Pagkatapos mong basahin lahat ng teksto, hinihikayat kang magbigay ng
panata o pangako na isasabuhay mo ang pagiging mapagmahal sa bayan, o ang
prinsipyo ng nasyonalismo. Sa panatang iyon, masasagot ng mga ito:

1. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa inyong pang-araw-araw na


pamumuhay, bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino?
2. Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata ang pagsasabuhay ng prinsipyo
ng nasyonalismo?

48
Susi sa Pagwawasto

5. Georgia 10. c
4. France 13. Pennsylvania
9. a
3. Massachusetts 12. Virginia
8. b
2. Great Britain 11. North Carolina
7. a
1. Rebolusyong Amerikano 10. Georgia
6. c
Gawain 1 9. South Carolina
5. c
8. Maryland
4. a
7. Delaware
3. d
6. New Jersey
2. d
5. Connecticut
1. a
4. Rhode Island
Gawain 6
3. Massachusetts
2. New York
1. New Hampshire
Gawain 2

Mga Sanggunian

Blando, R. C. (2014, 300) Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul ng


Mag-aaral. Pasig City:DepEd-IMCS Vibal Group, Inc.

Inihanda nina:

FEDELINA J. TECSON
JOSELITO G. LOQUINARIO
Guro sa AP 8

Palaging Tandaan:
Dapat araw-araw na nakasunod sa mga protokol pagdating sa personal
na kalinisan para makaiwas sa ano mang mga sakit. Ugaliing maghugas ng
kamay.

49
Trento National High School
Trento, Agusan del Sur
Araling Panlipunan
SUMMATIVE TEST
Pangalan: _______________________________________________Seksyon:__________________
Test I. Multiple Choice
Panuto: Bilugan ang tamang sagot ng letra sa mga tanong na sumusunod.
1. Ano ang uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi nalilimitahan?
a. Absolute monarchy b. oligarchy c. Democracy d. Monarchy
2. Ano ang tawag sa panggitnang uri o middle class?
a. Burgh b. artisan c. Bourgeoisie d. ship owner
3. Ano ang tawag sa kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang agham sa pagsagot sa
mga suliraning ekonomikal, political at kultural?
a. Humanismo b. Enlightenment c. Repormasyon d. Merkantilismo
4. Ang paniniwalang ang daigdig (Earth) ang sentro ng sansinukob?
a. Geocentrism b. Heliocentrism c. Laissez faire d. Imperyalismo
5. Ano ang tawag sa kilusang intelektuwal na dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na
sibilisasyon ng Greece at Rome?
a. Humanismo b. Enlightenment c. Repormasyon d. Renaissance
6. Ang pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng
pananakop, pakikipagkalakalan at panggigipit ?
a. Humanismo b. Imperyalismo c. Repormasyon d. Enlightenment
7. Ang uri ng pamahalaan na pinamunuan ng hari at reyna?
a. Democracy b. Oligarchy
c. Monarchy d. Absolute Monarchy
8. Ang digmaang pinamunuan ni Napoleon Bonaparte na naglayong pag-isahin ang buong
Europe?
a. Napoleonic Wars b. Industriyalisasyon c. WW-I d. War of the Roses
9. Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya?
a. Open-enterprise b. Free-Market c. Laissez faire d. Socialism
10. Ang kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko?
a. Humanismo b. Imperyalismo c. Renaissance d. Repormasyon
11. Ano ang tawag sa damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa
isang bansa o estado?
a. Humanismo b. Imperyalismo c. Repormasyon d. Nasyonalismo
12. Ang kinikilalang “Ama ng Humanismo”?
a. Francesco Petrarch b. Leonardo da Vinci
c. William Shakespeare d. Miguel de Cervantes
13. Ang nakilala sa kanyang Obra Maestra na “The Last Supper” at “Mona Lisa”.
a. Miguel de Cervantes b. Francesco Petrarch
c. Leonardo da Vinci d. William Shakespeare
14. Ang nakilalang “Greatest Poet in English Language”?
a. Miguel de Cervantes b. Francesco Petrarch
c. Leonardo da Vinci d. William Shakespeare

50
15. Sino ang sumulat ng “Don Quixote de la Mancha”?
a. Francesco Petrarch b. Leonardo da Vinci
c. William Shakespeare d. Miguel de Cervantes
16. Sino ang sumulat ng aklat na nakilala dahil sa prinsipyong “The ends justify the means”?
a. Galileo Galilei b. Nicollo Machievelli
c. Isaac Newton d. Francesco Petrarch

17. Ang nagpanukala ng “3 Laws of Motion”.


a. Galileo Galilei b. Nicollo Machievelli
c. Isaac Newton d. Francesco Petrarch
18. Sino ang nagpahayag ng kanyang pagtutol sa simbahang katoliko dahil sa kanyang “Ninety-
Five Theses”?
a. Galileo Galilei b. Isaac Newton
c. Martin Luther d. Francesco Petrarch
19. Ang paniniwala na ang kaligtasan ng kaluluwa ng tao ay hindi pagpapasya nito kundi
pagpapasya ng Diyos.
a. Enlightenment b. Nirvana c. Predestination d. simony
20. Ang pagbebent sa posisyon ng pari o obispo.
a. Nirvana b. simony c. Predestination d. Indulhensiya
21. Ang tawag sa ordeng monastiko na itinatag ni Ignatius de Loyola?
a. Augustinian b. Dominican c. Jesuits d. Franciscan
22. Sino ang nagpanukala ng konseptong “Natural Rights”?
a. Jean Jacques Rousseau b. John Locke
c. Niccolo Machievelli d. Martin Luther
23. Ang tawag sa mga intelektuwal na humihikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman at
edukasyon sa pagsugpo ng pamahiin at kamangmangan.
a. Protestant b. Philosophes
c. Physiocrats d. Democrats
24. Ang ipinanukala ni Ptolemy na ang daigdig ang sentro ng sansinukob ay tinawag na
____________.
a. Heliocentric b. Geocentric c. Total Eclipse d. Eclipse
25. Nangangahulugan ng mabilis, agaran, at radikal na pagbabago sa isang lipunan?
a. Nasyonalismo b. Renaissance c. Rebolusyon d. Philosophes
26. Ang ipinanukala ni Nicolaus Copernicus na ang araw ang sentro ng sansinukob ay tinawag na
__________.
a. Heliocentric b. Geocentric c. Total Eclipse d. Eclipse
27. Sino ang kinikilalang “Father of Navigation”?
a. Prince Henry b. Amerigo Vespucci
c. Christopher Columbus d. Bartolome Diaz
28. Ang mga bourgeoisie na nagmamay-ari ng bangko”.
a. Banker b. artisan c. ship owner d. money
changer
29. Ang nagpanukala na ang orbit ng Earth ay hindi bilog kundi elliptical.
a. Johannes Kepler b. Galileo Galilie
c. Nicolas Copernicus d. Isaac Newton

51
30. Sino ang Swiss-French na Pilosopo na sumulat tungkol sa “The Social Contract Theory”?
a. Jean Jacques Rousseau b. John Locke
c. Niccolo Machievelli d. Martin Luther

Test II. Identification


Panuto. Isulat ang kompletong pangalan ng mga personalidad sa mga sumusunod na larawan. Bawal
ang pagbubura. 2 pts. each.

31._____________ 36.__________ 41.__________

32._____________ 37.__________ 42.____________

33._____________ 38._________ 34.____________

39.______________ 35.__________ 40.____________

“Whoever pursues righteousness and love, finds life, prosperity and honour.” Proverbs
21:21

52

You might also like