You are on page 1of 6

1st scene

Narrator-/Revilla: Sa isang malayong lugar sa Davao/ Blanco: May isang batang may kaya/ Oliver: at ubod ng ganda.

(Bianca enters)

Revilla: Mahal na mahal siya dahil siya na lamang ang naiwang alaala ng kanyang yumaong asawa.

(Charmae enters)

Lumanas: Halos lahat ng kanyang gusto ay ibinibigay ng kanyang ina.

Bianca: Mama,gusto ko po ng tsokolate,pwede po ba?

( charmae:nagisip-isip)

Charmae: sigi anak,ilang tsokolate baa ng gusto mo?

Bianca: 2 lang po.

Charmae: sigi anak,bibilhan kita mamaya.

Blanco: Wala na sanang mahihiling pa si Aling Rosa para sa kanyang anak,pero may ugali ang anak na kinaiinisan ni Aling
Rosa at ito ay ang pagiging tamad pagdating sa paglilinis at pag aalaga sa sarili. Daria ang pangalan ng kanyang anak.

(bumitaw sa pagkakayakap)

Scene2

(Bianca naglalaro hanggang sa nadumihan)

(charmae nakitang madungis na madungis si Bianca)

Charmae: Hay nako,ang dumi dumi mo nanaman,atsaka ang baho baho mo nang bata ka! Maligo ka na nga!

Bianca: Mamaya na po!

(charmae nagwalkout)

Lumanas: Nasa bakuran si Daria habang nakikipaglaro sa kaniyang sarili,hanggang sa may nakita siyang grupo ng mga
bata na kasing edad niya,napa isip si Daria at inayaya ang mga bata kung pwede siya makipaglaro sa mga ito.

Bianca: Pwede sumali?

Navida,Batiancila,Laganse: Eeee,ang baho baho mo,bawal ka sumali atsaka ang dungis dungis mo pa!

Revilla: Inayawan siya ng mga bata at nagsi alisan. Napasimangot nalang si Daria.

Scene3

(acting nga nagkasakit)

Lumanas: isang araw pagpasok ni Aling Rosa sa kanilang bahay ay sinalubong agad siya ng kanilang katulong na si Aling
Mira,bungad ng masamang balita.

Davin: Maam,may sakit po si Daria,Malala

Charmae: Asan si Daria?

Davin: Nasa loob po ng kwarto.

Blanco: Dali daling pumunta si Aling Rosa upang makita si Daria

(Charmae niyakap si Daria)

Blanco: Ilang saglit,nagsalita si Aling Mira upang magpaalam

Davin: Maam,aalis na po ako ditto,hindi ko po matiis ang amoy ni Daria

Scene 4

Revilla: Pumunta si Aling Mira sa simbahan upang ipagdasal ang kaniyang anak na si Daria
Charmae: Panginoon,sanay gabayan niyo ang aking anak at wag na wag niyo po siyang pababayaan lalo na po ngayon na
unti unti ng humihina ang aking Sistema sanay iligtas nyo siya sa tukso at sanay hindi siya libakin ng kapwa at matuto
nasana siyang alagaan ang kaniyang sarili.

Blanco: Nang matapos sa pagdadasal si Aling Rosa,tumayo siya sa kanyang kina upuan. Nang siyay nakatayo
na,nakaramdam siya ng pagkahilo at bigla nalang bumagsak. Bago siya bawian ng buhay,humiling ulit siya sa Panginoon.

Charmae: Wag nyo po siyang pababayaan Panginoon.

Lumanas: At tuluyan nangang nawalan ng buhay si Aling Rosa.

Scene 5

(Bianca nangurog at bumagsak sa kinaroroonan)

Lumanas: Habang nakaupo si Daria sa duyan,may kakaiba siyang naramdaman at bigla nalang nanigas ang kanyang mga
kalamnan at bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.

Revilla: Pumunta ang taong bayan sa bahay nila Aling Rosa upang ibalita kay Daria ang nangyari sa kaniyang Ina.

Taong bayan: Tao po! Tao po! Daria! Daria may sasabihin kami sayo (silence)

Blanco: Nang walang sumagot,napilitan silang sipain ang pintuan at sumalubong sa kanila ang mabahong amoy.

(abri purtahan)

Nabre: Naamoy niyo yun? Ang bahooo! (Siunundan ang mabahong amoy)

Batiancila: Umalis na tayo dito,wala naming tao at napakabaho din ditto.

Navida: Sige,tara na nga!

Revilla: Nang hindi nahagip ng mga mata nila si Daria,umalis sila kaagad sa sinasabing bahay

Scene 6

Revilla: Makalipas ang ilang araw at wala paring balita kay Daria,pumunta si Aling Mira sa kanilang bahay at sinalubong
siya ng mabahong amoy .

(Aling Mira pasok)

(Aling Mira sinundan ang mabahong amoy)

Lumanas: Sinundan niya ang mabahong amoy.

Davin: Sabi nila walang tao rito eh ganon nag anon ang baho ni Daria.

Blanco: Ilang araw ang nakalipas,hindi agad naniwala si Aling Mira na wala na doon si Daria kaya bumalik siya sa bahay
nina Daria.

Davin: Impossibleng wala dito si Daria,ganon na ganon ang baho ni Daria.

Blanco; Tinitigan ni Aling Mira ang puno na may masamang amoy at nalaman niyang si Daria nga ang puno dahil sa
kaamoy nito si Daria.

Davin: Ganito talaga ang baho ni Daria,hindi ako nagkakamali. Si Daria nga to! (niduol sa kahoy)

Revilla: Ipinagkalat ni Aling Mira ang nalaman hanggang sa nagging kwento-kwento na ito sa kanilang bayan.

Lumanas: Makalipas ang ilang buwan,nagging gutom ang mga mamamayan sa kanilang barrio,wala silang pwedeng
makain,maliban sa punong may mabaho na amoy . Dahil sa gutom,napilitang ang mga taong bayan na pumitas at kainin
ang bunga ng puno.

(Taong bayan nipitas ug bunga)

Laganse: Mmm . . ang sarap! Hindi ko akalaing ganito pala ang lasa nito,ang sarap!

Taong bayan: Oo nga! Ang sarap!

Revilla: Nang tumikim ang mga taong bayan,na inganyo sila sa sarap na dulot nito,hindi nila akalain na ganito ito kasarap.

Narrators: Simula noong naging paborito ito ng mga tao sa barrio at naging sikat ito,pinangalanan nila ito ng Durian,dahil
naamoy nila mula rito si Daria at ang lasa naman nito ay matamis gaya ng pagmamahal ng ina nya sa kanya

You might also like