You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pamagat : KWENTO NI MILA

Taon : Baitang 9

Asignatura : Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Kaisipan : Ang kasipigan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa pag-


iimpok ay mahalaga sa pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa

Takdang Panahon : 1 sesyon

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid
at pinamamahalaan ang naimpok (EsP9KP-IIIa-11.1)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYANG PAGGANAP


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Nakagagawa ang mag-aaral ng mga hakbang
kahalagahan ng kasipagan sa paggawa upang mapanatili ang kasipagan sa pag-aaral o
takdang gawain sa tahanan
Layunin:
A. Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at
pinamamahalaan ang naimpok (EsP9KP-IIIa-11.1)
B. Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may
motibasyon sa paggawa (EsP9KP-IIIa-11.2)
C. Napatutunayan na:
1) Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa itinakdang
mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa
2) Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng
itinakdang mithiin (EsP9KP-IIIb-11.3)
D. Nakagagawa ng chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain nang may
kasipagan at pagpupunyagi (EsP9KP-IIIb-11.4)

II. NILALAMAN
A. Paksa: Kasipigan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok
B. Mga Kagamitan: Laptop, Projector, Cartolina, Marker, Coloring materials, Batayang Module, Video
Mula sa BDO Foundation ukol sa Pagiimpok na pinamagatang ang “Ang KWENTO ni MILA.”
C. Batayang Aklat: Pagpapahalaga sa Aking Daigdig (Batayang Aklat) IV. 2000. pp.
D. Sanggunian:
 EASE EP III. Modyul 6.
 INFED Modules. BALS. Kalusugan Ko’y Ibigay.
 INFED Modules. BALS. Pamilya Sandigan.
 EASE EP III. Modyul 13.
 NFE Accreditation and Equivalency Learning Material. 2001. Kaya Nating Makamit ang Lahat
Kung Tayo ay May Disiplina.
 INFED Modules. BALS. Kalusugan Ko’y Ibigay.
 INFED Modules. BALS.
 BALS Video. Kaya Natin Makamit Lahat Kung Tayo ay May Disiplina.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng mga liban
3. Balik-Aral
Ang Alam Mo, Ibahagi Mo: Bilang “recap” ng nakaraang alituntunin sa “Kagalingan sa Paggawa,”
magtatawag ang guro ng 3 mag-aaral upang magbahagi ng tig-isang indikasyon na may kaildad o
kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto.

IV. PANLINANG NA GAWAIN


A. Pagganyak
Magpakita ng timeline kung saan ang pag-iimpok ay mahalaga kung ito ay sinimulan mula ng
pagkabata hanggang sa makahanap ng disenteng trabaho hanggang sa pagreretiro.

https://www.forbes.com/sites/laurashin/2013/10/15/the-5-most-important-money-lessons-to-teach-your-kids/#74b0c75c6826
Video Suri
“ANG KWENTO NI MILA”

B. Pagsusuri
Mga Gabay na Tanong
1. Tungkol saan ang video na napanood?
2. Meron ba kayong mga magkakatulad na karanasan at desisyon tungkol sa pera ni Mila?
Ipaliwanag.
3. Paano ipinakita ni Mila ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa
kanyang naimpok?
4. Anong mga katangian at gawain ang itinuro ni Mila kay Gino?
5. Aling mga tips tungkol sa pera na ipinikita sa bidyo ang iyong susubukan?
6. Meron ka bang mga ginagawa upang makatipid at makapag-ipon na hindi nabanggit sa
bidyo? Ibahagi.
7. Ikumpara ang mga karakter nina Mila at Gino. Sa iyong palagay, lubos na bang natuto si Gino
nang wastong pagtitipid at pangangasiwa ng pera?

C. Paghahalaw

Pangkatang Gawain: Hahatiin ang klase sa anim na grupo. Gamit ang cartolina at marker, gumawa
ng isang comic strip na nagpapakita ng (1) kanilang mga suliranin o mga hamong pinagdaraanan at
(2) importansya o kahalagahan ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa
naimpok sa mga sumusunod na kategorya:
 Sa sarili
 Sa pag-aaral
 Sa pamilya
 Sa kapwa
 Sa ekonomiya o estadong pampinansyal
 Sa ating bansa

Ipepresenta at ipapaliwanag ng bawat grupo sa klase ang kanilang likha.


D. Paglalagom
Tandaan: Ipakita at ipabasa nang malakas ng mga sumusunod na kataga sa mga mag-aaral.

Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa itinakdang


mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa.

Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng


itinakdang mithiin.

V. PAGTATAYA
Pera Mo, Paramihin Mo!: Magpakuha ng isang bahaging papel sa mga mag-aaral at ipahati ito sa tatlo
nang patayo, upang makagawa ng tatlong column. Sa pinaka-kaliwang bahagi, ipalista sa mga mag-
aaral ang 5 sa kanilang pinaka-importanteng pag-iipunan sa susunod na 10 buwan. Sa gitnang bahagi,
ipasulat ang petsa kung kailan nila gustong mabili o mapag-ipunan ang kanilang mga inilista. Sa pinaka-
kanang bahagi, ipalista ang mga kailangang gawin at isakripisyo upang mapag-ipunan ang mga inilista.
Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng kanilang chart.

VI. TAKDANG ARALIN


Ang guro ay magtatalaga ng bawat isang bata ng isang “piggy bank” at hayaan itong mapuno
gamit ang mga perang barya at papel na natira sa kanilang baon sa loob ng isang linggo.
Maaaring subaybayan ng mga magulang ang pag iimpok ng kanilang mga anak upang matuto
ang mga ito na makapag-ipon sa murang edad. Ang guro ay magbibigay ng araw o petsa kung
kailan dadalhin ng mga bata ang kanilang “piggy bank” sa paaralan upang buksan ito ng
sabay-sabay.

You might also like