You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukation
Rehiyon III
Schools Division Office of Bataan

MARIVELES NATIONAL HIGH SCHOOL- MALAYA


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

I. Tukuyin ang pangungusap kung ito ay halimbawa ng ugali na mayroon ang nagdadalaga at
nagbibinata. Gumuhit ng kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kaugalian ng dalaga
o binata at naman kung hindi.

___1. Si Nina ay natuto nang mag-ayos para sa sarili simula noong siya ay nag 13 taong gulang
na.
___2. Si Arabelle ay lagi pa ring nakatabi sa higaan ng kanyang Nanay at Tatay dahil natatakot
siyang mag-isa sa kanyang sariling silid.
___3. Noong unang araw ni Niena sa paaralan ay nakaramdam siya ng hindi maganda sa kanyang
puson at napansin niyang may pagbabago din sa kaniyang katawan kalaunan ay napagalaman
niyang siya pala ay dinatnan na.
____4. Tuwing araw ng Linggo, ay palaging kasama ni Romeo ang kaniyang mga magulang ngunit
kalaunan ay mas gusto na niyang kasama ang kaniyang mga kaibigan sa pagsisimba.
____5. Hindi maiwasan ni Charmela na magkipaglaro pa rin ng patintero sa kaniyang mga
kaibigan sa labas kahit na siya ay 13 taong gulang na.
____6. Nahihilig si Jomarrou sa panunuod ng mga aksyon na uri ng palabas samantalang ang
gusto niyang panuorin dati ay mga cartoons.
____7. Napansin ni Erika Rose na siya ay nagkakaroon na ng dibdib at nagkakaroon na din ng
hubog ang kaniyang katawan.
____8. Natutuhan nang magkusa ng pag-aayos ng sariling gamit si Justine lalong higit ang
kaniyang mga kagamitan sa larong kaniyang hilig na basketbol. Hindi tulad dati na hinahayaan
niya lang ang kaniyang Nanay na mag-ayos ng mga kalat niya.
____9. Si Angelie ay isang simpleng babae na ang hangad lang ay makapaglaro ng Barbie ngunit
nung siya ay nagkaroon ng kaklase na matipuno, siya ay tumigil na sa paglalaro nito at mas pinili
niyang mag-damit ng maganda.
____10. Ang magkakaibigan na sina John-John, Tantan, Uriel ay mahilig maglaro dati sa labas ng
sikyo base na hanggang ngayon ay hilig pa rin nila ang paglalaro nito.

II. Si David at Goliath


Piliin ang titik ng tamang sagot.
11. Ano ang regalo mula sa Diyos na kailanma’y hindi mapapalitan, hindi natutunan at kusang
lumalabas lang kapag ito’y nadiskubre?
a. Hilig b. Talento c. Kakayahan
12. Siya ay tinaguriang pinakadakilang hari ng Israel dahil sa kaniyang katapangan at
pagpupursige.
a. David b. Goliath c. Saul
13. Anong uri ng instrumento ang kayang tugtugin ni David?
a. Gitara b. Alpa c. pluta
14. Siya ay isang higanteng mula sa kaharian ng Filesteo na nakipag-sagupaan sa matapang na si
David.
a. David b. Goliath c. Saul

15. Sa paanong paraan natalo ni David si Goliath?


a. Gumamit siya ng itak upang putulin ang kamay ng higanteng si Goliath
b. Gumamit siya ng pana at ipinatama sa puso ni Goliath
c. Gumamit siya ng bantil at baton a ipinatama sa kaniyang noo

16. Siya ang tauhan na may malaking inggit kay David dahil nasa puso ni David ang Diyos. Siya ang
nagpakamatay dahil sa pagsasaksak sa sarili.
a. David b. Goliath c. Saul

17. Anong aral ang makukuha sa paglalaban ng dalawang bida sa kwento?


a. Hindi hadlang ang pagiging Malaki ng isang tao dahil pati rin ang mga maliliit ay may
taglay na kakayahang naiiba sa lahat.
b. Palaging nananalo sa lahat ng bagay ang mga taong matatangkad at malalaki dahil sila
ang may mas malaking kakayahan.
c. Malaki ang pagkakaiba ng tangkad ng ng bawat tao sa mundo sila din ay tinataguriang
makakaangyarihan sa mundo.

18. Siya ay isang indibidwal na nagsasabing ang bawat tao ay may kakayahang talent at talino.
a. Isaac Newton b. Howard Gardner c. Arthur Mckenzie

19. Saang parte ng katawan natamaan ni David si Goliath?


a. puso b. tiyan c. noo

20. Ang hindi pagbibigay ng iyong pinakamahusay at pagwawalang-bahala sa regalong kaloob ng


Diyos. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito?
a. ang talentong handog ng Diyos sa atin ay dapat ating ginagamit upang kumita ng pera.
b. ang talentong handog ng Diyos ay dapat na ating ibalik sa paraan ng paglilingkod sa
kaniya.
c. Ang talentong bigay ng Diyos ay dapat na itinatago at hindi pinagmamalaki

III. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.


Mga iba’t ibang uri ng talento
I. Visual Spatial V. Musical/Rhythmic
II. Verbal/ Linguistic VI. Intrapersonal
III.Mathematical/ Logical VII. Interpersonal
IV. Bodily kinesthetic VIII. Existential
IX. Naturalist
____21. Sila ang mga uri ng taong may husay sa pagbabasa,pagsusulat, pagkukwento at
pagmememorya ng salita.
____22. Ito ay talinong may kinalaman sa paghahalaw lohial at numero.
____23.Ang taong mabilis matuto sa pamamagitan ng pagtingin sa larawan at makakabuo agad
ng konseptong kaniya lamang naisip.
____24. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga konkretong
karanasan sa pagsayaw, isports at iba’t ibang pang uri ng pampalakasan tulad ng
basketbol,boxing at iba pa.
____25. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit ng ritmo
o musika.
____26. Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
____27. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin,halaga at pananaw ng
mag-isa lamang siya.
____28. Ito ang uri ng talento na natututo sa kapaligiran tulad ng pag-aalaga ng mga halaman.
____29. Ito ang uri ng talento na may kinalaman sa pagkilala ng pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
Ito ang uri ng tao na hindi naniniwala kapag hindi pa niya nakikita ang isang bagay sa sarili niyang
mga mata.
____30. Ito ang uri ng talento na nahihilig sa pagtugtog ng mga instrumento at nakakaramdam
ng kagaanang loob kapag nakikinig sa musika.

IV. Mga iba’t ibang uri ng HILIG


Itugma ang mga sumusunod na pangungusap mula sa hanay A patungo sa hanay B.

HANAY A HANAY B
31. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa a. Outdoor
pagdidisenyo ng mga bagay.
32. Nasisiyahan sa paggamit ng mga b. mechanical
kagamitan
33.Nasisiyahan sa pagbabasa at pagsusulat c. Computational
34. Nakakahikayat at nasisiyahan sa pakikipag d. Scientific
ugnayan sa ibang tao
35. Nasisiyahan sa pag gawa ng mga gawaing e. Persuasive
pang opisina
36. Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong f. Artistic
kaalaman o pag iimbento ng mga bagay o
produkto
37.Nasisiyahan sa paglikha o pakikinig ng mga g. Literary
awitin
38.Nasisiyahang tumulong sa ibang tao h. Musical
39. nasisiyahan sa gawaing panlabas i. Social Service
40. nasisiyahang gumawa gamit ang bilang o j. Clerical
numero
Gampanin ng dalaga at binata sa lipunan, kaibigan, kapwa, sarili, magulang, nakatatanda at sa
kapiligiran.

Isulat ang TUMPAK kung ang pangungusap at nagpapahiwatig ng tamang pangungusap at WALEY
naman kung ito ay mali.

41. Nararapat na nakikiisa ang dalaga o binata sa mga organisasyong nagpapatupad ng kaayusan
ng kapaligiran
42. Ang dalaga o binata ay hindi na dapat nagmamano sa nakatatanda dahil nalalapit na ang
kanilang edad sa mga ito.
43. Ang dalaga o binata ay dapat na magdeklara ng sariling petsa kung kalian dapat ipasa ang
kanyang proyekto.
44. Ang tunay na dalaga o binata ay makikitahan ng pagiging mapala kaibigan at mahalaga para
sakaniya ang presensya ng pagkakaibigan.
45. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay dapat nang matutong tumayo sa kaniyang sarili,
marunong nang maging responsable.
46. Ang tungkulin ng kabataan sa kaniyang nakababatang kapatid ay ang pagwawalang bahala
nito na gawin ang lahat ng kaniyang gusto ng hindi ito sinusuway.
47. Bilang isang mag-aaral, ang kabataan ay may pagkukusang gumawa ng mga asignatura,
proyekto at iba pa.
48. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan,paaralan at samahan sa kanilang
mga proyekto.
49. Bilang isang kabataan, hindi na dapat pinahahalagahan ang pananampalatay dahil mas
marami nang dapat na pinapahalagahan lalong higit sa panahon ng mga Millenials sa ngayon.
50. Tumutulong dapat ang kabataan sa pagpapalaganap ng mga fraterny o gang upang sila ay
tumaas ang dignidad sa sarili.

“Ang taong may mabuting loob ay siyang nagtataglay ng magandang pananaw sa buhay”
“Iyong pagbutihan nang sa gayon ika’y magtagumpay!”
~P.M.J.V~

You might also like