You are on page 1of 8

Napahahalagahan ang Saya o Tuwang dulot

ng Pagbabahagi ng anumang Kakayahan

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS

1
PAUNANG SALITA
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
Alamin Natin

ARALIN 2:
Napahahalagahan ang saya o tuwangdulot ng pagbabahagi
ng anumangkakayahan o talent

Subukin Natin

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Lagyan ng ☺ ang patlang


kung nagpapakita ito ng kasiyahan sa pagbabahagi ng talento at
 naman kung hindi.

__________ 1. __________ 2.

___________ 3. . ___________4

___________5.

3
Balikan Natin

Panuto: Anu-ano ang mga kakayahan na natutunan


natin sa nakaraang aralin? Isulat sa kahon ang sagot.

Tuklasin Natin
Panuto: Basahin nang tahimik ang maikling kuwento.
Sagutin ang mga tanong.

Nagkaroon ng palatuntunan sa plaza. Inanyayahan ang


mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng San Andres na
ipamalalas ang kanilang mga kakayahan. Sila’y nagtanghal ng
iba’t ibang palatuntunan tulad ng pagsayaw, pag-awit,
pagbigkas ng tula, at pagtugtog ng gitara. Sumayaw si Pepay,
umawit si Kaloy habang tumutugtog ng gitara ni Rodel. Bumigkas
ng tula si Lita. Sina Red at Carla naman ang gumawa ng poster
para sa palatuntunan. Masaya nilang ipinakita ang kanilang
kakayahan. Tuwang-tuwa sa kanila ang taga-ugnay ng
programa.

4
Talakayin Natin

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


1. Paano ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento?

2. Ano ang kanilang naramdaman sa pagpapakita ng kanilang


kakayahan?

3. Paano mo naman ginagamit at pinahahalagahan ang iyong


natatanging kakayahan?

Pagyamanin Natin

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Lagyan ng tsek ang


kaukulang hanay.

Oo Hindi
1. Kung ikaw ay marunong sa pagguhit,tutulong k
aba?
2.MAyroon kang kakayahan sap ag-awit, hihimukin
mo ba ang iba sap ag-awit?

5
3. Kung may kakayahan ka sa pagsayaw, gaganap
ka lang ba?
4. Alam mong mahusay ka sa larangan ng pag arte,
susubukan mo bang mag audition?
5.May gagawing pagsasanay sa pag-aayos ng
bulaklak sa plasa at mahilig ka ditto, lalahok k aba?

Tandaan Natin

Ang taglay nating kakayahan ay dapat paunlarin sa iba’t ibang


pamamaraan tulad ng pagsasanay, pagpapaturo, pagsali sa
palatuntuntunan at paligsahan.

Isabuhay Natin
Panuto: Basahin ang komikstrip at sagutin ang mga tanong.

6
1. Bakit binati ng guro ang kanyang mag-aaral?

2. Sino-sino ang sumalisapaligsahan?

3. Masaya ka ba para sakanila?

Tayahin Natin

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ☺ ) kung tama ang


isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha (  ) kung
mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_______ 1. Masaya ako kapag nakapagtatanghal ako sa aming


palatuntunan.
_______ 2. Ayokong sumali sa mga palatuntunan sapagkat nahihiya
akong ipakita ang aking talento.
_______ 3. Tutulungan kong mapaunlad ang talento ng aking
kamag-aaral.
_______ 4. Pinasasalamatan ko ang mga taong natutuwa sa aking
kakayahan.
_______ 5. Magiging mayabang ako dahil alam kong may natatangi
akong talento.

Gawin Natin
Panuto: Iguhit ang iyong sarili habang nagpapamalas ng
iyong natatanging kakayahan. Sa ibaba ng iyong drowing, sabihin
kung paano mo ginagamit ang iyong talento.

7
Sanggunian
• LM sa ESP 2
• https://www.pngitem.com/pimgs/m/95-952491_transparent-
singing-clip-art-girl-singing-clipart-hd.png
• https://lh3.googleusercontent.com/proxy/C4jSnqz0s5brR81J2rk2
Pc56dztmoF74JVDnr7enchdHmIYhFv_8MwtIn6b122VEGxiamot7T
5_Yazc4UY7shHCQ

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma Teresa A. Triviño / Nancy P. Valdez
Content Editor: Marilen L. Pascual, Michelle B. Buan, Joenelyn L. Tuyay
Illustrator:
Lay-out Artist: Josuel Jon A. Daileg
Tagasuri: Michaela M. Bravo / Gemma S. Tataro

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
FERDINAND PAGGAO, EPS/EsP Focal Person
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like