You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: ______________

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Iskor: ___________


Aralin        : Quarter 1 Week 1; LAS 1
Pamagat na Gawain  : Kakayahan nang may Pagtitiwala sa Sarili
Gawain sa Pagkatututo : 1. Natutukoy ng natatanging kakayahan.(ESP3PKP-Ia-13)
2. Nakapagpapakita ng mga natatanging kakayahan nang may pagtitiwala sa sarili.
(ESP3PKP-Ia-14)
Sanggunian : ESP 3 Modyul 1
Manunulat              : Karen S. Yog
 
Konsepto:
Alam mo ba na bawat isa sa atin ay may natatanging kakayahan o talento? Siyempre, kailangan
lamang natin itong sanayin. Ang natatanging kakayahan ay isang biyayang bigay ng Diyos na dapat nating
sanayin at ipakita na may pagtitiwala sa sarili.

Ang mga halimbawa ng mga natatanging kakayahan o talento ay:


Pag-awit Pagguhit Pagtakbo Pag-arte

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang sinasabi sa pangungusap at ekis
(x) kung mali.
_____1. Sumali si Mateo sa mga paligsahang magpapabuti sa kanyang kakayahan.
_____2. Nahihirapan si Elay sa pagtakbo ng mabilis. Matiyaga siyang tinuruan ng
kanyang ama.
_____3. Inililihim ni Biday ang kanyang talento upang hindi siya magambala sa kanyang
mga gawain.
_____4. Kailangang ipakita at pagyamanin ang kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos.
_____5. Mahusay ang kamay ni Abbie sa pagpinta. Subalit pawang umpisa lamang
ang ginagawa niya.
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Sa iyong palagay, mahalaga bang ipakita ang iyong talento?
A. Oo, para mapaunlad ko ito B. hindi, dahil nakakapagod
C. siguro, pamapalipas oras D. hindi ko alam
2. May nalalapit na paligsahan sa inyong paaralan, marunong kang umawit, mag-arte,
at gumuhit. Ano ang dapat mong gawin?
A. huwag sasabihin sa guro B. sa susunod na lang sasali
C. sasali ako ng buong tapangD. lahat ng nabanggit
3. Mahilig kang kumanta, anong talentong mayroon ka?
A. sumayaw C. tumakbo
B. gumuhit D. umawit
4. Ikaw ay natalo sa isang paligsahan ng isports, ano ang iyong dapat gawin?
A. tatawa B. iiyak C. aalis D. maging isports
5. Dahil sa aking natatanging kakayahan, ___________ ako sa Diyos.
A. magtago C. magpasalamat
B. magreklamo D. malungkot

You might also like