You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
Dao, Pagadian City

Learning Activity Sheet (LAS) Template


Asignatura at Lebel: Edukasyon sa Pagpapakatao
Blg.ng Markahan: Unang Markahan Blg.ng Linggo: Unang Linggo

I. Pangunahing Impormasyon (Mag-aaral at Materyal)


Pangalan: _______________________Iskor:_____________
Seksiyon:________________________Petsa: ____________

Pamagat: Kakayahan mo, Ipakita Mo!


Kasanayang Pagkatuto at Koda: Nakapagpapakita ng mga
natatanging kakayahan nang may pagtitiwala sa sarili.
EsP3PKP- Ia – 14

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao, pahina 7

II. Susing Konsepto at Mga Halimbawa


Ito ay isang maikling input tungkol sa aralin kung saan
hinango ang aktibidad. Dapat magpasama ng mga
halimbawang magpapakita na maglalagay sa mag-aaral
tungo sa pagkamit ng kahandaan sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Ito rin ay magpapakilala at maglalarawan ng mga
aktibidad na gagawin ng mag-aaral. Mahalagang ang
bahaging ito ay mag-uudyok sa mag-aaral na gawin/isagawa
ang mga gawain.
III. Pamamaraan/Mga Gawain/Gabay na Tanong

I. Panuto : Ilagay ang masayang mukha kung ang pahayag ay


nagpapapakita ng mga natatanging kakayahan ng may pagtitiwala sa
sarili at malungkot na mukha kung hindi ito nagpapakita.

_____________1. Tinuturuan mo ang kaklase mo sa pagsayaw ng hiphop dahil


may kakayahan ka dito.
_____________2. Nahahanap ang inyong guro ng magaling maglaro ng
badminton para ilaban sa gaganaping intramurals. Nais mong sumali sana
ngunit nahihiya kang itaas ang iyong kamay dahil baka umasa ang iyong mga
mag-aaral na kayo ay mananalo at mapahiya ka lang dahil sa tingin mo marami
pa ang mas magaling sa iyo.

_____________3. Magaling kang kumanta kaya ibinabahagi mo ito sa


pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang paligsahan.

_____________4. Magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit sa iyong paaralan


ngunit nagdadalawang isip kang sumali dito dahil natatakot kang matalo at
mapahiya sa iyong mga kaklase.

_____________5. Sumali ka sa paligsahan sa pagtula nang walang pag-


aalinlangan.

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Sa iyong palagay, mahalaga bang ipakita ang iyong talento?


A. Oo B. hindi C. siguro D. hindi ko alam
2. May nalalapit na paligsahan sa inyong paaralan, marunong kang umawit, mag-arte, at
gumuhit. Ano ang dapat mong gawin?
A. huwag sasabihin sa guro B. sa susunod na lang sasali
C. sasali ako ng buong tapang D. lahat ng nabanggit
3. Mahilig kang kumanta, anong talentong mayroon ka?
A. sumayaw C. tumakbo
B. gumuhit D. umawit
4. Ikaw ay natalo sa isang paligsahan ng isports, ano ang iyong dapat gawin?
A. tatawa C. iiyak
B. aalis D. maging isports
5. Dahil sa aking natatanging kakayahan, ___________ ako sa Diyos.
A. magtago C. magpasalamat
B. magreklamo D. malungkot
Kamusta? Alam mo ba kung ano ang iyong mga natatanging talento o kakayahan? Ang mga
talentong ito ay kaloob sa atin ng Diyos na dapat nating linangin. Sa araling ito, iyong
mapapahalagahan ang mga natatangi mong kakayahan o talento.

Let Us Try
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang sinasabi sa pangungusap at ekis (x)
kung mali.
_______1. Sumali si Mateo sa mga paligsahang magpapabuti sa kanyang kakayahan.
_______2. Nahihirapan si Elay sa pagtakbo ng mabilis. Matiyaga siyang tinuruan ng
kanyang ama.
_______3. Inililihim ni Biday ang kanyang talento upang hindi siya magambala sa kanyang
mga gawain.
_______4. Kailangang ipakita at pagyamanin ang mga kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos.
_______5. Mahusay ang kamay ni Abbie sa pagpinta. Subalit pawang umpisa lamang ang
ginagawa niya.

IV. Susi ng Pagwawasto


Ang susi ng mga sagot ay para sa pagkonsumo lamang ng
guro at hindi dapat ibigay sa mag-aaral upang maiwasang
makopya ng mga mag- aaral ang susi sa pagsagot.

Inihanda ni:
MA. SONER ROSE B. DAGDAG
Pangalan ng Guro

BOKONG ELEMENTARY SCHOOL


Paaralan

Address: Provincial Government Center, Dao,


Pagadian City Strengthening
Telephone No.: (062) 214 – 1991 Unequivocal
E-mail Address: depedzambosur@gmail.com Response for
Website: www.depedzambosur.info Excellence

You might also like